Georgina Czsharina's POV Nakarating na kami sa sinasabi ni mom na resthouse niya sa Australia. Kasama rin namin sina Anicka at ginoong John. Katunayan, nagtataka lang ako dahil hindi sumama sa amin ang mommy ni Anicka. Nagpaiwan lang ito doon sa airport. Ilag din ito kay mom, na parang may kung ano ang nasa pagitan nila. Nasa balkonahe ako habang tanaw ang nagtataasang pine trees. Mayayabong ang puno doon habang tanaw ko naman sa ibaba ang isang ilog. Nasa country side ang location namin kaya maganda ang ambiance at temperatura. Lalo na ngayon na tag-lamig na. Suot ko na ngayon ang sweater na pilit pinapasuot ni mom sa akin. Nasa gitna ako ng pagmumuni nang maramdaman kong may tao sa aking likuran. Hindi ako natinag at nanatili sa aking kinatatayuan. "Hija." Tawag sa akin ni mom. Nila

