THREE

1045 Words
“Sikat ka rito?” Hindi ko na napigilang hindi itanong sa kaniya. Kanina ko pa napapansin ang halos mga nagpupusong mata ng mga babaeng nadadaanan namin kanina. Bukod pa roon ay may nadaanan din kaming ibang grupo ng mga estudyante na nagsusuntukan. Ang dami nilang time, wala ba silang mga klase? Humalakhak muna si Andrew bago sumagot. “Oo. Mahirap balewalain ang mukhang mayroon ako. Ikaw, hindi ka man lang ba nahumaling sa akin?” Tumawa ako ng malakas bago muling sumimangot. Hambog. Hindi man lang nagpakipot o kaya nahiya. Talagang binuhat na niya ang sarili niyang bangko. “Grabe siya. Gwapo naman talaga ako, kaya nga maraming nagkakaroon ng crush sa akin. At ako naman bilang mabuting tao, pinagtutuunan ko rin sila ng pansin dahil alam ko ang pakiramdam ng hindi napapansin ng taong nagugustuhan mo. Boom!” Nangungunot ang noong tiningnan ko siya. Bakit kung saan-saan na napunta ang usapan namin? “Nasa Earth ka pa ba?” tanong ko. “Oo. Earth pa naman ‘to, ‘di ba?” Ngayon ay nakakunot na rin ang noo niya. Bilib na rin ako sa haba ng pasensya ko, kung nagkataong mainit ang ulo ko, siguradong sa ospital ang bagsak ng lalaking ito. “Oo,” sagot ko rin. “Pero lilipad ka papuntang Mars kapag hindi ka tumigil.” Napangisi ako nang tumahimik siya saglit, pero isa siyang malaking scam dahil bigla na namang bumuka ang bibig niya. “Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko alam kung anong course ang kinukuha mo,” aniya. “Business management,” tipid na sagot ko. “Malayo pa ba tayo sa opisina ng Dean?” Kanina pa kami naglalakad at ilang hallway na ang natawid namin. Tiningnan ko ang oras at kahit anong gawin ko ay huli na ako sa klase. Muli kaming umakyat ng hagdan at may isa pang hallway na daraanan. Hindi ko nga alam kung anong floor na ito. “Malapit na. Bakit ka ba nagmamadali? Hindi ka naman mahuhuli dahil hindi naman nagkaklase sa unang araw.” Doon lang ako nakampante nang marinig sa kaniya na walang klase. Alangan naman kasi na naturingan akong iskolar tapos pa-chill-chill lang ako sa buhay. “Bakit hindi mo agad sinabi? Ang dami mong idinaldal pero ‘yan ang pinakamagandang narinig ko mula sa ‘yo,” sagot ko. Napairap ako nang ngumisi siya. “Nandito na tayo.” Tumingala ako sa pinto at nakita ko ang nakalagay na Dean’s Office. Finally, natagpuan din kita. “Papasok na ako. Salamat.” Hindi ko na siya nilingon at agad na pumasok sa loob. Mabilis ko lang din naman nakuha ang schedule ko at ilang libro na nilagay ko rin agad sa bag. Hindi na ako nagtagal sa loob dahil wala rin naman doon ang Dean, iyong student assistant niya lang ang naabutan ko roon. Ethics ang unang subject ko dapat, pero mukhang makakalibre ako ngayon. “Peek-a-boo!” Mukha agad ni Andrew ang bumungad sa akin paglabas ko ng pinto. “Anong ginagawa mo?” tanong ko. Mukha siyang ewan habang may nakatakip na dahon ng palmera na pinutol pa niya yata sa halaman na nasa pinto. “Hindi ka man lang nagulat?” Parang bata na napasimangot siyang muli. “Mas nakakagulat ang malamang hindi ka na niya mahal,” sagot ko at nilampasan siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ramdam ko ang pagsunod niya. “Naks, marunong na rin siyang bumanat,” biro niya. Sinundot pa niya ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Oo, at malapit na rin kitang banatan.” Seryoso ako roon. Tumawa lang siya at parang batang kumapit sa braso ko. Mabilis ko namang tinanggal iyon. Ano ang tingin niya sa sarili niya, tarsier? “Ano sa tingin mo ang naiisip mo at bakit bigla ka na lang lumalambitin diyan? Gusto mo bang matanggal ang mga brasong ‘yan habang-buhay?” Humalukipkip ako sa harapan niya at tinaasan siya ng kilay. “Ang brutal talaga ng mga naiisip mo. Sa bagay puro brutal naman ang mga tao rito,” tugon niya at agad ding sumeryoso ang mukha. “Alam mo ba ang pinasok mo rito?” muli ay tanong niya. Naglalakad kami patungo sa open field. Wala na rin iyong mga nag-aaway dito kanina. Hindi ko alam kung bakit dito kami napunta, pero ayos na rin sigro iyon dahil wala namang klase. Maganda nang maging pamilyar ako sa lugar para hindi na maliligaw sa susunod, masiyado pa namang malaki ang university. Bago pa kami makaupo sa bench ay isang lumilipad na bagay ang ngayon ay patungo sa direksyon namin. Hindi ako gumalaw, at hinintay na dumating iyon sa kinatatayuan ko ngunit mabilis din iyong naipit ni Andrew sa pagitan ng kaniyang mga daliri. “This is a shuriken,” imporma niya at ipinakita sa akin iyon. Hahawakan ko na sana ito ngunit mabilis niya itong inihagis pabalik sa direksyon na pinanggalingan at wala pang isang segundo ay may tao nang bumagsak mula sa puno na ilang metro rin ang layo sa amin. “Alam mo ba kung anong mayroon sa eskwelahan na ito, Alice?” seryoso pa rin ang mukha niya, wala na iyong naglalarong ekspresyon kanina. Umiling ako. Hindi ko naman talaga alam kung anong klaseng unibersidad ito, ang alam ko lang magtatapos ako ng pag-aaral dito. “Gokudo University consists of different monsters. Students here are from the family of yakuza, mafia, ninja, and assassins. Saan ka nabibilang?” tanong niya at tiningnan ako ng seryoso. Nag-iwas ako ng tingin at muling umiling. “Wala. I’m just a scholar here. Wala akong alam sa school ninyo,” sagot ko. “Hindi ka ba natatakot?” Tiningnan ko siya sa mata at tumawa. Napaka-seryoso ng mukha niya na kanina lang ay akala mo payaso ang kaharap niya dahil sa sobrang tuwa. “Bakit ako matatakot? Hindi kayo Diyos na dapat katakutan ko.” Isinandal ko ang likod sa bench na inuupuan namin. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago ko muling narinig ang kaniyang malakas na halakhak. “Kakaiba ka. Ikaw lang yata ang estudyanteng nakilala ko na unang pasok pa lang dito ay hindi na nakakaramdam ng takot,” aniya. “Nakikita mo ba ang mga estudyanteng ‘yan?” Itinuro niya ang mga nagkalat na kabataan sa field. Mayroong dalawang grupo na nagsusuntukan na naman. Magkahalo ang babae at lalaki roon. Ayaw magpatalo ng lahat. Hindi pa nagtatagal pero basag na agad ang mga mukha nila. Wala bang professors na sasaway sa kanila? “Mga kuting lang ang mga ‘yan nang pumasok dito, hanggang sa nahubog na rin sila ng panahon.” Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng tinutukoy ni Andrew. Napapailing ako. Masyadong mahaba pa ang lalakbayin ng mga ‘yan kung gusto nilang maging isang ganap na tigre. I want a real fight, not this some kind of petty fights. Mukha lang akong nanonood ng mga batang nag-aagawan sa candy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD