XX. She deserves to be happy Back to Tanya Tebrero's Kaonti pa lang ang nagagawa kong imulat sa mga mata ko ay narinig ko na agad ang malakas na sigaw ng anak ko. Andito siya. Pinuntahan niya ako! "Mommy!" Pagkadilat ay mabilis ko rin itong agad na isinarado. Nananaginip na naman ako, masyado ko na talagang namimiss ang si Ali. "Mommy, gising na." Unti-onti kong idinilat ang mga mata ko. Dyosmiyo! Hindi ako nananaginip. Nasa hospital talaga ako kasama si Ali at si.. Josiah?! "B-Bakit tayo nandito?" tinulungan ako ng anak kong makaupo. Mula roon ay mas lalo ko lang nakumpirmang si Josiah nga ang nakaupo roon sa gilid. "Ma, hindi ka po kumakain! Ilang araw ba 'yun? Ni hindi man lang ako nabigatan noong binuhat kita," maririnigan ng pagtatampo ang boses ni Ali. "Anak, pasensya

