Tiningnan ko ang mga kasama ko at para silang mga bulate dahil hindi na sila nagtigil sa kakaikot. Alam kong kabado sila at aaminin ko kahit na ako ay kinakabahan kaya naman nakatayo ako. Hindi ako makapaniwala na nakarating na kami rito pero kinakabahan talaga ako kailangan ko ng matamis na pagkain kahit na anong pagkain basta matamis para mawala ang kaba ko. “Coach, payakap!” Tumingin ako kay Sky na pilit yumayakap kay Coach. “SKYYYYY!!!” sigaw ni Coach kaya naman kaniya-kaniya kaming talsik. Matamis... Matamis... “Aray!” ani ko dahil sa isang palo sa likod na natanggap ko. “Xhion!” tawag sa akin ni Axe at lumapit. Nagkasalubong ang aking mga kilay bago lingunin ang taong gumawa sa akin no’n. “Oh.” Napahinto ako dahil sa taong nasa harap ko. May inaabot ito sa kaniyang kamay n

