“Isa pa po!” tumingin ako kay Axe dahil pang limang order na niya ng dumplings, hindi niya ako tinantanan kanina hanggang hindi ko siya nililibre ng dumplings. “Ako rin isa pa.” Tumingin din ako sa isa pa naming kasama dahil nakakaapat na order na rin siya ng dumplings at Oo ako rin ang magbabayad ng sa kaniya. Tumingin naman ako kay Clarence nang nagtaas siya ng kamay at nakasenyas na dalawa. Hindi ko alam kung anong ginagawa nang dalawa na ’to dito dahil ang alam ko ay si Axe lang ang ililibre ko at hindi sila kasama. Pinnood ko lang silang tatlo kung paano magparamihan sa pagkain ng dumplings. Buti na lang ay may pera pa ako sa wallet ko kaya naman mababayaran ko pa lahat ng kinain nila. “Ayaw mo bang kumain Xhion?” tanong sa akin ni Hobi habang punong-puno ang bibig. Umiling ako

