"Teka Jaguar malayo na tayo sa kanila hinto mona tayo hingal na hingal na ako sa kakatakbo."
"Ibang klaseng babae ka, ngayon Alam ko na."
"Na ano? Anong ibig mong sabihin."
"Kong bakit may medecal kit kang dala." Sa sagutin na sana ni Kimy nang biglang may naalala siya.
" Ayy! Lagot na, malalate na pala ako sa trabaho ko sige na Bye." Pata likod na si Kimy ng biglang hilahin siya ni Jaguar sa braso sa biglang hatak nito sa braso niya na paikot tuloy siya at tumama sa matigas na dibdib ni Jaguar at napayakap siya dito.
"Ayy!" Saglit na huminto ang oras sa kanilang dalawa nag taas ng tingin si Kimy at yumuko naman si Jaguar nag tama ang kanilang mga paningin mata sa mata silang nagtitigan. Lumakas ang tambol ng kanilang mga puso wala silang marinig na ibang ingay sa paligid kong hindi ang maingay na t***k lamang ng kanilang dibdib.
"Ahhm!" Si Jaguar ang unang kumalas sa tagpo ng iyon pasimple siyang tumukhim at binitawan si Kimy hindi niya malaman Kong saan iba baling ang tingin. Si Kimy naman ay naging normal na din kahit papano pero ang magkabilang pisngi niya ay pulang pula. Nakayuko eto at nahihiya.
"K-kimy huwag ka nang pumasok babayaran ko ang araw ng pasok mo ngayon. G-gamutin mo ako ng gaya ng dati Halika." Kinuha ni Jaguar ang palapulsuhan ni Kimy at dinala eto sa nakapa rada niyang kotse. Kinuha niya nag remote at pinindot eto upang mabuksa ang kaniyang sasakyan. Binuksan nito ang pintuan at maingat na ipinasok at pinaupo si Kimy sa tabi ng driver seat at sinimulan mag drive. Si Kimy naman sa hindi malamang dahilan ay naging sunudsunuran tila may malalim na iniisip sa mga sandaling iyon.
" Saan ka natutong makipaglaban?" Hindi eto sumagot nanatiling tahimik at nakayuko.
"KIMY, are you okay?" Medyo lumakas ang pagkakatawag niya dito sa hindi pagpansin sa kanya.
"Huh? A ano 'yon?"
" Ang sabi ko saan ka natutong makipag laban?bSinong nagturo sa' yo? "
"Ah' iyon ba, Kinakailangan ko kasing protektahan ang sarili ko para hindi masyadong alalahanin at pabigat sa mahal ko sa buhay."
"Anong ibig mong sabihin? At sinong mahal sa buhay ang tinutukoy mo ang parents mo ba?"
"Hindi, wala na akong parents matagal na silang patay."
"Ohh! Sory!"
"Okay lang. Saan ba tayo pupunta?" Hindi sumagot si Jaguar nanatiling naka focus eto sa pagmamaneho. Nanatili silang walang imikan hanggang makarating sila sa tapat ng isang bahay. "
" Bahay mo? "Ang tanong ni Kimy.
" OO. "
" Ah, Bat mo naman ako dinala dito? Anong gagawin natin d'yan? "
" Hindi ba't gagamutin mo mga sugat ko? Babayaran naman kita at dodoblehin ko pa 'wag ka nang mag reklamo ang ingay mo. "
" Ganun! Ikaw na nga etong may kailangan sa akin ikaw pa etong matapang para nagtatanong lang naman malay ko ba kong may balak ka sa akin na masama. "
" Hahahaha!!! Ako? "may gagawin sa' yo? At ano naman 'yon kaya?"
"Aba' y malay ko nagiingat lang naman ako ka babae kong tao at lalaki ka ano alam mo na." Ang medyo nahihiyang sabi ni Kimy.
"Ibang klase ka!"
"Natural, Anong palagay mo sa akin easy to get. Dalagang pilipina 'to no."
"Hahahah!!! Okay sige na, huwag kang magalala hindi kita type sige na pumasok na tayo baka abutan pa tayo ng ulan dito." Pagkasabi nito ni Jaguar ay nakita niyang tumingala si Kimy sa langit.
"Ulan? Bakit di ko napansin na uulan na pala?" Ang nagulat na tanong niya sa kaniyang sarili. Nang makita niyang pumasok na si Jaguar sa loob ay agad naman etong sumunod.
"Ang laki naman nang bahay mo andito ba ang parents mo?"
"Patay na ang mother ko 'wag ka nang magtatanong d'yan umpisahan na natin." At nagsimula nang tanggalin ni Jaguar ang suot niyang t-shirt na biglang ikinagulat naman ni Kimy.
"Ayyy! Ba't ka naghububad akala ko ba hindi mo' ko type." Ngunit sa halip na sumagot si Jaguar eto ay lumapit sa kinaroroonan ni Kimy at humarap dito. Si Kimy naman sa hindi malamang dahilan ay napapikit eto ng makitang papalapit sa kan'ya si Jaguar.
"Dumilat ka?" Ang utos niya kay Kimy at dumilat naman eto.
" Umpisahan mo nang gamutin ang mga pasa ko sa katawan at sugat."
Nagulat pa si Kimy ng makita niya ang katawan ni Jaguar na maraming bogbog at tama ng kahoy na inihampas dito kanina. Seguradong masakit eto nangingitim na at halos pulang pula na ang katawan nito may sugat na naman eto sa labi, sa ilong at sa kilay. Inilabas niya ang medecal kit na palagi niyang dala sa bag.
" Alam mo may potential kang maging Boxer dapat naging boxer ka na lang para naman pinagkakakitaan mo ang mga natatanggap na bogbog at sakit ng katawan mo. Ano bang palagay mo sa katawan mo punching bag. Hindi ka ba nasasaktan ha? Hindi ka ba natatakot na baka one day hindi lang suntok, hampas, at sipa ang matanggap mo. Hindi ba mahalaga ang buhay mo sa'yo ha? "Ang sunod sunod na sabi ni Kimy habang pinapahiran ng gamot ang mga sugat nito sa mukha. Si Jaguar naman ay nakatitig at nakikinig lamang sa kan'ya.
" Oh napipi ka na d'yan ang dami kong sinasabi dito hindi ka man lang sumagot diyan. Huwag mo akong tingnan nang ganyan hindi mo ako madadala sa gan'yan. Kong hindi seguro kita nakita baka patay ka na. Sa susunod kapag marami ang kalaban mo tumakbo ka mahalin mo naman 'yang buhay mo at alalahanin mo ang Ama mo na magaalala sa' yo."
"My father? Huh baka matuwa pa nga iyon kapag nabalitaan niyang patay na ako." Napahinto sa ginagawang pag gamot ng mga sugat ni Jaguar si Kimy.
"Natural Father mo nga ano syempre magaalala iyon sa'yo at bakit mo naman nasabing matutuwa iyon kong sakaling patay ka na. Meron bang ganong Ama?"
"Meron ang Ama ko Kimy." Ang malungkot na wika ni Jaguar sa halip na sumagot si Kimy mas pinili na lamang nitong itikom ang bibig nakita niya kasi sa mga mata ni Jaguar ang lungkot dito. Natitiyak niyang hindi maganda ang relasyon nila ng kaniyang ama at wala siyang karapatang manghimasok sa buhay na nila. Tahimik na ipinagpatuloy na lang ni Kimy ang kaniyang ginagawang pag gamot sa mga tama ni Jaguar sa katawan.
Tapos na siya mukha nito ang katawan naman ni Jaguar ang pinapahiran niya ng gamot hindi maiwasang mapagmasdan niya ang Ganda ng tanawin sa harapan niya. Hindi lang niya eto nakikita nahahawakan pa. Animo'y marahan niya etong hinihimas at dinadama panay ang lunok niya ng laway.
"Ano ba 'to nakakatuyo pala eto ng lalamunan." Ang lihim na sabi ni Kimy sa sarili. Samantalang mukhang nageenjoy naman si Jaguar habang nakatingin sa kanya. Kong ano ang naglalaro sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon siya lamang ang nakakaalam.
" O Ayan tapos na mag bihis ka na?"
"Bihisan mo 'ko? masakit ang katawan ko."
"Hoy hindi ka naman napilayan para hindi mo magamit' yang kamay mo."
"Sige na please!" Ang sabi nito sa mabait na tono habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Kusang gumalaw ang kamay ni Kimy kinuha ang damit ni Jaguar at isusuot eto sa kanya. Ngunit napansin ni Kimy na bukod sa madumi na ang damit may punit na eto kaya hindi na lamang niya eto itinuloy isuot kay Jaguar.
" Magbihis ka na lang ng ibang damit madumi na 'to at sira na."
"Okay, let's go." Kinuha nito ang kamay ni Kimy.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa taas sabi mo palitan ko ang damit ko hindi ba?" Napa sunod na lamang si Kimy at nang humantong sila sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Jaguar huminto si Kimy.
"Dito na lang ako hihintayin kita." Na patingin sa mukha ni Kimy si Jaguar alam na nito ang ikinababahala niya.
" I Promise you wala akong gagawin sa'yong masama, Isa kaya mo naman akong labanan kong sakaling may gawin ako sa'yong masama hindi ba? Isa pa katulad ng sinabi ko sa'yo hindi kita Type." Si Kimy naman ang napatingin sa mukha ni Jaguar.
"Lokong eto ah. Bakit pangit ba ako at hindi niya ako type. Tseh! Akala mo naman kong sinong gwapo." Ang naiinis na wika ni Kimy sa sarili.
Pumasok si Kimy sa loob ng silid ni Jaguar at napagmasdan niya ang kabuuan nito. Malamig sa mata ang kulay ng silid nito na white and light gray, at kumikintab sa kalinisan ang mga gamit. Mukhang mahihiya ang alikabok dumikit sa mga eto.
Naupo si Kimy sa dulo ng kama. Habang hinahantay si Jaguar na nakita niyang pumasok sa isang Pintuan. At nang lumabas eto ay may dala dala na etong damit. Ngunit na palitan na ang suot nitong pantalon kanina ng jogger pants, pero hindi pa isinuot ang damit pang itaas nito. Nailing iling na lang si Kimy na gets na niya ang gustong mangyari ng lalaki.
"Okay pag bibigyan na kita para ka namang bata."
"Natural babayaran naman kita ng buo, mahirap kumita ng pera ngayon dapat pinaghihirapan."
"Ah ganun? Okay Young master akin na po ang damit mo at bibihisan na po kita?" Ibinigay naman ni Jaguar ang damit at ibinihis na eto sa kanya no Kimy. Ngingiti ngiti naman ang lolo habang binibihisan siya ni Kimy ang kaso na tutok ang mga mata niya sa harapang dibdib ni Kimy ng binibihisan kasi siya nito napagmasdan niya ang magandang hubog ng dibdib nito.
Ang kaninang ngiti niya sa labi na palitan ng paglunok ng sariling laway. Nakaramdam siya ng init sa katawan na hindi dapat.
"Oh ayan na young Master nabihisan na po kita. Swerte mo ha ikaw pa lang ang lalaking binihisan ko bukod sa Kuya ko. Baka naman humiling ka pang padedehin kita." Ang biro ni Kimy subalit para kay Jaguar sapat na ang narinig para mabuhay ang hindi dapat mabuhay sa ilalim ng kaniyang suot na boxer. Bigla etong napatayo buhat sa pagkakaupo sa kama.
" Wait I need to go to the bathroom. " Ang nagmamadaling sabi ni Jaguar kay Kimy na nuon naman ay nagulat din sa biglang pagtayo nito. Wala siyang idea sa nagawa niya sa lalaki. Nagtagal si Jaguar sa loob ng bathroom bago eto nakabalik kay Kimy.
"Ang tagal mo naman akala ko naligo ka e hindi naman pala. Ano bang ginawa mo dun?"
" Nag release?"
"Ah tumae ka ganun ba?"
"Halika na nga at ihahatid na kita sa inyo."
"Hatid ka-agad?"
"Bakit ayaw mo ba? Gusto mo bang matulog dito?"
" Anong matulog ka d'yan ang ibig kong sabihin baka naman pwede mo akong pakainin mona kanina pa ako nagugutom. May pagkain ba dito sa bahay mo?"
"Ah akala ko may balak ka sa akin kasi nakita mo naman ang maganda kong katawan hindi ba?"
"Sira, Hindi kita pagnanasahan. Iyan pinagmamalaki mo? Marami na akong nakitang ganyan at mas higit pa nga d'yan ang mga nakita ko na no."
"Let's go iuuwi na kita." Ang galit na sabi nito kay Kimy.
"Oh galit ka ba? Bat ka nagagalit?"