Chapter 77 Para akong tanga na nakaupo lamang sa gilid at siya naman itong nakaupo sa aking upuan. Ang sarap niyang sakalin at ihulog mula sa bintana. Bumukas ang pintuan ng aking opisina at doon ko nakita ang isa naming tauhan na may dalang box ng pizza. Sa amoy pa lang n’yon ay kumulo na ang aking tyan. Umayos siya ng upo saka may pinirmahan at agad naman na umalis ang lalaki. “Wow! Ang sarap naman nito!” kumulo ang dugo ko nang buksan niya ang pizza, saka humarap sa akin. “Ang sarap naman!” tinarayan ko lamang siya at nag-focus sa mga binabasa kong files. Hindi ba’t siya na ang CEO ngayon? Bakit nakuha niya lang kumain! “Gusto mo?” umangat ang tingin ko sa kaniya, ngumiti naman siya. “Sumabog mukha mo?” saka siya natawa. Pagpasensiyahan mo na lang, Wensy. Kumalma ka lang, S

