Leigh Risha Hawthorn
Hinahabol ko ang aking hininga ng huminto ako sa pagtakbo bitbit ang binili na dalawang kong w*****d book. Yakap-yakap ko ito gamit ang kaliwa kong kamay. Ang kanan ko namang kamay ay ginagamit ko upang punasan ang tumatagaktak kong pawis na namumuo na sa aking noo.
"Kyah! Nakapagpa-authograph din ako sa wakas!" sigaw ko sa pagitan ng pagod na aking nadarama ngunit agad ko ring napagsisihan ang nagawa kong aksyon dahil napalingon ako sa paligid at napagtanto ko na nasa gitna pala ko ng kalsada ngayon and worst, maraming tao.
Napasapo na lang ako sa aking noo nang unti-onting tumaas ang hiya na aking nararamdaman ngayon. Nalintikan na ko!
Napalingon sila sa direksyon ko. Ang iba ay nagsisimula na kong pagbulungan at ang iba naman ay pasimple na kong tinatawanan. Isang malalim na buntong hininga tuloy ang aking napakawalan.
However, I flip my hair and just gave them my dazzling smile before I turn around and leave them.
Pagkatalikod ko ay tuluyan ko ng hindi naitago ang hiya na nararamdaman ko. Oh my gee! Nakakahiya talaga ang nangyari, pero kasalanan ko ba kung mag-overwhelmed ako sa tuwa dahil na-meet ko na rin sa wakas ang favorite author ko?
Samantala, nakakailang hakbang pa lang ako ay bigla kong natapakan ang sarili kong paa dahil sa paekis-ekis kong lakad. Natumba ako at napasubsob sa sahig katabi pa ang tae ng aso. Gusto kong humiyaw dahil sa nangyari, pero hindi ko magawa. Marami pa rin kasing tao ang nakatingin sa direksiyon ko ngayon.
Dali-dali akong tumayo at pinagpagpag ang sarili ko. Muli akong lumingon sa paligid at ang kaninang pasimpleng tawa ay talagang lantaran na.
Hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanila. Yuck! Kadiri! Sa dinami-dami ng magiging first kiss ko muntikan pang makuha ito ng isang tae ng aso. Yuck!
Ngumiti na lang ako sa mga tao na labas pa ang mga ngipin ko at dali-daling naglakad palayo sa kanila. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko ng makatalikod na ko sa kanila.
Kasalanan ko ba kung wala ring pinipiling oras ang pagiging clumsy ko?
Samantala, pansamantalang nawala ang hiya na nararamdaman ko nang makarinig ako ng isang malakas na kalabog mula sa hindi kalayuan sa aking likuran. Nagdalawang isip pa kong lumingon kasi naalala ko 'yong horror movie na pinanood ko kagabi. 'Huwag kang lilingon' ang title. Bumilis ng husto ang puso ko dahil sa kaba. Kahit may araw pa ang paligid ay hindi ko maiwasan matakot dahil sa horror movie na 'yon. May multo kaya na nagpaparamdam kahit araw!
"Hala! Tumawag kayo ng ambulansya!"
"Madali! Naliligo na sa sariling dugo 'yong lalake."
Dugo? Isang ngiti ang agad na gumuhit sa aking labi nang marinig ang katagang 'yon at awtomatiko akong napalingon sa aking likuran. Sakto paglingon ko ay siyang pagdating ng rumaragasang ambulansiya patungo sa lalakeng naliligo nga sa sariling dugo, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko ngayon habang nakatingin dito.
Nakahiga siya sa pagitan ng isang motorsiklo at isang tricycle na parehong nasa tabi ng isang poste. Nakaramdam ako ng awa sa kanya nang makita ang expression ng kanyang mukha. Napakagat na lang ako ng aking labi dahil hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam kapag nakakita ka ng isang aksidente.
Akala ko ay makakaramdam lang ako ng saya kapag nakakita ako ng dugo, pero hindi pala.
Naaawa kong pinagmasdan ang mukha ng lalake at napaatras ako ng isang hakbang ng biglang gumalaw ang ulo niya at bahagya akong napasadahan ng tingin. Naalala ko bigla 'yong horror movie na napanood ko nang nakaraang araw. 'Sundo' naman ang title niya.
Hala! Hindi ko pa oras para mamatay!
Jyle Aizen Martins
Nanliit ang mata ko sa sinabi ng kasama kong kaibigan na si Gidel.
"What? You want me to have a blind date?" pag-uulit ko pa sa sinabi niya kanina.
Nakangiti siyang tumango sa akin habang sinisipsip ang inorder niyang kape. Mas lalong nanliit ang mata ko.
"Bro, nagbibiro ka ba?" Mas lalo ko siyang pinanliitan ng mata para malaman niyang hindi ako payag sa sinabi niya, pero umiling lang siya sa akin.
"Jyle, malapit kanang mag-twenty years old. Kailan ka ba magkakainterest sa babae?" Tumigil siya sa pagsasalita at bahagya siyang lumayo sa akin. Tiningnan niya pa ko ng malagkit kaya alam ko na agad ang tumatakbo sa isip niya.
Batukan ko kaya 'to ng tumino ang pag-iisip niya?
"Hindi kaya lalake talaga ang hanap mo?" Nanlaki ang mata niya at napahawak sa kanyang bibig habang nakatingin sa akin.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at saka tumayo ng nakasimangot.
"Kung anu-ano na tumatakbo sa utak mo. Ito ang pera at nang makapagpa-check-up ka naman. Mamaya malaman ko na lang na nasa mental ka na." Kumuha ako ng ilang libo sa wallet ko at inilapag 'yon sa harap niya bago ko siya iniwan ng nakatulala sa perang binigay ko.
Yeah, kaibigan ko siya. Kaya lang mukhang mas kaibigan ng tukmol na 'yon ang pera. Tsk. Nang makalabas na ko sa sweety cafe na madalas naming pagtambayan ay isang buntong hininga ulit ang napakawalan ko.
Tss. He did that because he still don't know my secret.
Pasipol-sipol akong naglakad habang nakapamulsa ang dalawa kong kamay sa suot kong jersey shorts. Napapailing ako at napapangiwi sa sinabi ng kaibigan ko kanina.
He wants me to have a blind date.
Napangiwi ulit ako sa naisip. That will never happen. Bakit? Katulad ng sinabi ko kanina, I have this little secret na hindi ko pa sinasabi kahit kanino. Ano 'yon? I am aromantic asexual at sa mga hindi nakakaalam ng bagay na 'yon, isa akong tao na walang interest pagdating sa love or kahit sexually pa sa kahit na anong gender. Sakit ba 'yon? Hindi. Isipin n'yo na lang na para lang itong katulad ng mga bisexual or ng mga hetero s****l. Kaya hanggang ngayon ay wala pa rin nagpapatibok ng puso ko at hindi pa rin ako naiinlove kahit kailan.
Hindi ko rin naman pinangarap na mainlove. Seeing my two parents happy with their own family, love is really sucks. Love always have expiration. Tss.
Tumawid ako ng kalsada ng makakita ako ng itim na pusa na nasa gitna nito. Nagpalinga-linga pa ko sa paligid bago tuluyang tumawid at kinuha ang pusa upang hindi ito masagasaan.
Subalit sakto sa pagbitbit ko ng pusa ay naaninagan ko ang isang tricycle na mabilis ang pagkakatakbo. Napakagat ako sa aking labi ng mapansin na tila nawawalan na ito na preno. Gusto kong makatakbo, pero tila nanigas ang dalawang paa ko at nakatulala na lang sa tricycle na babangga sa akin. Hanggang sa may tumama sa likuran kong isang motor at kinaladkad ako hanggang sa kabilang kalsada sa tabi ng poste. Doon rin pumunta ang tricycle na nawalan na preno at napagitnaan ako.
Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa sakit na naramdaman. Nagkulay pula na rin ang paningin ko. Hindi ko maibuka ang aking bibig para humingi ng tulong dahil sa panghihina.
Ang tangi ko na lang nagawa ay ang maiangat ng bahagya ang aking ulo at masilayan ang babaeng nakatingin din sa akin mula sa hindi kalayuan ng kinalalagyan ko na may pagkaawa.