Napaupo ako dahil sa lakas nang tulak sa akin ni Hobi, agad naman siyang tumawid sa net at tinulungan akong tumayo. “Xhion, patigasin mo kamay mo, ’wag mong hahayaang manghina ’yan.” Kinuha ni Coach Tiyo ang kamay ko at pinakita kung paano ang gagawin ko. “’Yan, sa oras na lumapat ang bola sa kamay mo ay ganiyan dapat katigas ang kamay mo.” Tumango ako bago tingnan ang kamay ko. Pumwesto ulit ako at naghanda sa pangbablock na gagawin ko kay Hobi. Tumalon ako at hinarangan ang bolang tinutulak ni Hobi pero hindi ko pa rin nagawa dahil mas malakas sakin si Hobi kaya naman naglanding na naman ang p’wet ko sa lupa. Tinulungan ulit ako ni Hobi tumayo. Tiningnan ko sila Clarence at Axe na may sarili ring pagpapractice. “Ang kamay Xhion!” nagbow ako kay Coach Tiyo para manghingi ng pasensya

