Chapter 12 My Red Flag Man
" Tarantadong iyon akala ko pa naman tuloy tuloy na ang pagiging maaamong tupa nagkamali pala ako. Haizt! Sige na lulubos lubusin ko na ang pagiging Yaya mo ipagluluto na din kita ng pananghalian para pag nagising ka ay kakain ka na lang. Minsan ko lang etong gagawin sa'yo dahil sa pinagdadaanan mo ngayon next time wala na hay naku! buhay nga naman. "
Pumunta si Kimy sa kusina ng bahay tiningnan niya kong ano ba ang laman ng ref nito. Halos walang kalaman laman may isang ulo ng bawang, isang sibuyas lang ang nasa loob ng ref. Pero swerte parin dahil pag bukas niya ng freezer ay may nakita siyang dalawang frozen ng hita ng manok bukod duon ay wala na din. Malaking refregirator nga subalit eto lamang ang laman.
"Sayang ng kuryente tssk!. Hmm! Kawawa naman talaga etong si Jaguar. Wala sa kanyang nagaasikaso may pamilya nga s'ya, at andyan ang tatay niya pero parang wala naman. Hindi kita masisisi Jaguar kong bakit ka nagka ganyan lumaking gago. Hayaan mo mula ngayon dito lang ako, Ako ang kaibigan mong hindi ka Iiwan at dadamayan kita palagi. Dahil mas mapalad ako kesa sa'yo, Ako may kuya Tomy na nagaalaga at nag mahal sa akin samantalang ikaw ay wala. "
Tumunog ang kaniyang cellphone sa bulsa ng suot niyang pants at nang kinuha niya eto ay nakita niyang si kuya Tomy niya natutuwang sinagot niya agad ang tawag.
" Hello Kuya kumusta ka na d'yan? "
" Okay ang Kimy eh ikaw ba kumusta d'yan wala ka bang problema d'yan?"
"Okay na okay lang ako dito kuya, kailan ang balik mo uuwi na ba kayo?"
"Kaya nga ako napatawag Kim dahil puspusan na ang pageensayo ko at pagbalik ko d'yan wala na din oras dahil sabi ng manager ko deretso lipad na din kami. Pasen'sya ka na at hindi na ako nakakatawag sayo ng madalas dahil eto nga kailangan kong mag fokus sa pageensayo matindi daw ang makakakalaban ko kaya hindi ako pwedeng magpabaya alam mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba Kimy? "
" OO Kuya alam ko. "Ang tinutukoy ni Tomy ay ang simpleng pagpapabaya at kakulangan sa paghahanda ay maaring dahilan na matalo siya sa laban at Kong magaling pa ang makalaban niya sa loob ng ring seguradong knock out siya at kapag minalas malas maari ding ika comatose niya o ikamatay. Ang larong boxing ay hindi ganuon kadali sa mga mata ng manunuod hatid nito ay kasiyahan at parang kay Dali Dali lamang. Subalit ang katotohanan ay napakadelekado nito.
"Nagpadala nga pala ako ng pera sa gcash mo sige na bye na at back to training na ako ulit."
"Sige Kuya Tomy I love you!"
"I love you too Kim! Ingatan mo sarili mo ha umiwas ka sa gulo, umiwas ka sa mga taong hindi magandang ehemplo naiintindihan mo ba Kim?"
"OO Alam ko."
"Okay bye na!"
"Bye Kuya ingats!"
Matapos makipag usap sa kaniyang kapatid ay sinimulan na ni Kimy magluto pero habang nagluluto hindi maiwasang maisip niya ang sinabi nito sa kan'ya niya.
"Kong alam mo lang kuya Tomy na nasa bahay ako ng number one na tarantando sa school namin baka bigla kang mapauwi ng wala sa oras. Eh paano kong malaman mo din na dito din ako nagpalipas ng gabi naku baka makalbo mo ako seguro. Pero kuya huwag kang magalala dahil iniingatan ko naman ang sarili ko. Isa pa alam ko mabait si Jaguar naniniwala ako sa kan'ya. "
Nang matapos si Kimy sa pagluluto ay naisipan niyang maupo sa mahabang sofa at naidlip. Sa kaniyang pagtulog ay may na panaginipan siya nakikita niyang nakaluhod si Jaguar at hindi eto lumalaban sa kahit anong dami ng sipa at suntok ang dumadapo sa kan'ya. Napapaligiran si Jaguar ng sampong lalaki kitang kita niya nang may isang lalaki ang bumunot ng baril mula sa likuran nito at itinutok sa noo ni Jaguar. Sumisigaw si Celine na huwag ituloy ng lalaki ang masamang balak nito kay Jaguar. Dahil hindi pa ba sapat bogbog sirado na eto at basag na basag na ang mukha puro dugo na at lupaypay na sa sahig. Ngunit biglang umalingaw-ngaw ang putok ng baril at kitang kita ng dalawang mata niya na nabutas ang noo ni Jaguar at patay na eto.
"Hindi, huwag, Huwaaggh!"
"Kimy, Kimy gising Kimy?" Umuungol si Kimy habang natutulog sa sofa eto ang tagpong naabutan ni Jaguar kaya Dali dali naman niya etong nilapitan upang gisingin.
"Huh! J-Jaguar" Nang makita ni Kimy si Jaguar sa harapan niya at buhay na buhay eto ay napahagulgol siya ng iyak at niyakap niya eto ng napakahigpit.
"Hu! Hu! Hu!"
"Anong nangyari sa'yo ha? Binabangungot ka ba?"
"Oo at ikaw ang na panaginipan ko. Binugbog ka nila halos duguan ka na pero hindi ka parin nila tinitigilan ng sampong lalaki Jaguar Hu! Hu! Hu! A-at b-binaril ka nila sa noo Hu! Hu! Hu! " Ang umiiyak at natatakot na kwento ni Kimy nanginginig pa siya sa Alaalang iyon.
"Pinatay?.. Kimy hindi pa isinisilang ang papatay sa akin. Kaya malabong mangyari ang na panaginipan mo. Kaya nga panaginip dahil malabong mangyari kalimutan mo na 'yan. Hindi pa tayo ikinakasal kaya matagal pa ako mamatay."
"A-ano kamo kasal? Sira ulo!" Malakas na hinampas ni Kimy si Jaguar at bumitaw sa pagkakayakap dito nagtatawa naman ang lalaki. Gusto lang iligaw ni Jaguar ang isip ni Kimy dahil alam niyang natatakot ang babae sa panaginip nito.
"Halika na kumain na tayo at nang maihatid mo na ako sa amin. May pasok pa ako sa trabaho mamaya."
"Anong kakainin natin? ano bang gusto mong kainin? at magpapadelever ako."
"Huwag na nagluto ako ng adobo g manok may nakita pa naman akong ingredients diyan sa malapalasyo mong ref na wala naman laman."
"Nagluto ka?"
"Oh anong nakakagulat duon?"
"Wala halika na kumain na tayo."
"Okay." Pumunta na silang dalawa sa kusina at pinainit niya mona ang lumamig na adobong manok, pagkatapos ay nagsandok na nang kanin para sa dalawang plato habang iniinit ang ulam. Naka ready naman na ang dalawang placemat kutsara at tinidor sa lamesa. Tinulungan naman siya ni Jaguar kinuha nito ang dalawang plato na may lamang Kanin at dinala niya eto sa dining table. Si Kimy naman ay papalapit na din at dala na ang isang bowl na may lamang adobong manok na kanilang pagsasaluhan na dalawa. Napatitig si Jaguar sa pagkain na nasa harapan niya. Ang hindi kasi alam ni Kimy walang nagluluto para sa kan'ya. Kapag may sumpong siya nagluluto siya ng pagkain niya ngunit kadalasan naman ay palaging sa order sa labas ang kinakain nito o di kaya naman ay kumakain siya sa labas at kasama ang mga kaibigan.
"Kimy, bakit napakabait mo sa akin? Bakit nagaalala ka sa akin? Bakit mo ako inaalagaan ng ganito? Hindi mo ba alam nanganganib ka sa akin, dahil hindi na kita papakawalan pa. Kaya Kong pwede lang hanggat kaya ko pa huwag kang masyadong mabait sa akin." Ang tahimik na sinasabi ng isipan ni Jaguar habang sumusulyap kay Kimy.
"Sige na kumain ka na huwag kang magalala masarap Yan."
" Seguradong walang lason 'to ha?"
"Siraulo! Kong duda ka eh huwag kang kumain akin na nga' yan." Ang naiinis na wika ni Kimy.
"Hahaha! Ikaw naman di ka na mabiro kahit hindi masarap eto at kahit may lason pa eto ay kakainin ko kasi luto mo pinaghirapan mo para sa akin." Ang sabi ni Jaguar na may matamis na ngiti kaya agad naman siyang napatawad ni Kimy at ngumiti na din eto sa kanya.
" Ewan ko sa'yo. " Nagsimula na silang dalawang kumain hindi batid ni Kimy ang mga makahulugang sulyap sa kan'ya ni Jaguar.
" Siya nga pala may balita ka na ba sa Dad mo kumusta na s'ya?"
"Okay na s'ya."
"Mabuti naman kong ganun."
"Anong oras ang uwi ko mamaya sa work?"
"At bakit ka nagtatanong susunduin mo ba ako?"
"Hindi, nagtatanong lang at bakit naman kita susunduin di naman kita girlfriend para gawin ko 'yon kong gusto mo pumila ka sa likod tandaan mo napakahaba ng pila."
"Siraulo."Ang malutong na sagot ni Kimy at si Jaguar naman ay muling nagtatawa gustong gusto na niya yatang palaging inaasar ang babae.
" Alam mo nagiging cute ka Pala kapag naasar ka ng ganyan no? "
" Jaguar Isa pa at sisipain kita d'yan. "
" Sus, ikaw na nga etong sinasabihan ng cute ikaw pa galit." Matalas siyang tinitigan ni Kimy na tila nagbabanta.
"Okay heto na nga oh kakain na."
Nang matapos silang kumain ay in ihatid na ni Jaguar si Kimy sa bahay nito. At si Jaguar naman ay tumuloy sa Lending Office niya. Pagkarating duon ay may nakasalubong siyang dalawang lalaki na mga customers nila.
"Good afternoon Boss!" Ang bati sa kan'ya ng dalawa hindi sumagot si Jaguar sa halip ay dumeretso lamang eto sa loob.
" Kumusta ang buseness Benjo? At si Binay anong balita sa kan'ya kailan ba sya lalabas ng hospital? "
"Okay naman Bro. Si Binay Bukas pwede na siyang iuwi sabi ng doktor."
"Good."
Umupo si Jaguar sa harap ng computer at nagsimulang mag trabaho chenecheck niya ang lahat ng lumabas at pumasok na pera at kong ano ano pa. Ang Bahay niya at ang Lending Office na eto ay itinayo niya sa pamamagitan ng minana niya sa kaniyang Mother side. Sa kaniyang lolo at Lola na pumanaw na nang siya ay limang taon pa lamang. Sila ang nagalaga sa kan'ya mula ng isinilang siya ngunit sa kasamaang palad nakasama ang mga eto sa isang Suicide boming sa isang Hotel nong sila ay nagbabakasyon. Kaya mag mula nuon ay ang kaniyang ama na ang nagpalaki sa kan'ya ngunit hindi naman masasabing pinalaki s'ya ng kaniyang Ama dahil palagi naman etong wala sa bahay at hindi nakikipagbonding sa kan'ya. Masasabing lumaki siya sa mga katulong.
"Sya nga pala Jaguar alam mo bang Girlfriend ni Roldan ang tinira mo mo nong isang araw? at balita ko galit na galit na naman sa'yo ang gago na 'yon. Kaya magiingat ka baka tambangan ka na nila.
"Eh ''di magalit siya, ang babae niya ang kusang nagpatuhog sa akin kasalanan ko ba? Matulungin lang naman sa babaeng nangangailangan. Dapat pa nga magpa salamat pa s'ya sa akin dahil napaligaya ko ang babae niya ha! Ha! Ha! .. Seguro hindi na kontento sa junior ni Roldan at bakit sa akin lang s'ya magagalit sa tingin ko naman sa girlfriend niya kong kani kanino bumubukaka ang babaeng iyon. Alam ko rin naman na nakaka relate ka Binok dahil iisa lang ang kulay nating dalawa.
" Ha! Ha! Ha! Ikaw naman lihim ko lang 'yon na pinakatago tago kailangan ba talagang ipagsigawan bro."
"Ha! Ha! Ha! Aba' y syempre naman Bro. Baka akalain nila Santo papa ka at ako lang dito ang nagiisang demonyo."
"Gago! Ha! Ha! Ha!"
"Pero Bro, Ang demonyong eto mukhang magiiba ng landas."
"Oh really? Nahanap mo na ba ang babaeng magpapatino sa'yo? At tanggap ka ba n'yang mala Anghel ka sa kabaitan Bro.?"
"Hahaha!!!"