TRAINING CAMP 2

4964 Words
“Xhion! Ikaw na!” tumingin ako kay Coach ng itulak niya ako papasok sa court kung nasaan ang iba ko pang kasama. Nakipag-high five sa akin si Sky dahil siya ang papalitan ko. “Galingan mo!” ani Sky at tumakbo palapit sa beanch kung nasaan sila Coach. Pinalo ako ni Clarence nang makapasok na ako sa loob ng guhit kung saan kami maglalaro. ~PRIIITTTTTTT!~ Naghanda ang server sa kabila dahil nasa kanila ang bola at sila ang magse-serve. Ang akala ko nga ay bukas pa kami maglalaro dahil kararating lang namin ngayon pero tingnan mo nandito na kami at nakasalang na agad sa laban. “Mine!” sigaw ni Clarence na may balak na i-recieve ang bola pero mali ang posisyon ng kamay niya kaya naman imbes na tumaas ang bola ay napunta ito sa labas dahilan para mapunta sa kalaban ang puntos. “Damn it!” inis na sabi ni Clarence. “Don’t mind! Bawi tayo sa susunod.” Tinapik siya ni Kale sa balikat bago magpalit ng p’westo. Ang s’wete ko nga naman, napansin ko ang p’westo ko. Kung makakapuntos kami ay ako ang magse-serve. ~PRIIITTTTTTT!~ Hinanda ko ang mga kamay ko dahil alam kong sa direksyon ko pupunta ang bola. Hinagis na ng kalaban ang bola at no’ng oras na pinalo niya ’yon ay pumunta ako sa gitna kung saan walang nakabantay. “Nice recieve!” sigaw ni Sky. Tumingin ako kay Kale na nakatingin din sa bola sa taas. “Kale!” sigaw ko kaya naman mabilis siyang pumwesto at nag-toss. Tumakbo ako dahil alam kong sa akin ang bola. Malalaki ang hakbang ko, saktong-sakto ang toss ni Kale. Bumwelo ako ng talon... Humiwalay na sa sahig ang paa ko... Nanlalaki ang mata ko dahil sa nangyari... Binalance ko ang sarili ko upang paupo akong bumagsak. ~PRIIITTTTTTT!~ Tinapat ng ref ang kamay niya sa side namin dahil hindi nablock ang bolang hinampas ni Hobi. Nakaupo pa rin ako habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko. ‘Ano bang iniisip niya? Hindi niya ba nakita na sa akin ang bolang ’yon?’ “Xhion!” agad na lumapit sa akin si Clarence upang tulungan akong tumayo. “Tss!” tumingin ako kay Hobi na nakatayo pa rin sa harap ng net habang nakikipagtagisan ng tingin sa kalaban namin. “Hobi!” tawag sa kaniya ni Kale kaya naman umalis siya upang bumalik sa kaninang pwesto niya. “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Clarence kaya naman tumango ako bago pumunta sa labas ng guhit. Hindi magiging maganda ang takbo ng laro kung hindi makikisama ang isa. Napaismid ako bago patalbugin ang bola. 22-18 na ang score, lamang ng apat puntos ang kalaban. Kung nagkakaroon lang sana ng teamwork ang grupo namin baka kanina pa natapos ang laro. Nilagay ko sa kaliwang palad ko ang bola. Walang patutunguhan ang larong ’to kung puro lang kami ganito. ~PRIIITTTTTTT!~ Hinagis ko ang bola paitaas, humakbang ako palapit sa linya bago ito talunin at hampasin. “Chance ball!” sigaw ng number 3 sa kabila ng ma-recieve niya ang serve ko. Pumwesto ako. Nakita ko si Axe na nakapwesto sa net. “Ipagtotoss kita.” Tumingin ako kay Axe at nakita kong nakatingin din siya sa akin, tumango siya bago pataasin ang bola Tumakbo ako at bahagyang pinababa ang mga tuhod upang kumuha ng p’wersa upang tumalon. Tumalon ako ng mataas pero nabigo na naman akong hampasin ’yon dahil naunahan ako ni Hobi, masyadong siyang matangkad kaya naman mas nauna ang kamay niya sa bola. Daig niya pa ang nakikipag-jump ball sa klase ng talon niya. Pinalo niya ’yon ng malakas dahilan para lumagpas sa linya ng mga kalaban. Nagtiim ang panga ko dahil sa inis. Tumingin ako sa ref ng makitang nasa kabilang bahagi ng court nakatapat ang kamay niya. ‘Peste!’ Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa inis, nang-aasar ba si Hobi? Dahil kung nang-aasar siya, congrats! Naasar niya ako. “Nice...” Napatingin ako kay Axe dahil sa sinabi niya. Madilim ang mukha nito habang nakatingin kay Hobi na walang pakialam sa nangyayari. “Don’t mind!” sigaw ni Clarence, lumapit siya kay Hobi upang akbayan ito pero hinawi lang ni Hobi ang braso ni Clarence. Palalagpasin ko ’to Hobi. Palalagpasin ko. “Ako lang ba nakakapansin?” hindi ko tinapunan ng tingin ang nasa gilid ko na nag-uusap. “Ang alin?” hinanda kong muli ang mga braso ko sa pagdating ng bola. “Na kanina pa nagsspike ang number 6 sa VR kahit na hindi sa kaniya ang bola?” ~PRIIITTTTTTT!~ Pinosisyon ko na ang sarili ko dahil paparating na ang bola. Sa akin na naman pumunta ang bola kaya naman isang toss lang ang ginawa do’n papunta kay Chivas na nakaabang din pala sa akin. Pinapunta niya ang bola kay Axe kaya naman tumalon si Axe upang mag-feint. Hindi iyon napansin ng kalaban kaya naman napunta sa amin ang puntos. Isang puntos pa ng kabila ay maaabot na nila ang match point. Tumingin ako sa mga kasama ko, hindi na normal ang paghinga nila lalo na ng isa. Nakahawak sa magkabilang tuhod si Axe habang naghahabol ng hininga. “Nice serve Hidalgo!” sigaw ni Sky na tumatalon-talon pa. Huminga ng malalim si Clarence. Tumingin ako sa harap ko, ako na blocker ngayon at masasabing kong ang layo ng agwat naming dalawa, sobrang tangkad niya. Umangat ang gilid ng labi niya kaya naman umangat din ang sa akin. Tinaas ko ang dalawang kamay ko ng marinig ko ang paghampas ni Clarence sa bola. “Blocker ka ba talaga?” mapang-asar na tanong nito bago ako tumalon dahil nasa harap ko ang spiker nila. Pinatigas ko ang kamay ko bago buong p’wersa na nakipagtulakan sa kaniya sa bola sa taas ng net. Nakita ko kung paano malukot ang mukha niya bago siya manggigil na itulak ’yon pabalik sa akin, tinulak ko ng malakas ang bola dahilan para pati siya ay bumagsak. “Middle blocker, Eve Xhion.” Tumingin ako sa lalaking mayabang na nagtatanong sa akin kung blocker daw ba ako. Tiningnan ko siya na nakangisi habang siya ay nakasabukot ang mukha. Tatlong puntos pa ang hahabulin namin, ubos na rin ang time out namin. Kung pati ang pangalawang larong ’to ay makukuha nila mape-penalty kami. “Dalawa na lang! Push!” tumingin ako sa capatin nila ng isigaw niya ’yon. Dalawang puntos na lang at magdi-dive penalty na kami na ayaw na ayaw kong ginagawa. “Magaling! High five!” nakipag-high five sa akin si Clarence pati na rin si Kale. Lumapit naman ako kay Axe at tinapik siya sa balikat. Nakuha na ng kalaban ang unang set kaya naman nagdedelikado na kami. Si Axe ang magse-serve ngayon at nandito pa rin ako sa net para mag-block. Nakita ko na nagtakip si Clarence ng batok niya. “Anong—” Napatigil ako sa pagsasalita ng tumama sa ulo ko ang bola. Natahimik ang lahat, napapikit naman ako bago mag-angat ng tingin dito sa harap ko na nakangisi. “S-sorry.” Lumapit sa akin si Axe at yumuko, napailing nablang ako bago lumipat ng p’westo. Hindi man lang ako sinabihan ni Clarence na gano’n pala ang mangyayari. Nakita ko na palihim na tumatawa si Clarence at kale, samantalang ang lakas ng tawa ni Sky na ang sarap patahimikin. Ilang beses pa akong umiling dahil pakiramdam ko ay hilo pa ako. Match point... Nakakatuwa hindi kami nanalo. Pero may isa pang puntos para manalo sila, apat na puntos pa ang hahabulin namin. Napabuntong hininga na lang ako bago ihanda ang mga braso ko. Sa gawi ni Clarence napunta at agad kong nakita ang mukha niya na namutla at inaasahan ko na ang mangyayari. ~PRIIITTTTTTT!~ Isang mahabang pito ang marinig namin na ang ibig sabihin ay tapos na ang laban. Humarap sa amin si Kale kaya naman pumwesto na kami. “Dive penalty!” sigaw niya kaya naman sunod-sunod kaming nag-dive sa sahig. Napatingin kami kay Axe dahil imbes na mag-dive siya ay nasubsob siya sa sahig na ikinatawa ng lahat. “15 mins, sasalang na ulit kayo,” sabi sa amin ni Coach bago kami iwan. Umupo ako sa isang beach. “Tubig.” Inabot ko ang isang mineral water na inaabot ni Harmony sa akin. “Salamat,” sabi ko bago ito tunggain. “Hobi, relax mo lang ang mga balikat mo para hindi masyadong malakas ang pagpalo mo sa bola.” Napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Ma’am Sha. “Fine,” maikling sagot sa kaniya ni Hobi bago siya talikuran. Napailing nablang si Ma’am Sha habang nakatingin kay Hobi na palabas ng court. Nanatili lang ako rito sa p’westo ko at hinintay ko ang sunod na maglalaro. “MIS ang sunod nating makakalaban.” Umupo sa tabi ko si Axe habang hawak na naman ang kaniyang cellphone. Kinuha ko ang baon kong bag na may laman na pagkain para sa amin ni Axe. Kinuha ko do’n ang ang isang piling na saging na pinabaon sa akin ni Icom. Inabot ko ’yon kay Axe ng makapitas ako ng isa. “Kainin mo ’yan,” utos ko rito at pumitas naman siya ng isa. “Pahinge!” lumapit sa akin si Sky kaya naman inabot ko sa kanila ang natirang saging. “Salamat!” sabi niya matapos kunin lahat ng saging at dalhin ito sa iba pa naming mga kasama. Maganda ang laro, dikit ang laban pero sa laban laging may lumalamang. ~PRIIITTTTTTT!~ Nakuha ng Sta. Maria International School ang unang set. 24-26 ang score dahil nag-tie-break sila. “Kulang sa tulak ang setter ng SM.” Napatingin ako kay Axe na kumakain ng saging sa tabi ko. Nanonood siya dahil kinuha na naman ni Ma’am Sha ang cellphone niya. Masyado ngang mababa o mahina ang pagtulak nito kahit na mukhang binibigay na niya ang lahat. “Dahil do’n hindi nakukuha ng maayos o napapalo ng maayos ng spiker nila ang toss niya.” Nilagay niya sa plastic ang balat ng saging niya ng maubos niya ito. Kahit papaano ay matalino rin pala itong si Axe. “Sa situwasyon ni Hobi, ayaw ko ang biglaan niyang pgsulpot.” Do’n ako tuluyang napatigil sa sinabi niya. Alam kong setter siya kaya naman mapapansin niya ang kamalian ng spikers niya. “Wala sa tyempo ang pagpalo niya, laging malakas kung hindi naman ay paling.” Nangalumbaba siya bago tumingin sa akin. “Napapansin mo rin pala.” Sumandal ako sa pader bago ilagay sa batok ang mga kamay ko. “Sa tuwing nakikita niya ang bola sa ere na puwedeng paluin ay sisige siya.” Tumingin ako sa naglalaro dahil pumito ang ref, foul ang kabilang grupo na VIS dahil nakaapat silang hawak sa bola na dapat ay tatlo lang. “Wala siyang pakialam kung kanino ang bola basta ang mahalaga sa kaniya ay ang makahampas siya.” Komportable akong kausap si Axe dahil pakiramdam ko ay nagkakaintindihan kami. “Sa larong volleyball, setter at spikers dapat ang magkasundo.” Tumingin ako kay Axe na seryosong nanonood sa naglalaro sa harap namin. “Setter at spiker, dahil walang k’wenta ang spiker kung wala ang setter.” “Kung hindi magkakasundo ang setter at ang spiker... walang mangyayari kung hindi puro palya.” “VRIS!” sigaw ni Coach kaya naman sabay kaming tumayo ni Axe upang lumapit na sa kabilang side ng gym. Malaki ang gym kaya naman kasya ang dalawang net at puwedeng maglaro ng sabay. Pumila kami at sa kabila ng net ay nando’n din ang makakalaban namin na nakahelera rin. “LET’s PLAY!” mukhang nag-practice nga sila ng sasabihin nila dahil ako na lang lagi ang hindi nakakasabay. Pumito ang ref kaya naman pumunta kami sa kaniya-kaniya naming beanch. Ang starting line namin ay sila Kale, Clarence, Sky, Axe, Hobi, Chivas at Jasper. Nasa amin ang bola at si Kale ang magse-serve. Si Chivas ay blocker din kaya naman nang tinanong kami ni Coach kung sino ang mas okay na maging starting line ay sinabi kong si Chivas na lang at pag-oras na ni Sky ay do’n palang ako papalit. Pag nagpalit na kami ni Sky ay silang dalawa naman ni Clarence ang magsasalitan sa pagpasok sa court. Iikot kay Vienzell, Clarence at Sky ang palitan, depende na lang kung walang mai/injured sa amin. “Nice serve Kale!” sigaw nila Clarence at Sky. “Pagnapunta na sa dulo si Sky ay papasok ka na.” Tumingin ako kay Coach, kinakausap niya pala ako. “Hindi muna siguro ako maglalaro Coach.” Ayaw ko munang maglaro dahil wala ako sa hulog maglaro, una sa lahat kulang ako sa tulog at pangalawa ay hindi kami nagkakasundo ni Hobi kaya naman mas mainam munang hindi muna ako maglalaro. Unang araw palang naman at madami pang reserbang player kaya naman ayos lang na wala ako. “Hayst, magbangko ka muna.” Tumango ako kay Coach bago siya lumapit kay Jasper. Nagcross-arm ako at nanood sa laban. Lamang na naman ang kalaban ng dalawang puntos, si Axe naman ay hindi masyadong nagto-toss at panay ang feint niya. “Clarence!” sigaw ni Sky dahil kay Clarence papunta ang bola, hinanda ni Clarence ang mga braso niya pero sa ibang direksyon na punta ang bola kaya naman sa kabila ang puntos. “Don’t mind!” nilapitan siya ni Kale para tapikin siya sa balikat. “Coach?” tawag ko kay Coach na nanonood lang sa laban. Tumingin siya sa akin kaya naman nagsalita na ako. “Anong oras po ang tapos ng laro?” tanong ko rito at tumingin naman siya sa relo niya na nasa pulsuhan niya. “Tuwing umaga ay may tatlo tayong laban at 11:30-1:00 ang pahinga natin.” Isa’t-kalahating oras ang magiging pahinga namin pagdating ng tanghali. “Sa hapon naman po?” tanong ko ulit. “Sa hapon ay apat na laro tayo at pagdating ng alaskwatro ay pahinga na ulit natin.” Sa hapon ay puwedeng hanggang alas-otso. “Puwede po pa pala tayong magpractice pagpahinga natin?” tanong ko kay Coach at tumango naman siya. “Katulad ba ng sinabi mo sa akin no’ng nasa gym sa VR tayo?” tanong ko at tumango naman ako. “Tatlong beses tayong may solo practice, una ay sa umaga alas-singko hanggang alas-siyete.” Binuka ko ang dalawa kong palad upang magbilang. “Sa umaga na ’yon ay wala tayong ibang gagawin kung hindi ang tumakbo at magpalakas ng stamina.” Tumingin ako sa kaliwang kamay ko upang magbilang ulit. “Sa tanghali naman ay ang pare-recieve ng bola.” “At pagdating ng hapon ay ang spike, block, at match.” Tumango ako kay Coach, nasa plano na ang lahat ang kailangan na lang ay ang pagkakaisa. Tumayo ako, gusto ko munang maglakad-lakad. “Saan ka pupunta?” tanong ni Coach sa akin at sumenyas naman ako sa labas. “Sige bumalik ka bago mag-alas onse.” Tumango ako bago maglakad palabas. Parang bundok ang pinuntahan namin dahil puro puno rito at may kataasan din ang lugar kung saan kami naglalaro. “Xhion?” tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Ma’am Sha. “Bakit ka nasa labas? Hindi ba at may laro tayo?” tanong nito at ngumiti ako sa kaniya. “Hindi muna po ako maglalaro, gusto ko muna pong maglakad-lakad.” Napapakamot ako sa ulo ko. “Sige, mag-ingat ka,” sabi nito bago ako talikuran kaya naman sinimulan ko ng lumabas sa gate. Hindi masyadong maaraw, natatakpan ng mga ulap ang araw kaya naman masarap maglakad. Paglabas ko ng gate ay dalawang daanan ang pagpilian ko, isang pataas at isang pababa. Tumingin ako sa kanan kung nasaan ang pataas na daan, naglakad ako papunta sa pababang daan dahil gusto ko lang. Binulsa ko ang dalawamg kamay ko habang dahan-dahan na naglakad. Nagpapasalamat nga ako dahil hindi ako inaatake ng hika. Hindi naman sobrang lala ng hika ko, kapag talaga sobrang pagod ko tapos kakabahan ako do’n umaatake ang hika ko. Wala akong makakasabay man lang na mga sasakyan sa kalsada. “Hayyyy ang ini—” Napahinto ako sa paglalakad nang may lalaking biglang sumulpot galing sa itaas ng puno sa harap ko. “Huh?” Tumaas ang kilay ko dahil sa klase ng titig ng lalaki sa harap ko. Lalagpasan ko na sana siya ang kaso ay hinarang niya ako. Hanggang dito ba naman may mangungulit? “Galing kang VRIS!?” tanong sa akin nito bago ako tingnan mula ulo hanggang paa. “Base sa uniform suot mo mukhang galing ka nga sa VRIS.” Sino ba ’to? “Excuse me,” sabi ko at naglakad na ulit ang kaso kamag-anak ata ’to ni Chellsy dahil sumunod na naman siya sa akin. “Grabe ang init,” anito habang sumasabay sa akin sa paglalakad, nakalagay sa batok niya ang mga kamay niya. Napailing na lang ako at hindi na lang siya pinansin. Balak niya ba talagang sumama sa akin? Hindi naman kami magkakilala. Binilisan ko ang lakad ko at sumabay pa rin siya. “Jeoh nga pala, galing ako sa Grace International School,” sabi nito bago sumipol. Ang sabi ko ay gusto kong mapag-isa pero tingnan mo may kasama ako. Huminto ako sa paglalakd ng may madaanan kami na nagtitinda ng siomai. Ang akala ko ay titigil siya pero nagtuloy-tuloy siya pababa sa kalsada. Natanaw ko na tinaas niya ang kamay niya bago magsalita. “Sa court na lang ulit tayo magkita.” Makakalaban namin sila? Hindi malabo ’yon dahil paikot-ikot lang ang makakalaban namin. Tumapat ako sa tindahan ng siomai. “Kuya, 100 pesos po.” Dumukot ako sa bulsa ko, dala ko ang wallet ko kaya naman kumuha ako ng pera do’n. Inabot ko kay kung tindero ang pera ko, nakita ko na medyo malaki ang lalagyanan ng siomai ko kaya naman gusto kong tumalon dahil sa tuwa pero tinatamad ako kaya naman kinuha ko na lang ’yon bago tumawid sa kabilang kalsada dahil nakakita ako ng puno sa tabi ng tulay. Umupo ako rito sa ilalim mg puno. Sinimulan ko ng kumain dahil nagugutom na rin ako, wala pa akong kain na kanin simula kaninang umaga. Tumingin ako sa harap ko, malawak na dagat ang nakita ko. Masarap at presko ang simoy ng hangin na tumatama sa akin. “Ah, hindi na ako uuwi.” Napangiti ako sa sinabi ko. Sa tingin ko ay probinsya itong pinuntahan namin. Bukod sa madaming puno at may dagat dito ay may bundok din kung saan kami nagpapractice. Susubo na ulit sana ako ang kaso ay tumunog ang cellphone ko kaya naman dali-dali kong kinuha ’yon. Ang numero agad ni Jade ang bumungad sa akin kaya naman sinagot ko na ’yon.. “Oh?” hinintay ko ang sagot niya. Sumubo ako ng kinakain ko habang naghihintay sa sagot ni Jade. “Nakarating na ba kayo? Hindi ka na nagparamdam.” Napangisi ako dahil nakalimutan kong sabihin sa kanila na nakarating na ako. “Oo, pasensya na.” Sumubo ulit ako ng siomai bago magsalita. “Nakalimutan ko dahil nakatulog ako, paggising ko naman ay naglaro agad kami kaya naman hindi ko na nahawakan ang cellphone ko.” Alam kong maiintindihan niya ang sinabi ko kahit na may laman ang bibig ko “Ayaw ko ng sumabay sa mga kaibigan mo.” Nasamid ako sa sinabi niya, tatawa sana ako pero mas nasamid ako kaya naman napaubo ako ng ilang ulit. “B-bakit?” tanong ko sa kaniya. Hinagod ko ang lalamunan ko dahil masakit, gumuhit ’yong sakit. “Hindi naman sa ayaw ko pero, Eve tataba ako! Ayaw nila ako patayuin hanggang hindi ko nauubos ang pagkain na binili nila.” Narinig ko pa ang pagsipa ni Jade sa kung anong bagay. “Tapos daig ko pa na sa hot seat!” sabi niya kaya naman hindi ko napigilang matawa. Alam ko na kung sino ang nagtatanong sa kaniya, syempre ang kambal. “Mababait naman sila.” Sumubo ulit ako ng siomai. Tumanaw ako sa may taas ng bundok kung nasaan ang gym na pinaglalaruan namin dahil parang may nakikita akong taong kumakaway do’n. “Mababait naman.” Narinig ko na parang kumakain din siya dahil sa tunog ng mga ngipin niya. “Lalo na si Sandra ang bait at saka ’yong isa... si... si... Marcus?” napangisi ako dahil sa maling pangalan na sinabi niya. “It’s Marco.” Tumanaw ulit ako sa taas dahil parang sa akin kumakaway ang taong hindi ko naman makilala dahil sa sobrang layo nito. “Mamaya na lang tayo mag-usap.” “Sige, ingat ka d’yan,” sabi niya kaya naman binaba ko na ang tawag bago tumayo at maningkit ang mga mata ko para subukang tanawin ang tao sa taas. “XHIOOOOOOOOOON!” narinig ko ang pangalan ko na parang tinatawag nito, alam kong malakas ang pagkakasabi niya no’n pero mahina na pagdating sa akin. Pilit kong kinilala ang boses na narinig ko. “XHIOOOOOOOOOON!” kumaway ako pabalik ng makilala kong si Sky pala ang kumakaway sa akin. “BUMALIK KA NA RAWWWWWWW!” sigaw pa nito kaya naman sumagot ako. “Oo.” ’Di ba mukhang maririnig niya ’yong sagot ko. Napailing na lang ako bago mapagpasiyahang bumalik. Ang lakas ng boses ni Sky, daig pa naka-mega-phone. Tinapon ko na ang cup na walang laman bago magsimulang maglakad. Nagpamulsa lang ako habang paakyat na sa gym. Kung kanina ay madali ang paglalakad ko ngayon sumasakit na ang mga binti ko dahil sa pag-akyat. Sigurado ako na pagdating ko sa taas ay daig ko pa ang asong hingal. Tumunog muli ang cellphone kaya naman sinagot ko na ’yon ng walang tingin-tingin kung sino ang caller. “Busy ako mamaya ka na lang tumawag,” sagot ko tito at papatayin ko na sana ang tawag pero nagulat ako sa nagsalita. “A-ah sige, p-pasensya na sa abala,” anito bago patayin ang tawag, napahinto ako saglit bago tingnan ang number ng tumawag. ‘I-it’s Sandra, sh*t!’ Tatawagan ko ulit sana si Sandra ang kaso ay wala na akong load. Gusto kong basagin sa harap ko ang cellphone ko dahil sa katangahan. “Ang tanga mo Eve literal.” Binulsa ko na lang ang cellphone ko at magkasalubong ang mga kilay na naglakad palapit kay Clarence na tumatalon at inaabot ang bunga ng manga. “Konti pa!” sigaw sa kaniya ni Lymier na may hawak ng tatlong malalaking manga. “Ahhhhhh!” buong lakas na tumalon si Clarence.... Parang humangin bigla nang tumalon siya... Daig niya pa lumapipad dahil sa sobrang taas mg talon niya... “Nakuha ko na!” sigaw ni Clarence at nakangiting humarap kay Lymier habang may hawak na manga. Parang may pakpak si Clarence dahil sa sobrang taas ng talon niya. “Xhion nand’yan ka na pala? Ang bilis mo namang maglakad?” salubong sa akin ni Sky na nagpupunas ng pawis niya. “Panalo ba?” tanong ko sa kaniya at napakamot naman siya sa batok niya bago pilit na tumawa. “Wala, umabot kaming hanggang third set pero nakuha pa rin nila.” Tumawa siya habang nakahawak sa batok. “Hindi na kasi kinaya ng setter natin bumigay, ayon tulog.” Napataas ang kilay ko ng may inguso si Sky. Tiningnan ko ’yon at nakita ko si Kale at Coach na nasa ilalim ng puno ng manga habang nakahiga naman sa mga kandungan nila si Axe na hingal na hingal at latang-lata. Lumapit naman sa kanila si Harmony sa kanila na may dalang tubig at bimpo. “Tumayo ka na Axe!” sunghal ni Kale pero hindi kumikilos si Axe dahil parang wala itong lakas na tumayo. “Anong nangyari?” tanong ko sa kanila nang makalapit ako sa pwesto nila. “Nabalya siya ni Hobi kaya naman bumagsak siya at nahilo.” Tumingin ako kay Axe at nakita ko siyang nakatingin sa akin at ngumiti. “A-ang galing kasi masyado ni Hobi, p-para kay Clarence kasi ’yong bola,” aniya at mahinang natawa. Napailing na lang ako bago hanapin ng paningin ko ang Hobi. “Tumama sa paa ni Kale ang ulo ni Axe kaya naman nahilo siya.” Binuhusan ni Coach ng tubig ang buhok ni Axe at pinatungan naman ng basang bimbo ni Harmony ang buong mukha ni Axe. “Buti ay mahina lang ang naging impact dahil kung hindi ay mawawalan siya ng malay,” sabi ni Coach kaya naman napabuntong hininga ako. Mukhang mahihina rin ang mga binti ni Axe, bukod sa stamina ay mukhang mahina rin ang mga buto niya. “Hanggang ilang set ang kaya kong laruin Axe?” tanong ko sa kaniya at tinaas naman niya ang kamay niya habang naka-peace sign. “Sagad na ang dalawa, kung aabot man hanggang tatlong set ay puwedeng pumalya na ang mga toss ko,” Dire-diretsong sabi niya sa akin. “Paano ka makakalaban niyan sa championship?” tanong ko na nakapagpahinto sa kanilang lahat, ultimong ang mga nasa likod ko na kumakain ng manga ay napahinto. “C-championship?” pag-uulit ni Lymier sa sinabi ko kaya naman umupo ako sa damuhan. Nakita ko na may tatlo kaming kasamahan ang tumutulong kila Harmony at Ma’am Sha na maghanda ng pagkain. “Sa championship ay may limang set.” Tinaas ko ang kamay ko habang nakabuka ang lahat ng daliri ko. “Unahan sa tatlong panalo, 1-4 set ay normal lang ang laro depende na lang kung magti-tie break kayo at kung makakaabot naman kayo sa pang limang set ay paunahan ang makakuha ng labing limang puntos.” Sinara ko ang kamao ko at tinutok ’yon sa kanila. “Tss... malabong makarating kayo do’n.” Tumingin ako kay Hobi kaya naman napangiti ako. Nakatingin sa kaniya ngayon ang lahat ng kasama namin na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya. “Hindi talaga tayo makakarating do’n.” Ngayon naman ay nasa akin na naman ang lahat ng atensyon nila, halata sa mga mukha nila ang kaba. Umangat ang gilid ng labi ko bago sila tingnan na parang sobrang baba nila. “Kung wala kayong lakas ng loob at pag-asa ay ’wag na kayong umasang makakarating kayo sa championship,” sabi ko sa kanila at nakita ko kung paano nagkuyuman ang mga kamao nila. Ganiyan nga, kailangang magising kayo sa matagal na pagkakahimbing. “Ano bang sinasabi mo Xhion!?” tanong sa akin ni Sky na magkasalubong ang mga kilay habang nakatingin sa akin. “Hindi tayo pumunta rito para lang sa wala!” napapikit ako. “Hindi ko hahayaang... Hindi ko hahayaang mangayri ang sinasabi niyo Xhion.” Tumingin naman ako kay Kale na madilim din ang mukha habang nakatingin sa labas. “Sa dalawang laban natin ngayong umaga ay isang set lang ang naipanalo natin.” Tumingin ako sa taas bago ngumiti at tumingin sa kanila. “Hindi lang laban ang pinuntahan natin dito, mayro’n tayong ibang pakay rito.” Tinaas ko ang kamay ko at inuro ang daanan sa labas kaya naman tumingin silang lahat do’n bukod kay Hobi na tumayo at umalis sa p’westo niya kanina. Halatang wala siyang interest sa mga ganitong usapan at ayaw niya ng tinuturuan o pinapaliwanagan siya. “Nandito tayo para magpalakas at hasain ng mabuti ang mga kakayahan niyo.” Pati pala si Coach ay nakikinig sa sinasabi ko. “Ano bang ibig mong sabihin Xhion?” tumingin ako kay Clarence bago magkibit balikat. “Ang ibig mo bang sabihin ay bukod sa pakikipaglaban sa ibang eskwelahan na nandito ay may iba pa tayong gagawin?” tumingin ako kay Axe na nakaupo na pero sa kandungan ni Kale. Para lang siyang anak ni Kale. “Tama, sa ilang araw lang na pag-oobserba ko sa inyo ay nakita ko na agad ang mga kahinaan niyo.” Namulsa ako bago sila talikuran. “Alam niyo sa sarili niyo ang kahinaas niyo pero mukhang may ayaw umamin sa kahinaan nila.” “Kakain na!” sigaw ni Ma’am Sha kaya naman nagsimula na akong maglakad papunta sa kanila dahil hindi naman ako nabusog sa kinain ko kanina. “Mamaya ay may meeting tayo,” ani Coach bago ko siya maramdamang sumabay sa akin. “Ayos ang ginawa mo.” Nakangiting ani Coach kaya naman tinaas ko ang kamao ko para makipag-fist bumo sa kaniya. “Dapat lang ’yon Coach para magising sila.” Mahinang pinalo ni Coach ang likod ko. “Isa pang kulang sa atin ay team work, walang mararating ang magagling mong player kung wala silang team work.” “Alam ko naman ’yon, hindi sila nagkakasundo sa laro lalong-lalo na si Hobi.” Napailing na lang si Coach bago huminto sa paglalakad kaya naman huminto rin ako sa paglalakad. “Makakarating tayo sa championship!” “Tayo ang maglalaro sa championship!” “Hindi na nila tayo tatawaging wingless eagle!” Sigaw lang ’yan nila Sky habang naglalakad palapit sa lamesa kung nasaan ang pagkain namin para sa tanghalian. “Kung sa ibang player ay walang problema dahil nagkakasundo sila pero pagpumasok na si Hobi...” Sabay kaming tumingin kay Hobi na nakaupo lang sa ilalim ng puno habang nagsosolo ng kain. “Naggugulo ang lahat, pati ang mga ibang player ay nadi-distract sa kaniya.” Napabuntong-hininga si Coach bago mapailing. “Si Hobi? Magaling na player ’yan pero...” Tumingin ako kay Hobi na walang reaksyon ang mukha habang kumakain. “Isa siyang player na naiwan sa nakaraan.” “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Coach kaya naman tumingala akong muli upang alalahanin ang nangyari limang taon na ang nakalipas. “Hindi pa rin siya nakakaalis sa nakaraan niya Coach... sa nakaran kung saan niya kinulong ang sarili niya.” Sa mukha niyang walang reaksyon pero sa mga mata niyang punong-puno ng lungkot at pagsisisi ay makikita mo ang tunay na Hobi. Ang Hobi na nakilala ko no’ng nakalipas na limang taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD