Untitled Episode

1807 Words
PAK! Isang malakas na sampal na naman ang dumapo sa mukha ni Jaguar. Galit na galit na naman ang Daddy nito sa kan'ya. Nasa bahay silang dalawa ni Jaguar mula sa opisina ng Dean sa Baldwin University. "Napaka tarantado mo talaga nanadya ka bang talaga ha?" "Dad, matagal na akong tarantado hindi ka pa ba sanay." Ang sabi ni Jaguar na natatawa pa habang hawak hawak ang panga na tinamaan ng malakas na sampal ng kaniyang ama. PAK! "Sasagot ka pang gago ka! Wala ka talagang kahihiyan hindi ka ba talaga titino. Kailan mo ako bibigyan ng katahimikan kapag patay na ako ganun ba ha Jaguar?" "Oh ikaw ang may sabi niyan hindi ako ah." Ang nakakalokong sagot ni Jaguar sa ama na sinamahan pa ng pagngisi. "Loko ka talaga, Ama mo ako Jaguar pero kong makasagot ka wala kang galang." "Natuto lang ako sa'yo, Hindi ba't tarantando ka din so kanino paba ako magmamana kong hindi sa'yo lang. At anong sabi mo kong patay ka na matatahimik ka? Pero Kong? mamatay ka na e 'di mainam atleast matatahimik na ako pero kong ako naman ang mauna sa iyo e di swerte mo . Ganun lang' yon mauna akong mamatay o ikaw parehas tayong makikinabang parehas tayong matatahimik. " Ang matigas at palaban na sabi ni Jaguar ngunit nang muli nanaman siyang pagbubuhatan ng kamay ng ama niya ay bigla etong napahawak sa dibdib at tila nauupos na kandilang dahan dahang kinapa ang upuan na sofa at biglang bumagsak duon. Nakatingin lang si Jaguar hindi man lamang niya eto nilapitan. Ngunit kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng kaniyang pantalon at tumawag ng ambulance. Umupo siya sa sofa at tinitigan lamang ang amang nakabulagta. Blanko ang mukha niya hindi mo mababasa kong ano ang nararamdaman o iniisip niya sa mga sandaling iyon. Putok na naman ang labi niya at may dugo eto.. Mga ilang minuto ang lumipas may ambulance na dumating at agad nila etong sinuri at ka-agad din naman nilang kinuha ang Ama ni Jaguar at dinala sa pinakamalapit na Hospital. Sumunod si Jaguar sakay ng kaniyang kotse at tinawagan ang stepmother nito. " Hello!" "Oh Jaguar ba't napatawag ka bakit hindi ka umu..." Hindi na pinatapos pa ni Jaguar ang sasabihin ng kaniyang stepmom ng magsalita siya. "Nasa hospital ang mahal mong asawa puntahan mo? " Pagkatapos sabihin eto ay binabaan na niya eto ng cellphone. Deretso ang tingin sa daan habang sinusundan ang Ambulance. Samantala sa main house nila Jaguar pagkatapos matanggap ng stepmom niya ang tawag mula dito ay kaagad etong tumawag sa kaniyang anak na si Ferrari na nuon ay nasa labas kasama ang mga kaibigan nito. Sinabi nitong sumunod eto sa Hospital dahil ang Daddy niya ay isinugod sa Hospital ni Jaguar. "Bakit ano na naman ba ang ginawa ng gagong iyon kay Dad." "Hindi ko alam anak, basta tumawag lang sa akin si Jaguar para sabihing dinala niya sa Hospital si Dad nyo at pinapapunta ako duon." "Mom anong nangyayari sinong nasa hospital?" Si Danah kapapasok lang sa kwarto ng kaniyang mga magulang nagtataka eto sa narinig sa kaniyang Ina. "Danah anak si Daddy mo nasa hospital let's go puntahan natin siya." "Anak sige na magkita na lang tayo sa Hospital okay." "Sige Mom bye!" "Danah 'let's go mag madali ka?" "Mom nagaway na naman ba sina Dady at kuya Jaguar?" "Hindi ko alam Danah pero malakas ang kutob ko dahil ipinatawag si Dad mo ng Dean ng Baldwin University may kinasangkutan nanaman na gulo ang kuya Jaguar mo." "Bakit kasi hindi tumino tino si Kuya Jaguar malayong malayo sila ni Kuya Ferrari. Kong mabait sana siya e di sana walang problema at tahimik ang ating pamilya. Oras lang na may mangyaring masama kay Dady hindi ko siya mapapatawad.".. Sa Hospital nagbabantay sa labas ng emergency room si Jaguar nakaupo at blanko padin ang mukha nito. Hindi sinasadyang nakita siya ni Kimy na nuon ay nanduon din sa Hospital na iyon. " Jaguar anong ginagawa mo dito? " Ang tanong ni Kimy na ikinagulat din ni Jaguar kong bakit siya naruruon din. "Anong ginagawa mo din dito? " Huh? Kasi pauwi na ako nang may makasalubong akong isang babaeng buntis mukhang manganganak na humihingi siya ng tulong walang lumalapit sa kanya. Karamihan sa mga tao ngayon walang mga puso dinadaanan daanan lang yong babaeng buntis. Ako naman ang nanduon kaya ako na ang lumapit eto dinala ko siya dito nasa emergency room siya ngayon. E ikaw nga anong ginagawa mo dito at bakit putok na naman iyang labi mo hindi ka na nawalan ng sugat ano ka ba talaga punching bag ka ba at hindi ka na yata mabubuhay ng hindi nakikipag umbagan. " Nagulat na lamang si Kimy nang biglang may lumapit na lalaki sa kanila at walang sabi sabing sinuntok sa mukha si Jaguar. " Tarantando ka ako nanaman ang ginawa mo kay Dad ha? " Tumayo si Jaguar at sinuntok din sa mukha ang lalaking unang sumuntok sa kanya walang iba kong hindi si Ferrari ang kaniyang half brother. "Kuya Jaguar kuya Ferrari pwede ba magsipagtigil kayo nasa Hospital tayo mahiya naman kayo pwede ba?" Pumagitna sa kanilang dalawa ang kanilang kapatid na si Danah at nakiusap na huwag magaway duon. Si Kimy naman ay nagulat sa pangyayari. Lumabas ang doktor mula sa emergency room at Mabilis naman na lumapit ang step Mom ni Jaguar dito. " Doc, kumusta ang asawa ko? " "Kayo po ba si Mrs. Dilligen?" "Yes po Doc." "Well ligtas na siya, kailangan lang mona niyang ma confine ng mga ilang araw dahil kailangan siyang maobserbahan at kailangan matapos ang mga test niya. Mayruon siyang delekadong sakit sa puso na kong tawagin ay Arrhythmia. Medyo may katagalan na etong sakit niya at napabayaan at kailangan mona siyang mag undergo sa mga test para matukoy kong may iba pa siyang sakit. Huwag nyo mona siyang bibigyan ng anumang stress dahil baka tuluyan ikamatay niya eto. " " Okay po Doc. Maraming salamat! " Pagkatapos nilang makausap ang doktor ay umalis na eto naiwan ang pamilyang Dilligen at si Kimy. " Narinig mo iyon Jaguar, Kapag may nangyari ng masama kay Dad mananagot ka sa akin. " " Bakit hawak ko ba ang buhay niya, Kong kapalaran na niyang mamatay ng maaga wala na tayong magagawa duon. Kaya anong kinalaman ko duon?" Ang natatawang sabi ni Jaguar kay Ferrari. " Aba't Siraulo ka talaga ama mo din ang pinagsasalitaan mo ng gan'yan Jaguar. " " Hmm! Ama?.. Who cares. Bakit? ginusto ko ba siyang maging Ama. Kong ako nga hindi niya itinuring na anak huh!.. nakakatawa lang Magsama Sama nga kayo. " Ang aniya ni Jaguar kay Ferrari at nilapitan si Kimy at kinuha ang kamay nito at sila ay umalis ng Hospital. Habang hawak hawak ni Jaguar ang kamay ni Kimy ay tahimik lamang silang dalawa papunta sa nakaparadang sasakyan nito. Ipinagbukas pa siya nito ng sasakyan at inalalayan pang makapasok at makaupo ng maayos bago eto umikot sa driver seat, at tahimik na nagmaneho. Si Kimy naman ay sumusulyap sulyap sa kanya na tila may nais sabihin. "B-bakit ganuon ka magsalita sa ama mo? Alam kong wala akong karapatan makialam sa buhay ninyo pero mali naman yatang magsalita ka ng ganun." Ang hindi mapigilang sabihin ni Kimy. "TUMAHIMIK KA wala kang alam sa buhay ko." Ang sabi naman ni Jaguar na inapakan ng madiin ang silinyador dahilan ng mabilis na pag takbo ng kanilang sinasakyan. Nagulat at natakot si Kimy sa biglang bilis ng pagmamaneho ni Jaguar na akala mo ay nasa isang racing sila. Grabe ang kapit niya sa upuan at halos tumalon ang puso niya ng sa pagbiglang liko ng sasakyan ay may makasalubong etong ten wheeler truck. "AYY! KUYAAA!!!" Tulungaaaan mo 'ko kuyaaahh!!.. Hu! Hu! Hu!." Sa subrang takot ay napaiyak na si Kimy saka lamang natauhan si Jaguar at naghanap ng lugar kong saan pwedeng mag park ng sasakyan. At nang maitabi niya ang sasakyan ay lumabas siya dito iniwan si Kimy na nanginginig sa takot. Ngunit makalipas din ang ilang segundo ay nilapitan niya si Kimy at niyakap. "Sorry! Sorry Kimy!!.. Nadala lang ako ng galit at naiinis sa'yo dahil parang mas kumakampi ka pa sa kanila. Ever since kasi hindi ko nadama ang pagmamahal ni Dad sa akin kaya kong ano man ako ngayon sa kanya Eto ay dahil sa kagagawan niya rin. Galit siya sa amin ng mother ko dahil sinira daw namin ang buhay niya. " " Huh? May ganun ba bakit? " " Simula pagkabata ko sinasaktan na niya ako. Sa kahit kaunting pagkakamali lang pinagbubuhatan na niya ako ng kamay. Sinisisi niya sa amin ng mother ko kong bakit sila nagka hiwalay ng pinakamamahal niyang babae pero kahit nang nahanap naman na niya eto ganun parin siya. Ni minsan hindi siya nagbago ng tingin sa akin mas pina mukha pa niya na hindi ako bahagi ng pamilya niya. Mas lalo akong naging outsider sa buhay niya alam mo ba iyon. Ako nasa isang tabi nasa isang sulok nakatingin sa kanila sa mga kapatid ko habang masaya silang nilalaro ni Dad masaya silang nagtatawanan, naghaharutan, naglalaro. Ni minsan hindi ginagawa sa akin iyon ni Dad. At ang masakit pa ni minsan hindi niya ako pinuri kahit anong gawin ko magkaruon ng achievements sa school, maguwi ng medalya bale wala sa kanya samantalang ang mga kapatid ko kapag sila ang may Achievements at may medalyang iniuwi sa bahay subrang proud s'ya tatanungin pa nga niya ang mga kapatid ko kong ano ang gusto nilang gantimpala at mag yaya si Dad na kumain sa labas. Pero sa akin ni minsan hindi niya ginawa sa iyon, ni minsan hindi niya ako tinanong oh anak Jaguar may gusto ka ba? Anong gusto mong premyo? Ang galing galing talaga ng anak ko. " Nakita ni Kimy na tumulo ang luha ni Jaguar at kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay upang pahirin ang mga luha nito at mahigpit na niyakap eto at hinimas himas ang likod at ulo nito. Damang dama niya ang subrang kalungkutan sa puso ni Jaguar. Isang lalaki eto at isang siga hindi madali para dito ang lumuha kong hindi eto totoo. "Tama na Jaguar, ganun talaga ang buhay hindi natin mapipilit ang mga tao na gustuhin tayo at mahalin. Hayaan mo na lamang sila mabuhay ka para sa sarili mo. Patunayan mo parin sa kanila na okay ka at hindi sila kawalan sa'yo at hintayin ang panahon na marealize nilang nagkamali sila sa pagkilala sa'yo. Matapang, matibay kang lalaki at Alam kong kahit ganyan ka mabait kang tao at Naniniwala ako sa'yo Jaguar. " " Alam mo bang bukod sa mga kaibigan kong tinuturing kong mga kapatid ikaw lang ang kauna unahang babae ang nagsabi sa akin na naniniwala sa akin. Hindi ka ba talaga natatakot sa akin? Sa palagay mo ba ay mabait ako? "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD