TPLLD-2

1242 Words
◆KIERRA BRIELLE POV◆ NANDITO PARIN ako sa hospital. Gabi na at hindi na ako nakabalik pa sa mansyon ng mga Delgado para ituloy ang trabaho ko. Nakitawag nalang ako para ipaalam kina lenlen na bukas na ako babalik dahil walang magbabantay sa nanay ko. Kailangan ko rin na bilhin ang mga reseta na ibinigay sa akin kanina ng doctor. Buti nalang at may kaunti pa akong pera na naipon ko noon nung nag aaral pa ako kapag binibigyan ako ni nanay ng baon. Yun ang gagamitin ko munang pambili sa ngayon. "Anak, umuwi nalang tayo. Hindi natin mababayaran ang gastusin dito sa hospital." Napa-buntong hininga nalang ako. Kanina pa niya yan sinasabi simula ng magising s'ya. "Ma, relax, kakayanin po natin 'to...diba palagi mong sinasabi sakin na kahit gaano kahirap, kahit ano pang pagdaanan natin basta magkasama tayo at manalig tayo sa panginoon ay malalagpasan natin to." "Alam ko yun, anak. Pero iba na ngayon, malaking pera ang kailangan nating gastusin." "Nay, ako naman po ang pakinggan at sundin niyo ngayon, pwede po ba yun?" Ayuko kasi na iuwi s'ya, dahil baka mahimatay na naman s'ya. Wala rin kasing magbabantay sa kanya sa bahay. At least dito, may nurse na pwedeng mag check sa kanya anytime. Wala rin naman akong malapitan na kamag-anak namin. Dahil lahat sira mahirap lang din katulad namin. Wala rin akong malapitan na ama, dahil ni minsan walang ipinakilala or binanggit ang nanay ko. Kaya wala akong ibang pwedeng asahan kundi ang sarili ko lang. "Nay, wag po kayong aalis ha, bibili lang po ako ng gamot at kukuha na din po ako ng damit niyo sa bahay." Tumango s'ya kaya naman napangiti ako. Hinalikan ko muna s'ya sa no-o bago ako lumabas sa kwarto. Sana lang talaga hindi ako suwayin ng nanay ko.. Pagkalabas ko ng hospital ay may nakita agad na mercury sa may di kalayuan. Pumunta ako dun at bumili ng mga kailngan na gamot bago ako sumakay sa jeep pauwi sa amin. Pagdating sa bahay ay agad akong nag impake ng damit. Naglagay ako ng towel, limang ternong damit, toothbrush, and other things na kakailanganin sa hospital. Binalot ko din ang isa sa mga unan, pang-dag-dag ni nanay sa higaan n'ya or di kaya naman para sa'kin sa gabi kapag babantayan ko s'ya. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si aleng nena. Siguro kaka uwi niya lang. "Aling nena, pasensiya na po kayo kung hindi na po ako naka balik kanina." Saad ko, kahit na humingi na ako ng pasensiya sakanya kanina ng tumawag ako. "Okay, lang yun, ano ka ba, ang importante ay maalagaan mo ang nanay mo." "Salamat po, maraming salamat po." Ngumiti s'ya sa'kin and she cheers me up na malalampasan din namin to. "Ito, maliit lang yan, pero sana makatulong." Saad niya sabay abot ng maliit na sobre. Napayakap ako sa kanya ng wala sa oras sa sobrang pasalamat. Hindi man kami swerte sa buhay na magkaroon ng kayamanan, swerte naman kami ng nanay ko sa mga kapitbahay namin, lalo na kay Aling Nena, na nandyan palagi para tulungan kami ni nanay. Pagkatapos kong magpasalamat ulit kay Aling Nena, agad akong tumawag ng taxi upang makabalik agad sa ospital. Hindi kasi pwede na mag jeep ako dahil marami akong dala-dala. Nang makarating ako sa ospital, agad kung tinungo ang kwarto ni nanay. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog ng makapasok ako. Inilagay ko muna ang mga gamit sa tabi, bago lumapit sa kanya. She's peacefully sleeping, kung hindi lang maputla ang mukha niya, masasabi kung wala s'yang sakit. Sobrang bigat sa pakiramdam na makita mo s'yang ganyang. Sobrang sakit isipin na yung taong palaging nagbibigay buhay sayo ay bigla nalang magiging ganito. Dahan-dahan kung hinawakan ang kamay niya. Sinuri ko din 'to. Maputla din, katulad ng kung gaano ka putla ang mukha niya. Parang pinupunit ang dibdib ko, but I have to be strong for my her. I have to be strong para mapagaling s'ya. Lumuhod ako sa tabi niya habang hawak-hawak ang kamay niya. Pumikit din ako at tahimik na umusal ng dasal. Lord, thank you for blessing me with such a wonderful mother. I am grateful for her love, care, and guidance throughout my life. Today, I come to you with a heavy heart, seeking your help and healing for my nanay. Lord, I ask for your comforting presence to surround my mother during this challenging time. Please grant her strength, both physically and emotionally, as she battles her illness. Help us to remain hopeful and steadfast in our faith, knowing that you are always with us. Lord, we trust in your infinite love and mercy. We believe that with your grace, miracles can happen. In JESUS NAME AMEN. >>>>> KINABUKASAN MAAGA akong umalis sa hospital habang tulog pa ang nanay ko. Nag bilin lang ako sa nurse na nagbabantay na dalhan ng malinis na pagkain si nanay. Kinailangan ko kasing umalis ng maaga dahil 'yun ang sabi ni aleng nena. Lalo pa at dumating na daw ang mag-asawang Delgado. Kinakabahan ako habang papasok sa gate ng mansyon. Nakita ko ang ibang mga hardinero na nagdidilig ng mga halaman. Nakita ko din si kuya Jr, na nakikipag usap sa isa mga yun. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng mansyon. Nakasalubong ko pa ang ibang mga katulong, binati ko pa ang mga ito pero hindi ako pinansin. Papasok na ako sa may sala ng makasalubong ko si lenlen na bumubulong-bulong. Agad niya akong nilapitan at dinala sa may medyo tago na area. "Bakit ngayon ka lang?" Bulong na tanong niya. "This is my usual time diba?.....I mean seven naman talaga ang pasok ko diba?" "Alam ko, pero sana mas naging maaga ka ngayon..." Bulong ulit niya na para bang ayaw niya na may maka-rinig. Sasagutin na sana ako ng biglang may magsalita sa likuran ko. "What are you two doing there? Oras ng trabaho pero nag ku-kwentuhan lang kayo?" Kita ko kung paano manlaki ang nga mata ni lenlen habang nakatingin sa may likuran ko. Ako naman ay sobrang kinakabahan, dahil alam ko na kung sino 'yun kahit hindi ko pa nakikita. Dahan-dahan akong humarap, nakita ko ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa mid 50s na. Maganda s'ya, matangkad pero nakakatakot ang aura niya. "And who are you?" Sasagot na sana ako ng biglang sumulpot si aleng nena kasunod ang medyo may katandaang lalaki na sa tingin ko ang asawa ng babaeng kaharap namin ngayon. "Ma'am, Sir, ito nga po pala ang anak ni Gloria. S'ya na po muna ang magiging kapalit dahil po may sakit ang nanay niya." Pakilala sa akin ni aleng nena sa mag-asawa. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Habanfg ang asawa naman ay tumango lang at nakita ko pa na ngumiti ng kaunti. "Next time, ayoko na may nag che-chismisan sa inyo. Work is work. Wala akong pakialam kung importante ang pinag uusapan niyo. Kaya magtrabaho kayo ng maayos. Hindi kayo siniswelduhan dito para lang mag chesmisan." Tahimik kaming tumango na tatlo. Yumuko din kami pare-pareho upang mag bigay galang. Saka lang kami nag angat ng tingin ng marinig namin ang papalayong mga yapak ng mga ito. ########## NOTE: HELLO 👋 SANA PO AY MAGUSTUHAN NIYO ITONG STORY NINA GAVIN AND KIERRA ❤️ 💙 💜 THANK YOUUUUU EVERYONE AND GOD BLESS 🙌 🙏 💜💜💜💜💜 "ALWAYS REMEMBER, NO MATTER HOW WEALTHY WE BECOME, WE SHOULD LEARN TO RESPECT OTHERS." - BY RISVELVET
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD