SIX

1274 Words
Mabilis kong tinahak palabas ang hallway na dinaanan namin kanina noong magpunta kami sa bulwagan. Agad ko rin namang narating ang bukana noon kung saan hiwa-hiwalay ang limang pasilyo. Saan ba rito ang papunta sa mga classroom? Hindi ko alam kung sa Graveyard ba o sa Forbidden ako papasok.      “Bahala na nga,” saad ko sa isip at sumunod na lang sa tinatahak ng aking paa.     Sa dulong pasilyo ako dumiretso kung saan may nakapaskil na Forbidden na gawa sa malalaking letra. Kakaiba naman pala talaga ang mga pangalan sa school na ito. Sino kaya ang nakaisip? Hindi ko alam kung papalakpakan ko ba siya o kokotongan dahil ang dami niyang pakulo sa buhay.     “Hey, miss!” malakas na sigaw mula sa aking likuran ang nagpahinto sa akin.     Nilingon ko ito at napakunot ang noo nang makita ang isang lalaking nagmamadali sa paglapit sa akin.     “Where are you going?” tanong ng isang lalaki.     Mas lalo lang nangunot ang aking noo ngunit at hindi na lang sumagot. Ano ba ang pakialam niya? Muli akong tumalikod at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang muli siyang magsalita.     “Hey, miss. You are not allowed to go there.” Pinigilan niya ako sa braso at hinila ako paalis doon. Mabilis ko namang tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Kailan pa kami naging close nito para hawakan niya ako? Hindi ko siya binibigyan ng permiso na hawakan at hilahin ako.     “Oh, sorry.” Itinaas niya ang kamay at umatras ng ilang hakbang. Naging matigas ang mukha niya at seryoso akong tiningnan.     “Inuulit ko, miss. Hindi ka maaaring pumunta r’yan. Hindi ka ba marunong magbasa at hindi mo nakita ang nakasulat sa taas? Forbidden means not allowed, not permitted. Sa tagalog ay ipinagbabawal,” seryosong saad niya.     “Alam ko ang ibig sabihin noon pero malay ko ba na bawal talaga? Bakit doon sa graveyard, libingan ba iyon?” sagot ko. Ngayon ay isinusumpa ko na kung sino talaga ang nagpangalan ng mga pasilyong ito.     “What? Are you for real?” Sumama ang timpla ng mukha niya. “Hindi mo ba ako kilala kaya ganiyan kang sumagot? Are you new here?”     Tumaas ang kilay ko at napangisi. “Kailangan ko pa ba kayong kilalanin isa-isa para alam ko kung paano sasagot?”     Napailing ako at tumalikod na sa gawi niya. Nag-uubos lang ako ng oras sa kaniya. Hahanapin ko pa ang silid ko para sa unang klase at hindi ko hawak ang oras para lang makipag-chikahan sa lalaking ito. Kailangan ko rin maghanap ng trabaho para mayroon akong extra income habang pumapasok rito.     “Anong karapatan mong talikuran ako? Dapat ay kinikilala mo muna kung sino ang kinakausap mo.” Narinig kong saad niya.     Naramdaman ko ang papalapit na bagay papunta sa gawi ko at tamad na itinaas ang kaliwang kamay. Kasabay noon ay ang pag-ipit ng bagay na iyon sa daliri ko. Parang may umihip na hangin at biglang tumahimik ang paligid sa pagitan naming dalawa.     “Tapos ka na ba? Maaari na akong umalis?” Mas lalong lumaki ang ngisi sa aking mga labi nang mapasinghap ito. Tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi at ginawa ko. Mabagal akong naglakad pabalik sa pwesto niya. Kinuha ko ang kanang kamay niya at inilagay ro’n ang dart pin na siya rin ang naghagis.     “Sa uulitin ay saka mo ibato kapag alam mong hindi ko na masasalo.” Gusto kong matawa nang maramdaman ang paninigas niya. Tinapik ko siya sa balikat at muling tumalikod. Sana ay dinamihan niya pala ang pagtapon para more chance of winning.     Mabilis akong naglakad at ngayon ay tinatahak na ang pasilyo ng Graveyard. Siguro naman ay hindi na ako magkakamali rito. Baka naman literal din na libingan ang mapuntahan ko? Ngunit mukhang hindi nga ako nagkamali dahil noong bumungad sa akin ito ay mga nagkakagulong estudyante ang nabungaran ko. Noong sapitin ko ang dulo ng hallway ay nakakamanghang mayroon pang isang building na nakatayo rito. Isang building sa loob pa ng isang building? Wow! Pwede na. At doon sa unahan ay mayroong nagbubugbugang mga estudyante. Kahapon ay ganoon ang nabungaran ko, ngayon ba naman ay ganoon din?     Naglakad ako roon sa isang lalaking abala sa panonood ng dalawang estudyante na nagsusuntukan. Kaya pala nagkakagulo ay dahil nagpupustahan ang mga ito.     “Uh, excuse me. Pwedeng magtanong?” magalang na saad ko rito.     “Sige, suntukin mo. P-tangina, paduguin mo ang labi. Tama ganiyan nga!” sigaw niya at mayroon pang pagtaas ng kamao sa ere noong nasuntok noong lalaking matangkad iyong matabang lalaki.     “Pwedeng magtanong?” uli ko nang hindi ako pansinin nito. Kinalbit ko siya sa braso ng ilang beses ngunit mukhang wala pa rin siyang balak na intindihin ako.     “Ganiyan! Pilipitin mo ang leeg! P-cha! Mananalo yata ako ng dalawang libo.” Napapalakpak siya ng malakas at sa mga oras na ito ay nag-iinit na rin ang ulo ko.     “Kung leeg mo ang pilipitin ko?” mahina ngunit mabangis kong ani. Halos magdiwang ako nang tuluyan kong makuha ang atensyon niya.     “Gusto mo ba na dumugo rin ang labi mo tulad noong sa lalaking iyon?” Naiinis pa na dagdag ko. I am trying to be nice here. Ang ayos nang paglapit ko sa kaniya tapos ganito ang makukuha ko? Minsan na nga lang maging magalang mga hindi pa deserving ang nabigyan.     “U-uh, a-ano nga iyon? P-pasensya na. H-hindi kita napansin.” Hindi ko alam kung napilipit ba ang dila niya o ano, dahil hindi niya maituloy halos ang sinasabi. Halos mawalan din ng kulay ang mukha niya nang makita ang dilim ng mata ko. Wala naman akong balak na takutin siya, ngunit nakakaubos ng pasensya.     “Saan ko makikita ang room ng fourth year?” tanong ko at nginitian siya. Bakit ba kailangan pa silang tinatakot para umayos?     “Fourth year a-ano po? A-anong section?” nauutal pa rin na saad niya. Ngumingiti na ako pero bakas pa rin ang takot sa mukha niya.     “Bronze.”     “Ikaapat na palapag po. Iyong dulong room ang hinahanap ninyo,” sagot niya na hindi na halos makatingin sa akin.     “Pasensya ka na ha? Salamat.” Tumango ako sa kaniya at marahang tinapik siya sa likod.     Noong tumalikod ako ay gusto kong humalakhak nang abot sa aking pandinig ang marahas niyang paghinga. Tinatakot ko lang naman siya pero hindi ko naman kayang gawin iyon. Mukha ba akong mananakit ng tao? Maiksi lang ang pasensya ko pero hindi ko naman itutuloy ang banta ko. Hindi ko naman aakalain na uubra ang pananakot ko. Hindi nga yata ako marunong sumuntok.     “Sinungaling!” Mabilis na singit ng utak ko.     Okay, sige. Marunong lang akong sumalo ng suntok.     “Isa kang malaking sinungaling!” Aba’t sino ang nagpahintulot sa utak ko na sumagot-sagot? Para akong tanga rito na nakikipag-usap sa sariling utak. Sa bagay, minsan talaga ay hindi na natin alam ang mga pinaggagawa natin.     Nakakamangha na mayroon ding escalator ang eskwelahang ito. Ang sosyal naman pala talaga. Mabilis ko lang nakita ang hinahanap. Nakasara ito at kumatok ako ng dalawang beses. Makalipas ang ilang sandali ay walang nagbubukas. Hindi ko naman makikita rito mula sa labas kung ano ang ginagawa nila dahil tinted ang salamin ng bintana. Nagpasya akong buksan na iyon dahil baka wala palang tao sa loob. Baka kahit anong katok ko, abutin man ako hanggang hapon ay wala talagang magbubukas nito, ngunit doon ako nagkamali. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang makita kung ano ang nasa loob.     Pati ba naman sa loob ng classroom ay may rambulan?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD