Sabado ngayon ngunit maaga akong nagising. Gusto ko pa sanang matulog ngunit nasanay na ang katawan kong gumising ng maaga. Sinasadya kong magising ng maaga nitong mga nakaraang linggo upang hindi ko makita ang pagmumukha ni Kib dito sa bahay at matagal naman akong umuuwi tuwing gabi. Nasanay na ako sa ganoong set-up dahil ayokong makita si mommy at si Kib na magkasama ngunit ayoko na ganito palagi ang buhay ko.
Nandidiri ako hindi dahil may bagets na jowa si mommy kung hindi nandidiri ako dahil sa lahat ng pwede ay si Kib pa talaga. Nandidiri ako habang iniisip na tinutuhog niya kaming dalawa. Ang kapal ng mukha at sobrang halang ng kaluluwa niya. Nandidiri nga ba ako o nagseselos dahil hindi na ako?
Alas singko pa ngunit naligo na ako at nagbihis. Mag jo-jogging ako ngayon dahil tumataba na ako. Gusto kong ma maintain ang katawan ko para ipamukha kay Kib ang sinayang niya at ayokong magmukhang katawa-tawa sa harap nilang dalawa. Dahan-dahan akong bumaba hawak ang phone at headset ko. Naka itim na racer back ako at leggings at may dalang tubig sa kabilang kamay ko. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng front door dahil takot akong may magising.
"It's 5:00 am. Where are you going?" nag-ugat sa sahig ang mga paa ko matapos marinig ang boses ni Kib.
Huminga ako ng malalim at pinilit ang sariling lumabas ng hindi siya tinitignan. Ayokong masira ang araw ko kaya mas minabuti kong hindi siya tignan.
"Jogging," tipid kong sagot sa kanya.
Lumabas na ako at iniwan siya ngunit napahinto ako nang naramandaman ko ang presensya niya sa likod ko.
"Oh, nice. Sabay na tayo," kaswal niyang sabi.
Kumunot ang noo ko matapos marinig ang sinabi niya. Aba't makapal talaga ang pagmumukha niya. Sasama siya sakin at sa akin pa talaga? Asa siya.
"Mag jogging ka mag-isa mo," I said without looking back at him.
I want to start my day with a smile, ngunit paano ko gagawin iyon kung umaga palang sira na ang araw ko. I really hate this set-up! Someone, please save me from this misery.
Nagsimula na akong mag jog. Sa araw na ito ay pinili kong mag jog sa loob ng subdivision dahil may gusto akong puntahan na park sa may dulo nitong subdivision. Gusto kong pumunta roon dahil tahimik at walang masyadong bahay. Gusto kong maakapag-isip at mag muni-muni dahil nasira na ni Kib ang araw ko.
Habang tumatakbo ako ay nararamdaman ko ang pares ng matang nakasunod sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin dahil baka guni-guni ko lang iyon. Madilim pa at tanging ilaw mula sa street lamp lang ang nagsisilbing ilaw. Naka headset ako habang tumatakbo at sinasabayan ko pa iyon ng pagkanta ngunit habang papalayo ako ng papalayo sa bahay ay mas lalong lumalakas ang t***k ng aking puso at hindi ko alam kung bakit. Ang subdivision namin ay maraming puno sa paligid kaya nag eenjoy ako habang nag-jo-jogging, inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagkanta upang mawala ang nararamdamang takot.
Dahil sa sobrang weird nang nararamdaman ko ay huminto ako at lumingon sa mga puno at may nakitang anino roon. Lumaki ang mga mata ko at kumaripas nang takbo. Nang makalayo na ako ay tinignan ko ulit iyong puno na may anino ngunit wala na ang anino roon. Napakurap-kurap ako at kinurot ang sarili ko. Natatakot ako ngayon sa naiisip ko na baka multo iyong nakita ko. Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ang music. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang makarinig ako ng mga yapak ng paa na papalapit sakin tapos may mga asong tumataol pa at sinasabayan pa ng malakas na hangin. Tinakasan ako ng dugo sa katawan matapos mapagtantong perkpekto ang araw na ito para gawin ang isang krimen. Papatayin niya ba ako? hindi ko na alam gagawin ko. Nag-pa-panic na ako. Kainis! Sana pala sineryoso ko iyong tips ni Cardo Dalisay para hindi mapahamak eh. Tanga mo talaga, Sierra!
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip at katahimikan ay bigla akong nakarinig ng ingay sa may kung saan at sinundan ko ito. Lumaki ang aking mga mata nang may nakita akong isang lalaki na sinunsuntok ang isang lalaki. Napahawak ako sa bibig ko matapos mapagtantong may sumusunod pala sa akin. Oh God! Thank you talaga at pinadala niyo sakin ang Goblin ko. Sinusuntok nang isang lalaki ang isa lalaki, nakikita ko na kung anong ginagawa niya kasi nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Nakatunganga lang ako sa kinatatayuan ko, nanginginig sa takot. Hindi na talaga ako mag-jo-jogging.
Nakita kong papalapit sakin si Mr.Goblin ko. Pero unlike roon sa lalaki kanina na kinabahan ako. Ito naman kinilig ako. Habang papalapit siya ay titig na titig lang ako sa kaniya. Pero bakit parang sobrang familiar niya? Nang makalapit na siya sakin ay hinigit niya ko papunta roon sa may park dahil malapit na iyon at tanaw na namin. Hindi siya nag salita kaya hindi rin ako nag salita pero ang bilis nang t***k ng puso ko at para akong kinukuryente habang hinahawakan niya ang kamay ko.
Pag dating namin sa park ay umupo ako sa isang swing at siya naman sa isa. Mag sasalita na sana ako upang mag thank you pero inunahan niya na ako.
"Don't do it again, Tine. Maaga akong mamamatay dahil sa'yo," nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses niya.
Puno ng pagtataka ang utak ko ngunit nag-aalab sa galit ang puso ko. Bakit niya ako iniligtas? Sana hinayaan niya nalang. Total, diyan naman siya magaling, ang hayaan ako.
"Paano kung hindi ako sumunod sayo? Baka may nangyari pa sa'yo. Sa susunod wag ka ng mag jogging kapag mag-isa ka lang," galit niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Our eyes meet and in an instance my heart melt. Kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at bakas sa boses niya ang pag-aalala. He used to be my protector but now, I don't think so. I slightly smiled because of the pain that I've felt right now. How I miss my Kib.
"Wow, naririnig mo ba ang sarili mo? You're acting and talking like a concern boyfriend," mataray na sagot ko.
Mabigat ang bawat paghinga ko. I tried so hard to looked like I didn't care at all. Ayokong makita niyang apektado pa rin ako sa presensya niya. Ako na ang walang utang na loob dahil ako na ang tinulungan ngunit ako pa iyong galit.Pero pakialam niya ba at isa pa hindi ko naman siya inutusan.
"I'm not acting and talking like a concerned boyfriend, Tine. I'm acting and talking like a concerned father," madiin niyang sabi.
Napasinghap ako. I was taken aback by his words.
"Wow, tang*na," my mouth slipped a curse.
I burst out laughing. Seriously? Paninindigan niya talaga iyong pagpapakasal sa Mommy ko? Hindi niya nga ako kayang panindigan.
"Hindi ka bagay maging daddy ko," diretsong sagot ko habang tinititigan ang mukha niya, "You're too young to be my father, tapos," I paused and check on him, "Hot ka pa." pagbibiro ko sabay tawa.
I tried to conceal my nervousness ngunit hindi ko magawa. I'm shaking right now. I'm shaking because of the pain and because the reality is hitting me really hard.
"Then what, Tine? Anong bagay sa akin, ang maging boyfriend mo?" his voice roared.
Nagtama ang mga mata namin. How I wish I could say yes to him. I still want him but I know I can't have him anymore. I want to stop them ngunit hindi ko pa alam anong gagawin ko para hindi matuloy ang kasal nila ng Mommy ko.
"Ayoko. Ayokong nga daddy ka dahil maggagamit ka. Kung ako ginamit mo noon pwes ngayon hindi ko hahayang pati ang mommy ko ay gagamitin mo," sigaw ko.
I'm frustrated right now. How can you love someone you hate? Gusto ko siyang maging akin ngunit alam kong mali. Gusto ko siyang maging masaya ngunit ayaw kong sa piling ng iba. I want him so bad na kahit sirang-sira na ako dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin ay gusto ko ulit sirain niya ang buhay ko. I love him so much at the same time I hate him so much. Tumayo ako habang nakaharap sa kaniya.
"Hindi kita ginamit, Tine. Alam mo iyan," tipid na sagot niya habang nakatingin pa rin sakin.
I looked at him with confusion. Bakas sa kaniyang mata ang sakit matapos marinig ang sinabi ko.
"Anong alam ko? Hindi ko alam Kib! At anong hindi? Bakit mo ako iniwan kung hindi mo pala ako ginamit? Ha? Bakit!?" sigaw ko habang pinipigalan na maiyak.
My head is spinning right now. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. I'm so lost and I can't track him down.
"Hindi kita iniwan, Tine. Naniwala ka sa kanila hindi ba? Naniwala ka na ginamit kita," may diin ang bawat salita niya.
Tumayo siya at lumapit sa akin upang hawakan ang kamay ko. Napa-awang ang labi ko habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.
"No! Pumunta ako sa bahay niyo 'di ba? Pinuntahan kita para marinig ang explanation mo. Pumunta ako sa inyo, Kib. Kasi ayokong maniwala sa kanila! Pero anong ginawa mo?" and now I'm crying, "Pinaalis mo ako! Wala kang sinabi. Hindi ka nag explain. And now you're expecting me to welcome you with an open arms? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin! Hindi. Hinding-hindi." mapaklang sabi ko.
Umigting ang panga niya at tumingin sa mga mata ko
"Kasi 'yun ang dapat kung gawin, Tine. Iyon ang kailangan kong gawin. I'm sorry," nakayuko siya habang sinasabi iyon.
Binawi ko ang kamay ko habang tumatalikod sa kaniya.
"Anong magagawa ng sorry na 'yan? Maibabalik ba niyan lahat ng luhang nasayang ko kakaiyak dahil sa ginawa mo? Hindi 'di ba. And now you're marrying my mom, for heaven's sake. Mommy ko pa talaga," sarcastic kong sabi habang pinupunasan ang mga luha ko.
Humarap ako sa kaniya upang makita ang reaksiyon niya. Ginulo niya ang buhok niya. God! How can he be so hot during this time, how can he be so hot while we're fighting. That's so unfair.
"You need to accept that, Tine. Magpapakasal ako sa mommy mo. Kinalimutan na kita, Tine, kaya kalimutan mo na din ako," madiin ngunit nahihirapan niyang sabi habang tinitignan ako sa mata.
"No, Hindi mo pwedeng pakasalan ang mommy ko at lalong hindi kita pwedeng kalimutan," napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko at upang pigilan na rin ang nagbabadyang agos ng luha ko.
Nang buksan ko ang mga mata ko ay sumalubong sa akin ang mga mata niyang nalilito.
"Bakit?" simpleng tanong niya na nagpaiyak sa akin.
Nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang frustation niya.
"KASI MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA KIB! WALANG NAG BAGO. KAHIT SINAKTAN MO AKO. MAHAL PA RIN KITANG GAG* KA! MAHAL NA MAHAL KITA KAYA HAHAYAN KITANG SIRAIN ULIT ANG BUHAY KO KAHIT SIRANG-SIRA NA AKO," I punched his chest so hard but he didn't moved an inch.
Masama ang loob ko sa kanya. Bakas sa mukha niya ang gulat matapos marinig ang sinabi ko. I tried to punch him again ngunit pinigilan niya ang kamay ko.
"Please. Don't do this, Tine," nabasag na ang boses niya habang sinasabi iyon.
Bakit siya naiiyak. Kasi nakikita niyang nasasaktan ako? Well, f*ck him. Sana sinabi niya rin na mahal niya ako. Nag tama ulit ang mga mata namin,nakita kong may namumuong mga luha sa mga mata niya. I chuckled.
"AKO NALANG KIB. AKO NALANG ULIT ANG MAHALIN MO. NO. AKO ANG MAHAL MO KIB. ALAM KO IYON, NARARAMDAMAN KO. MAHAL KITA, KIB. SOBRA," I begged him.
Ganoon ko siya kamahal. Desperada na kung desperada. Anong magagawa ko. Mahal ko siya eh.
"Tine. Wag mo pahirapan yung sarili mo," medyo nagiging blurry na rin ang paningin ko ngayon, pero pinipikit ko nalang ang mga mata ko.
"I'M GOING TO STEAL YOU KIB. WALA AKONG PAKIALAM KAHIT SI MOMMY PA IYAN," I said without thinking.
Ganoon pala kapag nag mamahal ka, kaya mong kalabanin lahat kahit sarili mo pa na ina.
"No, Tine," rinig kong sabi niya.
Nahihilo na talaga kasi ako. Umiikot na ang paningin ko at parang any time mawawalan na ako ng malay. Biglang bumigat ang katawan ko at napahawak ako kay Kib. Pinikit ko ang mga mata ko at unti-unting nawawalan ako ng malay.
"You don't have to steal me, cause I'm already yours. And I will always be," rinig kong sabi niya.
I'm not sure kung sinabi niya ba iyon o hallucination ko lang ba 'yun. Gusto ko sana siyang tanungin but before I could speak. Everything went black.
-------