TPLLD-5

1206 Words
★KIERRA BRIELLE POV★ "ANYARE SA'YO, bakit ka tumatakbo?" Asked lenlen, ng makababa ako. "I -I saw......I mean, may nakita ako dun, sa kwarto na nililinisan ko kanina." Hinihingal na sabi ko. "May lalaki...may lalaki dun," Saad ko ng paulit-ulit ng makita ko s'yang naguguluhan na nakatingin sakin. "Ah, baka si sir - " Naputol ang sasabihin sana niya ng biglang may magsalita sa likuran namin. "How many times do I have to remind you na hindi dapat kayo nag chi-chismisan sa oras ng trabaho?!" Sigaw ni ma'am Amanda habang papalapit sa'min. Pareho kaming napatahimik ni lenlen ng makita itong galit na galit. "Sorry po ma'am," Sabay na sabi namin ni lenlen. Hindi s'ya nagsalita, pero nakatuon sa'kin ang mga mata. "And you, come with me. May pag usapan tayo!" Galit na sabi niya bago maglakad palayo. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya, dahil panigurado na pagagalitan na naman niya ako kapag-nagkataon. "We're have you been?" "Po?" "Bingi ka ba?" "Sorry po, ma'am." "Anong ginagawa mo sa kwarto ng anak ko?" Napatingala ako sakanya at napa-isip saglit kung anong tinutukoy niya. At ng mapagtanto ko ang tinutukoy niya ay agad akong sumagot. "Nag linis po ako ng cr ma'am," "Bobo ka ba?! Diba I told you, bawal kang pumasok sa kwarto ng anak ko? Bakit pumasok ka parin?!" Sigaw na naman nito na ikinapikit ng mga mata ko. "Pasensya na po ma'am." Kahit na hindi na naman niya binilin or sinabi na hindi pala pwedeng pumasok dun ay nag sorry pa din ako. Kailangan maging magalang pa din ako sa kanya dahil siya ang amo ko. Marami pa akong naring na mga masasakit na salita mula sa kanya, pero lahat ng yun inignora ko lang dahil wala rin naman na akong magagawa pa. "The next time-" Rinig kung sabi ni ma'am Amanda, pero naputol agad 'yun ng may magsalita. "Don't you ever shout at her again!" Agad akong napalingon sa nag salita, at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si madam Elizabeth na galit na nakatingin kay ma'am Amanda. Lumapit sila sa'kin kasunod si ate rose na s'yang umaalalay kay ma'am Elizabeth. "Are you okay?" Tanong ni madam Elizabeth ng makalapit sa'kin. "Okay lang po ako, bumalik na po kayo sa kwarto niyo." Saad ko dahil nag aalala ako na baka kung mapano s'ya. "Ma, I'm just talking to her, we were just talking right?" Bumaling ako kay ma'am Amanda na ngayon ay iba na ang expression sa mukha. "Talking? I heard everything, Amanda! Pinapagalitan mo 'ya ng wala naman s'yang kasalanan." Saad ni madam Elizabeth, at hinawakan ako sa kamay. "Let's go," Sabay na sana kaming maglalakad paalis ng biglang magsalita si ma'am Amanda. "And where do you think your going?" "She's not your maid anymore, Amanda. She's now my personal assistant." Saad ni madam, at hinila na ako paalis. "Pasensiya na po kayo sa nangyari kanina." Saad ko ng makarating kami sa kwarto niya. "You don't need to apologize, wala ka namang ginawang mali eh." "Thank you po, uhm...may kailangan pa po ba kayo?" "Why'd you ask?" "Hindi pa po kasi ako tapos mag linis." "Didn't you hear what I said kanina?" "Pero po, madam, paano na po si ate rose?" Saad ko sabay sulyap kay ate rose na ngayon ay naka ngiti sa'kin. "Madam," Tawag ko ulit sa kanya ng hindi ito magsalita. "Hindi mo na kailangan mag alala, aalis na din kasi ako at ikaw ang napili ni madam na maging kapalit ko." Sagot naman ni ate rose. Aalis s'ya? Bakit? Dahil ba sa'kin, dahil ba papalitan ko s'ya? "B-bakit po?" Tanong ko habang palipat-lipat ang tingin ko kay ate rose and kay madam. "She's pregnant, and getting married that's why." "Totoo 'yun. Actually noong nakaraang buwan pa ko nagpaalam kay madam na titigil na ko sa trabaho ko. Pumayag naman s'ya, at 'yun nga habang wala akong nahahanap na kapalit na mapagkakatiwalaan ay hindi muna ako umalis." Paliwanag ni ate rose. "At ngayon na nandito ka na at may mapagkakatiwalaan na ako, ay pwede a na akong umalis." Dag-dag pa niya. Tumingin ako kay madam. Diba ayaw niya sakin? Ayaw niya sa mga katulad ko? Bakit ngayon sinasabi niya na ako ang magiging replacement ni ate rose? Ang gulo diba? "O-okay po, kung yun po ang desisyon niyo." Sabi ko nalang. Wala din naman ako magagawa pa dahil ayoko naman ma sesante sa trabahong 'to. Ayaw kung mawalan ng trabaho lalo na ngayon na kailangan na kailangan ko ang pera para sa'min ni mama. Pagkatapos naming pag usapan ang tungkol sa pagiging personal assistant ko. Ay agad na din akong umalis sa kwarto ni madam para ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinag impake ng mga gamit, basta ang sabi ay hindi na daw ako matutulog sa maids quarter. Pababa na ako sa hagdanan ng makita ko ang gwapong…este, si sir na apo ni madam. Nakatingin s'ya sa may direksyon ko kaya naman medyo nahiya ako. Lalagpasan ko na sana s'ya ng marinig ko ang baritonong boses niya na magsalita. "Hi, can we talk?" Parang gustong lumabas ng puso ko sa subrang kabang nararamdaman ko. Hindi ako makapag-salita at hindi ako makatingin sa gwapo niyang mukha. "S-sige po sir." Kulang nalang hilingin kung lamunin ng lupa sa sobrang hiyang nararamdaman ko ngayon at sa pagka-utal ko. Sumunod ako sa kanya ng maglakad s'ya paalis. Tinahak niya ang nasa likurang bahagi ng mansyon na ngayon ko lang nakita at napuntahan. Wow! "This is grandma's garden," Saad niya habang patuloy pa din sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinaka dulo. Mas lalo akong namangha ng makita ko ang isang duyan na kulay brown. My isa ding maliit na table "You can sit on that if you like," Saad niya at itinuro ang duyan. Umupo ako habang s'ya naman ay naka tayo pa rin. "Anyway, may I ask kung ano ang ikinagalit ni mom kanina?" Nag-angat ako ng tingin at pinaka titigan ang gwapo niyang mukha. Bakit ang perfect ng mukha niya? Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naka-kita ako ng ng gwapo, pero iba s'ya eh. May angkin s'yang kagwapuhan na wala sa iba. "Elle" "Ay, sorry. Uhmmm..." God! Nakakahiya! Sarap ibaon ng sarili ko sa lupa. "Kasalan ko po sir, kaya po nagalit si ma'am sakin." Umpisa ko. "Why?" "Uhm... ano po kasi.....Hindi ko kasi alam na bawal pala ang pumunta or pumasok sa kwarto niyo po." "Yun lang kaya s'ya nagalit?" Namamanghang tumingin ako sa kanya ng tumawa s'ya. "Hindi po kayo galit?" "You were cleaning my room, kaya bakit ako magagalit." "Pero pumasok po ako ng walang paalam." "Don't mind mom, ganyan lang talaga 'yun." Saad n'ya. We spend time talking, hindi na about sa trabaho ko. He ask about myself about my family, basta marami s'yang tanong na sinasagot ko naman agad. Ang pinaka last na tanong niya ay kung may boyfriend na daw ba ko. Nagtaka nga ako, kung bakit pati 'yun ay tinanong niya. But then, dahil ayoko naman na mag sinungaling ay sinabi ko rin na wala pa. Hanggang sa lumipas ang oras at pareho na naming napagdesisyunan na bumalik sa loob ng mansyon lalo na at baka mapagalitan na naman ako. ##########
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD