"Ibaba mo na lang ako sa banda d'yan?"
"Bakit dito na ba ang bahay mo?"
"Hindi, okay na ako dito sige na bumalik ka na at mag pahinga."
"Na dito naman na ako kaya lubusin mo na anong deperensya ng dito at duon mismo sa bahay mo? Bakit may itinatago ka bang asawa sa bahay mo?"
"W-wala ah! naman.. asawa agad? Birhen na birhen pa'to no? Asawa ka d'yan." Ang kaninang madilim na awra ni Jaguar ngayon ay maliwanag na ngumingiti na eto ng lihim.
"Hindi mo ako katulad na playboy."
" At paano mo naman nalaman na playboy ako?"
"Sus! Saan daw? e halos lahat ng estudyante ng Baldwin University e kilalang kilala ka."
" E dapat ka ngang maniwala Ha! Ha! Ha! At kong gusto mong mag apply mahaba ang pila dun ka sa likod."
"Aba't ang kapal mo din no? Kong ikaw lang din naman 'wag na' oy!"
"Hmm! Tingnan natin."
" Itabi mo na d'yan? 'yan na ang bahay ko."
" Kimy eto nga pala ang pangako kong bayad sa' yo." Kinuha naman ni Kimy ang maliit na sobre at bumaba na eto sa sasakyan.
"Thank you sa paghatid at dito sa bayad hindi ko na 'to tatanggihan sayang naman. Sige na umuwi ka na okay na' ko dito."
" Mauna ka nang pumasok sa loob bago ako umalis, pasok na?" Sinunod naman ni Kimy at eto ay tuloy tuloy nang puma loob sa kaniyang bahay. Nang maseguro ni Jaguar na nasa loob na si Kimy ng kaniyang bahay saka niya pinaandar ang kaniyang sasakyan at umalis.
Ngunit pagbalik ni Jaguar sa kaniyang bahay ay naabutan niya ang kaniyang ama duon na mukhang hinihintay siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Ang tanong ni Jaguar sa Ama niya. Ngunit sa halip na sagutin siya ay lumapit eto at malalakas na pinagbuhatan siya ng kamay.
PAK!
" Tarantado ka talaga! Wala ka nang ginawang mabuti! Ano na naman etong ginawa mong gulo ha?"
"Pa, Ako etong pinagtulungan hindi mo ba mona ako tatanungin?"
"Punyeta, tatanungin? e alam ko naman na Gago ka. Malakas ang loob mo na manugod at mag umpisa ng gulo dahil alam mo ang koneksiyon ko hindi ba?"
" Ganyan ka naman, mas pumapanig ka ba sa ibang tao kesa sa sarili mong anak ay mali.... Kailan man ay hindi mo nga pala ako itinuring na anak.. Okay ganito na lang hindi ba't humiwalay na ako sa bahay mo at sa pinakamamahal mong pamilya so ano pang ginagawa mo dito? Ipahuli mo ako sa Pulis kong sa palagay mo e ako ang may kasalanan at huwag kang magalala sasabihin ko sa kanila na hindi kita kilala. "
PAK!
" Gago ka talaga, Malayong malayo ka sa kapatid mong si Brian. "
" Si Brian na mabait, si Brian na matino, si Brian na matalino tama na PA! Alam ko na 'yan, bakit hindi ko naman Iipinagpipilitan ang sarili ko sa inyo lumayo na nga ako hindi ba? "
"Lumayo ka nga pero hanggat dala dala mo ang pangalan ko ama mo parin akong gago ka. Kaya sa lahat ng mga kalokohang gagawin mo damay ako."
" Pasensya ka naging anak mo ako dahil kong ikaw hinihiling mo na sana ay hindi mo ako naging anak mas lalo ako. Kong pwede lang din mamili ng Ama ay hindi kita pipiliin. "
" Aba'y tarantado kang talaga no? " Muli nanaman siya nitong sasampalin Ngunit inilapit na ni Jaguar ang mukha niya rito.
" Sige, Saktan mo ako ulit, D'yan ka naman magaling. Ano sasampalin mo ba akong muli o susuntukin? Anong parte ng katawan ko ba ang gusto mong saktan? " Ibinaba ng kaniyang ama ang kamay nitong dadapo sanang muli sa mukha ni Jaguar. Tiningnan siya ng galit na tingin bago siya Iniwanan nito at umalis ng bahay ni Jaguar.
Napa sabunot ng buhok si Jaguar at malakas na sumigaw.
" Ahhhhhh!!! "
Kinabukasan sa Baldwin University laman na naman ng usapan ng mga estudyante si Jaguar. Abala na naman sila sa pagtingin ng bagong pictures nito sa social media.
" Pambihira sino na naman kaya ang kaumbagan ni Papalicious Jaguar tingnan nyo mga ateng ang daming plaster nanaman niya sa mukha." Kinuha ni Kimy ang cellphone ni Janice at tiningnan eto. Bukod sa plaster na alam niyang inilagay niya kagabi sa mukha ni Jaguar ay may na dagdag pa na plaster dito. Tanda niya tatlo lang iyon pero ngayon ay apat na at namamaga ang kanang mukha ni Jaguar. Sa hindi malamang dahilan nakadama siya ng pagaalala para sa lalaki. Napagpasyahan niyang pagtapos ng klase ay pupuntahan niya eto. Ang kaso naalala niyang may pasok nga pala siya sa trabaho mamaya.
"Kimy, Ikaw ba may alam ka ba kong sino ang naging kaaway ni Jaguar hindi ba't may special something kayong dalawa?" Ang biglang maintirigang tanong ni Janice.
"H-hindi ko alam bakit Yaya ba n'ya ako o girlfriend para updated ako sa nangyayari sa buhay niya. Mala'y ko sa kanya ah." Ang pagsisinungaling ni Kimy para hindi na humaba pa ang mga itatanong sa kan'ya.
"OO nga no? Well abang abang na lang tayo sa balita pero may Isa pang Hot trending na topic ngayon."
"Ang ano? Tungkol saan? Sino?"
"D'yosme ka naman Farah Kong makapag tanong? Excited lang ang peg ba?"
" Maghahatid ka lang din naman ng balita e ituloy mo na. May pa suspense ka pa kasing nalalaman."
"Well, tungkol lang naman eto sa kapatid ni Jaguar si Ferrari Dilligen, nanalo siya sa anim na Ibat Ibang unibersidad na kalaban niya at take note lahat ng iyon siya ang first place naguwi ng medals at trophy."
"Hindi lang siya magaling, matalino, gwapo, mayaman at mabait pa. Kabaliktaran ng kapatid niyang si Jaguar." Ang wika ni Farah na sinang ayunan naman ni Janice.
"Ha? Ganun? May kapatid pala si Jaguar dito."
"OO at gwapo din." Ang sabi ni Farah.
"Para sa akin mas gwapo at malakas ang dating ni Jaguar lalaking lalaki ang dating parang kapag niyakap ka niya tipong mapipisa ka. Ayyy! ano ba?" Ang malanding wika naman ni Janice.
"Mapipisa ka talaga mala adobe ang katawan nuon kong alam mo lang." Ang biglang nasabi ni Kimy na hindi nakaligtas sa tenga ng dalawang kaibigan na tutok ang mga mata Nila sa kanya.
"Really? How do you know?" Ang tanong ni Janice.
"H-hindi ba't sinabi ko naman na sa inyo na nakita ko na ang katawan niya nang minsang tinulungan ko s'ya hindi ba? Walo ang pandesal nuon kaya matigas talaga at nakikita n'yo naman hindi ba malaki ang braso niya dahil iyon sa muscles niya."
"Your such a lucky girl Kimy ako kaya kelan mabiyayaan ng ganyang experience."
"Naku Janice huwag mo nang pangarapin si Jaguar baka sa hukay ka dalhin nun."
"Alam ko naman 'iyon Farah, kaya kahit si Papa Ferrari na lang sana ayyy! Ano ba' yan? libre naman kasi ang mangarap kaya pagbigyan n'yo na. Mangangarap lang din naman tayo syempre galingan na natin no?"
"OO nga naman libre lang ang mangarap ang kaso baka hanggang pangarap na lang tayo."
"Magkaiba tayo ng pananaw at paniniwala tungkol sa pagibig. Kasi para sa akin ang pag-ibig ay parang isang magnanakaw hindi mo alam kong kailan ka mananakawan. Kong dumating man ang pag-ibig para sa akin panget man siya o gwapo, mahirap o Mayaman, matalino man o bobo, May kapansanan o wala, Bakla o tomboy ay tatanggapin ko. Dahil kapag nagmahal ka hindi mo e eto mapipigilan at hindi mo matuturuan at mas lalong hindi ka pwedeng mamili. Kaya kong kanino titibok ang puso ko duon ako Hihintayin ko na lamang na dumating siya sa buhay ko kesa ang mangarap."
"Wow Ikaw ba 'yan Kimy? Hindi ko alam na ganyan ka, malalim mag-isip. Sabagay tama ka nga talaga ang pananaw mo ay malapit sa katotohan. Hihintayin ko na lang na dumating ang lalaking para sa akin iyong tatanggapin ako kahit bading ako. Pero kong wala iiyak ko na lang eto hehehe!!! "
" Huwag kang mawalan ng pagasa Janice ang cute mo kaya at mabait na tao.".
"Ows! talaga cute ako Kimy? At mabait, binibola mo lang yata ako e gusto mo lang yatang magpalibre."
"Hindi ah, mabait ka nga dahil kong hindi ka mabait hindi mo ibibigay ang pagkain mo na binili sa dalawang batang pulubi. Nakita kasi kita minsan sakay ako ng bus e nagkataon na traffic kaya nakita kita."
"Ah! 'yon ba hehehe! Oo kakaawa nga e. Hindi pa daw sila nakakakain gutom na daw sila kaya ayon, bumili pa nga ako ng Isa, kasi kulang iyong pagkain na nabili ko good food for me lang kasi iyon tapos dalawa sila."
" Kaya masuwerte ang lalaking Iibigin mo kasi segurado hindi mo siya matitiis na magutom... este may mabuti kang puso. "
" Thank you Kimy!.. Oy Farah ba't nanahimik ka naman diyan anong problema mo? "
" Buti pa kasi kayo malaya. "
" Anong malayang pinagsasabi mo hindi kita maintindihan? "
" Ibig kong sabihin malaya kayong magmahal ng gusto ninyo ako kasi walang karapatan. "
" At bakit naman? "Ang tanong ni Kimy.
" Hindi pa ako ipinapanganak naipagkasundo na ako sa anak ng kaibigan nang pamilya namin. "
" Ano? "Ang halos sabay na tanong nina Kimy at Janice.
" May ganon pala talaga, akala ko sa kdrama lang meron niyan. " Ang sabi ni Janice na hindi mapakapaniwala.
" OO nga wow ha true to life? " Ang wika naman din ni Kimy hindi rin kasi siya makapaniwala.
" So nakita mo na ang lalaking mapapangasawa mo?" Ang deretsong tanong ni Janice.
" Ano mabait ba? "Ang tanong naman ni Kimy.
" Hindi ko pa siya nakikita. "
"Ano?" Ang sabay ng reaksiyon ng dalawa.
"Ganito kasi iyon napag kasunduan ng mga pamilya namin na hanggat hindi pa ako nakakatuntong ng eighteen ay hindi pa kami pwedeng magkita. Pero malapit na din kaming magkita dahil malapit na ang birthday ko.".
"Ha?" Ang halos sabay na namang Sabi ng dalawa.
"Hindi ka pa pala eighteen, kelan pala ang birthday mo?"
" Next month na sa 28th ng July, at kinakabahan na ako."
" Farah nakaka excite naman iyang darating mong Debut, at the same time nakakaba." Ang wika ni Janice na mukhang nagaalala.
"Oo nga Farah, hindi mo alam ano itsura at ugali ng nakatakdang maging asawa mo. Bakit naman ganyan wala kang choice. Wala ka bang pwedeng gawin para hindi matuloy 'Yan?"
"Wala akong magagawa Kimy, dahil kailangan kong sundin ang kagustuhan ng aking mga magulang. At malaki daw ang utang na loob namin sa pamilya ng nakatakdang maging asawa ko. Kailan ko lang din nalaman ang bagay na eto, kaya naman pala lahat ng gusto ko ay Ibinibigay sa akin ng mga magulang ko. Iyon naman pala.. Seguro eto na talaga ang kapalaran ko na dapat ko nang tanggapin."
Sa naging usapan nilang tatlong magkakaibigan eto ay naghatid lamang sa kanila ng kalungkutan. Napayakap sina Kimy at Janice Kay Farah.
" Sino kaya ang lalaking ipinagkasundo sa'yo? At nasaan kaya s'ya?".
"Ang sabi ng mga magulang ko nasa tabi tabi lang daw."