Leigh Risha Hawthorn
Malapit ng maghapon ay hindi pa rin dumadating sina Daddy o ang lolo ni Aizen. Nakakaramdam na nga ko ng pagkabagot at kanina ko pa gustong hawakan ang painting tools ko sa bahay namin, pero hindi ko magawa dahil hindi ko naman p'wedeng iwanan si Aizen.
Med'yo nalalaman ko na kung bakit pinaiwan ako ng Lolo ni Aizen para bantayan ang apo niya. Kung anu-ano kasing pinaggagawa ni Aizen at lagi pa siyang muntikan na mapahamak. Buti na lamang at lagi akong nakasubaybay sa kanya. Hahaha.
Kaya lang ay hindi pa rin natigil ang pagiging masungit niya sa akin.
Habang nakaupo kami ngayon sa sala at nanonood sa television ay ramdam ko ang pasulyap-sulyap sa akin ni Aizen. Matutuwa sana ako kung maganda ang binibigay niyang tingin sa akin, pero hindi eh. Parang gusto na niya kong kulamin kanina pa.
May lahi kaya silang mangkukulam? Paano kaya kung gawin talaga niya 'yon? Hala! Baka kung anong mangyari sa akin!
Hinawakan ko ang buhok ko na nakalugay lang kanina pa. Buti na lang at may dala akong panali sa buhok. Binalunbon ko ang buhok ko at hindi nagtira ng kahit isang pirasong buhok na nakalugay. Baka kasi bigla na lang niya kong kuhanan ng buhok. Mahirap na.
Ayon sa nababasa ko sa mga libro at napapanood sa mga movie, bago makulam ang isang tao ay kailangan daw munang makakuha ng kahit na anong bagay na pagmamay-ari ng taong gustong kulamin. Kung totoo 'yon ay kailangan ko talagang mag-ingat.
Nag-krus muna ako bago muling tumingin sa direksyon ni Aizen. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, pero sa pagkakataon na ito ay magkasalubong na ang kanyang noo.
"What are you thinking? At bakit kakaiba ang tingin mo sa akin ngayon?"
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko kay Aizen. Baka malaman niya na alam ko ang balak niyang gawin at bigla niyang madiliin ang nais niya. Ibigsabihin, ilang oras o araw na lang ang nalalabi ko sa mundo. Waah!
"Aizen, alam mo ba na masama ang pagkukulam? Hindi ka tatanggapin sa langit. Kaya ngayon pa lang ay baguhin mo na ang plano mo sa 'kin."
Mabilis akong napatakip sa bunganga ko nang maunawaan ang aking nasabi kani-kanina lang. Hala! Pahamak talaga kung minsan ang bibig ko. Walang preno!
Nakaramdam ako ng kaba habang unti-onti akong lumilingon sa direksyon ni Aizen. Natatakot ako dahil baka gawin na niya ngayon mismo ang balak niya. Gusto ko na tuloy umuwi sa bahay! Kaya lang ay wala pa ang Lolo niya at pagkatapos ay hindi ko alam ang gagawin niya kung sakali man na umuwi ako.
Sabi nga ng iba, get your friends close and your enemies closer. Tama ba?
Itinaas ko ang aking dalawang kamay nang makita ang pagliit ng mga mata ni Aizen. Nagsisimula na kaya siyang magsabi ng spell sa isipan niya?
"Pakiusap, huwag mong gawin. Huwag mo kong tingnan."
"What are you talking about? Tss. Masisiraan ako ng ulo kung kagaya mo ang lagi kong kasama."
Nag-angat ako ng aking paningin at binaba ko ang aking dalawang kamay. Hindi na nakatingin sa akin si Aizen. Umiiling na lang siya habang nanonood ng television.
"Sa ating dalawa ay mas mukha ka pang mangkukulam."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung gano'n ay hindi pala siya marunong mangkulam? Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman. Akala ko katapusan ko na.
"Hehe. Pasensiya kana. Akala ko kasi talaga ay mangkukulam ka."
Napaayos ako ng pagkakaupo nang ibaling sa akin ni Aizen ang paningin niya.
"Nagloloko kana naman ba? Do I look like a witch to you? Tss. Alam mo, dahil nandito kana rin naman ay kuhanan mo na lang ako ng maiinom sa kusina. Kailangan mong sundin ang sinabi ko dahil may kasalanan ka pa sa 'kin."
Parang awtomatiko akong napapangiti sa tuwing maririnig ko ang mahaba niyang linya. Mukhang mas nagiging close na talaga kami. Hahaha.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at ngumiti ng malawak sa kanya. "Kahit wala naman akong kasalanan ay susunod pa rin ako sa 'yo." Tumingin pa ko sa wheelchair na dala-dala niya bago tuluyang tumalikod sa kanya at naglakad patungo sa kusina.
Naglalakad pa lang ako sa pasilyo ay hindi ko na maiwasang mapangiti. Kapag naging mas close pa kami ni Aizen ay susubukan ko siyang yayain papunta sa book signing ng paborito kong writer. Sasama kaya siya? Nagbabasa kaya siya ng libro? Mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa dahil sa excitement na nararamdaman ko. Hahaha.
Nahinto ako sa paglalakad nang may madaanan akong isang mataas na castle na gawa sa baraha. Ang ganda ng pagkakagawa niya at mukhang ilang days, weeks, months at year ang nakalipas bago siya natapos gawin. Ang ganda!
Hindi ko ito napansin kanina dahil na kay Aizen ang buong atensyon ko. Baka kasi kung ano na naman ang maisipan niyang gawin. Naisipan kong kumuha muna ng tubig sa kusina bago muling pinagmasdan ang mga baraha na nakita ko.
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at naisipan na picturan ang castle. Kitang-kita ang ganda ng castle at may panibago na naman akong ipopost sa i********: ko. Yehey!
Bitbit ko pa ang baso na naglalaman ng tubig habang kinukuhanan ko ng litrato ang bawat anggulo ng castle. Paminsan-minsan ay umuupo pa ko para kuhanan siya sa ilalim at kung minsan ay tumitingkayad ako para makita siya sa mas mataas na anggulo. Ang ganda talaga!
"Hey, what are you doing-"
Nagulat ako sa pagdating ni Aizen na nandito na pala sa aking tabi kaya na-out of balance ako sa pagtingkayad at sa bilis ng pangyayari ay hindi sinasadyang naitungkod ko ang aking kamay sa castle. Dahil gawa siya sa baraha ay mabilis itong nasira at unti-onting bumagsak sa lupa.
Napahawak ako sa puwet ko na bumagsak sa sahig at dahan-dahan na tumayo. Lumingon ako sa castle at sa direksyon ni Aizen.
Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagdilim ng kanyang mga mata.
"Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo!"
Napaatras ako nang makita ang galit sa mga mata ni Aizen. Sakto pagsigaw niya ay biglang dumating at nagpakita sina Daddy at ang lolo ni Aizen. Nakita ko ang pagtingin ng Lolo ni Aizen sa castle na nasira ko. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Hija, umuwi kana muna. Baka pagod kana. Sumama kana sa daddy mo."
Tumango na lang ako sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari at sa kakaibang nararamdaman ko ngayon.
It hurts.