bc

Her Hidden Identity

book_age16+
27
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
murder
revenge
dark
brave
twisted
heavy
mystery
others
lonely
like
intro-logo
Blurb

Chicaina hides her identity to make a revenge. To those people behind the death of her mother and father.

Makakamit ba niya ang hustisyang pinapangarap kung may isang katotohanang lilitaw?

Katotohanang ang hirap paniwalaan.

Katotohanang gugulo sa lahat.

Will she able to handle her emotions after knowing that even herself doesn't know her real identity.

"Hatred can lead us to a bloody revenge. In just one wrong move. Everything will turn into chaos."

Author: Miss Solitaire

chap-preview
Free preview
Prologue and Chapter One
PROLOGUE I hide my identity. Akala ko sila lang ang hindi nakakakilala sa akin. But now---- even myself doesn't know my real identity. Who am I? ***** Chapter One Kanina pa namamataan ni Lucia na may sumusunod sa kanila. Nanindig kaagad ang balahibo niya. Lalo na’t sila lang dalawa ng kanyang anak ngayon. Sa gitna ng gubat. Camping, ’yon ang hilig nilang dalawa. At nagtataka siya dahil ngayon palang nangyari sa kanila ang ganito. Parang may sumusunod sa kanila. Sa malayo natanaw niya ang isang pigura ng lalaki. Nakatakip ang mukha, at tila nagmamanman sa kanila. “Anak, aalis na tayo. Kumapit kalang sa ’kin okay?” Tumango ang bata. Dere-deretso silang naglakad. Nanginginig ang mga kamay niyang dinial ang number ng asawa, ngunit hindi ito macontact. Mas binilisan niya ang mga hakbang at humigpit ang pagkakahawak sa palad ng anak. Nanlaki ang mata niya nang makita ang lalaking naghihintay sa malayo. Sumilay ang nakakakilabot na ngisi nito. Kinabahan siya at napakapit sa kamay ng anak ng mahigpit. Nag-iba siya ng dereksiyon. Ngunit kinagulat niya ng makita na naman ang isa pang pigura ng lalaki. Pareho sa suot ng isa kanina. Dumeretso siya sa paglalakad. Ngunit sa hindi inaasahan. Nabangga niya ang isa pa sa kanila. Napagtanto niyang marami sila. “S-sino kayo?” “Hindi mo na kailangang itanong Lucia.” Nanindig ang balahibo niya. Wala naman siyang kagalit. “Ma, sino po sila?” inosenting tanong ng bata. Imbes na sumagot. Tumakbo ng mabilis ang ina niya. At nagsimula ang sunod sunod na putok ng baril.Rumagasa ang luha sa mata mg bata, nanginginig ang buong kalamnan niya kahit wala siyang ideya sa mga nangyayari. “M-maa, ba’t tayo t-tumatakbo?” Nanlamig ang kamay ng bata, nanginginig ang labi. Hindi ininda ng kaniyang ina ang mga batong tumatama sa paa niyang may saping tsinelas lamang. “Makinig ka anak. Kahit anong nangyari, maliligtas ka.” “Ma, ba’t sinusundan nila tayo?” “Magtiwala ka anak maliligtas ka.” Sa gitna ng madilim at masukal na kagubatan. Dalawang mag- ina. Ang pilit na tumatakas sa tawag ng kamatayan. ‘Wala kaming atraso sa iba. Maliban nalang sa kanya.’ sa isip ni Lucia. Pilitin man niyang sabihin sa anak. Hindi niya magawa, dahil kulang na sila sa oras. “Ma, takot ako.” Nilingon nito ang anak at ngumiti kahit nanginginig ang mga labi. “Nandito lang si mama,” aniya. Tumakbo siya ng napaka bilis. Hawak hawak ang musmus na bata. Sinisikap na mailigtas ito sa kapahamakan. Tumatama ang mga bato sa paa niyang nakasuot ng manipis na tsinelas. “Lucia! Nasaan ka na!” Isang putok ng baril ang narinig ng mag-ina. Mas lalong napahagulgol ang bata. “Magpakita ka!” baritong boses ng lalaki. Sunod sunod nitong pinutok ang baril kung saan-saan na tumama. Nanginginig na sa takot ang musmus na bata. Hindi siya makasigaw. Hindi siya makahingi ng tulong. Nakarating sila sa isang bahay. Sa gitna ng kagubatan. Kaagad silang pumasok. At dali-daling umakyat sa taas. Tinungo ng kanyang ina ang isang malaking cabinet. “Anak, magtago ka d’yan hah? 'Wag na ’wag kang lumabas. Ipangako mong maililigtas mo ang buhay mo.” Hinawakan niya ang pisngi ng kanyang ina. Parang isang ilog ang kanyang mata. Hindi mapigil ang mga luha niya. Nanginig ang kaniyang kamay at pilit na pinipigilan itong lumabas sa cabinet na pinagtataguan nila. Tumulo ang luha mula sa mata ni Lucia, mahihinang hikbi ang naging tugon ng bata. Hinawakan siya sa pisngi ng ina. At pinunasan ang mga butil ng luha sa pisngi nito. Niyakap niya ng mahigpit ang ina. Sa gitna ng iyakan. Isang malakas na pagkalabog ang kanilang narinig. “Lucia!” Boses ng lalaki. Paakyat na ito sa kwarto kung nasaan sila. Yumakap ng mahigpit ang ina niya bago tuluyang kumawala sa anak. “Mahal kita,” huling salitang narinig niya sa ina. Hinalikan nito ang noo niya bago ngumiti at lumabas sa malaking cabinet. Humawak ang bata sa bibig, humahagulgol ito ngunit hindi magawang ilabas ang lahat ng sakit, dahil takot siyang makita ng mga armadong lalaki. “P*ste kang babae ka! Nandito ka lang pala!” Dumating ang lalaki at sinabunutan ang ina niya. Napahawak siya sa labi niya. Pinipilit na tulungan ang ina niya. Ngunit wala siyang magawa. Mahinang pag iyak lang ang nagagawa niya. Napapikit siya nang makita kung paano hampasin sa ulo ang ina, gamit ang bakal. Kung papaano ito kaladkarin. Suntukin. Tadyakan. “Pag nalaman ’to ni Arthur. Mapapatay ka niya!” sigaw ni Lucia. Pilit na nanlalaban kahit nanghihina na. Malademonyong tumawa ang lalaki. “Hahahahhaha si Arthur ba? Ang Asawa mo? Mas nauna pa nga siya sayo. Hhahahahh hindi siya nakapagpaalam. Nandoon na siya sa empyerno!” “Walang hiya ka! Sinong nag utos sayon---” Hindi neto natapos ang sasabihin, dahil sa lakas na pagkasampal ng lalaki. Nagmarka ang palad neto sa mukha ni Lucia, napaungol siya sa sakit. “Ang kapal ng mukha mong magtanong? Hhahaahha pero pagbibigyan na kita. Si Manuel Trinidad ang nag utos sa ’mn. Kasalanan ba naming pakialamero ’yang asawa mo!?” Malakas na pinatid ng lalaki si Lucia, kaya tumilapon ito at nauntog sa isang mesa. Nanginginig na sa takot ang anak ni Lucia na nasa loob ng malaking cabinet. Gustuhin niya mang lumabas hindi niya kaya. Humagulgol siya at tulalang nakatitig sa inang nahihirapan. “Hayop ka!”Umalingawngaw sa loob ng maalikabok na silid ang isang potuk ng baril. “Dapat ka lang mamatay! Magsama na kayo sa impyerno!” Sunod- sunod ang pagputok na narinig ng bata. Nanghina ang tuhod niya ng makita ang ina. Kung paano ito ambagan ng putok. Napaupo siya at napahangulngul ng husto. Sumuka ng dugo si Lucia, at ngumiti pa ito sa gawi ng anak. Sabay bumulong, “Ligtas ka na Chicaina.” Unti-unting pumikit ang mga mata nito. Kasabay ng pagtulo ng huling luha nito ay ang tuluyan nitong pagkamatay. Malademonyong tumawa ang mga lalaki, pinatid nila at pinaputukan ulit ng baril si Lucia bago umalis. Nang makalayo ang mga lalaki. Dali- daling lumabas sa cabinet si Chicaina. “Ma!” Tumakbo siya papalapit sa ina, mabigat ang kanyang damdamin. “Don't leave me...please ma!” Niyakap niya ng mahigpit ang walang buhay na ina. “Ma, gumising ka! ma!” Niyugyos niya ang ina ngunit hindi pa rin ito nagigising. Umagos na parang ilog ang luha niya. Wala siyang alam kung bakit nangyari sa kanila ang ganito. Walong taong gulang lang siya. Hindi niya dapat sapitin ang ganitong trahedya. “Ma ma-masasaksihan mo pa ang pagiging doctor ko. Ma! gumising ka please!” Hirap siya sa pagsasalita, gumagalaw pataas paibaba ang dibdib niya kasama ang balikat nito. Namumula na ang kaniyang mukha at ilong. Hinawi niya ang buhok na nakatakip sa mukha ng ina, tumulo ang luha niya sa mata at dumapo ito sa pisngi ng ina. Bahagyang nakangiti ang mga labi ng ina, nanikip ang dibdib niya. “Ang kapal ng mukha mong magtanong? Hhahahha pero pagbibigyan na kita. Si Manuel Trinidad ang nag utos sa ’min. Kasalanan ba naming pakialamero ’yang asawa mo!?” Nanginig ang labi niya, nanlilisik ang mga mata. “Ma, magbabayad sila!” Nagdikit ang mga ngipin niya. “Mabibigyan ng hustisya. Ang pagkawala mo.” Patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha niya. ‘Manuel Trinidad, babalikan ko kayo!’ sa isip niya. Niyakap niya ang ina. Humagulgul sa pag iyak. Sa gitna ng dilim, sa gabi na makulimlim. Iisa lang ang salitang namumuo sa kanyang damdamin, ‘yon ay paghihiganti. °°° (Chicaina P.O.V ) Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Napapaligiran ako ng puting kurtina. Bigla nalang ako nakaramdam ng kirot sa ulo ko. Kaya napahawak ako rito. Naalala ko na kung anong nangyari. W...wala na si Mama. “Chichi gising ka na.” Tumingala ako sa babaeng kakarating lang. Parang nakita ko na siya noon pa. Tulala ko siyang tiningnan. At hindi inaasahang tutulo ang luha ko. Walong taong gulang pa lang ako. Pero iniwan na nila ako. Wala akong kamuwang muwang na may nagbabanta na pala sa ‘min. “Chichi, stop crying your safe now.” Lumapit ang babae sa ‘kin at niyakap ako. Naalala ko tuloy si mama. “Rebecca, bakit ka nandito!?” Kumalas siya sa pagkakayakap sa ’kin at nilingon ang nagsalita. Si tito, kasama si tita Olivia. “Nandito ako para bisitahin ang pamangkin ko,” sagot ng babae. Kung pamangkin niya ako. Isa siya sa kapatid ni mama o ni papa. “Sa labas tayo mag usap.” Lumabas si tito at 'yong babae. Naiwan si tita Olivia, nginitian niya ako. Lumakad siya papalapit sa ‘kin, umupo siya sa gilid ng kama. “Kumusta na ang pakiramdam mo Chichi?” tanong niya, sabay himas sa buhok ko. Hindi ko magawang ngumiti man lang o tingnan siya. Tulala akong nakatingin sa kawalanan. Ito na yata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Tas bigla nalang tumutulo ang luha ko. “Haays, alam kong masakit ang nangyari Chichi. Maskin ako ay nasaktan. Dahil si Lucia at Arthur ay napamahal na sa ‘kin,” ani tita Olivia, ang asawa ni tito Armando. Hinarap niya ako sa kanya. At hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tumulo bigla ang luha ko. “There’s a reason why this is happening. Mas marami pang masasakit na pangyayari, ang dadaan sa buhay. All you need is to have strength.” Pinahid niya ang mga luha ko. “Cheer up, Chicaina.” Mas lalong umagos ang luha ko Sinabi rin ito ni mama noon, ilang beses ko nang narinig sa kanya ang mga katagang ’to. No’ng natalo ako sa essy writing contest. Ang lungkot ko noon, at umiiyak ako ng husto. Naiinis kasi ako sa sarili ko. Pero imbes na ma- disappoint si mama. Pinangiti niya ako at sinabing ‘Cheer up Chicaina.’ Yumakap ako sa kanya at doon na humagulgul. Hindi siya nagulat, naramdaman ko ang marahang paghimas niya sa buhok ko at tinugon ang pagkakayakap ko. “Shhhhh... tahan na Chichi. Magiging okay din ang lahat.” Sana nga maging okay na ang lahat. Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong may pakana nito. Magbabayad sila! Mamamatay din sila. Papatayin ko sila! Higit pa sa mga naranasan ko. Ang ipaparanas ko sa kanila! ***** Ngayong araw ang libing nila mama at papa. Si tito ang nakakita kay papa, na wala ng buhay, at nakahandusay sa sahig. Habang isang mangangaso ang nakakita sa ‘min ni mama. Kaya tinatong sila tito at ang mangangaso. Pero agad na pinakawalan. Dahil napatunayang inosente sila. “Ma... pa magbabayad sila! Mas masakit pa ang dadanasin nila!” Nasa harap ako ng kabaong nila. Yakap-yakap ang picture frame. Patuloy lang na tumuto ng mga luha ko. Hindi ko matanggap ang nangyari. Tulala akong nakatitig sa kawalan. Na sa front set ako ng porlon. Mahinang humihikbi, habang yakap yakap ang picture namin. “Chichi our princess. Ito gift namin sayo dahil naka kuha ka ng award.” “Tama ang daddy mo. At kahit hindi ka pa makakuha ng award. Reregaluhan ka pa rin namin.” Mas lalo akong napahikbi ng maalala ang mga sinabi noon nila mama. “We love you Chichi, ang nag iisa naming baby.” Lahat ay mauuwi nalang sa alaala. Nang makarating kami sa simbahan. Inayos kaagad nila ang kabaong nila papa. At ilang minuto ang lumipas nagsimula na ang mesa. Na sa unahan kami nakaupo. Kasama ko sila tito Armando, tita Olivia at ang anak nilang si ate Charm. Bago ginawa ang pagbabasbas pinapunta muna ako sa gitna upang magsalita. Yakap-yakap ko pa rin ang picture namin. “Sa lahat ng nandito salamat.” Pumiyok ako, lumalagasa ang mga luha ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. “Hindi ko inaasahang mangyayari ’to. I'm just 8 year old. Tapos nawala na sila pareho. Napakasakit h...hindi k...ko kaya. M...mahal na mahal ko sila.” Huminto ako, at napahagulgul ng husto. Kaya hindi ko na nagpatuloy ang dapat sasabihin ko. Nanlabo ang paningin ko. Nang dahil sa pag iyak ko. Naramdaman ko nalang na may lumapit sa ’kin, at niyakap ako. “Tahan na Chichi.” Hinagod ni tita Olivia ang likod ko. Tumingala ako sa kanila. Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko. Kaya napahawak ako rito. Nilibit ko ang mata, at bigla nalang nanlabo ang paningin ko. Hanggang sa naramdaman ko ang malakas na impact ng pagkatumba ko sa semento. “Chicaina!” Huli kung narinig bago tuluyang nawalan ng malay. ***** “Chichi!” “Lumayo ka anak!” “Iligtas mo ang sarili mo!” “Hindi kapa ligtas...Hindi kapa ligtas!” “Mama!” Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. “Buti naman at gising ka na hija.” Binalingan ko si tita Olivia. Napahawak ako sa ulo ko, libing nila mama ngayon. Pero nahimatay ako kanina. Hindi pwede ’to, kailangan kong makapunta. “Aalis na ako, pupunta pa ako sa libing nila mama.” Tumayo ako sa kama. Ngunit, pinigilan ako ni tita Olivia. Kaya tiningnan ko siya, nanunubig ang mga mata ko. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. “Please tita, k...kailangan kong makapunta sa libing. Hindi pweding hindi ako makapunta. P...please tita.” Tuluyan nang tumulo ang mga nagbabadyang luha, hindi ko kasi mapigilan. Sa tuwing naaalaa ko ang mga nangyari, tumutulo nalang bigla ang mga luha ko. “Nalibing na sila Chicaina.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig, dahil sa narinig. Mas lalo pang dumami ang mga luha ko. Hindi pwede, nalibing silang hindi man lang ako nakaattend. “Apat na oras kang nahimatay Chicaina.” Binitiwan ko ang kamay niya, at tumakbo palabas sa kwarto. Tinawag ako ni tita pero hindi ako lumingon. Pupuntahan ko sila mama. “Chicaina!” “Chicaina, mas mabuting magpahinga ka!” Patuloy lang ako sa pagtakbo papalabas sa hospital. Habang patuloy din ang pagtulo ng luha ko. Tinatahak ko ang daan patungo sa sementeryo. Pinagtitinginan na nga ako ng mga taong nadadaanan ko. Dahil nakasuot pa ako ng pang hospital. “Iha, okay ka lang ba?” tanong nang aling lumapit sa ’kin. Imbes na sagutin ko siya, tulalang nagpatuloy akong lumakad. Hindi ko na inisip kong ano ang sasabihin ng mga tao. Hanggang sa nakarating ako sa sementeryo. Umiiyak na nilibot ko ang bawat parte ng sementeryo. Makita lang kung saan inilibing sila mama. “Mama, papa, pagpasensyahan niyo na nahuli ako.” Lumuhod ako at humagulgul nang makita ang puntud nila. Habang mag- isang umiiyak, bigla nalang bumuhus ang ulan. Hindi ko ininda kahit na basang-basa na ako. Hindi ako umalis sa pwesto ko. “Mama, papa sorry talaga. W-wala akong n-nagawa.” Pumiyok ako, kasabay ng malakas na ulan. Ang pagdaloy ng luha ko. “M...mahal ko kayo.” Humawak ako sa bibig at humagulgol. “Chicaina!” Isang boses ang tumawag sa ’kin. Naramdaman ko pa ang mga yapat niyang papalapit sa akin. “Chicaina, umalis na tayo. Wala ka nang magagawa.” Hinawakan ako ni tito. At pilit na pinapaalis, ngunit kahit anong gawin niya ay ayaw ko. “M-mama, pa!” sigaw ko at pilit na nagpupumiglas nang ilayo ako ni Tito sa puntod nila mama. Pinilit kong magpumiglas, ngunit hindi sapat ang lakas ko. Kaya kinagat ko ang kamay ni Tito. Dahil doon napasigaw siya at nabitawan ako. Tumakbo ako sa puntod nila mama. Napaluhod, nakatapat ang kamay sa labi, kasabay ng napakalakas na pag-ulan ay ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. “M-mama, p-papa please bumalik nalang k-kayo,” saad ko habang umiiyak. “Hindi ko sila titigilan. Ipaghihiganti ko kayo! Ipaparamdam ko sa kanila ang sakit na naramdaman ko. M-matitikman nila ang galit, nang isang batang b-binawian nila ng pamilya!” Kinuyom ko ang kamao. Mas lalo pa akong humagulgol, hanggang sa nilapitan ako ni tito. Nandito na kami ngayon sa bahay. Basa pa rin ang damit ko. Tulala sa kawalan, habang parang gripo na tumutulo ang mga luha. “Pabida ka ba? Pumunta ka talaga sa sementeryo? Para sundan ka lang ni Dad!” Hindi ko pinansin si ate Charm. Patuloy ang pagluha ko, sana panaginip nalang ang lahat ng ’to. Sana magising na ako. At sa paggising ko, na sa tabi na ako nila papa at mama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
322.4K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.8K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.6K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook