CLARENCE’s POV ~PRIIITTTTT~ Natigilan ako sa nangyari para bang napakalaking kahihiyan ang aking nagawa. “You can’t stop my spike, kid.” Tumingin ako sa wingspiker ng kalaban namin at kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang pagnanasa na manalo. “Okay lang ’yon, bawi ka na lang sa sususnod.” Tinapik ni Kale ang aking balikat kaya naman tumango ako. Sana nga... sana nga ay makabawi na ako sa susunod. Hanggang ngayon pa naman ay hindi ko pa rin masanay ang pag-receive ng tama... “Iposisyon mo ang mga kamay mo at salubungin mo ang bolang paparating sa’yo!” ‘Ginawa ko naman, Coach Tiyo. Pero hindi ko talaga magawa.’ Tiningnan ang ang score namin at nagsisimula na namang lumaki ang agwat nito. Dito na ba magtatapos ang mga pangarap namin? “Ano ka ba, Clarence? Isang puntos lang ang nawa

