Chapter 76 “Hey!” tawag niya sa akin at agad na hinawakan ang braso ko. Naramdaman ko ang tila parang hinilab ang tyan ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. “Ayos ka lang ba? Yah!” ang tono n’ya no’n ay animo’y naririnig ko lang sa mga korean drama sa tuwing nagagalit. Tinulungan niya ako para makatayo at agad na binuhat papasok sa loob ng opisina. Inupo niya ako sa aking upuan at agad na tinawagan ang kaniyang telepono. Napapikit ako sa sakit. “Tumawag na ako ng ambulance. Ayos ka lang ba? Ano pa ang masakit sa ‘yo?” tanong niya sa akin. Ang pagsasalita niya ay halatang hindi pa rin siya tuwid, kung magtagalog. “A-ayos lang, hindi mo na kailangan pang tumawag no’n,” sambit ko nang unti-unting mawala ang hilab. “Hindi pwede! Baka mamaya ay ano ang mangyari sa ‘yo, kasalanan ko pa.

