EVE’s POV Tama nga ang hinala ko na hindi pa rin gumagalaw ang spiker nila at ngayon ay nagparamdam na siya. ‘’Yon na ba ’yon?’ Masyado ka namang pamisteryoso wala namang palang kaabang-abang sa’yo. Ang galing mo naman dahil parang ginagaya mo si Yulo pero pasensya na, hindi mo magagaya si Yulo dahil ako ang nagturo sa kaniya ng larong ’to. Siguro ay idol nito si Yulo. Wala na kaming time-out kaya naman si Coach ay nakaupo na lang sa kaniyang bench at nanonood sa kalalabasan ng larong ’to. Match point na pala sila? Hay, kailangan ko nang magseryoso kung hindi ay baka matalo lang kami sa set na ’to. “Ah, kale? Ikaw na pala ang blocker ngayon,” sabi ko kay Kale na nakatulala lang at halatang wala na sa sarili. “O-oo nga,” sagot niya at pumunta sa dati kong p’westo. Ngayon ako nama

