Chapter Three

2792 Words
Chapter Three Tahimik lang ang buong byahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakatingin lang ako sa labas. Si Sir Cloud ang gagamitin ko. Siya ang sisimulan ko bago ang ama niya. At ang pamilya niya. "Kung nag- iisip ka kung saan tayo pupunta. Well, were going to the mall." Binalingan niya ako. Tumango ako sa kanya at muling tumingon sa bintana ng kotse. Ilang minuto ang lumipas. Nakarating na kami. Pi-nark niya sa parking lot ang kotse. Pero hindi naman siya bumaba. Tahimik lang ako sa isang sulok. Hanggang sa nagsalita siya, “Open the door for me." Kaya pala, kailangan ko pang buksan ang pinto. Ganun pala ang ginagawa ng mga katulong. Yumuko ako ng kunti sa kanya. Bago lumabas sa kotse at pinagbuksan siya. “Hindi ko alam na ganito pala ang gagawin.” Yumuko ulit ako. Kumunot ang noo niya. Kaya bahagya akong nagtaka. "May problema ba sir?" tanong ko. Umiwas ito ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod ako sa kanya. "We’re here to buy groceries. At isa pa, ikaw ang magdadala ng mga bibilhin kong damit,” saad niya. Nakatuon ang mata nito sa daan. Habang namimimili kami rito ngayon. Hindi ko ma-explain ang reaksiyon ni sir Cloud. Hindi naman siya tahimik gaya ko. O ba ka, moody siya ngayon. "Tsk, your spacing out? Aren't you going to buy foods?" asik niya. Natulala ba ako kanina? Kinamot ko ang batok bago siya nilingon. “Sorry sir, hindi ko alam na ako ang bibili.” explanas’yon ka. Bahagya na namang kumunot ang noo niya, at humawak sa sentido na para bang nag-iisip. Ang buong akala ko ay ako ang magdadala ng mga bibilhin niya. Tumikhim ako. “Sir ano po ang gusto niyong bilhin?” tanong ko para makasigurong tama ang mabibili ko. Mahina siyang napamura at tiningnan ako ng masama. “Sino bang babae sa ’tin dito?" Halata sa tono ng boses niya ang pagkairita. Bahagya akong nagbow bago umalis sa kinatatayuan. Sinisiguro ko lang naman, para tama ang mabili ko. Tsk! Namili na ako ngayon ng mga bibilhin. Bumili ako ng bacon, hotdog, ladies choice, bread, gatas at marami pang iba. Tiningnan ko ang chart, madami na ang nabili ko sakto na siguro ’to. Pumunta na ako sa counter. Na sa pangjuling linya ako, tsk. Matatagalan yata ako rito. Tinipaktipak ko ang mga daliri sa hawakan ng chart nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Hello?" sagot ko, ba ka kasi wrong number ’to. “Lumayo ka, 'wag mong ituloy ang binabalak mo!” Lumabas ang isang boses ng babae na hindi pamilyar sa ’kin. “Wrong number kayo,” sagot ko. Hindi ko naman alam ang mga pinagsasabi niya. “Mapapahamak ka!” Pinatay ko ang tawag, at hindi inalintana ang tumawag kanina. Nang mabayaran ko na ang mga pinili. Agad kong binalikan si sir Cloud na maghihintay sa entrance. Sa malayo natanaw ko agad siya may babaeng lumapit sa kanya. Hindi gaanong matangkad ang babae, naka make up ito. Siguro girlfriend siya ni sir Cloud. Nang makalapit na ako sa kanila. Binalingan ako ng babae, at tumaas ang kanang kilay niya. Hindi ko siya pinansin, tiningnan ko si sir Cloud at pinakita ang mga pinamili ko. Kumapit pa siya sa braso ni sir Cloud. “Babe, is this your new maid?” Tinuro niya ako at malambing na ngumiti kay sir. Ngunit, walang emosyon nitong tinabig ang kamay ng babae. Unti-unting nawala ang ngiti ng babae. Akala ko ba boyfriend niya si sir? "Were done Myrtle, stop calling me babe." Walang nagawa ’yong Myrtle. Umalis na si sir, matalim akong tinitigan ni Myrtle at inikot ang mata. Binaliwala ko siya, sinundan ko ng tingin si sir, na papalayo na ngayon. Humakbang ako pasunod kay sir ngunit tinawag ako ng babae kanina. “ 'Di ba maid ka niya? Take a look.” In-open niya ang cellphone at may ipinakita sa ‘kin. Ngumisi ito, bago ulit nagsalita, “Sabihin mo sa kanya, pag hindi siya bumalik sa ‘kin. I-popost ko lahat ng ‘to. At alam mo naman siguro ang magiging impact pag ginawa ko ‘yon, right?” Nakatingin ako sa screen ng cellphone. Video ni sir Cloud habang may isang babaeng kaaway. Isa siyang sikat na model, pag in-uploud ni Myrtle ang video na ‘yon. I-babash siya ng mga tao. “This video was taken, before the day Vanezz die. Until now pinaghanap pa rin ang walang awang pumatay sa kanya. May utak ka naman siguro para malaman kung anong nangyari sa video,” saad niya. Atsaka umirap bago umalis. Hindi ako nakasagot. Ang ibig ba nitong sabihin si sir ang pumatay sa babaeng tinutukoy niya? Hindi ko inaasahang magagawa niya ‘yon, tsk, oo nga pala. Iisa lang ang dugong dumadaloy sa katawan niya. Ang dugo ng mga Trinidad, dugo ng mga mamamatay tao. Hindi ko na magawang hindi paniwalaan si Myrtle. Pero hindi rin ako basta-bastang maniwala sa video. Hindi ko pa alam ang buong kwento. Mukhang magagamit ko yata ang sinabi ni Myrtle. Para mapabagsak ang pamilya niya. Lalo na ang hayop niyang ama! “Hey!” Nabalik ako sa ulirat, ng narinig ang lalaking tumawag sakin. Pagkalingon ko sa likod, nakita ko si sir Cloud. Naka kunot ang noo siya. Halatang naiirita na. Bumuntong hininga ako bago siya nilapitan. “Tsk, your spacing out again.” Minsan naiisip ko nalang na abnormal ‘yong utak niya. O, bipolar lang talaga ang ugali niya. Noong unang araw ko kasi sa trabaho. Parang ang saya lang ng atmosphere niya. Tapos bigla-bigla nalang na ba-bad mood tsk! Nandito kami ngayon sa clothing area ng mall. Paikot-ikot na kami dito, iniwan ko ang mga pinamili ko sa entrance. Malawak ang clothing area na ‘to, ngayon nga lang ako makapunta rito. Nakahilara sa ibat ibang linya ang mga damit. At nakaarange ito basi sa klase nito. Kanina pa ‘ko sunod nang sunod kay sir Cloud. Napapatingin nalang ako sa sales lady na panay din ang sunod kay sir. Bali nasa kabilang gilid ako ni sir. Habang siya ay na sa kanan. “Sir, may mga bago po kaming deliver. Leather jacket. And I know it will suit you,” nakangiting saad ng sales lady. Nagpatuloy lang sa paglalakad si sir at hindi man lang nilingon ang kakasatsat na saleslady. Busy siya sa pagsusuri sa bawat na nadadaanan namin. Lumingon siya sa ’kin, hawak-hwak ang isang black tuxedo. “What do you think about this Chicaina?” tanong niya. “Sir, bagay sayo,” sagot ng saleslady. “Im referring to Chicaina. ” Yumuko ng bahagya ang sales lady, at awkward na ngumiti. Ang rude niya, pero totoo naman ang sinabi ni sir. Hindi siya ang tinatanong. Binalik ni sir ’yong tuxedo at nagpatuloy sa paglalakad. Nagpatuloy din kami sa pagsunod. “Ibigay niyo sa ’kin lahat ng pinakamahal na suit dito. I want to try it.” Agad namang sinunud ng saleslady ang sinabi ni sir. Ang gastos niya pala pagkadating sa pera. Tsk, mayaman nga naman pala siya. Nandito ako ngayon sa isang upuan habang nag hihintay sa kanyang lumabas sa dressing room. Kanina pa nga ako dito. At kanina pa siya sukat ng sukat. “Chicaina what do you think about this?” tanong niya sakin habang nakatitig sa salamin, nakangiti ito at bahagyang ginulo ang buhok. “Bagay,” tipid kong sagot. Kanina pa kasi ako sagot ng sagot. Wala pa nga siyang napipili. “Hays ang gwapo ko kasi, Miss kukunin ko na to lahat,” saad niya habang nakatingin pa rin sa salamin. Nakatitig sa mukha niya. Mukha niyang perfect daw. “Bibilhin ko na lahat. Tutal gwapo naman ako, kahit anong isuot ko babagay ’di ba?” Ang hangin niya talaga, tumango nalang ako. Mukhang wala nga naman akong magagawa kahit anong gawin ko. Pipilitin niya parin akong um- oo kagaya kanina. “Chicaina take a look, it's pretty suits me right?” Nagpapogi pa talaga siya. Hindi ako umimik, ayaw ko kasing makipagsabayan sa kahanginan niya. “Hey! chicaina 'di ba bagay sakin? Gwapo naman ako ha ” Nakatingin pa rin ako sa cellphone ko. Nag text kasi sakin yung unknown number. Hindi mawala sa isip ko ang text niya. May nagbabanta na ba sa ‘kin. Hindi ko maisip kung sino. At kung bakit, sino ang magtatangka sa buhay ko? Buhay kong wala namang nagkaka- interest. “Hey Chicaina, sabihin mo na kasing bagay sa ‘kin. Para matapos na.” Siya lang yata ang kilala kung ganito. Gusto ko tuloy tumawa. Pero baka maisip niyang natutuwa ako sa kanya. Para kasi siyang bata na nagpupumilit. Kaya wala nalang akong nagawa kundi tumango. “You should thank me, hindi ka na mahihirapang sumagot ng pabalik balik. Dahil bagay sa ’kin lahat.” Kumindat pa ito, at tumingin ulit sa salamin. Napakaproud niya sa sarili niya. “Kahit naman siguro damit pang baliw suotin ko. O kaya naman, ulingan mukha ko. ” Binalingan niya ako, at ngumiti muna bago nagpatuloy. “Gwapo pa rin ako,” sabay kindat niya. Napatingin tuloy ako sa kanya, at hindi mapigilang hindi magsalita, “Proud ka na niyan sir?” Bahagya namang kumunot ang noo niya. Nag tatanong lang naman ako eh. “Hahahaha is it a question to ask? Syempre naman bihira lang bigyan ng ganito ka perpektong mukha.” Kung may iniinom lang talaga ako nasamid na siguro ako. “Umm... okay try natin bukas,” saad ko. Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang saleslady. “100,000 po ang bill sir.” Napalingon ako sa saleslady 100,000? ang mahal. Matapos bayaran ang mga pinamili ako na naman ang naghirap na dumala. Isama pa 'yong mga pinami naming pagkain. Habang yung boss ko ay parang model lang na naglalakad palabas ng mall. Model nga naman pala talaga siya. One hundred thousand ‘yong gastos niya sa mga damit. Ganito pala siya ka waldas? Parang ang liit lang kasi sa kanya ng binitiwan niyang pera. At wala pa siyang agamagam. Binili agad, hmmm...mayaman nga naman siya. Kung ako lang siguro ang magkakaroon ng perang ganito. Igagastus ko sa pag- aaral ko. Hays, hindi kasi ako nakatapos ng college. Dahil pinahinto ako ni tita, at isa pa, kung may ganito kalaking halaga siguro ako. Mapapasaya ko sila tita, dahil mabibili ko ang mga kailangan nila. Mabawas-bawasan ang pagkakainis niya sakin. “Anong sinabi sayo ni Myrtle?” Huminto siya, na sa tapat na kami ngayon ng kotse niya. Magagamit ko ang sinabi ni Myrtle sakin. Kaya mas pinili kong magsinungaling. “Inirapan lang ako, at sinabihang lumayo sa ‘yo.” Dalawang beses siyang tumango. Pinagbuksan ko siya ng pinto bago pumasok sa front seat. Sa gitna ng byahe nag vibrate na naman ang cellphone ko. Kaya in-open ko ito. Isang text na naman, text nung unknown number. Wag mong ituloy ang binabalak mo, mapapahamak ka! Pinatay ko agad ang cellphone, ano nga ba ang kailangan ng taong to sakin? At kung ano man yun. Yun ang dapat kung alamin. Tahimik ang buong biyahe, hanggang sa makarating kami sa apartment. Buong biyahe kaming walang imikan. Sanay naman na ako sa tahimik ewan ko lang sa boss ko. Nakasakay kami ngayon sa elevator, naka earphone siya habang ako naman ay nakabaling sa kawalan. Dala-dala pa rin ang mga binili namin kanina. Pagkapasok namin sa apartment niya, nagkalat ang mga chichirya at bote ng alak. Naka- andar pa ang TV pinasok ba kami ng mag nanakaw? Tsk, parang hindi naman. May nagnanakaw ba na kakain pa sa mismong pagnanakawan? “F*ck! What have you done Duke, Klen, Titus! ” Kumunot ang noo niya at dahil doon tatlong lalaki ang lumapit. Ang isa ay nagkabitbit ng chichirya. Habang ang isa ay nakangising tiningnan si sir. At ‘yong isang moreno ay tumitig sa ‘kin. “Cloud, your new girl?” Tahimik lang ako sa gilid. Tsk, anong klase ba ang tanong niya? “No, she's my new maid,” sagot niya. Naglahad ng kamay ‘yong isang nagdala ng chichirya. May singkit itong mata at sa unang tingin palang halata ng mas bata siya sa ‘kin. “Hi, ate I’m Titus” Nakangiti nitong pagpapakilala. Tiningnan ko ang kamay niya. At ng mapagtanto niyang hindi ko ito tinanggap. Agad niya itong binawi, at kinamot ang ulo. “Kakaiba siya kuya,” mahinang wika niya. “If she's not your new girl. Then, can you introduce me to her?” Nakatitig pa rin sa ‘kin ‘yong moreno, at bakit naman? “Tsk! no one can touch her! No one can date her. That's the rule! She's my maid. Ang gagawin lang niya ay pagsilbihan ako!” Kunot noong asik ni sir. Okay lang din naman, hindi ko rin naman gustong may mangulit sakin. “Your too possisive Cloud,” asik ng isa. Tinuro niya ang moreno at ang isa pang lalaki. “Kayong dalawa linisin niyo ang lahat ng ‘to!” Kinamot ng isang lalaki ang ulo. “Eh paano si Titus?” Nakasimangot siyang tumingin sa lalaking may hawak na chichirya at Titus pala ang pangalan. “What?! paglilinisin niyo siya?! He's just 16 eh, kayo ang nagpasimuno nito. Kaya kayong dalawa ang maglilinis.” Sa hindi malamang dahilan, parang may kung anong bagay na humaplos sa puso ko. “Eh may require bang edad ang paglilinis?” malokong saad nung moreno. “Shut up Duke! Just do it!” asik niya atsaka umalis. Sumunod naman ako. So, Duke pala ang pangalan noong malakas makatitig sa ’kin. “Sir, ano pong gusto niyong lutuin ko ngayon?” Magalang na tanong ko, kaya huminto siya at humarap sa ‘kin. “Anything well do.” Tumango ako . “Yung mga binili kong damit, ilagay mo sa walk in closet.” “Noted sir.” Bago ako nagtungo sa walk in closet niya ay nilagay ko muna ang lahat ng mga pagkain sa kitchen. Ang wardrobe niya ay na sa loob ng kwarto nito. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. Nakita ko naman siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng anime. Hindi pa niya napapansin ang presensya ko kaya nagsalita ako. “Sir, nandito na po ako.” Tipid siyang sumulyap. Tinuro niya ang isang pinto. “D’yan sa pintong My Hero Academia ang design. D’yan ang walk in closet,” aniya. At Muling tinuon ang mata sa panonood ng anime. Iisa lang naman ang pintong may design ng anime. Pininta talaga siya, kaya iyon siguro ang sinabi niyang ‘My Hero Academia’. Dahan dahan kung pinihit ang pinto. At literal na napanganga ako dahil sa lawak ng space dito. Kung malawak ang kwarto niya pumapangalawa ang room na ito. Naka arrange ng maayos ang mga damit niya. Naglakad ako at hinanap kung saan dapat ilagay ang mga suit na ‘to. “Do’n mo banda ilagay.” Nakasunod pala siya sa ’kin. Nagtungo ako doon sa tinuro niya, at isa isa itong nilagay. Nang matapos ako ay naglakad na ako paalis. Pinihit ko ang pinto at bigla nalang-- “Chicai...” Hindi niya natapos ang dapat sanang sasabihin, dahil ang lapit namin sa isa’t-isa. Napatingin pa siya sa ‘kin at ako rin naman sa kanya. Hindi ko nabilang ang oras ng pagtititigan naming dalawa, hanggang sa umiwas siya ng tingin. “I-itapon mo sa labas ‘yong mga basura,” saad niya sabay ng pagkamot sa batok at naglakad papalayo. Lumabas na ako sa kwarto niya, at kinuha ang mga basura. Nadaanan ko ang mga kaibigan niya. ‘Yong Duke, Klen at Titus ‘ata ‘yon. Busy sila sa pagkukwentuhan, at pagkakalat. Hanggang ngayon hindi pa rin naglilinis ang dalawa. Nang nakababa na ako sa building dala-dala ko ang mga garbage bag. Habang papalapit palang ako sa pagtatapunan ko. Naramdaman ko na ang isang presensya na nagmamasid. At tama nga ako, sa likod ng pader. May lalaking nakahood na itim, at nakatingin sa ‘kin. Hindi ko pinahalatang napansin ko ang lalaki. Nang natapon ko na ang mga basura. Naramdaman ko ang unti-unting paglapit niya. Hindi ako nagpahalata at pasimpleng kinuha ang baril sa gilid ko. Tiningnan ko siya habang papalapit ng hindi lumilingon sa kanya. Hanggang sa ilang hakbang nalang ay makakalapit na siya sakin. Mabilis akong humarap sa kanya at agad kinasa ang baril bago tinutok sa mismong ulo niya. Hindi siya nakagalaw, at itinaas ang dalawang kamay sa ere. “Sino ka? Anong kailangan mo sa ‘kin? Tsk! Ikaw yata ang unang mapapatay ko. Hindi ko pa naman nagagamit ang baril na ’to.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD