TPLLD-1

1138 Words
◆KYRA BRIELLE POV◆ PANGATLONG araw ko na ngayon dito sa mansion ng mga Delgado. Isa ako sa mga katulong nila. Ang ginagawa ko lang ay tumulong sa mga gawaing bahay katulad ng pag-pupunas sa railings ng napakalaking hagdanan nila. At sa ibang mga gamit pa. Marami kaming mga katulong dito, siguro mga sampo or higit pa. Dalawa ang naka assigned sa kitchen, dalawa naman ang naka assigned na taga linis ng mga kwarto. Ako naman dahil baguhan lang daw ako, naka assigned ako bilang taga punas lang. Kailangan din mag-ingat dahil kapag nakabasag ka syempre kailangan mong bayaran yun or ikaltas sa sahod mo. Actually hindi ko pa na me-meet ang mga may ari ng mansyon na 'to. Nasa ibang bansa daw kasi ang mga ito at may inaasikaso. Ang na meet ko pa lang ay ang matandang si madam Elizabeth. Subrang sungit ng matanda, nung isang araw na ipinakilala ako ni aling nena ay hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Hindi rin nagsalita or ano. Basta bigla nalang itong umalis sa harapan namin. Anyway bukas na daw ang uwi ng mga Delgado. At ngayon nga tudo kami sa paglilinis kahit na wala namang dapat linisin dahil wala namang kalat or alikabok. Kailangan lang talaga na gumalaw dahil ang sabi ni aling nena ay masungit daw ang babaeng amo namin. Ayaw daw nito na nakatunganga lang. Gusto daw nito na palagi kang may ginagawa. Okay na rin sa akin to at least malaki ang sahod ko. Okay lang walang pahinga basta kikita ako ng pera para sa mama ko. "Uy! Wag kang tumunganga bruha, parating na daw ang mala dragon na asawa ng amo natin." Saad ni lenlen. Medyo nagulat pa ako ng sumulpot s'ya sa harapan ko. "Ngayun sila darating? Akala ko ba bukas pa?" "Hindi ko rin alam e, basta yun ang sabi ni nanay inday." Sagot niya, na ang tinutukoy ay walang iba kundi ang pinakamatagal nang si nanay Miranda. "Okay," Sabi ko nalang at pinag-patuloy ang pag pupunas ng railings. Pagkatapos kung punasahan ang railings, ay agad akong lumipat sa may sala nilang sobrang laki na kung pag-babasihan ay hindi yata nangalahati sa bahay namin. Lahat ng tao ay gumagalaw, may nag m-mop, at panigurado, yung iba ay nagluluto na at yung iba nalaman ay siguro nagdidilig ng halaman. Ilang oras na akong nagpupunas, pawis na pawis na rin ako ng biglang sumulpot si ate rose sa harapan ko. I think nasa thirty's na s'ya? "Eli, pwede bang ikaw muna ang tumingin dun kay madam Elizabeth. Kailangan ko kasing umalis muna para bumili ng mga gamot niya e, ayuko rin kasi na ipagkatiwala s'ya sa iba dahil hindi niya 'yun gusto." "Pero diba, ayaw sa'kin ni madam?" "Saglit lang naman e, tsaka tulog s'ya, ang kailangan mo lang gawin ay bantayan s'ya. Humihingi kasi yun ng kung ano-ano pag nagigising eh." "S-sige po ate rose." Saad ko kahit na kinakabahan ako. "Salamat, promise babalik agad ako." Sabi pa niya bago umalis sa harapan ko. Nag hugas muna ako ng kamay at nag alcohol, bago ako maglakad papunta sa kwarto ng matanda. Hindi naman din ako nahirapan dahil nasa second floor lang ang kwarto nito. Actually nakakapag lakad pa yun, ang kailangan lang talagang gawin ay ang alalayan s'ya lalo na sa pag-baba ng hagdan. May elevator naman sila pero hindi ginagamit. Dahan-dahan kung pinihit ang siradura ng pintuan ng maka tapat ako dito. Dahan-dahan para hindi magising dahil baka mamaya ay magalit ito sakin pag nakita ako. "Teka lang, tama ba 'tong napasukan ko?" Bulong ko. May isa pa kasi akong nakitang door. Ano 'to? Door after door? Huminga muna ako ng malalim bago maglakad patungo sa isa pang door. Binuksan ko ito ng dahan-dahan, at doon ko nakita ang nakatalikod na si madam Elizabeth. Tama nga si ate, dahil natutulog nga si madam Elizabeth. Dahan-dahan kung isinasarado ang pintuan ng biglang "Just slam the door, hindi ako tulog!" Masungit na sabi nito. Buti nalang talaga dahil hindi ako 'yung tipo ng tao na sisigaw kapag nagugulat. "Sorry po, lola......I mean madam." Sabi ko. Kulang nalang batukan ko ang sarili ko dahil sa pag tawag ko sa kanya ng lola. "What are you doing here? And...where is rose?" Masungit na tanong nito. "Uhmm....lumabas po, bibili daw po ng gamot niyo." Magalang na sagot ko. "Speak english!" "Po?" Hala! Require ba na mag english kapag kausap ko s'ya? Or di kaya ang mga amo pa namin? "Don't make me repeat my words." Oh, lord, mukhang mapapalaban tayo dito. "Ate Rose has left to buy your medicine, madam." "Sana tama yung English ko." Bulong ko sa hangin. "If that's the case, why are you here?" "Uhmm....ano po kasi.....I mean....Ate Rose asked me to watch over you, po madam." "You can go now. I don't need you here." Masungit pa din na sabi nito. "Pero po madam-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla s'yang humarap sa'kin at tiningnan ako ng masama. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang lumabas sa kwarto niya. Ayuko ko rin na galitin s'ya, baka kung ano pa ang mangyari. Pababa na ako ng maka-salubong ko ang humahangus na si lenlen. Pawis na pawis ito na parang kanina pa may hinahanap. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap," "Galing ako dun sa kwarto ni madam. Bakit pala?" "Bilisan mo at umalis ka na." "B-bakit?" Naguguluhang tanong ko. "Tumawag kay aling nena ang kapit bahay niyo, ang sabi ay isinugod daw sa hospital ang mama mo." Hindi agad ako naka galaw sa sinabi niya. Hindi ma-proseso ng isip ko ang lahat ng mga nalaman ko. Subrang bilis din ng t***k ng puso habang pinipilit na unawain ang sinabi ni lenlen. Agad kung tumakbo pababa ng hagdanan hanggang sa makarating ako sa entrance ng bahay. Nakasalubong ko pa si kuya Jr, na driver. "Teka, lang iha, bakit ka ba tumakbo?" "Kuya Jr, ihatid mo na si Eli sa hospital." Rinig kung sabi ni lenlen. "Bakit?" "Sundin mo nalang, wag ka nang mag tanong!" Agad kinuha ni kuya Jr ang sasakyan at pinasakay ako. "Kuya Jr, paki bilisan po ng kaunti please po salamat." Sinunuod naman ni kuya Jr, ang sinabi ko. Ilang saglit lang ng makarating kami sa hospital. Nagtanong tanong ako sa my my receptionist kung saan naka confined ang nanay ko. Buti nalang ay nalaman ko agad. "Nay,” Tawag ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko. Nakapikit ang pagod niyang mga mata. Namumutla din ang buong mukha niya. "Nay, lumaban po kayo. Kakayanin niyo po yan. Kakayanin natin 'to." Saad ko habang nakatitig sa mukha niyang maputla. Siguro kapag umabot na ako ng isang buwan, or di kaya kalahati ay pwede na akong makapag advanced. Para sana maka hanap kami ng heart donor. Gagawin ko ang lahat, para kumita at mapagaling lang si nanay. ##########
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD