Being kidnapped by this dangerous people is not easy.Her life put on risk and she don't even know if she can escape alive or dead but she need to stay calmed and fuccos she need to escaped and fight for her life.
Sa gilid ng kalsada matataas na puno ng kahoy ang dinadaanan nila.Pabalik na sila ng hotel na pinanggalingan niya.At kailangan niyang makahanap paraan para makatakas sa mga ito.Wala na siyang pakialam kung makuha nang mga ito ang diamante the best important things is makatakas siya at makabalik sa kanyang pamilya.
Sinulyapan niya si Kieth na seryoso sa pagda-drive.Hindi niya akalain na ang isang katulad nito ay nabibilang sa mundo ng mga criminal,Dahil hindi bagay sa personalidad nito.Pwede itong mabilang sa mundo niya.Pwede itong maging modelo the face ,body and stand.Halos naririto na ang katangian ng isang modelo.
"Stop staring me like that!"singhal nito sa kanya na nakatingin sa rearview mirror.Natakot naman siya dito kaya ibinaling niya sa labas ng bintana ang tingin.
"Monste."aniya sa isip.
"A hot good damned sexy monster,"anang munting tinig sa isip niya.
Hanggang matanaw na niya ang hotel dun naman nagsimulang kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib .Ipinarada ni Kieth ang kotse sa labas ng hotel at mabilis itong umibis kasabay ng dalawang goons.Pagkatapos ay gumawi ito sa kanya at iniyuko ang ulo at ipinasok ang kalahati ng katawan sa loob ng kotse.May dinukot na isang stainless ballpen sa loob ng leather jacket nito nagulat siya ng pindutin nito iyon ay may lumabas na matalas na blade.Takot na takot na bumalik ang tingin niya dito.
"Its not what you think."nakangising sabi nito.Salip na lalong matakot sa ngisi iyon ay nakaramdam naman siya na parang may mainit na kamay ang humaplos sa kanyang puso.Habang nakatitig sa mukha nito.Na mga limang dangkal ang layo sa mukha niya.
"He is so damn*d handsome,"sigaw ng munting tinig sa isip niya."But, his a criminal and i know they can kill me after they get the Diamonds."dagdag niya sa kanyang isip.
Inilapit nito sa paa niya ang blade at pinutol ang taling nakatali sa kanyang paa."Don't do anything bullshit okay because if you did your dead.So be a good girl."Anito bago hinila ang kaniyang braso palabas ng kotse.Kala niya ipagtutulakan siya nito papasok ng lobby pero hindi.Inakbayan siya nito pagkatapos ay yumuko at inilapit ang bibig sa tenga niya."Act like we're sweet couple."anito na humaplos ang mainit na hininga sa kanyang pisngi.
Bumilis pa ng bumilis ang t***k ng kanyang puso.Hindi dahil natatakot siya kundi dahil sa ayos nila at pagkakalapit ng kanilang katawan.Nilingon niya ang dalawang goons na naiwan sa labas ng kotse nakasunod ang tingin ng mga ito sa kanila na may malawak na ngisi sa labi.Tiningala naman niya si Kieth umabot lamang siya sa baba nito.Walang sinabi ang height niya sa height nito.Nagtama ang kanilang paningin.At kitang kita niya ang pagbabanta sa mata nito.Ibinaba niya ang tingin at nakailang beses na napalunok."oh dear god help me."piping usal niya.
Naglakad sila papasok ng lobby natandaan naman siya ng receptionist na agad ngumiti sa kanya.
"Good morning ma'am/Sir."bati nito sa kanila.
"Pilit naman siyang ngumiti.Lalo namang diniinan ni Kieth ang pagkaka-akbay sa kanya na mas idinikit ang katawan niya sa katawan nito.
"Excuse me."aniya sa receptionist at naglakad na sila ni Kieth papasok ng hotel.
Binuksan nito ang pinto ng kanyang room at pumasok sila sa loob.Mabilis naman nito iyong isinara at ini-lock.Binitawan siya nito at tinungo agad ang kinalalagyan ng malaking jar.Nakamasid lang siya dito habang tinatanggal nito ang fake na halaman na nakalagay doon.Ilang saglit ay kapit na nito ang black velvet box.
"Get you're things!"utos nito sa kanya na lumapit sa bintana at sumilip sa labas.
"Papatayin mo na ba ako?".Nanginginig sa takot na tanung niya.
Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabila niyang braso at itinapat ang mukha sa mukha niya."No i can't kill you listen to me pagkalabas mo sa bintanang yan pumasok ka sa kagubatan sundan mo ang malinis na daan na makikita mo at sa loob ng kagubatang yan May makikita kang falls pumasok ka sa loob ng falls at tuntunin mo ang daan sa loob ng kweba hanggang makalabas ka doon mo makikita ang isang bahay.Doon mo ako hintayin darating ako.Wag na wag kang aalis.!mariing sabi nito.
"Anong pinagsasabi mo?hindi ko maintindihan."gulong gulo ang isip na tanung niya dito.
"Here take this."anito na inilagay sa kamay niya ang velvet box.At pagkatapos ay kinuha nito ang Bagpack niya at isinuot sa likod niya.Ganun narin ang kanyang shoulder bag.
"Sandali-hindi ko maintindihan naguguluhan ako.Ang gusto mo tumakas ako dala itong Diamonds?Bakit? pwede bang ipaliwanag mo sakin ang lahat."naguguluhang sabi niya.
"Gawin mo ang sinasabi ko saka ko na ipapaliwag sayo ang lahat."Mariing sabu nito.Kinuha nito ang baril sa bewang nito at iniabot sa kanya.
Nanlalaki naman ang matang nakatingin siya dito."A-anong gagawin ko sa baril nayan?"
"Basta hawakan mo.!paangil na turan nito sa kanya.
Nanginginig naman ang kamay na kinuha niya iyon sa kamay nito.
"Shoot me!"anito
"What! No i can't!"gilalas na turan niya.
"I said shoot me!"tiim bagang na ulet nito.Dito mo ako patamaan anito na itinuro ang balikat."Just do it we don't have time!'bulyaw nito sa kanya.
Nanginginig ang kamay na itinaas niya ang baril at itinutok dito.At pikit matang kinalabit niya ang gatilyo.Malakas na putok nang baril ang narinig niya.Marahan niyang iminulat ang mata.At bumungad sa kanya ang nakatayo paring si Kieth na sapo nang isang kamay ang kaliwa nitong balikat na may umaagos na dugo.
"Oh god forgive me!"aniya na mabilis na nakalapit dito."are you alright.?tarantang tanung niya.
Pilit naman itong ngumiti."Daplis lang to."sagot nito."ihampas mo sakin ang baril."dagdag nito.
Nakaawang naman ang labing tumingun siya sa mga mata nito."Are you f*****g crazy You forced me to shoot you and now your asking that bullshit thing to me."Hindi makapaniwalang turan niya dito.
Ngumiwi ito alam niyang tinitiis lamang nito ang sakit sa balikat."Darating na sila pag hindi mo ginawa ang sinasabi ko sayo ikaw ang mapapahamak,Kaya gawin mo na wag kanang magaksaya ng oras!"seryosong turan nito.
"Are you sure about this.?
"Yes i am so do it now!"bulyaw nitonsa kanya.
"Okay!"aniya na bahagyang lumayo dito.
Itinaas niya ang hawak na baril para gawin ang sinabi nito ng bigla itong magsalita.
"Wait".pigil nito sa kanya.
"What?!kunot noong tanung niya.Nagbago na ba ang isip nito sa pinagagawa sa kanya.
Salip na sumagot mabilis itong nakalapit sa kanya sabay hapit sa kanyang bewang at mabilis na sinakop ng labi nito ang kanyang nakaawang na labi.
Tumigil sa pag ikot ang mundo niya ng maglapat ang kanilang labi.Para siyang nakarating sa ibang dimension na silang dalawa lang ang naroon.Kusang pumikit ang kanyang mata at ninamnam ang halik na ipinagkaloob nito sa kanya.Ginaya niya ang bawat galaw ng labi nito.At parang kuryenteng gumapang sa bawat himaymay ng katawan niya ang kakaibang sensasyon dulot ng masuyo nitong halik.
Bigla nitong inilayo ang labi nito sa labi niya ng kumalabog ang pinto."Do it."anito na inihanda ang sarili.
Mabigat sa dibdib Tumango siya sabay hampas ng baril sa mukha nito.
________
Lakad takbo ang ginawa niya ng makapasok sa kagubatan.Hindi niya maintindihan kung bakit siya pinatakas ni Kieth dala ang mga diamonds,at ang halik na pinagsaluhan nila sa maikling minuto hindi mawala sa isip niya pakiramdam niya nakalapat pa sa labi niya ang labi nito.Ipinilig niya ang ulo at itinuloy ang pagtakbo sa loob ng kakahuyan.Hangang makita niya ang falls na sinasabi ni Kieth.Dumaan siya sa mga batong nasa gilid ng falls at pumasok siya sa bumabagsak na tubig.
Madilim ang loob ng kweba kaya naman nakaramdam siya ng takot.Pero itinuloy parin niya ang pagpasok sa loob.
Halos isang oras ang nilakad niya hanggang makakita siya ng liwanag hanggang tuluyan siyang makalabas ng kweba.Sa di kalayuan natanaw niya ang isang malaking bahay na gawa sa kahoy.Naglakad siya patungo doon binuksan niya ang wooden door at pumasok sa loob. Bumungad sa kanya malaking living room na halos walang laman.
"Bahay sa gitna ng kagubatan pano ito nalaman ni Kieth."bulalas niya.Ipinagpatuloy niya ang paglalakad sa loob ng living room hanggang makita niya ang isang nakapinid na pinto.Lumapit siya doon at binuksan ang pinto.Nakita niya sa loob niyon ang isang kama na nababalutan ng puting kobre.Parang noon lamang niya naramdaman ang pagod pumasok siya sa loob ng kwarto ibinaba niya ang kanyang gamit sa sahig at pabagsak na nahiga sa kama.At dahil magkahalong pagod at puyat na nararamdaman niya tuluyan na siyang nakatulog.
____
Hello guys!! please your comment and follow me and my story!! lovelove