TWO

1055 Words
“Saan po ba ang Dean’s office?” magiliw na tanong ko sa babaeng nakasalubong ko. Mukha siyang nagmamadali pero wala akong ibang mapagtatanungan dahil siya lang ang nandito sa hallway. Pumasok ako sa isang building dahil doon ang nakita kong madalas pasukan ng mga estudyante. “Mukha ba akong tanungan ng nawawalang opisina?” Inirapan niya ako at muntik pang tamaan ang mata ko ng buhok niya. Naglakad siya palayo at wala akong nagawa kung ‘di ang mapabuntong-hininga. Attitude si ate, para nagtatanong lang. Hindi ko naman siya lalapitan kung alam ko ang opisina ng dean. Akala naman niya ikinaganda niya ang pagiging maldita. Bakit kasi ang laki ng Gokudo University, hindi na tuloy makita ang mga opisina rito? Tapos mamaya, hahanapin ko pa ang classroom ko. “Nakita ko kung ano ang nangyari. Pasensya ka na sa kaniya,” ani ng isang magandang babae na nasa harapan ko. “Ano ba ang itinatanong mo sa kaniya?” ani naman noong isang babae rin na kasama niya. Infairness, good looking ang mga estudyante rito. “Hinahanap ko kasi ‘yung Dean’s office,” sagot ko. Ngumiti sila sa akin. Nakampante ako, siguro naman ay ituturo na nila. “Nakikita mo ba ang dulo ng hallway na ito? Liliko ka sa kanan at pagkatapos ay makikita mo ang isang pinto sa pinaka-dulo, ‘yung kulay gray. That’s the Dean’s office.” Nakangiti pa rin siya habang nagsasabi sa akin ng direksyon. Nagpasalamat ako sa kanila bago tinahak ang direksyon na itinuro. Narinig ko pa silang naghahagikhikan habang papalayo ako ngunit hindi ko na pinansin iyon. Kailangan ko nang mapuntahan ang dean para makuha ang schedule ko at iba pang gamit na sila ang magpo-provide. Agad ko rin namang nakita ang sinasabi nila at mabilis na naglakad patungo roon. “Ay kabayong naging kambing!” sigaw ko nang magbagsakan papunta sa akin ang mga floor mop at walis tingting nang buksan ko ang pinto. Humanap ka ng mga mababait na estudyante, sigurado akong dito lang sa Gokudo makikita ang mga ‘yon. Sana makita ko ulit ang dalawang babaeng nakausap ko kanina, para mapasalamatan ko ulit sila! Sobrang laki ng naging tulong nila sa akin. “Anong ginagawa mo riyan?” Isang lalaki naman ngayon ang kumakausap sa akin. “Nagkakape. Gusto mo?” sagot ko. Nakikita naman niyang inaayos ko ang mga floor mop tapos tatanungin niya ako kung ano ang ginagawa ko. “Ah… akala ko kasi nakikipaglaro ka sa floor mops e,” nakangising aniya. “Oo kanina. At konti na lang, makikipaglaro na rin ang mukha mo sa mga hawak kong pamunas.” Kalma, Alice. Hingang malalim. ‘Di ba, nagbago ka na? Huminga ako ng malalim at pekeng ngumiti sa kaniya. Parang ang sarap manakit ngayon? “Ito naman, binibiro ka lang. Akin na nga ‘yan.” Mabilis niyang kinuha ang iba pang mop at tinulungan ako sa pag-aayos. Mabuti na lang at tuyo ang mga ‘yon, kung ‘di nadumihan na ang suot kong uniform. Speaking of uniform, bakit parang ako lang ang nakasuot ng ganito? Ang lalaking nasa harapan ko ay naka casual na damit, ganoon din ang iba pang estudyante na nakasalubong ko kanina. “Ako nga pala si Andrew… Andrew Gomez.” Napapakamot siya sa batok habang nagpapakilala sa akin. “Alice ang pangalan ko,” ani ko naman. Tinanggap ko ang kamay na iniaabot niya at binitawan din iyon agad. Akmang tatalikuran ko na siya nang bigla siyang magsalita muli. “Saan ka pupunta? Bago ka ba rito?” tanong niya at sumabay na sa paglalakad ko. “Hinahanap ko ang Dean’s office, pero itinuro ako rito ng magagaling mong schoolmates,” sagot ko. “Dean’s office pero dito ka sa Bloody building napadpad? Nasa Killhouse ang opisina ng Dean.” Naiiling na aniya. Ang astig naman pala ng mga building nila. Pangalan pa lang, pamatay na.  “Bago nga ako, ‘di ba? At saka iniligaw nga ako ng mga estudyante. Bingi lang? Hindi nakikinig?” Mahaba ang pasensya ko, pero depende iyon sa kausap. Tinawanan niya lang ako, hindi alintana ang mga sinabi ko sa kaniya. Hindi pa nangangalahati ang araw pero iba-iba na agad delubyo ang naranasan ko. Tama ba talaga ang desisyon ko na pumasok dito? “Ang init ng ulo mo. Nagtatanong lang naman ako.” Ramdam ko sa boses niya ang pagkatuwa. Wala akong maapuhap na nakakatuwa sa sinabi ko. “Mukhang giliw na giliw ka sa akin,” puna ko sa kaniya. Simula nang mag-usap kami kanina, tinatawanan niya lang ako. Ano tingin niya sa akin, clown? Nabuhay para pasayahin siya? “Ang cute mo kasi. Mukha kang tigreng walang pangil.” Tumawa siyang muli, humawak pa sa kaniyang tiyan. Kulang na lang ay magpagulong-gulong siya sa sahig. “Ikaw naman mukha kang elepanteng walang ilong,” singhal ko bago mabilis na naglakad palayo sa kaniya. Please remind me why did I waste my time talking to that weirdo. Kung kanina pa ako umalis ay nakarating na ako sa opisina ng Dean. “Wait up!" Narinig ko ang malakas na yabag ng paa na nagmumula sa aking likod. Hindi ko iyon pinansin at mas lalong binilisan ang paglalakad. “Hey, sandali lang!" Bahala kang mawalan ng boses diyan. “Hindi riyan ang daan papunta sa Dean’s office,” sigaw niya. Napahinto ako doon sa sinabi niya. Papaliko na sana ako sa isa pang hallway nang hilahin niya ang braso ko. Umigkas ang palad ko at nahagip noon ang ulo niya. “Aray. Ang brutal mo!” daing niya. Hindi ako makaramdam ng pagsisisi dahil sa ginawa. Bagay lang sa kaniya iyon. “Ikaw ang may kasalanan kaya ka nasaktan. Ano bang kailangan mo? Kung titingnan mo, nagmamadali ako at hindi ko hawak ang buong araw para mag-aksaya ng oras sa mga kalokohan mo.” Masama na ang tingin na ibinibigay ko sa kaniya. Anumang oras ay magsisimula na ang klase ko at nauubos na rin ang pasensya ko. Mamaya ay babagsak siya sa semento, kapag hindi pa tumigil. “Ang dami mo namang sinabi, ako na nga itong magmamalasakit para ituro sa ‘yo kung nasaan ang hinahanap mo.” Sumimangot ang lalaking nasa harapan ko. Anong tingin niya sa sarili niya, cute? “Ituro mo na sa akin kung saan. Wala ka bang klase at ako ang kinukulit mo?” tanong ko. Umiling siya sa akin at ngumiti ng malaki. Pagbibigyan ko pa siya, tutal may magiging pakinabang din siya sa akin. “Wala akong klase at may oras ako para samahan ka. Tara na.” Hindi na ako nakapalag nang hilahin na niya ako kung saan. Malaki ang ngiti sa mga labi nang tingnan ko, akala mo ay model siya ng isang brand ng toothpaste. Iilan pa lang silang nakakasalubong ko pero pakiramdam ko isang daan na agad ang katumbas nila. I am now expecting the worst from them. Mas magugulat na lang siguro ako kung matitino at naging ugaling anghel ang mga estudyante rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD