CHAPTER11

1844 Words
Chapter 11 my Red Flag man "Naniniwala akong mabait kang tao Jaguar at nararamdaman ko iyon." Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Jaguar kay Kimy at nakahilig eto sa kaniyang balikat. Hinimas himas naman ni Kimy ang ulo nito inaalo niya si Jaguar sa paraan na kaya niyang gawin. " Kimy, please! Don't push me away, just let me stay for a while like this okay?" "Ohm! Okay!" Batid ni Kimy ang paghihirap ng kalooban nito. Naalala niya ang kaniyang kuya Tomy. Nuon sa tuwing pinagmamalupitan sila ng kanilang Auntie Mirna walang magawa ang Kuya niya kong hindi ang pigilan ang galit nito at pagkatapos ay makikita niya etong pinagsusuntok ang nakatumbang puno ng saging sa likuran ng baboyan ng kaniyang Auntie Mirna, o di kaya'y ang sako ng darak na pagkain ng mga baboy dito niya inilalabas ang lahat ng sama ng loob nito. Sa sitwasyon ni Jaguar nauunawaan niya eto kong bakit siya naging basagulero at gago. Eto ang paraan niya upang mailabas ang sama ng loob din niya sa kaniyang ama. Nauunawaan niya si Jaguar at sa hindi malamang dahilan nasasaktan siyang makitang nasasaktan ang lalaki. Ngayon nalaman na ni Kimy ang side ni Jaguar naintindihan na niya eto. Hindi niya akalain na sa likod ng sikat at masamang imahe ni Jaguar ay nakakuble dito ang ang isang lalaking naghahanap ng pagmamahal at Kalinga ng isang pamilya. " Jaguar nagugutom na ako ayun oh mukhang may nagtitinda ng street food sa banda dun halika puntahan natin." Pinilit na lamang ni Kimy na ibahin ang malungkot na sandaling iyon. " Okay let's go." Bumitaw na sa pagkakayakap si Jaguar at muling hinawakan nito ang kamay ni Kimy hawak kamay silang pinuntahan ang pwesto ng Street foods. Nang dumating sila duon may nagtitinda ng pares omorder sila ng dalawa at dalawang softdrinks. May mga lamesa at upuan naman sa gilid kaya mabilis silang dalawa na nakipagunahan sa bakanteng pwesto. Natawa pa silang dalawa dahil para silang nakipagkarera sa ibang tao na gusto ding kumain duon. Nagpalinga linga si Kimy biglang kasi siyang nabahala. "Hey! What's wrong?" "Hu! Nasa open space kasil tayo baka may makakita sa atin na girlfriends mo baka bigla na lang akong sabunutan dito o di kaya naman sa campus pagpyestahan na naman ako. Sa totoo lang hindi naman ako natatakot sa'yo ang kinakatakutan ko ang mga babae mo. Mula nang mag trending ako sa Baldwin ng dahil sa'yo ay halos araw araw may kalbaryo ako. "Hindi ba't sinabi ko naman na sa'yo nuon hindi na magiging tahimik ang buhay mo mula ng makilala mo ako. So pinagsisihan mo bang nagtapo ang mga landas natin?" "H-hindi naman sa ganun, bakit naman ako magsisisi wala ka namang ginagawang masama sa akin ang bago lang naman sa akin ay ang mga marites sa Baldwin halos takot na nga akong mag open ng cellphone ko kasi palagi akong nakakatanggap ng mga pang babash. Kaya ikaw baka naman pwedeng bawas bawasan mo yang mga kalokohan mo lalo na sa babae, sige ka baka isang araw may HIV ka na o kaya may nabuntis ka na ikaw din. "Hahaha!!! Kaka tawa ka Kimy." "Oh anong nakakatawa duon. I'm just stating the facts, walang masama dun concern lang ako sa'yo." "Para ka kasing umaastang girl friend ko." " Ewan ko sa'yo, kumain na lang tayo at nang makauwi na ako." " Kimy pwede bang samahan mo ako kahit ngayong gabi lang?" "Ano? Anong palagay mo sa akin katulad ng mga babae mong easy to get manigas ka oy!." "Samahan mo lang ako please wala akong gagawing masama sa'yo. Ayaw ko lang magisa ngayong gabi." Saglit na natahimik si Kimy at nagiisip. "Kaya ba ayaw niyang magisa ay dahil nagaalala siya sa Daddy niya. Kahit masama ang loob niya rito pero sa nakikita ko at nararamdaman ko mahal niya ang kaniyang Ama natatakot sya seguro. Napapansin ko din na panay ang tingin niya sa kaniyang cellphone." " Okay, Sasamahan kita dahil Isa akong mabuting kaibigan pero binabalaan kita oras na may gawin ka sa aking kalokohan magsisisi ka. " " Promise! Wala and thanks! " Ang seryosong wika ni Jaguar at ginanahan na etong kumain. Habang kumakain sila ay hindi maiwasan ni Jaguar ang sulyapan si Kimy. " Alam kong maganda ako pero hindi kita type, kahit titigan mo ako ng 24hours hindi ako matutunaw. " " Sus! hindi ikaw ang tinitingnan ko Yong nasa likod mo. Masyado ka namang assuming." Tumingin si Kimy sa kaniyang likuran may isang pares din ng babae at lalaki na tahimik na kumakain. "Wala namang special sa kanila kaya ano ang tinitingnan mo? Papalusot ka lang yata eh." "Anong wala kanina kaya nagsusubuan sila." "Ows! Talaga lang ha? o sige na naniniwala na ako sa'yo ubusin na natin eto ng makatapos na tayo." "Subuan ko mona ako." "Ano?" "Sige na gusto ko din maranasan please!" Parang maraming tupa na nakikiusap si Jaguar kay Kimy tiklop ang kaniyang puso at sinunod ang hiling ng lalaki. " " Sige na nga Oh heto nganga? " "Ah." "Oh ano masarap ba?" "Oohm!" Ang sagot ni Jaguar na masaya habang ngumunguya ngunit hindi niya inaasahan ang biglang ginawa ni Kimy bigla kasi etong dumukwang sa kanya papalapit ang mukha nito sa kan'yang mukha Napahinto siya ng nguya at bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Akala niya kasi ay hahalikan siya ni Kimy 'Yun pala ay may nakita etong kalat na pagkain sa gilid ng labi niya, kaya sa pamamagitan ng kaniyang hinlalaking daliri ay pinahid ang dumi sa gilid ng bibig ni Jaguar. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakaupo si Kimy na parang wala lang. "Kimy?" "Huh! Ano 'yon?" "Bukod sa akin sino pa ang ginawan mo nang ganito?" "Nang akin? " Nang ganito ang pagpapahid ng dumi sa mukha. " " Ah! Akala ko naman kong ano. Ikaw pa lang at ang Kuya Tomy ko. " " Ganun ba? ". " OO nga ikaw lang. " " Kimy. " " Oh ano na nanaman? " " Bukod sa Kuya mo at sa akin huwag na huwag mong gagawin eto sa kahit kaninong lalaki maliwanag? " " At bakit ko naman gagawin sa ibang lalaki ano ako sira. " " Mabuti kong ganun. Halika na umuwi na tayo. " Tumayo na ang dalawa sa kanilang kinauupuan at tinungu ang nakaparadang sasakyan ni Jaguar sa hindi kalayuan. Ngunit habang naglalakad ay kinuha ni Jaguar ang kamay ni Kimy at holding hands silang bumalik sa kotse. Sa hindi kalayuan may mga matang nakasunod sa kanilang dalawa na nakasakay sa isang kotse. "Tingnan mo nga naman ang swerte Jaguar, Jaguar!".. Nasa bahay na naman ni Jaguar si Kimy tulad ng pinang ako niya sasamahan niya eto ngayong gabi. "Wala pa bang balita sa Dad mo Jaguar?" "Wala akong paki sa kan'ya." Ang singhal nito. Tumahimik na lamang si Kimy dahil alam niya na ang ugali ni Jaguar iba ang sinasabi ng bibig sa tunay na nararamdaman at nauunawaan niya eto. Nasa living room sila nakaupo sa isang malaking sofa at nanunuod ng palabas sa TV. Maya maya lamang ay nakatulog na si Kimy at nang makita eto ni Jaguar ay pumanhik siya sa itaas sa kaniyang kwarto at kinuha ang isang kumot. Pagbalik sa sala ay ikinumot niya eto kay Kimy at inayos pa sa pagkakahiga. Na upo siya sa tabi ng natutulog na babae at pinakatitigan ang mukha nito. Marahang hinawi ang buhok na nakakalat sa mukha ni Kimy at marahang hinaplos ang pisngi nito. "Kimy, Ikaw lang ang babaeng gumawa sa akin ng ganitilo. Ikaw lang ang babaeng nag paramdam sa akin ng pakiramdam na matagal ko nang nakalimutan, simula pagkabata ko walang nag paramdam sa akin ng kahit kaonting pagpapahalaga at pagmamahal. Ayaw nila sa akin at wala akong kakampi ang tingin nila sa akin ay walang kwenta. Isang gago, isang malas, walang silbi, Gago at demonyo. Pero ikaw naiiba ka, pinaramdam mo sa akin na normal akong tao. Thank you so much Kimy! Salamat sa pagdating sa buhay ko. " Pagkatapos sabihin ni Jaguar eto sa sarili niya ay yumuko siya upang halikan sa pisngi ang mahimbing na natutulog na si Kimy. Tumayo siya at umupo sa katabing upuan. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at cheneck ngunit bigo siyang makita ang nais nitong makita. Walang iba kong hindi ang balita kong kumusta na ang kaniyang Ama. Ni Isa sa pamilya ng kaniyang ama ay walang nagbabalita sa kanya patunay lamang talaga na hindi siya binibigyan Halaga sa pamilyang iyon. "Ano pa nga ba ang aasahan mo Jaguar, para ka namang bago, Hindi ka naman parte ng pamilya nila sino ka ba ha?... Who care's kong anong mangyari sa kan'ya hindi ko pagpipilitan ang sarili ko sa inyo." Ang tumatakbo sa isip ni Jaguar sa mga oras na iyon. Seguro kong wala lang si Kimy sa tabi niya mula kanina baka nilulunod na naman niya ang kaniyang sarili sa alak, sa babae at baka makipag basagan na naman siya ng mukha. Si Kimy ang nagpapakalma sa kan'ya ngayon. Wala sa sariling muling lumapit sa babae tinitigan ang mala Anghel na mukha nito at dahan dahang inilapit ang kaniyang mga labi sa pisngi ng natutulog na babae at eto ay kaniyang hinalikan. Napangiti pa s'ya ng mapagtanto ang ginawa at bumalik na sa kaniyang kinauupuan. "Jaguar, Jaguar!" Ang tawag ni Kimy ng umagang iyon. Nagising siya at nakita niyang natutulog ng nakaupo si Jaguar batid niyang hindi komportable ang matulog ng nakaupo. Samantalang siya ay sarap na sarap sa kaniyang higaan bagama't upuan din Iyon na matatawag at hindi kama pero napaka komportable naman. Malambot at nakatulog siyang unat ang buong katawan with matching warm blanket na alam niyang ikinumot sa kanya ni Jaguar kagabi. "Jaguar gising." "Ohm! Kimy bakit?" "Ba't d'yan ka natulog? Umakyat ka sa room mo at duon matulog at ng makahiga ka nang maayos." "Okay!" Ang inaantok na sabi nito. Hindi niya alam kong anong oras siya nakatulog basta ang alam niya ay maguumaga na iyon. Hindi siya nakatiis at Inutusan niya ang isa niyang alipores kagabi upang alamin ang kalagayan ng kaniyang Ama sa Hospital. Nang matanggap niya ang balitang ligtas na ang Dady niya ay saka lamang eto parang nabunutan ng tinik. Oo nga't masama ang loob niya sa ama, ngunit deep inside hindi niya eto gustong mamatay. Mahal niya ang Ama kahit hindi siya nito mahal, at umaasa siyang balang araw magbabago ang pagtingin sa kan'ya nito at hinihiling niya na sana bago pumikit ang mga mata ng Ama niya at Siya ay sana ay marinig niya mula dito ang katagang ANAK MAHAL KITA! MAHALAGA KA SA AKIN! I'M SO PROUD OF YOU! NANINIWALA AKO SA'YO! At madama ang init ng yakap nito. Na mula pagkabata ay hindi niya natanggap sa sariling Ama. "Kimy." "Huh! Bakit?" "Huwag kang aalis nnag hindi ko alam give me two to three hours matulog then ihahatid kita sa bahay mo maliwanag?" "Sige, dito lang ako sige na umaakyat ka na at matulog." "Kapag nagising ako at hindi kita naabutan dito susunugin ko ang bahay mo hindi ako nagbibiro Kimy." Ang serysong wika ni Jaguar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD