Chapter 93

2098 Words

Chapter 93   “Hija? ‘Wag kang ganiyan, kumain ka…” pumasok si Tita Rica sa aking kwarto. Ilang oras na akong narito sa kwarto at hindi nalabas. “’Wag kang umiyak, hindi makakabuti iyan sa baby,” ngunit umiling lamang ako. Hindi ko gusto ang ginagawa nila sa akin.   “Alam mo po bang hindi ako nakunan?” tanong ko kay Tita Rica na mabilis niyang ikinayuko. “Hindi ko kasi alam na iyon ang sinabi sa iyo ni Nathan. Baka nagkamali lang ng sabi ang doctor at ngayon lang rin sa iyo nabalita ni Nathan.” hawak niya pa sa aking kamay.   “Ang mabuti pa ay kumain ka muna, hindi maganda sa anak mo ang hindi ka kakain. Alam kong marami ang nangyari sa iyo, pero maniwala ka sa akin. Lahat nang iyan ay malalampasan mo, kung hindi ka magpapatalo,” tila lumakas ang loob ko sa kaniyang sinasabi sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD