Chapter Four

1272 Words
Malakas na kaluskos sa labas ng bahay ang nag pagising sa kanyang natutulog na diwa.Maagap niyang naimulat ang kanyang mata.Nahalinhan ng takot at pangamba,Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nilisan ang kama. Maingat siyang lumapit sa maliit na bintana at bahagya iyong binuksan.Sumilip siya sa labas pero ang mga sumasayaw na puno dahil sa malakas na ihip ng hangin ang kanyang nakikita.Nakahinga naman siya ng maluwag marahil nalaglag na sanga ng puno lamang ang kaniyang narinig.Isinara niya ang bintana at naupo sa gilid ng kama.Sabay tunog ng kaniyang tiyan,gutom na gutom na siya mula pa kagabi hindi pa siya kumakain.Naalala niya ang sinabi ni kieth na pupuntahan siya nito. Nagtataka siya kung bakit siya nito hinayaang makatakas at magpanggap na nanlaban siya kaya siya nakatakas.Nahihiwagaan siya sa pagkatao nito at higit sa lahat pano nito nalaman na may maliit nabahay sa likod ng talon.Napabuntong hininga siya hanggang ngayon wala pang alam ang pamilya niya sa nangyayari sa kanya,Hindi niya tuloy maiwasan na sisihin ang lalaking nag lagay ng diamond sa kanyang pati tuloy siya nadamay sa gulong kinasangkutan nito.At higit sa lahat sang lupalop ng mundo niya hahanapin ang SAvan Vega na sinasabi nito.Muli siyang na pa buntong hininga. Humahapdi na ang kanyang tiyan sa gutom kilangan niyang maghanap ng makakain ,siguro naman may makikita siya kahit na anong prutas na bunga sa gubat.Tumayo siya at lumabas ng kwarto nang makalabas inilinga niya ang paningin sa loob ng bahay,gawa iyon sa purong kahoy at halata niyang matitibay na kahoy ang ginamit para mabuo ang bahay.Halos walang makikitang gamit sa loob maliban lamang sa kamang hinigaan niya kanina. Naglakad siya palapit ng main door at binuksan iyon ,agad sumalubong sa kanya ang malamig na ihip ng hangin na humahampas sa kanyang mukha.Tirik ang sikat ng araw pero hindi mararamdaman ang init mula roon dahil nakakanlungan ng mga puno ang paligid.Iginala niya ang mata parang nakaramdam siya ng takot ng maisip na siya lamang ang tao sa lugar na ito.Pano kung may mga baboy ramo sa gubat at lapain siya hindi nga siya napatay nang mga kumidnap sa kanya sa mabangis at matalas na pangil ng baboy ramo naman siya bumagsak. Nag dadalawang isip siya kung itutuloy ang planong paghahanap ng pagkain.Pero muling humapdi ang kaniyang tiyan,kaya no choice kundi ituloy ang kaniyang plano. Inihakbang niya ang paa palabas ng pinto at kabadong naglakad papasok ng masukal na kagubatan. Montillano Mansion Muntik ng panawan ng ulirat si Arrabella sa sinabi ng NBI na nasa harap nila ng asawa niyang si Zach. Na kidnapped si Cassandra at ngayon ay nasa pangangalaga ito ng isang undercover NBI agent.Naluluhang tumingin siya kay Zach na kuyom ang kamao at nagtatagis ang bagang sa galit. "Pano nangyaring nasangkot ang anak ko sa gulong yan!" si Zach na madilim ang mukha. "Mr. Montillano huminahon po kayo ligtas naman na po ang anak nyo." Sagot ng NBI agent na nagpakilalang si Luther Revira. "Huminahon pano akong hihinahon ni hindi namin alam kung nasan na ang anak namin kung kumakain ba siya damned!pag my nangyaring masama sa anak ko mananagot kayong lahat sakin!" Hinawakan niya ang kamay ng asawa para kumalma ito lalong walang mangyayaring maganda pag pare-pareho silang nagpadala sa kanilang emosyon. "Ibalik nyo ng ligtas ang anak namin sir wag nyo siyang hayaang mapahamak." Turan niya na pilit kinalma ang sarili.Kahit nanginginig ang kaniyang tinig sa pinipigil na iyak. "Wag po kayong mag alala makakauwi siya ng ligtas pero hindi pa ho siya pwedeng umuwi ngayon mainit pa siya sa mata ng mga ku-midnap sa kanya.At isa pa hong dahilan kung bakit ako nagpunta dito ay para sabihin sa inyo na magpapadala kami ng mga police na magbabantay dito sa inyo dahil alam namin na kayo ang babalikan nang grupong nag pa kidnapped sa anak ninyo.Kaya kilangan ho natin ang mag doble ingat." turan ng NBI agent. Naitakip niya ang kamay sa kanyang bibig,Ano ba itong gulong napasok nila at ang anak niya nanganganib ang buhay nito,Natatakot siya sa maaring mangyari dito.Naramdaman niya ang pagkabig ni Zach sa kanyang katawan.Namumuo ang luhang tumingin siya sa asawa. "Dont cry my love walang mangyayaring masama satin at higit lalo sa anak nating si Cassandra hindi ko hahayaang mapahamak ang anak natin." malumanay na turan nito sa kanya na hinalikan ang kanyang ulo.Nabawasan naman ang kaniyang pag aalala sa tinuran nito.Ang mahalaga nalaman nilang hindi na hawak ng mga kidnapper ang kanilang anak at nasa ligtas na lugar na ito. "Anong pangalan ng Undercover agent nyo? na nangangalaga sa anak ko." si Zach Tumingin sa kanilang mag asawa ang NBI agent bago nagsalita. "Savan Kieth Vega" Cassandra Yakap niya ang sarili habang naglalakad sa loob ng kagubatan malakas na t***k ng kanyang puso ang kanyang naririnig pati narin ang nagkakantahang ibon na nakatago sa malalagom na dahon ng puno.Inilinga niya ang mga mata sa pag babakasaling makakita siya ng pwede niyang kainin. Nahagip ng mata niya ang mababang puno ng saging na may nakalawit na hinog na bunga. ,namilog ang mata niya sa katuwaan at nagmadali siyang makalapit sa puno.Sa sobrang excited na nararamdan hindi niya na pansin ang naka usling ugat ng puno sa kanyang dadaanan.Huli na bago pa siya makaiwas natakid siya sa puno dahilan para madapa siya at bumagsak ang katawan niya sa mga tuyong dahon na nakalatag sa lupa. "oh s**t"ang tanga tanga mo cassandra hindi ka tumitingin sa dadaanan mo!" sisi niya sa kanyang sarili habang tumatayo mula sa pagkakadapa.Hindi pa siya hustong nakakatayo ng makarinig siya ng nakakakilabot na tunog.Iginala niyaang tingin at nanlaki ang kanyang mata at napaawang ang bibig sa nakita.Isang malaking baboy ramo na my limang hakbang ang layo sa kanya, at mapula ang matang nakatingin sa kanya.May mahaba at matulis na pangil na nakalabas sa mahaba nitong nguso mahaba narin ang mga balahibo nito na halos lumawit na sa katawan nito. Nanginig ang katawan niya sa takot ng marahan siyang tumayo.Muli niyang iginala ang paningin kung sang dereksyon siya pwedeng tumakbo.Bahala na si batman basta ililigtas niya ang sarili sa mabangis na hayop.Hindi siya papayag na lapain lamang nito ang kaniyang magandang katawan. Sinimulan niyang mag bilang sa isip habang titig na titig sa baboy ramo na handa ng umatake. 1 2 3 "Tabko!" bulalas niya bago mabilis na kumilos ang tumakbo narinig niya ang tunog ng baboy ramo sa kanyang likuran hinahabol na siya nito. lord help me please ayokong malapa ng maangis na hayop na ito."piping dasal niya habang mabilis na tumatakbo. Bumabangga na siya sa mga sangang nakahapay sa dinadaanan niya pero hindu na niya iniinda ang paghampas niyon sa katawan niya,isa lamang ang gusto niyang mangyari ang makatakas na mabangis na hayop. Nilingon niya ito at lalo siyang natakot ng mabilis itong humahabol sa kanya.Namalayan nalang niyang umiiyak na pala siya nanginginig ang buong katawan niya kaya hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas para tumakbo ng mabilis.HINDI rin niya nararamdaman ang pagod.Patuloy siya sa pagtakbo hindi na niya alam kung saan na siya napasuot. Muli niyang nilingon ang baboy ramo.Sa pagkakalingon sa baboy ramo hindi niya nakita ang makakabangga.Bumangga ang katawan niya sa isang matigas na bagay.Pero hindi sa puno kundi sa isang taong hindi niya inaasahang makita,para siyang na buhayan ng loob naramdaman din niya ang panghihina ng tuhod at sobrang pagod at takot.Hanggang sa nagdilim ang kaniyang paningin, bago siya nawalan ng malay naramdaman niya ang pagsalo ng matigas na bisig nito sa kanyang pagal na katawan. ________ OpPs sino kaya yung nakabangaan niya kakampi kaya siya o kalaban....hulaan...... Thank you for reading my story hope you like this chap and please feel free to comment,vote and share thank you again sa inyo.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD