Chapter 13 MY RED FLAG MAN
Sakay ng bus Papauwi na si Kimy galing sa kaniyang trabaho, kalmante siyang nakikinig ng paborito niyang musika sa kaniyang cellphone gamit ang earbuds. Wala sa hinagap na may mangyayaring masama sa kan'ya sa gabing iyon hindi niya napapansin ang isang lalaking kanina pa nakasunod sa kan'ya. Mula sa paglabas sa trabaho, pagsakay sa bus at pati na din sa pagbaba dito ay sinusundan siya. Naglalakad si Kimy pauwi sa kanilang bahay nang walang ano ano ay may biglang humintong itim na van sa harapan niya. Napahinto siya sa paglalakad at hindi rin niya inaasahan sa likuran niya ang kanina pang lalaki na bumubuntot sa kan'ya mula sa likuran ay tinakpan ng panyo ang kaniyang ilong at bibig.
Masyadong malakas ang amoy na nakalakip sa panyo kaya bigla siyang nanghina at nawalan agad ng malay hindi na niya nagawang manlaban pa. Mabilis siyang isinakay sa itim na van at mabilis na lumisan sa lugar na iyon..
"Hmmm!" Nagising si Kimy sa malamig na buhos ng tubig sa kaniyang katawan nahihilo pa s'ya at hindi makakilos. Nakatali ang kaniyang mga kamay sa likuran at may grupo ng kalalakihan na kasama niya. Nasa may abandunadong gusali sila na kong saan ay walang sinomang magaakalang may mga tao sa loob nito at may mga nagtataasang mga puno at talahib sa paligid ng abandunadong gusaling iyon.
"Boss Roldan, mukhang masarap ang isang iyan, maganda at wakanamputa Boss ang ganda ng katawan oh at mestisa din. " Ang aniya ng isang tauhan ni Roldan na mukhang rapist.
"Oo nga Boss, kong matapos ka na sa babaeng iyan baka naman pwedeng ibalato mona 'yan sa amin." Ang segunda naman ng Isa ding tauhan ni Roldan na mukhang sumo wrestler dahil sa malaking tao at mataba eto.
"Huwag kayong mag-alala ako mona ang unang titikim at magpapakasawa sa kanya at kapag sawa na ako inyo na bahala na kayo iubos n'yo na ang mga katas n'yo dahil alam ko naman na ngayon lang kayo makakatikim ng ganyan kasarap na putahe he! He! he!. Pero hintayin mona natin ang special guest nating si Jaguar para naman masaya ang party party natin dito. Gusto kong sa harapan niya mismo pag-sawaan ang katawan ng girlfriend niya. Gagawin ko din sa kan'ya ang ginawa niya sa girlfriend ko at hihigitan ko pa natin pala ha! Ha! Ha! "Ang malakas na halakhak ni Roldan na sinabayan din ng mga tauhan nito.
" Ja-Jaguar please! huwag kang pupunta dito ng magisa lang mapapahamak ka. Hayaan mona ako kaya ko ang sarili ko at hindi ko hahayaang babuyin nila ako mamatay mona ako bago nila magawa iyon sa akin." Ang wika ni Kimy sa kaniyang sarili bagama't natatakot siya pero malinaw parin ang kaniyang pagiisip. Sa mga sitwasyon na ganito ay sanay na si Kimy, dahil itinuro ng kaniyang kuya Tomy at Coach Joel niya eto sa kan'ya naalala niya ang mga sinasabi nilang dalawa sa kan'ya.
" Kimy, huwag kang kabahan matuto kang erelax ang iyong isip, pagmasdan ang bawat kilos ng kalaban tumingin ka sa kanilang mata at mag tiwala ka sa iyong sarili. Kong sa palagay mo ay Talong talo ka na sa laban huwag mong iisipin ang ganun, dahil hanggat humihinga ka at nakatayo ka parin ibig sabihin ay may laban ka pa. Panghawakan mo ang kahit katiting na pagasa ma mayruon ka at kong sa kabila na ginawa mo na ang lahat lahat at talagang wala na, talo ka na ikaw na mismo ang sumuko o bumitaw. " Eto ang mga katagang naglalaro sa kaniyang isip oo nga't Isa siyang babae pero lumaki sila ng Kuya Tomy niyang matapang at palaban sa buhay kong sa ibang babae seguro nangyari ang sitwasyon niya ngayon seguro maga na ang mga mata sa kaiiyak at takot na takot. Pero iba siya, iba si Kimy Tamayo.
"Layuan mo ako ? at huwag mong idikit sa balat ko ang kamay mo dahil oras na makawala ako dito puputulin ko 'yan. " Ang matapang na utos ni Kimy kay Roldan na nagsisimula nang hipuin ang mukha niya. Malademonyo na ang tingin nito sa kan'ya tila takam na takam nang tikman nag putaheng nakahanda para sa kan' ya.
" Ha! Ha! Ha! Yan ang gusto ko matapang at palaban huh? Baby lagot ka sa akin mamaya nakakapag laway ka alam mo ba 'yon." Ang bulong ni Roldan sa tenga ni Kimy. Na lalong nagpainit ng dugo ng babae pakiramdam niya nandidiri s'ya sa lalaki ang tingin niya dito ay isang demonyo.
" Hindi ako makakapayag na Magtagumpay kang demonyo ka dumikit lang ang mukha mo sa akin ay Para na akong mababaliw hindi ko hahayaang galawin ninyo ang katawan ko pinapangako ko mamatay mona ako. Pero darating nga kaya si Jaguar para tulungan ako? Ano ba ako sa kan'ya? Magkaano-ano ba kami para puntahan at sagipin niya ako dito? " Nagulat pa si Kimy nang may biglang nagtatawag kay Roldan.
"Bos.. , boss andito na si Jaguar." Ang wika ng isang lalaking humahangos galing sa labas.
"Mabuti naman nang maumpisahan na ang palabas kanina pa ako atat sa babaeng eto. " Ang sagot naman ni Roldan, lahat sila pati si Kimy ay nakatuon ang paningin sa paparating na si Jaguar nagiisa lamang etong lumalapit at may anim na lalaki ang kasunod nito pawang mga kasamahan ni Roldan at ang apat ay may mga hawak pang batuta.
" Nandito na ako Roldan pakawalan mo na s'ya?" Ang matigas na sabi ni Jaguar na nakatitig kay Kimy. Sumenyas si Roldan sa tauhan niya na nasa likod ni Jaguar at sinipa ng malakas ang likuran ng tuhod niya napa luhod si Jaguar nang wala sa oras.
Bagh!
"Gago! Wala ka sa estado mo para mag matigas ka dito." Binigwasan ng malakas na suntok sa mukha ni Roldan si Jaguar at dumugo ang ilong nito.
"Pakawalan mo si Kimy Roldan wala siyang kinalaman sa anumang atraso ko sa'yo?"
"Eh! Gago ka pala bakit ang girlfriend kong si Christa ay pinaki alaman mo ha? Babawian lang kitang gago ka at ipapakita ko sa'yo sino ang kinakalaban mo Jaguar Dilligen. "
" Ha! Ha! Ha! Nakakatawa ka naman Roldan ang girlfriend mong si Christa and my woman It's not the same. Malaki ang pagkakaiba nilang dalawa at malayong malayo. "
" Talagang magkaiba sila dahil si Christa bukod sa maganda, sopistikada, sikat, ay mayaman pa. Hindi katulad ng babae mo mahirap lang oo aaminin ko maganda siya at halimaw ang katawan pero hindi siya makakapantay kay Christa ko. "
" Yeah your right! Hindi nga siya makakapantay sa kakatihan ng girlfriend mo dahil ang babae mong si Christa ay maluwag na at bakit ka sa akin lang nagagalit e kong kani kanino naman iyon bumubukaka ows! Bakit hindi mo ba alam? Kawawa ka naman pala ha! Ha! Ha! " Tumatawa si Jaguar ng malakas nang kunin ni Roldan ang isang batuta na hawak hawak ng Isa niyang tauhan at malakas na inihampas eto sa katawan ni Jaguar.
Blagh! Bagsak si Jaguar sa sahig t namimilipit sa sakit.
" JAGUAR! " Ang malakas na sigaw ni Kimy pinilit niyang takbuhin papalapit sa kan'ya buhat sa pagkakaupo sa isang silya hirap man kumilos dahil nakatali parin ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likuran.
"Halika dito saan ka pupunta ha?" Ang hila at sabunot ni Roldan kay Kimy.
"Bitawan mo ako hayop ka?" Nagpupumiglas si Kimy mula sa mga kamay ni Roldan ang kaso nang binitawan naman siya nito ay bigla siyang sinuntok sa sikmura na kina hina nang buong katawan niya. Halukipkip na napaupo si Kimy sa sahig hawak hawak ang tinamaang sikmura.
" Jaguar manuod ka kong paano namin papaligayahin ang babae mo hahahaha!!" Pagkasabi nito ay lumapit si Roldan kay Kim hina lot ang damit nito at pilit na pinupunit ang suot nitong damit.
"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako hayooop!"
Pak! Malakas na sa pal na naman ang dumapo sa pisngi ni Kimy at hindi pa nakontento si Rolda pinisil pa nito ang baba niya at pilit na itinatapat sa kaniyang mukha. Pero nilalabanan ni Kimy ang lakas na Roldan huwag lamang siya nito mahalikan sa labi.
"Damn it! Roldan sinasabi ko sa'yo bitawan mo si Kimy at pakawalan mo siya kong hindi pare parehas tayong mamatay dito."
"Hahaha! Ulol! Sira ka ba? wala kang kalaban laban sa amin, at oras na lumaban ka sa amin papatayin ko'tong girlfriend mo."
"Pwes pare parehas tayong lahat mamatay dito ngayon." Ang nakakagulat na sabi ni Jaguar at may inilabas etong maliit na handgrade grenade mula sa kaniyang suot na boxer brief. Nagulat ang lahat ng makita eto.
"f**k!" Ang sabi ni Roldan na nanlaki ang mga mata wala sa sariling nabitawan niya si Kimy.
"Ngayon, pare parehas tayong maglalakbay sa impyerno, walang gagalaw sa inyong lahat kong ayaw ninyong mag madaling magkalasog lasog ang mga katawan nating lahat dito... Kimy pasen'sya na nadamay ka sa gulo ng buhay ko. Kong totoong may next life babawi ako sa'yo. Gusto kong malaman mo mula ng makilala kita naging masaya ang buhay ko naramdaman ko ang maging importante ang pahalagahan.. Salamat Kimy..... MAHAL KITA!!! "
" J___Jaguar, K___kong dito na talaga ang katapusan ng buhay ko ay tinatanggap ko, sasamahan kita para hindi ka magisa. Gusto ko ding malaman mo na hindi ako nagsisisi na nakilala kita, at mas gugustuhin ko pang sumabog ang katawan ko ng dahil diyan sa Bomba kesa naman pagpasapasaan at babuyin nila ang aking katawan gawin mo ang nararapat. " Ang umiiyak na wika ni Kimy nagtititigan silang dalawa ni Jaguar.
" Narinig mo iyon Roldan? That's the difference between our's woman. My woman is a decent girl hindi siya bumubukaka nang basta basta sa sinomang lalaki narinig mo iyon? Mas nanaisin pa niyang mamatay kesa magpagamit sa'yo, sa inyo. Secondly, she's willing to die together with me handa niya akong samahan kahit sa impyerno pa. So what about your girl huh? sa palagay mo ba handa din siyang mamatay nang dahil sa'yo? handa ka ba niyang samahan hanggang sa kaharian ni Satanas huh Roldan? "Ang proud na wika ni Jaguar na hindi Inaalis ang masamang tingin sa lalaki at mahigpit parin ang pagkakahawak sa upgraded hand grenade. Halos lahat ng mga tauhan ni Roldan ay takot sa isiping mamamatay silang lahat sa lugar na iyon.
" Hahaha! Sa akala mo ba ay natatakot ako malay ko ba Kong laruan lang iyan, at saan ka naman makakakuha ng totoong granada hahaha! Ano sa bangketa?" Ang wika ni Roldan na pinipilit isiping peke ang hawak hawak na granada ni Jaguar. Na sinang ayunan din ng mga tauhan niya.
" Oka'y! tingnan natin kong peke nga. "
" Kuya Tomy paalam! pasensya na hindi ko kagustuhan ang iwanan ka na pero gaya ng sinabi ko mas gugustuhin ko pa ang mamatay kesa ma gang rape ng mga demonyong eto dahil oras na mangyari iyon ikababaliw ko kuya. Huwag mong sisihin si Jaguar Kuya Tomy dahil wala siyang kasalanan. Mabait na tao si Jaguar paalam Kuya mahal na mahal kita! " Tahimik at nakapikit na namamaalam na si Kimy handa na siya sa kamatayang kakaharapin niya at nakikita naman eto ni Jaguar kong ano man ang iniisip ng lalaki sa mga oras na iyon ay tanging siya lamang ang nakakaalam.