CAPITULUM DOS

1490 Words
Leigh Risha Hawthorn Isang malawak na ngiti ang umukit sa aking labi habang nakasilip sa labas ng bintana ng sinasakyan naming van. "Its summer and oh! It's summer~" Lahat ng mga sasakyan na nalalagpasan namin ay napapalingon sa amin dahil sa malakas kong pag-awit. Sino ba kasi ang hindi matutuwa kung bakasyon na? It means no homework, no classes and no everyday school works! It's heaven, you know? "Mom, pahintuin mo naman sa pag-iingay si ate Leigh. Hindi ko na marinig ang pinapanood ko sa WhyTime e," reklamo ng nakakabata kong kapatid na lalake na nakaupo sa aking tabi. Inirapan ko siya nang marinig ko ang sinabi niya at pagkatapos ay bumuntong hininga ako ng malalim. Bumalik ako sa aking ginagawa na parang walang narinig mula sa bunso kong kapatid. "Hayaan mo na siya, Ray. Hindi ka pa nasanay sa ate mo." Tumawa ng malakas si dad na nagbigay ingay pa lalo sa loob ng sinasakyan naming sasakyan. Napapabuntong hininga na lang na nagbalik ng tingin si Ray sa hawak niyang tablet. Imbis na mainis sa sinabi ng kapatid ko ay mas lalo pa kong napangiti ng malawak. Ganito lagi ang reaksiyon ng kapatid ko sa tuwing mag-iingay ako kaya bukod sa sanay na siya sa akin, sanay na rin ako sa reaksiyon niya. Hindi ko tuloy mapangiti pa lalo dahil sa aking naisip. Pagkatapos ay napapailing na lang ako ng aking ulo at humarap sa katabi ko. "Anong klase ng pag-iingay ba ang sinasabi mo, Ray? Nakanta ako no!" Tumawa ako ng malakas na nagpasapo sa noo ng kapatid ko. Hala! Hindi niya ba naintindihan ang katwiran ko? Dapat pala mas pinaliwanag ko pa sa kanya ng maayos, pero anong paliwanag naman kaya ang sasabihin ko sa kanya? Hindi naman p'wede na magsinungaling ako, hindi ba? Bahala na. Hindi naman siguro matagal maiinis sa akin si Ray. Mamaya lang din ay mabait na 'to sa 'kin. Hihi. Isa pa, abala naman siya kanina pa sa panonood sa kanyang tablet. Minsa nga ay napapaisip na ko kung anu-ano ba ang pinapanood niya sa WhyTime. Hindi kaya masama ang pinapanood ng isang 'to? Napailing ako sa aking naisip. Hindi naman siguro. Kahit naka-head set siya lagi ay hindi naman siguro masama ang pinapanood niya. Para mas sigurado ako ay pasimple akong sumilip sa pinapanood ni Ray, pero napangiti na lang ako nang makita na videos ng mga nakain lang pala ang pinapanood niya. Nakahinga na ko ng malalim dahil sa aking nakita. Itong bata na 'to. Akala ko talaga ay kung ano na ang kanyang ginagawa. Napapailing tuloy ulit ako ng aking ulo. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa labas ng van at dinama ang hangin na humahampas sa aking mukha. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay tumigil na ang sinasakyan naming van sa tapat ng isang bungalow. A low white house with a broad front porch having either no upper floor or upper rooms set in the roof, typically with dormer windows. Namangha ako ng sobra sa hitsura nito kaya naman hindi ko na napansin na nakatabi na pala sa akin ang nakakabata kong kapatid. Walang expression siyang nagsalita malapit sa aking tainga at sa hina ng boses niya ay parang bumulong lang siya sa akin. "Ate, bago ka sana pumasok sa loob ay punasan mo muna 'yang laway mo." Napalingon ako sa direksiyon ni Ray at nakita ko siyang pailing-iling na pumasok sa loob kasunod sina mom at mom. Wala sa sarili akong napakapa sa ilalim ng aking labi at nakapa ko nga ang tubig mula doon. Napasapo na lang ako sa aking noo pagkatapos mapunasan ang laway na sinasabi ni Ray. Waah! Buti na lang at walang tao rito. Teka, sandali. Hindi pa ko sigurado kung wala ngang tao! Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napatakip ako ng aking bibig nang makita ang isang lalaki na nakasakay sa isang wheelchair. Walang kurap-kurap siyang nakatingin sa akin. Hindi siya gumagalaw ng kahit kaunti kaya nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. Hala! Isa ba siyang manika? Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng itim na pantalon at white na polo shirt. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa gilid ng wheelchair. Maputi ang kanyang balat na 'sing puti ng niyebe. Matipuno ang kanyang pangangatawan. Hindi ko nga lang siyang mailarawan mas'yado dahil ilang pulgada rin ang layo niya sa akin. Nasa likuran niya ang pintuan ng isang two-storey house na kulay blue. May maliit na garden din sa tabi niya. Ilang minuto rin akong napatulala sa kanya at nagbalik lang ako sa wisyo nang bigla siyang kumurap-kurap, pero wala pa ring expression ang mukha niya. Kinusot ko ang aking mata dahil baka namalikmata lang ako, pero nakita ko ulit siyang kumurap at sa pagkakataon na 'to ay wala siyang expression na nakatingin na sa aking direksiyon. Napatakbo ako sa loob ng bahay ng wala sa oras dahil sa kaba na aking naramdaman tungkol sa aking nasaksihan. Halos madapa na nga ko dahil sa pagtakbo. Med'yo clumsy man ako, pero hindi naman ako mas'yadong mabagal tumakbo. Sapat lang ang takbo ko para makatakbo sa kung ano o sino man na nakita ko. Habol ang aking hininga ay mabilis akong pumunta sa direksiyon kung nasaan sina mom at sumigaw. "Mom, may manika na gumagalaw sa kabilang bahay!" Jyle Aizen Martins Pinagulong ko ang aking wheelchair hanggang sa makapunta ako sa direksyon ni lolo. "Aizen, may masakit ba sa 'yo?" Ibinaling niya sa akin ang kanyang paningin at pansamantalang hininto ang kanyang pagbabasa ng kung anong libro. Pinagmasdan ko ang libro na binabasa niya sa loob ng ilang segundo, pero hindi ko talaga matukoy kung anong klase ng libro ito kaya hinayaan ko na lang. Marahan akong umiling sa kanya. Walang emosyon ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata at marahang umiling. Muli kong pinagulong ang wheel chair na sinasakyan ko at nagtungo sa labas ng aming bahay. Simula nang mangyari ang aksidenteng 'yon, pakiramdam ko ay hindi na ko basta-basta aromantic asexual lang ngayon. Mukhang naging bato na rin pati ang buo kong pagkatao. Sino bang hindi magiging ganito kung sinira ng aksidenteng 'yon ang isang mala-fairytale kong buhay? Pakiramdam ko isa akong walang kuwentang tao na hindi nararapat mabuhay sa mundong ito. Isa na kong tao na nawalan ng silbe ang ibang parte ng katawan dahil hindi ko na ito maigalaw. Ano pa ang silbe ko kung kalahati ng katawan ko na lang ang gumagana? Pakiramdam ko ay parang isang sirang makina na rin ako sa mundo na kailangan ng palitan. Anong sports pa ba ang magagawa ko sa ganitong kalagayan? Anong gimik pa kaya ang mapupuntahan ko kung lagi kong dala ang malaki kong wheelchair? Kahit nga ang tumayo ay hindi ko na magawa dahil nanginginig lang ang buong tuhod at paa ko. Bukod pa rito ay nakakaramdam din ako ng sakit na hindi ko dapat nararamdaman kung hindi lang dahil sa aksidente. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko habang nakatanaw sa katapat naming bahay. Kung maibabalik ko lang ang mga oras na 'yon ay hindi ko na lang sana tinulungan ang pusa na 'yon para hindi na sa akin nangyari ang bagay na 'to. Ano pa kayang magiging silbe ng hinaharap ko kung ultimo magtrabaho ay hindi ko na rin magagawa? Napakurap-kurap ako at tila natauhan sa mahabang panaginip nang may huminto na isang kulay itim na van sa tapat ng bahay na pinagmamasdan ko. Naunang bumaba sa van ang isang morena na babaeng may wavy hair hanggang balikat. Humarap siya ng bahagya sa bungalow house. Kasunod niyang bumaba ang isang batang lalaki na sa tansiya ko ay nasa sixteen years old pa lang at tumabi sa babae. Kasunod naman nitong bumaba ang isang lalaki at babae na nagmula sa driver seat at passenger seat. Tumingin 'yong batang lalake sa naunang lumabas na babae at bahagyang ngumisi. Bumulong siya rito at muling binalik ang tingin sa bungalow house at naglakad patungo rito. Nakita kong napakapa 'yong babae sa ibaba ng kanyang labi at napakunot ang noo. Teka, laway ba 'yong pinupunasan niya? Yuck! Kadiri naman ang babaeng 'to. Aso ba siya para maglaway? Nagpalinga-linga siya sa paligid at nahinto ang paningin niya sa direksiyon ko. Pansamantalang nagtama ang aming mga mata at dahil dito ay napagmasdan ko pa ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng isang baduy na kulay violet na jeants at purple t-shirt na may tatak na bear. Gusto ko sanang tumawa sa nakita ko, pero iba ang inutos ng utak ko sa aking nakita. Napakurap-kurap ako at naging weird ang dating no'n sa babaeng tinitingnan ko. Nanlaki ang mata niya at napahawak pa sa kanyang bibig. Umatras siya ng dalawang hakbang at saka tumakbo papasok ng kanyang tinitirahan. "Mom, may manika na gumagalaw sa kabilang bahay!" dinig kong sigaw niya pa bago siya tuluyang mawala. "Huh? Manika? Sinong manika? Ang weird ng babaeng 'yon." Biglang nag-flashback sa isipan ko ang mukha niya. "Sa tingin ko nakita ko na siya noon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD