bc

Infected of Dead Romance

book_age18+
80
FOLLOW
1K
READ
adventure
one-night stand
zombie
badgirl
drama
bisexual
rejected
sassy
virgin
intersex
like
intro-logo
Blurb

Blurb :

Naglalakad na sila pabalik sa bar nang nagulat sila dahil sa nagtatakbuhan palabas ang mga tao sa loob at nagpapanic na tila takot sa kung ano ang nasa loob. Napa atras ang grupo ni Danny ng makita ang napakaraming infected na Zombie na nagkalat sa paligid.

Ano kaya ang mangyayari sa grupo ni na Danny makaligtas kaya sila sa mga infected?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Infected
"Nikka, makinig ka naman sakin, mali ang iniisip mo!" "Ewan ko sayo Danny. Alam ko ang nakita ko huwag mo akong gawing tanga!" sagot ng kasintahan ni Danny sa cellphone rinig rin sa background ng techno beats ang isang disco bar kung saan nakatambay si Nikka. "Kaibigan ko lang yon Nikka. Please naman maniwala ka sakin. Kelan ba ako naka gawa ng panloloko at pambababae sayo? Wala pa naman diba?" "Aba! Malay ko ba? Malamang matagal mo ng tinatago sakin yang babae mo!" "Nikka naman. Mali nga ang iniisip mo wala akong…" "Shut up Danny! Break na tayo!" "Ha! Break agad!" halata ang pagkabigla ni Danny sa boses nya. "Bye asshole!" at pinatay na ni Nikka ang tawag. Huminga ng malalim si Nikka. Pinawi ang kanyang mga luha. Six months na silang mag on ni Danny at dahil nahuli nyang may kasamang babae si Danny sa loob ng kwarto ng boarding house nito ay pinutol na ka-agad ni Nikka ang relasyon nila. Si Nikka Palermo ay isang twenty-one years old na tourism major. Maganda ito at maputi. Sexy ang pangangatawan at talagang habulin ng kalalakihan. Subalit mapili ito sa kanyang mamahalin. Si Daniel Danny Abante naman ay twenty-three years old na visual arts major ay isang simpleng lalaki lamang. Nasa wasto ang pangangatawan at moreno na nahahawig ang mukha kay Jericho Rosales. Mabait ito at masipag. Mga bagay na nagustuhan ni Nikka sa kanya. Subalit sa isang pagkakamali ay nag wakas ang kanilang mabulaklak na relasyon. "Okay ka lang dai?" tanong ni Flora Cainta, kay Nikka at isa sa kanyang matalik na kaibigan. Si Flora ay twenty years old na nursing student. Morena at medyo chubby. Simple ang ganda at girl next door kung pumorma. "Oo naman. I’m fine." Namumula pa mga mata ni Nikka. "Hay naku friend, sabi ko na at lalabas rin tunay na kulay n'yang lalaking yan eh. Palibhasa probinsyano kaya kung sino sinong city girl ang gustong tikman. Buti na huli mo siya." Sabat naman ni Erich Crisologo, nineteen years old at tourism rin na classmate ni Nikka. Maganda ito at ang pinaka fashionista sa mga magkakaibigan. Maputi rin at medyo blonde ang buhok. "Ang sakit ng ginawa nya sakin Erich. Grabe sya. Akala ko pa naman seryoso sya sakin. Kitang kita ko efforts nya noon pero simula nung may nangyari samin ramdam ko ang panlalamig n'ya." "Eh kasi naman pina home run mo kagad eh. Sabi sayo wala ring kwenta yan." Sagot ulit ni Erich. "Ewan ko ba.? Hayop s'ya.! Akala nya ganun ganun na lang p'wes hinde nya rin kilala kung sino niloko n'ya!" "Yeah! Kaya mabuti pa mag party nalang tayo! Woohoo!" Sigaw ni Erich at lumapit na sila sa table nila. Sinalubong sila ng isa pang babae na chinita. "Oh tapos na ba dramarama ni ateng? Hihihi." Pagbibiro ni Sheryl Chin. Twenty years old na tourism rin. "Hoy anong drama, kita mo nang nasaktan tong friend natin oh." Sagot ni Erich. "Okay tama nayan at tagay na lang tayo para makalimot." Wika naman ni Flora. Samantala si Danny naman ay Nakasakay sa taxi na buksan ng driver ang radio "Dumarami na ang mga nagkakaroon ng misteryosong sakit na sinasabing lumalabas ang sintomas ng end stage ng rabies at ang tinatawag nilang black death noong unang panahon. Hindi pa mapangalanan ng mga eksperto ang naturang sakit dahil na rin sa kakaiba netong sintomas. Sinasabi nilang isang mutated na strand ng virus o bacteria ang pinanggalingan nito pero wala pa silang sapat na ebidensya. Samantala ay halos mapuno na ang mga ospital dito sa kamaynilaan, sa pampanga, at ilang bahagi sa cebu dahil sa naturang sakit." Wika ng isang reporter sa radyo ng isang taxi kung saan nakasakay si Danny at si Dwayne Tiu na bestfriend n'ya. "Grabe naman yan, tsk ano bang nangyari dito sa mundo. Nakita ko rin sa internet na ganun rin ang sitwasyon sa amerika at ilang area sa europe." Wika ni Dwayne naka upo ito sa likod at katabi si Danny. Tahimik lamang si Danny at nakatingin sa labas ng taxi na tila malayo ang tinatanaw. "Wewewewewewewe." Ingay ng sirena ng isang ambulansya na dumaan sa kabilang linya ng kalsada. Napatingin dito si Dwayne at ng makalayo na ito ay bumalik kay Danny ang tingin n'ya. "Tol ayos ka lang ba?" pag-aalala ni Dwayne. "Di ko lam tol." "Alam mo sa tingin ko mahal ka pa rin ni Nikka. Kailangan mo lang ipaliwanag sa kanya ng personal ang lahat." "Kaya nga tayo susunod sa bar diba." Matamlay na sagot ni Danny. Samantala kay nila Nikka naman may lumapit na lalaki sa kanila "Hi girls. Sensya na sa istorbo pero alam n'yo ba kung saan ang Blue Flame area dito?" tanong ng isang gwapong lalaki kay Erich habang sila ay nag iinuman. Nakatingala si Erich at kinilatis ang lalaki. Maayos ang porma nito at mukhang mayaman. Ngumiti ang dalaga. "Ah doon po sa second floor." Sabay turo ni Erich sa itaas kung saan may mga kwartong may glass windows na nakalaan sa mga vip. "Haha naku wag mo naman akong eh po. I’m Richard at ito si Andrew barkada ko." Pagpapakilala ng dalawang lalaki. Lumapit naman si Andrew na chinito. Nasa six fit ang tangkad nito at naka suot ng light colored polo shirt at mukhang mayaman rin. "Ay ganon ba? hihihi hello sa inyo. I’m Erich. Ito pala mga friends ko," pag introduce nya sa mga barkada. Nakatingin lang ang mga babae sa dalawang matipunong lalaki. Nag kurutan sina Flora at Sheryl sabay nag hagikhikan na halatang interesado sa dalawang lalaki. "Thanks pala sa direction Erich. Hmm you know what, why don’t you girls join us. E celebrate lang sana namin ang pagpasok nitong buddy kong si Andrew sa St Lukes. Bagong doctor kasi ito eh. Hehe. Tiyaka kaming dalawa lang naman kaya I think mas masaya kung kasama namin kayo," wika ni Richard. "Wow doctor! Hihihi well sure why not," malanding sagot ni Erich. "Hoy sure ka ba d'yan?" bulong ni Nikka kay Erich. "Ano ka ba dai, silang dalawa lang naman eh tsaka broken hearted ka. I think magandang pagkakataon ito para maka pag steam out ka ng feelings mo." Sumama ang mga babae kina Richard sa Blue Flame room. Maayos ang itsura sa loob. May isang glass table sa gitna. Deep red ang kulay ng mga sofa na naka L shape sa kwarto at may isang malaking tv screen na pwedeng mag videoke. Umupo kaagad ang mga babae. Tumabi si Richard kay Sheryl at si Andrew naman ay tumabi kay Nikka. Nasa kabilang bahagi ng sofa naman sina Erich at Flora. Nag order ng inumin at pulutan si Richard. Buhos ang inuman ng grupo, naka dalawang buckets na sila ng hard beer. Tawanan at kantahan ang maririnig sa loob ng silid, nakikipag kwentuhan si Andrew kay Nikka. Dito nalaman ng lalaki na kakabreak pa lamang nito sa boyfriend n'ya. Hinimas naman ni Andrew ang balikat ni Nikka, hindi naman ito pumalag. Kumakanta naman si Erich ng kalabitin siya ni Flora at tinuro ang pwesto ni Sheryl. Napa wow ang dalawang babae nang makitang naghahalikan na pala sina Richard at Sheryl. Mainit at basa ang halikan ng dalawang kakakilala pa lamang. Nakakapit sa batok ni Sheryl ang isang kamay ni Richard at nakapatong sa hita ng dalaga ang isa kamay na bahagyang humihimas. "Wow ha,! kala mo single oh! Hahahaha!" biglang pansin ni Erich gamit ang microphone. Nakatitig ang iba kina Sheryl at nagtatawanan. Tumigil sandali sa halikan ang dalawa. Parehong nakangiti sila. "Hoy Sheryl baka nakakalimutan mo, may boyfriend ka pa noh! Hahaha!" Bulalas naman ni Flora. "So?" nag roll ang mga mata ng chinitang dalaga sabay tawa ng malakas. Tumingin si Richard kay Andrew at nag shrug lang ito ng balikat. Umiling nalang si Andrew. "Um girls bibili lang ako sa labas ha." Wika ni Flora. "Sige girl bilisan mo lang baka maubusan ka ng ulam. Si Sheryl kanina pa tumikim. Hahaha!" Pagbibiro ni Erich. Lumabas si Flora sa bar at naglalakad papunta sa isang sikat na pharmacy. Pumasok siya at nag order ng ilang pain medicine para sa hangover na siguradong nararamdaman niya kinabukasan. Tumambay muna s'ya sa may ilang stands habang hinihintay ang pag bigay ng binili niya ng may marinig s'yang ungol. Nakita n'ya ang isang lalaking hinang hina na lumalakad patungo sa counter. "Kawawa naman si manong. Ano kaya sakit nito?" bulong ni Flora. "Sir ano pong bibilhin n'yo?" tanong ng pharmacist. "Hnhh... Ahh…" ungol na lamang ng lalaki at bigla itong bumulagta. "Aay!!! Tulungan nyo si manong!" Sigaw ng pharmacist. Lumapit naman ka agad ang gwardya at ilang mga usisero. “Gglug… guurahk!" nangisay ang lalaki na parang may seizure at dumanak ang tila maitim na likido sa kanyang mga mata, ilong, tenga at bibig. “Oh my God! Anong nangyari sa kanya?“ wika ng isang usiserong babae. "Sandali! Tignan ko po s'ya" wika ni Flora at lumapit ito sa lalaki. Kenapa niya ito sa leeg at wala na siyang naramdaman pulso. Dinikit n'ya ang pisngi malapit sa bibig ng lalake para malaman kung humihinga pa ito. "s**t patay na siguro ito." Bulong ni Flora habang chine check ang vitals ng lalaki na hindi na gumagalaw. Walang ano ano ay biglang dumilat ang mga mata ng lalake

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YAYA SEÑORITA

read
11.6K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.3K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook