Nagising ako dahil sa ingay na nagmula sa labas ng kwarto ko. Minulat ko ang mga mata ko at napagtantong nasa kwarto na pala ako. Dahan-dahan akong umupo sa kama habang ina-alala ang mga nangyari kanina, napahawak ako sa ulo ko matapos itong kumirot dahil sa sobrang pag-iisip ko. I tried so hard to remember what happened earlier lalo na noong bago ako nawalan ng malay ngunit hindi ako makapag-isip dahil sa ingay. The heck! Mahina akong nagmura dahil sa ingay. I just want think then sleep ngunit hindi ko iyon magagawa dahil sa ingay nila.
Tumayo ako at napagdesisyunang lumabas sa kwarto. Masakit ang ulo ko ngunit mas gusto kong malaman kung bakit nagsisigawan ang mga tao sa bahay na ito. Habang papalapit ako sa pintuan ay mas lalong lumalakas ang sigawan na nagmumula sa baba. Napairap ako dahil mas lalo atang sumakit ang ulo ko dahil sa sigawan nila. Mabilis kong binuksan ang pinto at naglakad malapit sa may hagdan kung saan ako dumungaw at nakitang nagsisigaw si Mommy at Kib.
"You don't have to do that, Dust," galit na sigaw ni Mommy.
Kumunot ang noo ko sa narinig ko.
"Why not?" kalmadong sagot ni Kib.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sagot niya. Tahimik lamang akong nagmamasid sa kanilang dalawa habang si Kib ay halos bugahan na ng apoy ni Mommy dahil sa sobrang galit niya but he looked calm and unbothered.
"Kasi kaya na naman niya ang sarili niya," sigaw ulit ni Mommy.
Why are they fighting by the way?
"She passed out," walang ganang sagot ni Kib habang umuupo siya sa sofa.
My eyes widened when I realized what's going on. I don't want to assume yet but I have a feeling that I know what's happening. They're fighting because of me. Great!
"I know. But it's not necessary to help Sierra! She's already big," naiinis na sigaw ni Mommy.
Umawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. My mom is unbelievable. Mas pipiliin niya ba na mamatay ako kaysa tulungan ako ni Kib? Anak niya ako ngunit mas pinipili niyang hayaan akong mamatay kaysa tulungan ako ng lalaking mahal niya. Pathetic.
"Then what's your issue here, Olivia?" tanong niya kay Mommy.
Napanganga ako sa narinig ko. So he's calling my mom just like that? Well, nakakadiri naman kung may endearment sila. Naiisip ko pa lang ay nasusuka na ako pero may endearment naman sila kasi narinig kong tinawag siya ni mommy ng 'love' bakit niya hindi ginagamit?
"SHE'S YOUR EX," sigaw naman ni Mommy sabay lapit kay Kib.
Mapait akong napangiti matapos marinig iyon. She knows that Kib was my ex. How come? I didn't mentioned Kib at her at all. Did Kib told her? Pero imposible naman 'yun. F*ck me and my curiosity.
"Then?" seryosong tanong ni Kib habang nakatingin sa nangagalaiti kong ina.
He looked so chill sitting at the couch while Mommy is already turning into a dragon. Umupo lang ako sa may hagdan habang pinapanood silang mag-away. Nakakangalay pa lang maging chismosa. I thought they are already matured enough para wag mag-away sa isang maliit na bagay. Napangisi ako habang umiiling. Am I a threat to you Mom?
Lumapit si Mama kay Kib at umupo sa harapan niya.
"I know, Dust! Kahit di mo sabihin," kalmadong sabi niya.
I tried to comprehend what she was saying pero hindi ko talaga ma-gets. Ano na naman ba ang context nito? Nakakabobo naman maging chismosa lalo na kapag kulang ka sa information.
"I don't know what are you talking about," umiiling na sagot ni Kib.
Tumango ako sa sinabi ni Kib. Same, Kib. Hindi ko rin gets. Ano ba kasi tong pinag-uusapan nila. Parang mga bata naman.
"Don't you dare deny it, Kib," matigas pero kalmadong sabi ni Mommy.
Anong kababalaghan ba ang pinag-uusapan nila? Tumawa lang naman si Kib at tumayo. Mas lalo akong naguluhan dahil sa reaksiyon ni Kib.
"What the hell are you trying to say?" Kib coldly said.
I was just listening to them, watching every action they're making at hindi nakatakas sa aking mga mata ang sakit na dumaan sa mukha ni Mommy. Hindi siya sumagot sa tanong ni Kib. She's just there, sitting painfully.
"So you're jealous?" natatawang tanong ni Kib.
Yumuko si Mommy at parang pinupunasan niya ang luha niya. Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Holy cow! My Mommy cried for that assh*le? How pathetic. Hindi madaling umiyak si Mommy kaya madalang ko lang siyang nakikitang umiiyak at bilang lamang iyon sa daliri ko. If she cries, then she's serious about this.
"Wala ka rin namang gagawin kung sasabihin kung oo 'di ba?" mahinang sabi ni Mommy.
Kung kanina halos malaglag lang ang panga ko, ngayon ay nalaglag na talaga. I'm so shocked when I heard what my mom said. Medyo tumayo pa ang mga balahibo ko roon. I didn't expected this. It's so cringe and Kib is only laughed at her. This is so embarrassing.
"So, you're jealous. You don't have to feel that, Olivia. Alam mo kung ano lang meron tayo," seryoso niyang sabi.
Napapikit ako sa narinig ko. Feeling ko sasabog na ang ulo ko sobrang daming information na pumapasok sa utak ko. Ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa? Bakit ba ang gulo nilang mag-usap? Bakit ba hindi sila makapag stick sa isang topic lang?
Nahihirapan na akong makichismis. Ayokong ganito, magiging prito na ang utak ko. Hindi ko na matiis ang mga naririnig ko kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong magsalita. My mom was about to speak when I interrupt her. Alam kong maling nakikinig sa usapan ng iba pero kasalanan ko ba na nagsisigawan silang dalawa kaya narinig ko sila?
"Will you please lower your voices? Nakakarindi," seryoso kong sabi habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
My Mom looked so stunned when she saw me sitting on the stairs habang si Kib ay seryoso lamang na nakatingin sa akin ngunit bakas din ang gulat sa mukha.
Napairap ako sa reaksyon nila. Why did they looked so shocked to see me? Nagsisigawan sila tapos ngayon magugulat sila. Aba, baliw ata sila.
"I'm not a ghost," sarcastic kong sabi.
Nagkatinginan kami ni Mommy ngunit umiwas siya ng tingin at bumaling kay Kib. Laking gulat ko nang makitang nakatitig siya sa akin habang ang aking ina ay halos mag krus na ang kilay dahil sa akin siya nakatingin. My heart skips a bit. I cleared my throat to ease whatever I feel inside. Tumayo ako at bumaba sa hagdan.
"How long have you been there?" tanong ni Mommy habang pinagmamasdan akong papalapit sa kanila.
Nilagpasan ko siya at dumiretso sa couch upang mahiga. I took all my time to be comfortable bago ako sumagot sa tanong niya. I sighed. I'm still debating whether to tell her the truth or to lie.
But, honesty is the best policy.
"Since you two start yelling," walang kagana-ganang sagot ko.
Obvious naman siguro na narinig ko lahat 'di ba? Nagising nga ako dahil sa sigawan nila. Baka nga buong subdivision dinig ang away nila.
"You mean, you heard everything?" dagdag na tanong ni Mommy.
I smiled. Umupo ako ng maayos. Tinignan ko muna si Kib na seryosong nakatingin sa akin bago ko binaling ang tingin ko kay Mommy.
"Hmm. Let me think. I just heard that you two are fighting because of me then, you know that Kib and I had a past tapos, I also heard that you're jealous and yeah. I heard that you two had only a what you called this , Uhm! Oh! cannot find the right words to say kasi di ko masyadong gets yung 'Alam mo kung anong meron tayo' So technically iyon lang naman ang narinig ko," I said while smiling.
Bigla akong nanlamig matapos makita ang iritasyon sa mukha ni Mommy. I may be a b***h but I'm still afraid of her. Kahit anong gawin ko nanay ko pa rin siya kaya takot pa rin ako sa kaniya. Kahit agawan niya pa ako ng lalaki, wala akong magagawa. She looked so pissed right now and I can smell that my life is in danger.
"Why could you just answer a simple yes?" naiinis niyang tanong.
Tumawa ako at humiga ulit. I'm laughing because I'm nervous. I'm nervous because she's pissed. When she's pissed she will hold my credit cards. When my credit cards are on hold I'm gonna be broke. If I'm broke I don't have money. If I don't have money then I'm gonna die. I know I'm gonna die but I love the look on her face right now.
"Bakit ba? Gusto ko kasing detalyado lahat. Masama?" natatawa kong sabi.
I heard Kib cough. Umirap ako.
Ubuhin ka sanang gag* ka!
"Sagutin mo ng maayos ang Mommy mo," seryoso niyang sabi.
Napatawa naman ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa kaniya. He's standing right in front of me, silang dalawa ni mommy. Para namang mamatay si Mommy kapag ganoon ko siya sinagot. How sweet naman.
"Yes, Daddy," I sensually said, "I'm sorry." nakangiti kong sagot.
Nakita ko ang paglunok niya kaya napatawa ako. Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko. Kaasar! I don't want to see them. Nandidiri ako sa mga nakikita ko. Lord, help me!
Pagdating ko sa kwarto ay nagbihis agad ako ng pampatulog. I just want to sleep all day long. Nakahiga na ako sa kama nang biglang may kumatok. Napairap naman ako at sumagot.
"What?" inis na sigaw ko.
Hindi ko alam kung sino ang nasa labas pero naiinis ako at malakas ang kutob ko na si Kib iyon.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kib. I'm right. Ang galing ko talagang manghula pag dating kay Kib ngunit hindi ko nahulaang iiwan niya ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang naglalakad papalapit.
Umupo naman ako ng maayos sa kama at inaayos ko ang buhok ko. Laking gulat ko nang umupo rin siya sa kama ko. Puno ng pagtataka ko siyang tinignan habang seryoso siyang nakatitig sa akin. F*ck! Bumibilis ang t***k ng puso ko.
"W-What do you want? Na realize mo ba na ako angmahal mo?" pagbibiro ko sa kanya habang pinipilit na tumawa.
Napapikit siya at huminga nang malalim.
"I want you to respect your mom. Kahit anong gawin mo Mommy mo pa rin siya," seryoso niyang sabi.
Tumango ako sa sinabi niya at tinignan siyang mabuti. Well, tama naman siya sa sinabi niya kaya nag-agree ako sa kaniya.
"I'll do that but you need to do me a favor," I said while giving him a devilish smile.
Narinig ko siyang mag 'tss' at huminga nang malalim.
"I'm not playing here, Tine," mas seryoso niyang sabi.
Umirap ako at mas lumapit sa kanya. Bigla naman siyang umusog.
"Sino ba ang nagsabing naglalaro ka? Kita ko namang umuupo ka lang," pambabara ko sa kaniya.
He didn't laughed kaya umayos nalang ako. I'm planning to steal a kiss but he can read my mind.
"Tine," he warned me.
"E, 'di no," sigaw ko sa mukha niya.
"Hard headed! Ano ba kasi 'yun?" inis niyang sabi.
Napangiti naman ako sa narinig ko.
"Be mine, again," seryoso kong sabi habang tinitignan siya sa mata niya.
Tumawa siya at umiwas ng tingin. F*ck! Bakit niya ba ako pinagtatawanan. Akala niya ba joke lang 'to?
"You're kidding," natatawa niyang sabi.
Umiling ako at humugot nang hininga.
"Do you think I'm kidding? Gaano ba kahirap i-process sa utak mo na mahal pa rin kita at gusto kitang makuha ulit?" matapang kong sabi.
Nagulat siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko kaya napasinghap ako.
"Nababaliw ka na ba? Ikakasal na ako sa mommy mo," halos pabulong niyang sabi.
Napairap naman ako sa sinabi niya.
"I don't know if you two have a mutual feelings towards each other. Kasi base on my observation parang one sided lang naman. You don't love my mom. So stop acting like you do and come back to me! You assh*le," naiirita kong sabi.
Umigting ang panga niya sa sinabi ko at mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa braso ko. Aaminin ko, masyadong masakit ang pagkakahawak niya.
"Stop being childish, Tine. Malaki ka na 'di ba? Naiintindihan mo na ang mga nangyayari," he said.
"I also thought malaki na ako, but f*ck. Bakit hindi ko pa rin naiintindihan ang mga nangyayari?" tanong ko.
He laughed. F*ck it! He's laughing in a sexy way. Is he seducing me?
"Stop this, Tine," seryoso niyang sabi at binitiawan ako.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kanina pa sumasakit ang braso ko. Tatayo na sana siya pero hinigit ko siya.
"I won't stop unless you're mine, again," seryoso kong sabi
As I've said, babawiin ko siya by hook or by crook. I'll do everything to bring him back to me. At walang sino man ang pwedeng humadlang sa mga plano ko. I love him so much that I can do everything for him. I can do everything and anything just to win him back.
-----------