Tamad akong bumangon habang nag-uunat. Papasok na naman akong walang gana. Araw-araw na lang ba na magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniform dahil ayokong malate ulit at baka ipatawag ako sa guidance. Suki pa naman ako roon.
Mabilis akong bumaba pagkatapos magbihis at dali-daling naglakad papunta sa sasakyan. I'm moving quickly dahil ayokong makita si Mommy sa araw na ito. I'm still hurt and I don't want to face her. The trip went quickly, nasa labas na ako ng university. I sighed before going out. I should leave my problems inside this car para hindi masira ang buong araw ko.
"Baby," malakas na sigaw ang sumalubong sa akin pagkababa ko ng sasakyan.
I rolled my eyes and didn't bother to look at him. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko upang mabilis akong makarating sa classroom kasi ayokong kasabay ang lalaking ito. He was too loud for a man, I hate it but I couldn't do anything because he's my best friend. Ang sabi ko kanina, iiwanan ko ang problema ko sa sasakyan ngunit nakalimutan kong may nag-lalakad pala akong problema at ito ang problemang iyon.
"Bilis mo namang tumakbo. Kaya hindi kita naaabutan, e," nakangising sabi niya habang hinahawakan ang braso ko.
Inis akong lumingon sa kaniya. Nakangisi siya habang nakakunot ang noo ko.Kailan kaya ito magkaka-girlfriend para hindi na dikit ng dikit sa akin?
"Oh! Bad trip ka agad niyan? Pumapanget ka kapag nagsusungit," tumatawa niyang sabi.
Inirapan ko siya. Wala talaga akong takas sa lalaking ito. Isa siyang sumpa at blessing sa buhay ko kaya hindi ako makapag-decide kung itatakwil ko ba siya o hindi.
"Ewan ko sayo, Kurt! Bitawan mo na ako kasi late na ako," naiinis kong sabi.
Kurt Sanchez, one of my best friend. Ang lalaking pinaglihi sa glue kung makadikit sa akin. There is nothing wrong with us being close but Kurt is so clingy, daig pa ang boyfriend.
"Hindi pa tayo late, baby. Magkaklase tayo baka nakakalimutan mo," pang-aasar niya.
See? Wala talaga akong takas sa isang ito. Simula kinder hanggang college magkasama kami plano niya atang sumama sa akin hanggang kamatayan. Binilisan ko na lang ang lakad ko ngunit hinigit niya ako papalapit sa kaniya. Bigla akong nanigas nang yakapin niya ako ng sobrang higpit. Bw*set!
"I miss you, baby," malambing niyang bulong.
I'm stiff as rock right now ngunit hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. He's very sweet at isa iyan sa gusto kong ugali niya. Yayakapin ko na sana siya nang mapansin ko ang mga matang nakatingin sa aming dalawa. Mga chismosa. Isa rin ito kaya ayaw kong palagi siyang dumidikit sa akin e, may fans club ang baliw kaya nakakatakot minsan.
"Bitaw nga, nakakadiri ka," natatawa kong sabi habang pilit na inaalis ang mga braso niyang nakapulupot sa akin.
He looked confused kaya inismiran ko na lang siya. Wala talagang pakialam ang lalaking ito sa paligid niya. All he can see is me aniya, ang arte!
"Hindi mo lang ba ako na miss?" pag-dradrama niya.
Pinitik ko ang noo niya at umiling. Na-miss ko talaga siya pero ayoko lang sabihin para inisin siya pero minsan nauumay na rin ako sa pagmumukha niya kaya minsa totoo rin na hindi ko siya na-mi-miss.
"Hindi," tumaas ang noo niya habang nakamasid sa akin.
Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Umiling siya at ginulo ang buhok ko. Napangiti ako habang pasimpleng sinisipa ang kanang paa niya. Umakto siyang nasaktan kaya nasapak ko siya at nauna akong maglakad. Ang OA.
"Sus! Dinedeny pa. Bakit ka pala absent?" tanong niya habang naglalakad kami papuntang classroom.
Huminto ako para tignan siya. Umawang ang labi ko habang ang utak ko ay lumilipad kakaisip sa maaari kong sabihin sa kaniya. I sighed, shut my mouth, and didn't bother to answer him.
"Basta," kalmado kong sagot ngunit ang totoo ay halos sumabog na ang puso ko dahil sa kaba.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ayusin mo 'yang "basta" mo, baby," nakangisi niyang sagot ngunit ang kaniyang mga mata ay mapanuring nakatingin sa akin.
I looked away and pretended not to hear anything. Hindi na ako sumagot at hinila ko na siya papasok sa classroom at sabay kaming umupo. Maya-maya pa dumating na ang subject teacher namin at nagsimula na ang klase.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya kaso hindi magandang ideya iyon kasi alam kong galit pa siya kay Kib dahil sa ginawa niya sakin. Oo nga't nag hiwalay kami pero wala siyang sinabing rason sa akin. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako naliliwanagan sa mga bagay-bagay. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko namalayang nagamit niya na pala ako. Pero bakit ganoon, sinasabi ng puso ko na may dahilan siya kung bakit niya iyon ginawa. Pero ewan ko, ayoko na. Masyadong masakit.
"Ms. Allison! Nakikinig ka ba?" sigaw ni Sir sabay hampas sa desk ko.
Nagulat ako at napatingin sa kaniya. Masyado pala akong lutang kanina kaya hindi ko napansin na tinatawag ako ni Sir.
"Ah, Sir? Ano po ulit 'yun?" nakangiting tanong ko.
Kunot-noo niya akong tinignan habang nagpapawis naman ako dahil sa kaba ngunit hindi ko mapigilan na matawa dahil sa itsura ni Sir ngayon.
"Tinatawanan mo ba ako?" galit na tanong ni Sir.
Mahina kong kinagat ang dila ko habang ang puso ko halos sumabog na sa kaba. Nakakahiya ito. Inilibot ko ang mata ko at nakita ang mahinag pagtawa ni Kurt. Biglang lumiwanag ang bombelya sa utak ko. Huminga ako ng malalim bago sumagot kay Sir. Lagot ka sakin Kurt.
"Sir, si Kurt kasi tumatawa po sa likod habang tinuturo ka," pagsisinungaling ko.
Lumaki ang mata ni Kurt habang umiiling. Akala mo maiisahan mo ako Kurt.
"MR.SANCHEZ AND MS.ALLISON PROCEED TO THE OFFICE NOW," sigaw ni Sir.
Itong si Sir kung maka sigaw naman. Wala ata sa vocabulary niya ang salitang "kalma". Masamang tingin ang ginawad ni Kurt habang papalabas sa classroom. Mahina niya akong siniko sa gilid ko nang nasa hallway na kami. Sinapak ko siya habang pinipilit ang sariling wag ngumiti. Naglalakad na kami ngayon at wala kaming kibuan. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil sa ginawa ko pero bahala siya sa buhay niya. Tumikhim siya at nagsalita.
"Palagi mo na lang akong dinadamay sa mga kasalanan mo," seryoso niyang sabi.
Tinignan ko siya habang nakangisi ako. Dapat ay maguilty ako sa pagdamay sa kaniya pero hindi naman ako nakakaramdam ng guilt kaya bahala siya.
"Dapat lang! Best friend kita kaya dapat damayan mo ako sa lahat," nakangiti kong sabi.
Dumaan sa mukha niya ang lungkot ngunit mabilis din iyong napalitan ng ngiti habang umiiling sa sinabi ko. I'm slightly worried about him but I didn't bother to ask him.
"Best friend," he whispered.
Napalingon ako sa kaniya at nakita ang mukha niyang halos pagsakluban ng langit at lupa kahit nakangiti.
"Ano?" nagtataka kong tanong.
"Wala," mabilis niyang sagot.
Hinayaan ko na lang siyang wag sagutin ang tanong ko. Sabay kaming huminto sa pintuan ng guidance office at nagkatinginan.
"Takas," sigaw namin pareho habang tumatakbo sa hallway.
Medyo sikat kami sa university na pinapasukan namin ngunit hindi dahil achiever kami ngunit dahil pasaway kami. Tumatawa pa kami habang tumatakbo palayo kaya hingal na hingal kami noong tumigil kami malapit sa gate.
Isa ito sa problema namin, paano kami makakalabas. Dapat ay pinapalabas kami dahil college na naman kami ngunit masyadong strict ang school namin at kailangan pa na i-check ang schedule namin kapag lalabas ka ng maaga. Noong nag enroll ako tapos nalaman kong ganito pala ang rules bigla akong nagsisi, nag-enroll lang naman ako sa university na ito dahil curious ako sa P.E uniform nila dahil hindi ko kailan man nakita. Napakamot ako ng ulo. Napatingin ako kay Kurt dahil masama niya akong tinitignan.
"Kuya, kailangan po namin lumabas," pagkausap niya sa guard.
Tinignan kami noong guard at nilahad ang palad niya. Ibig niyang sabihin ay ibigay namin sa kaniya ang schedule namin para macheck iyon. Nagkatinginan kami ni Kurt habang hilaw akong nakangiti. Kapag nahuli kaming dalawa, dobleng parusa na ang makukuha namin sa guidance ngayon.
"Kuya, emergency lang talaga," pagsubok ulit ni Kurt.
Kumunot ang noo ni Kuya guard at umiling.
"Wag niyo akong pinagloloko," sagot niya.
Napairap ako sa kawalan habang tinitignan si Kurt. Akala ko ba naman may plano siya kaya nagsalita siya kanina. Hay! Ako na nga lang ang magpapalusot dahil mukhang wala kaming pag-asang makalabas kung siya ang aasahan ko. Nabitin sa ere ang sasabihin ko noong lumapit siya kay Kuya guard at bumulong.
"Importante po kasi, Kuya. May tagos po ang kasama ko at masakit ang puson niya." pagdadahilan niya.
Bumaling siya sa akin at pinandilatan ako. Nilagay niya sa aking likod ng kaniyang bag upang ipakita kay Guard na may "tagos" ako. Kahit gusto ko man siyang sigawan sa oras na ito ay pinili ko pa ring umarte kagaya ng palusot niya para paniwalaan kami. Hiyang-hiya ako habang tinitignan ako ni Guard.
"Ineng, next time magdala ka ng baon para hindi ka makaabala sa boyfriend mo," umiiling ngunit nakangising sabi ni Guard.
Pinigilan ko ang sarili kong mairap dahil sa sinabi niya. Palagi nalang kaming pinagkakalamalan na may relasyon. Nagkatinginan lang kami ni Kurt ngunit magkaiba ang itsura namin. Halata sa mukha niya na nasisiyahan siya sa sinabi ni Guard habang ako naman ay halos mamatay na sa galit dahil sa kahihiyan. Nang makalabas kami ay malakas siyang tumawa habang tinuturo ako.
"Ikaw magiging girlfriend ko? Wag nalang Lord," inirapan ko siya at naunang maglakad.
"Feelingero. Balatan kita dyan, e," inis kong bulyaw.
Tumatawa lamang siya habang tinitignan akong naiinis sa kaniya.
"Uuwi ka ako," huminto ako at humarap sa kaniya, "Reminder lang, ang panget mo." natatawa kong sabi habang naglakad na palayo sa kaniya.
Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Naiinis na ako sa pagmumukha niya kaya bahala siya sa buhay.
Nag-commute lang ako pauwi dahil nag-cutting lang ako kaya hindi na ako nagpasundo. Pagpasok ko sa bahay, mga maleta ang sumalubong sa akin. Napapikit ako at pinakalma ang sarili ko. Alam ko na agad kung kanino iyon at iniisip ko palang ay para na akong nahihimatay sa galit at inis. Hindi ko nalang pinansin iyon at dumiretso na sa hagdan upang makapunta na sa kwarto ngunit kung mahal ka talaga ng kapalaran ay makikita mo pa talaga iyong taong away mong makita.
"Why are you already here? It's still early. Nag cutting ka ba?" malaming niyang tanong habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong pakialam mo?" inis na sagot ko.
Sumilay ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin.
"Hindi ka pa rin pala nagbago. Ikaw pa rin ang Celestine na kilala ko," may halong panunuya ang boses niya habang sinasabi iyon.
Galit ako habang nakatingin sa kaniya. Paano niya nagagawang ngumiti sa harap ko? Oh well. Wala naman siyang konsenya. Ang kapal naman ng pagmumukha niya. And he's still calling me using that name? How shameful he can be. Wala na ba siyang kaluluwa kaya nakayanan niyang gawin ito sa akin?
"Pwede ba na manahimik ka na lang?" madiin kong sabi, "At 'wag mo akong pakialaman dahil alam kong wala kang pakialam. So stop acting like you care." galit kong sigaw.
Tumawa siya sa sinabi ko at lumapit sa akin, "Masanay ka na, Tine. Magiging Daddy mo ako sa ayaw mo at gusto mo."
Yumanig ang mundo ko.
Nagdilim ang paningin ko nang marinig ang sinabi niya.
"Hindi ako papayag! Hinding hindi. Pagkatapos mo akong gamitin, Mommy ko na naman?" sigaw ko habang pinipigilan ang luha ko.
"I," he paused and looked at me. Nakita ko ang sakit sa kaniyang mata kaya umiwas ako ng tingin. "I do have reasons, Tine. You don't understand." rinig kong sabi niya ngunit hindi ko siya magawang tignan.
Galit na galit ako sa kaniya. Gusto ko siyang sampalin at palabasin sa bahay na ito ngunit ayaw gumalaw ng mga paa ko.
"F*ck you and your reasons," galit kong sigaw at naglakad na papalayo sa kaniya.
Kahit ano pa ang sabihin niyang rason ay wala akong pakialam.
"You need to accept the truth,Tine. I'm going to be your future dad whether you like it or not," pahabol niya habang tinatahak ko ang daan papasok sa kwarto ko.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay nanghina ako. Napaupo ako sa sahig habang nakahawak sa puso kong kanina pa sumasakit. Kung hindi ko man siya mapipigilan sa pagpapakasal nila, e 'di welcome to my world future Dad! You'll going to regret this. Sisiguraduhin kong hindi mo magagamit ang Mommy ko at gagawin ko ang lahat para makabalik ka sa akin. You will be crawling back at me and I will break your heart. Ipaparanas ko sa'yo ang sakit na ibinigay ko sa akin. Isinusumpa ko sa langit iyon.