Austin's POV "Any reports?" bungad ko kay Annie na noo'y aligaga habang dala ang gabundok na pile ng papel. Nakasunod lang ito sa akin papunta sa aking opisina. Ngayon ang huling araw ko sa kompanya dahil sa ilang buwan na leave. Pupunta ako ng Australia. Nag-presenta ako na ako muna ang mamamahala sa itatayong kompanya ni dad sa Australia. It's now under construction at kailangan ng guidance ang mga engineer doon. That's great! "Ah, sir, we need a three months budget for marketing department, wala si sir President at si ma'am Raine, si sir Aquil din nagsabi na you're the allowed signatory for cash expenses..." Sabi ni Annie na noo'y papasok na sa opisina ko. "Okey, ilagay mo rito ang mga iyan at pipirmahan ko, akin na rin ang mga cheke," utos ko rito. "A minute, sir." Sabi pa nito sa

