TPLLD-3

1340 Words
◆KIERRA BRIELLE POV◆ ONE WEEK na akong nag tra-trabaho dito sa mansyon. Walang pinag-bago, ganun pa din ang trabaho ko. Taga punas padin ako ng mga railings at sa mga bagay na mga babasagin. Weekly din ang sahod ko. Kaya nagpapasalamat ako dahil hindi ko na kailangan na manghiram pa ng pera kay aleng nena para sa gastusin sa hospital. Ang kailangan ko nalang ngayon ay ang mag ipon pambayad sa pagpapa-opera ng nanay ko. One week na rin na dun namamalagi si nanay sa hospital. 'Yun kasi ang payo ng doctor para daw ma monitor siya Pabor na din sa'kin 'yun para atleast may tumitingin sa nanay ko kapag wala ako. Stay out naman ang trabaho ko kaya pag gabi ay nababantayan ko pa rin si nanay pagkagaling sa trabaho. Si aleng nena naman bawat sahod nito ay nag bibigay s'ya ng tulong. Nahihiya na nga ako dahil hindi naman niya iyon obligasyon pero ginagawa niya. Ang sabi niya kasi nung nagkasakit daw ang anak niya na ngayon ay nasa college na ay tinulungan daw s'ya ni nanay. Kaya naman ngayon gusto niyang ibalik yun sa nanay ko na ngayon ay nangangailangan ng tulong. "Uy, Eli, halika." Tawag sakin ni lenlen. "Why?....I mean....bakit?" "Hindi ko alam, basta ang sabi ay pumunta daw tayong lahat sa likod ng mansyon." Hindi na ako nag-tanong pa at sumunod nalang sa kanya. Pagkarating namin sa likod ng mansyon, nandun na ang halos lahat na mga katulog pati na din ang mga hardiniro. Nakita ko din si ma'am Amanda na prenting naka-upo habang may hawak itong baso ng tsaa. "Attention! I gathered everyone here today, because I want to make a new arrangement." Lahat kami ay tahimik lang habang nakikinig. Inuna niya ang mga hardinero sumunod ang drive. Pinaalis niya din agad ang mga ito habang kami naman ang natira. "Nena and Miranda, you will be assigned in the kitchen. Ikaw naman lorna, ikaw ang magiging assigned sa laundry. At ikaw naman lenlen, ikaw ang gagawa ng trabaho nitong si......whatever her name is." Saad nito habang nakatingin siya sakin at nakaturo ang daliri niya. "And you, you will be assigned para maglinis ng mga bathroom araw-araw." Saad niya habang naka-turo pa din ang daliri niya sa direksiyon ko. Tumango lang ako. Kahit na mag-kuskus pa ako ng banyo okay lang, basta kumita lang ako ng pera sa malinis na paraan para maitaguyod ko si nanay at maka-ipon ng pampa-opera. "Excuse me ma'am." Napa-lingon ako kay lenlen ng magsalita ito. "May sasabihin ka?" "Pwede po bang, ako nalang ang e assigned niyo sa trabaho ni Eli, at si Eli naman po ang gumawa ng trabaho ko," She said. "Baka po kasi hindi niya kayanin lahat ng cr e." "Do I need your opinion?" Mataray na tanong ni ma'am Amanda. "Baka lang po pwede." Ngewing sagot ni lenlen. "I don't need your opinion. Isa pa, nandito s'ya para mag-trabaho diba? Kaya alam kung kakayanin niya yun lalo na at kailangan niya ng PERA." Saad ni ma'am Amanda na diniinan pa talaga ang salitang pera. "Or baka naman gusto mong masisante?" Dag-dag niya habang nakatingin kay lenlen na ngayon ay nanlalaki ang mga mata. "Next time, wag ka nalang magsalita kung useless lang din naman ang suggestion mo." Saad nito sabay tayo. "Pasensya na po." Sabi ni lenlen habang naka yuko. "Mag-trabaho na kayo! Wag niyong sayangin ang oras!" Sigaw nito bago kami iwan. "Hindi mo na sana sinagot." Saad ni lorna. I think kaidaran ko lang silang dalawa ni lenlen or baka mas ahead sila sakin. "Gusto ko lang naman sanang, tulungan si Eli. Panigurado kasi na mapapagalitan siya ni ma'am Amanda kapag hindi niya naayos ng mabuti ang trabaho niya." Saad niya. "Makalat pa naman ang babaetang matanda na yun pag-dating sa cr!" Na touch naman ako kay lenlen. Kahit na natakot s'ya kanina, nagawa pa din niyang mag try na tulungan ako. "Thank you guys, ha, alam niyo, okay lang ako. Kakayanin ko to. Kahit gaano pa kahirap." I said. "Ikaw naman kasi, bakit ba dito mo pa naisipan na mag trabaho. Dapat hindi ka nalang pumayag sa alok ni aleng nena." Saad ni lenlen na parang galit pa. "Bakit hindi ka nalang mag model or di kaya mag artista? Bagay sayo yun. Yang ganda mo, hindi yan pang katulong or pang-linis ng cr lang. Dapat d'yan binabalanra!" Sabi naman ni Lorna. "Let's get back to work nalang, baka mamaya maabutan pa tayo na nag ku-kwentuhan." Saad ko at inakay na ang dalawa. Na appreciate ko yung tulong nilang dalawa, lalo na itong si lenlen. And I'm so happy na nakilala ko sila. Hindi man kami ganun ka close sa isa't-isa atleast, hindi sila 'yung mapanghusga na tao. Ginawa ko ang trabaho ko. I did my best para hindi mapa-galitan. Nilinis ko lahat ng cr, lahat ng kwarto na may Cr nilinis ko yun. At tama nga ang sinabi ni lenlen dahil nung cr na sa kwarto ni ma'am Amanda ang nilinisan ko kanina, ay sobrang kalat nito. The soap, shampoo, almost everything, naka-kalat dun. Yung hair niya din, ay nagkalat sa bathtub, sa sink, kung saan sa tingin ko ay dun sila or s'ya nag-to-toothbrush. May mga sabon din na nagkalat na para bang sinadyang, itapon dun. Kaya naman medyo natagalan ako. I think umabot ako ng 2-3 hours bago ako natapos. "Kamusta ang experience, na maglinis ng cr?" Tanong ni Lorna. Nandito na kami ngayon sa labas ng mansyon. Pauwi na sila, ako naman ay papuntang hospital. Stay out din kasi sila katulad ko. I think, mga tagaluto lang sa kitchen ang stay in. Katulad ni aleng nena na ngayon ay stay in na. "Uhm....a bit tiring, pero I'm sure naman na masasanay din ako." Sagot ko. "Alam niyo, kung wala lang akong kapatid na maliit. Hindi sana ako mag tra-trabaho, d'yan sa mga delgado na yan." It was Lorna. "Ako rin, kung may ibang tatanggap lang sakin na magtrabaho, kahit maliit lang ang sahod tatanggapin ko." Saad naman ni lenlen. "Bakit?" "Tinatanong pa ba yan? Syempre! Dahil hindi namin gusto na manatili pa d'yan." Sabay na sagot ng dalawa. "Matagal na ba kayo d'yan sa mansyon nag-tra-trabaho?" "Ako siguro, mga two months." Sagot ni lenlen. "Ako four months na." Sagot naman ni Lorna. Tumango-tango ako. Akala ko matagal na sila. Hindi pa rin pala. "Dederetso ka ba sa hospital?" Tanong ni lenlen. "Yes, kailangan ko pa kasing bantayan si mama e," "Ganun ba? O, s'ya sige na, baka mamaya wala ka nang masakyan." Saad naman ni Lorna. "Thank you, guys, ingat kayo okay," Ngumiti ako sa kanilang dalawa at nag-umpisa ng mag-lakad. Tamang-tama lang, dahil may isa pang masasakyan sa likod ng tricycle driver. "Sa may sakayan lang po ng jeep, kuya," Kumaway ako sa dalawa na ngayojnay nakatayo pa din na parang hinihintay na makasakay muna ako. Kumaway ako sa dalawa ng paandarin na ni kuya driver ang tricycle. >>>>> PAGDATING SA hospital ay tulog na si nanay, kaya naman naisipan kung mag hilamos at mag toothbrush muna bago magpahinga. Late na din pala, kaya siguro nainip na s'ya sa paghihintay. "Goodnight nanay, I love you." Saad ko at hinalikan ko muna s'ya, bago mag-lakad papunta sa isang corner kung saan ang single bed na kahoy na lagi kung tinutulugan. Nag pray muna ako, bago ako humiga sa kama para magpa-hinga. "Hold on to mommy, princess. Wag kang bibitaw kahit na anong mangyari," "I'm scared mommy, why are they chasing us?" "I don't know princess, all we have to do right now is to escape from them." Saad ng babae habang umiiyak. "Give me your phone sweetie," Utos ng babae sa bata. "Ma'am," Napabalikwas ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Tinapik-tapik pa nito ang braho ko. "What happened?" "Nananaginip po yata kayo." Sabi ng nurse. Pumikit ako saglit, siguro dahil to sa pagod. "Thank you," I said to the nurse. Ngumiti s'ya sakin, at sinabi niya na che-neck niya ang blood ni mama. Nagpasalamat lang ako at tiningnan muna si mama, bago bumalik para magpahinga. ##########
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD