TPLLD-7

1307 Words
◆KIERRA BRIELLE POV◆ "ANAK, ANONG gusto mo na handa?" "Handa po? Para saan po?" Nandito ako ngayon sa apartment namin ni nanay, two weeks ago ay pinayagan s'ya ng doctor na lumabas at sa bahay nalang muna manatili hanggat hindi pa nakaka-hanap ng heart donor. Nag alala ako nung una dahil baka kung ano ang mangyari sa mama ko pero na explained naman agad ng doctor at ang sabi ay magpapadala daw sila ng nurse para sa mama ko. At ayon nga sobrang saya ni mama ng malaman niyang makaka-uwi na s'ya sa bahay. Basta ang bilin ng doctor ay wag lang malipasan sa pag-inom ng gamot at hindi pwedeng ma-stress or mapagod. "Hindi mo ba naaalala na bukas na ang birthday mo?" Shock! Oo nga pala! Sariling birthday day ko nakalimutan ko. "Uhm...mag-luluto nalang po ako nay," "Wala ka bang ibang pupuntahan? Or hindi ka ba gagala - kayo ng mga kaibigan mo?" "Hindi na po, mas magiging masaya po ako kung kasama ko po kayo," Sandaling katahimikan ang bumalot saming dalawa. Maya-maya lang ay narinig ko ang pag buntong-hininga ni nanay. "Pasensya na anak, kung hindi ko maibibigay ang magandang kaarawan katulad ng mga nararanasan ng mga batang nag d-debut." Saad niya at kita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya. Lumipat ako ng upo sa gilid niya at hinawakan ang kamay niya at dinala 'yun sa labi ko. "Nay, sapat na po para sa'kin ang lahat na ibinigay niyo. Yung pag-aalaga niyo sa akin, ang isilang niyo ako sa mundong 'to, at sa walang katumbas na pagmamahal na binibigay niyo sa'kin araw-araw. Hindi ko po kailan man hinangad na magkaroon ng magarbong kaarawan, basta ang pinaka importante po sa'kin ay lagi kayong nasa tabi ko. Sapat na po 'yun para sa'kin." "Salamat anak, at nagpapasalamat ako sa diyos na biniyayaan ako ng isang mabuti at mapag-mahal na anak. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka kita." Siguro bukas ay gagawa nalang ako ng pancit para sa kaarawan ko. Wala naman kasi akong pasok sa trabaho the whole week kaya naman susulitin ko na. Nasabihan ko na din ang nurse na mag leave s'ya for one week dahil gusto ko ako ang mag alaga muna kay mama hanggat hindi pa ako bumabalik sa trabaho ko. "Anak, paano nga pala natin nababayaran 'yung nurse na nag-babantay sa akin kapag nasa trabaho ka?" "Kay madam Elizabeth po, s'ya po ang nag offer nun. Tinanggihan ko nga po e, kaso wala na naman akong nagawa ng sabihan niya ako na kapag hindi ko tinanggap ang tulong niya ay sisisantihin ako. Kaya ayon po wala na po akong nagawa." "Napakabait pala ni madam, hindi katulad ng daughter in-law niya sobrang sama ng ugali." "Sinabi niyo pa! alam niyo po ba na isa-isa ng nagsi-alisan ang mga helpers nila sa mansyon? Pati si aleng bebang na kasama niyo noon ay umalis na din nung isang araw lang." "Tama lang 'yun, para naman matauhan ang pagka-maldita ng babaeng 'yun," Sasagot na sana ako kay nanay ng biglang may marinig kaming katok mula sa pintuan. "Tingnan ko lang po nay," Tumayo ako at naglakad na patungo sa pintuan para buksan ang kung sino man ang nasa labas. "Sino po sil—" Nabitin sa iri ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha ng taong napag-buksan ko. "Sir Gavin?" Nanlalaki ang nga sa sabi ko. Para akong aatakihin sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko lalo ng ngumiti s'ya sakin. Oh my god! Ano ba 'tong nararamdaman ko kapag nakikita ko s'ya? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit palaging bumibilis ang ang t***k ng puso ko lalo na kapag nasa malapit s'ya? Oh God, please help me. "May I come in?" "P-pasok po kayo sir," Ngumiti s'ya at kinindatan ako bago tuluyan na pumasok sa loob. "Kayo po pala sir Gavin," Si nanay. "Good afternoon po tita....I mean, ma'am," Saad ni sir Gavin na ikitawa ni mama. "Bakit po kayo nandito?" Tanong ko. "Anak," Nanay looked at me with a warning look. Oo nga naman at medyo hindi maganda ang pagkakatanong ko. "I mean....bakit po kayo napadalaw dito?" "Hmmmm....I want to talk to her alone, if that's okay with you?" Seryoso na tumingin ako sa mukha niya. Teka lang, bakit kaya gusto niyang kausapin ang nanay ko ng silang dalawa lang? Hindi kaya.......oh my God! May gusto si sir Gavin kay nanay? "Mali ka ng iniisip," Biglang sabi ni sir Gavin ng hindi inaalis ang tingin sakin. "Huh? Ah, wala naman akong iniisip na iba, curious lang ako kung bakit ayaw mong marinig ko ang sasabihin mo kay nanay." Saad ko at tumingin kay nanay na ngayon ay may naglalarong ngiti na nakapaskil sa labi niya. "I want to talk to her in private kasi may hihilingin akong pabor," "Pabor lang pala, bakit hindi mo sabihin sa harapan naming dalawa?" Nakasimangot na sabi ko habang nilalaro ang hinliliit ng daliri ko. "Anak, pwde mo bang bilhan ng meryenda ang bisita natin?" Nag-angat ako ng tingin kay nanay na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa'kin. "Opo ma," Sabi ko at tumayo na. Kinuha ko ang sling bag ko bago ako magpaalam sa kanila. Ano ba kasing pag-usapan ng mga 'yun at ayaw na iparinig sa'kin? Pero teka lang, hindi kaya gusto talaga ni sir Gavin ang nanay ko? "Bahala na nga! Basta ang importante ay masaya si nanay!" Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kanto ng sakayan ng mga tricycle. Sa totoong bakery kasi ako bibili ng tinapay dahil nakakahiya naman kung d'yan lang sa tindahan ako bibili. Isa pa baka expired na ang mga 'yun at masiraan pa ng tiyan si sir Gavin. "Uy, Ellie, bakit nakasimangot ka d'yan?" Tanong ni kuya dodong. "Wala po, pahatid nalang po ako sa may bakery banda," Saad ko sabay sakay. Nakakainis lang, bakit naman kasi ako nagseselos eh wala naman kaming relasyon ni sir gavin. Isa pa kung gusto man niya ang nanay ko ede dapat maging masaya nalang ako diba? "Nandito na tayo, hintayin ba kita?" "Opo kuya, pakihintay nalang po ako." Matamlay na sagot ko bago bumaba ng tricycle. Bumili ako ng ibat-ibang klase ng tinapay. Katulad ng chocolate role, egg bread, and flower bread bumili na din ako empanada total hindi naman masyadong mahal. Bumili na din ako ng Four Season na juice, baka kasi hindi 'yun uminom ng orange tang eh. Sumakay na ulit ako sa tricycle, at ilang minuuto lang ang byahe namin ay agad kaming nakarating. "Kuya dodong, ito oh para sa inyo po." Inabot ko sa kanya ang 50 pesos at binigyan ko din s'ya ng tinapay para sa mga anak niya. "Salamat, matutuwa ang mga anak ko dito," Nagpaalam na ako kay kuya dodong. At naglakad na lang ulit, hindi kasi nakakadaan ang tricycle papasok sa amin dahil sobrang liit ng daan. Papasok na ako sa bahay ng maring ko si sir Gavin. "Thank you po," Pagbukas ko ng pintuan ay naka tayo na si sir at nagpapaalam na kay nanay. "Thank you po ulit tita, aalis na po ako." "Hindi rin naman pala kakain ng meryenda inabala pa ako sa pag labas," Bulong ko at nilagpasan s'ya. "I mean...I'll stay, kakainin ko kung ano man ang ihahanda mo." "Po?" Sabi ko sabay lingon. Oh my gosh! Nakakahiya, narinig niya pala ako? Arghh! Tumalikod nalang ulit ako at inihanda nalang ang mga binili ko. Inilagay ko ang mga tinapay sa isa-isang plate at naglagay rin ako ng juice Sq baso bago ko 'yun ilagay sa maliit naming lamesa. Namangha ako ng mag-umpisa s'yang kumain, wala manlang ka arte-arte. Subo lang s'ya ng subo hanggang sa matapos s'ya at nagpaalam na sa'min ni nanay. Gosh, hindi ako makapaniwala na ang isang katulad ni sir gavin ay kakain ng tinapay na hindi mamahalin ng walang kaarte-arte. ##########
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD