Sa dalawang buwan na nakalipas hindi naging madali kay Rayleen ang kalimutan si Kendrick. Minsan napapa naginipan niya ang binata, kung minsan naman nakikita niya sa panaginip na masaya silang magkasama. Sa hating gabi palagi siyang bumabangon dahil hindi ito makatulog ng maayos. Siguro nga nasanay ito na palagi nandiyan ang binata, kung kaya’t hindi pa niya matanggap na tuluyan na silang magkalayo. Noon kasi kung maghiwalay sila makakahanap nang paraan si Kendrick upang magkita silang dalawa, ngayon masyado na siyang malayo para hanapin pa siya ni Ken. Mapait itong ngumiti bigla kasi pumasok sa isip niya ang kakulitan ni Kendrick, kahit kasi alam ng binata na labag sa loob ng kuya niya kung magkikita sila ay wala ‘yon paki-alam. Pinahid ni Rayleen ang kanyang mukha, hindi niya namalayan

