XIX. The Son

1380 Words
XIX. The Son Alesseo Tebrero's "Pinatayan mo na naman?" mas pinili kong hindi sagutin ang tanong na iyon ni Leo. Sasagutin ko pa, eh nakita naman na niya. "Ali, ilang beses na 'tong magawa ni Tita?" hinalukay ko ang memorya ko para masagot ang tanong na iyon. Inabot ko rin ang nachos na nasa ibabaw ng study table ni Leo at nilantakan iyon. "Isa," sagot ko. "The f**k, Ali? Isang beses lang? Yet ito ka?" kumunot naman agad ang noo ko. "Why? What about it?" Narinig ko ang lahat mg sinabi ni Mommy sa tawag nito kanina. Lahat ng paliwanag niya tungkol sa amnesia ng 'tatay' ko raw. Pero ano naman ang kailangan kong gawin doon? As if naman na magagawa ko pang kausapin iyong Josiah na iyon. He's not my dad. Matagal na kaming iniwan ng tatay ko at hindi na iyon babalik. "Lumayas ka pa?! It's the first time, bud. Alam kong may rason naman si Tita para roon. You are overreacting—" "No, I'm not!" "Yes, you are." tumalim ang mga titig ko sa kaibigang kaharap. "And here I am, convincing myself that you can understand the hell out of me." mapagbintang kong sabi. Malalim na huminga si Leo pagkatapos ay muling bumaling sa akin. "Ali, alam mo kung kanino ako nakapanig dito. Naiintindihan kita, alright? It's just that, hindi lang ikaw ang naiintindihan ko.. si Tita Tanya rin." Hindi na lang ako sumagot sa kung ano mang sinasabi nito, kinuha ko ang lata ng softdrinks na naroon pagkatapos ay iyon ang pinagkaabalahan. "Kaya mo ba?" Natigilan ako, ilang segundo bago tuluyang nakatingin sa kaharap. "Kaya mo bang wala si Tita Tanya? Kasi kung hindi naman talaga at pinauuna mo lang 'yang pride mo, wala kang paglalagyan niyan." malumanay nitong sabi. Leo is my childhood friend. Hindi man ito galing sa Quezon pero noong lumipat na kami rito sa Maynila ay siya na ang naging kaibigan ko. He's the serious type of guy, iyon bang tahimik lang pero marami talagang words of wisdom. "Hindi naman sa pinangungunahan kita, Ali. You know me. Ang akin lang, bilang kaibigan, ayokong maranasan mo 'yung pagsisising naranasan ko." Naulila siya sa Mommy niya three years ago at ang pinakamasaklap pa roon ay may naiwang away ang mag-ina kaya hindi na nagawang humingi man lang ng tawad ni Leo rito. Sobra sobrang pinagsisisihan niya ito hanggang ngayon. "Bud, Tita Tanya is the best mother we could all have. Kahit hindi niya ako kaano-ano, kapag magkasama tayo ay ni minsan hindi niya ako pinabayaan o kaya itinuring iba." Mommy... lied. Pero tama si Leo, isang beses lang niyang nagawa iyon. The rest? Iyon na ang nag-e-explain kung paano ito naging mabuting magulang para sa akin. Alam kong hindi dapat ako magpokus sa isang mali nitong nagawa, dapat mas bigyan ko ng pansin ang lahat ng isinakripisyo ni Mommy sa akin. She's such an amazing woman. Alam ko sa sarili ko noon pa lang na dahil sakanya, dahil sa mga ginagawa niya ay ni minsan hindi ko na ginustong magkaroon ng ama. Sobra sobra na kasi ang ginagawa nito para sa akin. Kailangan kong magsorry. Kailangan ko nang umuwi. Matagal na ang tatlong araw para pairalin pa ang pride ko dahil kung mayroon mang mas nasasaktan nito, si Mommy iyon. Nakuha na siyang iwanan ng tatay ko, iniwan ko pa siyang mag-isa sa bahay. Doon na tuluyng naglaho ang galit na mabilis na napalitan ng pag-aalala. "Leo, I need to go. I love my mom.. so much," nagmamadaling sabi ko. Mabuti ay madaling nakasunod si Leo para tulungan akong ihanda ang mga gamit ko. Bakit ko pa naman kasi ginawa iyon? Dapat hindi na lang ako umalis. Dapat noong araw ring iyon ay nakipag-ayos na ako para nang sa ganoon ay hindi na ako nakadagdag sa sakit na nararamdaman ni mommy. Ilang minuto lang, nasa byahe na ako pauwi. I started calling my mom pero wala nang sumasagot sa phone nito. I called her many times pero wala talaga, that's when I started panicking. Imposible namang tulog si Mommy eh, hapon pa lang. Isa pa, magdadalawang oras pa lang naman simula noong tinawagan ako nito. Paanong hindi na niya agad napapansin ang mga tawag ko ngayon? Nang makarating sa condo ay nagmadali akong agad. Kailangan ko nang humingi ng tawad, I've been too hard on my mom. Kailangan kong ihingi ng tawad ang lahat ng inasal ko pati ang mga salitang nasabi ko kay mommy. Tatlong katok lang sa pinto, alam ko agad na wala nang magbubukas noon kaya madali kong kinuha ang susing nasa wallet ko lang at binuksan ng tuluyan ng bahay. Posible kayang umalis si mommy ngayon? At saan naman siya magpupunta? "Mommy!" Halos maubos ang lakas na tatlong araw kong inipon nang makita siyang nakahandusay sa lapag. I started observing the house, wala naman ni isang bagay na nagulo maliban sa upuang mukhang ginamit ni mommy bago ito bumagsak sa sahig. Ibig sabihin, wala ni isa ang nakapasok sa bahay. She passed out! Ibinaba ko ang mga gamit at mabilis na tumawag ng ambulansya, mabilis ko ring tinawagan ang guwardya sa lugar na iyon kaya agad ding dumating ang saklolo. Minabuti kong makiusap sa guwardyang siya na saka ang magsarado ng bahay at ako na ang magbubuhat sa mommy ko. She's very light. Kumain pa ba ang mommy ko sa tatlong araw na iyon? "Ma, I'm sorry. Andito na ako, oh. U-Umuwi na ako, please. Wake up!" paminsan minsan ay kinakausap ko pa ito pababa. Nang magbukas ang elevator, hudyat na nasa ground floor na kami ay bumungad naman agad sa akin si Josiah. Gulat ang nasa mga mata nito at agad na bumaba ang tingin sa hawak ko. Hindi pa nga ito agad na nakagalaw dahil sa pagkabigla. "T-Tanya!" nang matauhan ay agad agad nitong kinuha mula sa akin si mommy kaya hinayaan ko na lang. Naisip ko kasing baka mas mabilis niyang mabubuhat si Mommy kapag siya ang nagbuhat. Kaming dalawa ang nasa loob ng ambulansya. Iniisip kong magtatanong pa siya tungkol sa nangyari pero minabuti na lang nitong manahimik. Doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon para matitigan siya. Siya ba talaga ang tatay ko? We seem.. exactly alike. Pero siguro dahil may ideya na ako ay agad kong napansin iyon. Pareha kami ng mga mata at tangkad. Pareha rin kaming mukhang mahilig sa pagkain at leche flan. Pero kung wala nga itong maalala, bakit nilalapitan niya pa rin si Mommy? Papaanong nahanap niya pa rin kami? At bakit niya kami iniwan noon? Nang makarating sa ospital ay agad na akong napanatag. Sinabi rin kasi agad ng doktor na hindi dapat kami mag-alala dahil wala namang kung anong sakit si mommy. Kaya lang ito nawalan ng malay dahil sa matinding pagod at stress, idagdag na rin daw ang hindi nga nito pagkain ng tatlong araw. "'Pag nagising ka talaga, Ma pagagalitan po kita." Kumunot agad ng noo ko nang makarinig ng tawa mula sa likuran. Andito pa rin pala si Josiah. "Ah! Aalis na rin ako," sabi nito. Kinakitaan ko agad ng takot ang boses nito, siya ba talaga ang tatay ko? "No. Can we talk first?" nag-aalangan man ay mas pinili nitong tumango at lumabas. Ilang beses akong bumuntong hininga. This better be good. This is the least I can do for my mom. She suffered a lot at kahit hindi man siya sabihing nahihirapan siya ay malaking bahagi pa rin nang paghihirap noon ang pag-aalaga nito sa akin. This is for my mom. She deserves the truth about my dad, she deserves to be happy. Yet I need to protect her pa rin at all cost. I love her. Nang makakalma ay sumunod na rin ako sa labas. May pahabang upuan doon na siyang nauna nang upuan ni Josiah kaya tumabi na lang ako. And I can't believe I'm with my dad now! Grabe ang nararamdaman kong kaba, should I hug him? Hindi ko in-expect na magiging ganito kalaki ang pressure kapag nasa tabi ko na mismo ang matagal ko rin noong hinanap. "Ali, I'm really sorry—" Pinutol ko ang pagsasalita niya sa pamamagitan ng pag-iling. Kasunod noon ang pagiging matiim ng mga titig nito sa akin. "Pwede mo nang ligawan si mommy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD