Leigh Risha Hawthorn
Nakahinga ako ng malalim nang maabutan ko si Aizen at makapasok sa loob ng kanilang bahay. Buti naman. Akala ko talaga ay maiiwan na niya ko sa labas. Baka mapagalitan pa ko ni Daddy.
Patuloy na pinagulong ni Aizen ang kanyang wheelchair patungo sa kusina. Hinabol ko siya at nakangiti ko siyang tinulungan sa pagpapagulong ng wheelchair niya. Nang maramdaman niya ang presensiya ko sa kanyang likod at napatingala siya ng tingin sa akin.
"I didn't ask your help. Leave me alone."
Nakangiti akong umiling sa kanya. "No. Hindi naman lahat ng tumutulong ay kailangan pa makarinig ng taong nangangailangan ng tulong eh. Tss."
Akala ko mauunawaan na niya ko, pero mas lalo lang sumama ang tingin niya sa 'kin. Hala! Galit na naman ba siya? May mali na naman ba kong ginawa? Lagot ako sa lolo niya kapag sinumbong niya ko.
Sinirado ko ang aking dalawang mata at ipinilig ko ang aking ulo. Relax, self. Mabait ang kasama mo at sadyang ganyan lang ang ugali niya.
Huminga ako ng malalim bago muling dinilat ang along dalawang mata.
"Tsk. Are you crazy? Why do I need to spend my precious times with you. Tsk." Hindi na ko nakaangal sa kanya nang muli niyang pinagulong mag-isa ang kanyang wheelchair.
"Sandali lang, Aizen!"
*
Nang makarating na rin kami sa wakas ni Aizen sa kusina ay agad na nagpalinga-linga sa kanyang paligid si Aizen. Hindi ko alam kung anong hinahanap niya kaya tahimik ko na lang siyang pinagmasdan.
Sandali. . . Hindi kaya ako ang hinahanap niya? Nag-aalala na ba siya dahil sa pag-iwan sa akin?
Dahil sa aking naisip ay naglakad ako patungo sa direksyon ni Aizen nang may malawak na ngiti sa aking labi. Nakakatuwa. Hindi naman pala siya gaanong galit sa akin eh. Hahaha.
"Hey, Aizen!"
Napansin ko ang pagkagulat ni Aizen nang bigla akong sumulpot sa kanyang likuran. Hindi ko naman intensyon na gulatin siya, pero mukhang magugulatin talaga ang lalakeng 'to. Napanguso tuloy ako. Minsan talaga, iba ang reaksyon ni Aizen sa mga bagay na hindi naman dapat gano'n ang ikikilos niya. Bumuntong hininga ako ng malalim.
"You, why are you still following me?" Isang beses lang akong sinulyapan ni Aizen at pagkatapos ay muli na niyang ibinaling ang kanyang paningin sa ibang direksyon.
Patuloy pa rin ang paglinga niya sa paligid na tila may hinahanap talaga siya. Naandito na ko ah. Kung gano'n, hindi ba ko ang hinahanap niya? Kung sabagay, paano niya ko hahanapin eh kanina pa kami magkasama. Hahaha.
"Tigilan mo nga ang pag-english mo, Aizen. Magsalita ka lang ng ganyan sa mga taong hindi mo pa kilala. Magkaibigan na tayo kaya p'wede kanang magsalita ng tagalog." Itinaas ko ang aking kanang kamay at nagbigay ako ng thumps up sa kanya. Pagkatapos ay kumindat pa ko.
Kaya lang mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya. Napabuntong hininga ko ulit ng malalim. Ito talagang si Aizen. Nakalimutan na rin yatang magkaibigan kami.
"When did I become your friend? Tss. You are giving me a real headache. Get out now!"
Med'yo nataranta ako ng sumigaw na siya sa akin at napatuwid ako bigla ng pagkakatayo.
"T-Teka, Aizen. Bakit pinapaalis mo na ko kaagad. Hindi mo ba alam na pinaalis ako sa bahay namin para lang puntahan ka? Nakakatampo kanang kaibigan ha." Pinagkrus ko ang aking dalawang braso at inirapan siya kunwari.
Naghintay ako ng isasagot niya sa akin, pero wala na kong narinig na boses niya. Kaya muli kong ibinalik ang paningin ko sa direksyon ni Aizen. Nakita ko siya na pilit inaabot ang lagayan ng pinggan na katabi lamang ng lababo. Dahil nga nakasakay siya sa wheelchair ay hindi niya talaga ito makuha.
Napailing na lamang ako bago ko siya tinulungan na kuhanin ang pinggan na kanina pa niya gustong kuhanin. Pagkatapos ay inabot ko ito sa kanya.
"Ito na. Ako ang napapagod sa 'yo habang pinagmamasdan ka. Uso rin ang humingi ng tulong paminsan-minsan no."
Kinuha niya sa akin ang plato at pagkatapos ay sinamaan niya ko ulit ng tingin. Ganyan siguro ang paraan niya ng pagsasabi ng salamat. Hahaha. Kung gano'n ay kanina pa pala siya nagpapasalamat sa akin dahil kanina pa niya ko sinasamaan ng tingin?
Nilagay niya ang plato sa kanyang binti at pagkatapos ay muli niyang pinagulong ang kanyang wheelchair. Nagtataka man ay pinili ko na lamang ng sundan siya.
Huminto siya sa tapat ng dinning table na may mga nakatakip na pagkain. Katulad kanina at pinilit ulit niyang tumayo at abutin ang nasa lamesa. Ano kayang trip ng isang 'to? Gusto niya ba talagang subukan ang mga bagay na hindi naman niya kaya sa ngayon?
Nagmadali akong maglakad sa direksyon niya nang makita ko ang hirap sa kanyang mukha. Nang makita kong malapit na siyang matumba at mapaupo ay mabilis kong hinawakan ang kanyang braso at bewang upang saluhin siya.
Sa ginawa ko ay nagkatitigan ang aming mga mata ng ilang segundo. Bigla na lamang bumilis ang t***k ng aking puso at hindi ko malaman ang aking dapat na gawin.
"B-Bitiwan mo na ko. Gusto ko ng umupo."
Nagbalik sa realidad ang isip ko nang magsalita si Aizen at unang nag-iwas ng tingin sa akin. Dahan-dahan ko siyang inupo sa kanyang wheelchair habang patuloy pa rin sa pagbilis ng aking puso at tila nakakaramdam ako ng init sa aking magkabilang pisngi.
"H-Hindi ka pa ba kumakain? Dapat sinabi mo agad sa akin. Tss."
Pati ako ay nahahawa na sa pautal-utal ni Aizen. Bakit ba kasing biglang nag-iba ang pakiramdam ko? Pati yata ako ay magkakasakit na sa kanya. Hala! Hindi kaya nakakahawa talaga ang sakit ni Aizen? Waah!
Kahit hindi ako inuutusan ni Aizen ay pinili ko pa rin na paghainan siya ng pagkain at pagkatapos ay mabilis ko itong inabot sa kanya. Kinuha niya naman ito sa akin, pero sinamaan niya ko ulit ng tingin bago niya kinuha ang pagkain na binigay ko. Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim.
Buti na lang at kumain siya. Kundi ay malalagot talaga ako sa lolo niya! Laking problema pa.