Chapter 94 “Stay calm,” bulong sa akin ni Nathan nang nanlaki ang mga mata ni Danica. Lumapit kami sa kanila, kahit ang mga mata ni Gav ay hindi nakawala sa aking paningin. Parang normal lamang sa kaniya ang pagkakataon na ito. Bakit parang wala siyang pakialam na narito ako? “Good evening,” bati ni Nathan kay Gav at Danica. “G-good… evening,” pahina nang pahina ang kaniyang boses. “Ms. Wensy, can I talk you for a second?” may takot sa kaniyang mga mata na tignan ako. Tumingin ako kay Gav na kumunot ang noo’ng tignan si Danica. “Don’t,” kung ano ang aking naramdaman nang sabihin iyon sa akin ni Nathan. “Please? I really need to talk to you, Ms. Wensy,” dahan-dahan akong tumingin kay Gav na ngayon ay nakayuko na lamang. Tila parang hindi niya gusto ang nangyayari ng

