DYLAN’s POV “Ang bola ni Dylan ay hugis haba~ hugis haba~ ang bola ni Dylan ay hugis haba~ tumitig—” Tinulak ko si Nics para malubay na siya sa kakakanta. “Peste ka Nics, lumayas ka nga d’yan!” inis ko siyang pinaalis sa mga binti ko dahil nakaupo siya dito para tulungan akong magwarm-up. “Ayaw mo no’n? Tinutulungan kitang matanggal ang kaba mo.” Tumawa siya kaya naman kinuha ko ang knee pad ko at binato sa kaniya. “Sa tingin mo ba nawawala ang kaba ko!? Lumayas ka sa harap ko!” singhal ko sa kaniya bago tumayo. “Kalma lang Enrique, ’di pa magsisimula ang laban natin.” Tinapik ako sa balikat ni Jessen bago ako lagpasan. “Mamayang hapon pa ang laban kaya kumalma kayong lahat!” sabi niya sa aming lahat. Hindi niyo maiaalis sa akin ang pagkakaba hindi dahil sa paparating naming laro ku

