“Hidalgo!” nakita ko na may ngiting-ngiting lalaki ang naglakad palapit sa bus ng mga volleyball player.
‘Bakit kasi sila lang may training camp? Bakit kami wala?’
“Mojica!” usa ulit na lalaki ang kalmadong naglakad paakyat sa bus.
“Take care of yourself, ’wag magpupuyat, dapat lagi kang kakain ng gulay, prutas tapos naglagay na rin ako ng gatas d’yan inumin mo ’yon sa paggising at bago ka matulog.” Tumingin ako kay Icom na kanina pa pinapaalalahanan ang Eve na balot na balot, naka-jacket ito na katulad ng mga nasa kasama niya.
“Don’t worry...” mahinang bulong ni Eve na halatamg kanina pa nananawa sa mga bilin ni Icom, simula kasi nang umalis kami sa bahay ay hindi na siya nagtigil sa pagsasalita.
“Iu-update mo ako araw-araw,” sabi pa ni Icom at tumango naman si Eve.
Parang tatay si Icom dahil sa mga bilin niya.
“Xhion!” tumingin kaming lahat sa tumawag kay Eve.
“It’s my turn,” sabi ni Eve bago buhatin ang dalawang malaking bag na pinabaon sa kaniya ni Icom. “Aalis na ako,” sabi nito bago magsimulang maglakad.
Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin kaya naman naramdaman ko na nagsalubong ang mga kilay ko.
Nang itungtong na ni Eve ang isa niyang paa sa bus ay huminto siya at tumingin sa amin... sa akin?
Ngumiti siya na parang may sinasabi na ’wag kang mag-alala.
Bahagya lang akong ngumiti bago itaas ang kamay.
Mas lalo pa siyang ngumiti bago tuluyang maglakad papasok sa loob ng bus.
Nakita ko na kumakaway si Icom sa bus kaya naman kumaway na rin ako, nakita ko na umupo si Eve sa may gawing bintana at tumingin sa amin bago magtumbs up.
“Take care!” sigaw ni Icom dahil binuhay na ang makina ng bus.
Hindi ko inalis ang mga mata ko sa mukha ni Eve dahil matagal ko siyang hindi makikita, babalik sa normal ang buhay ko, namin.
“Eveeeeeee!” napatingin kami sa likod naman ng may marinig kaming isang matinis at malakas na boses. “Eveeeeeee!” sigaw pa nito pero nakaandar na ang bus na sinasakyan ng mga player.
“S-sandra?” tawag ni Icom dito pero hindi kami nito pinansin at sinubukang habulin ang bus na papalayo sa p’westo namin.
“Eveeeeee!” sigaw nito bago mapahinto at mapahawak sa dalawang tuhod niya. “Eve Ga—” Huminto si Sandra sa pagsasalita bago tingnan ang bus na papalayo sa amin.
“Ga?” mahinang bulong ko at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
Nakita ko na huminga ng malalim si Sandra bago sumigaw ng malakas. “GANBATTEEEEEEE!” malaks na sigaw nito at napaupo habang hinihingal.
Anong lengwahe ’yon? Isa din alien ’to.
Lumapit kami sa kaniya at narinig naman ang paghikbi niya.
“Sandra,” tawag ko rito at tumayo naman siya bago dali-daling punasan ang mga luha niya.
Madilim pa dahil alas singko palang nang umaga.
“P-pasensya na.” Pilit na tumawa si Sandra bago isuot ang hood sa ulo niya. “H-hinatid niyo pala si Eve,” sabi nito at hindi makatingin ng diretso sa akin.
“Yeah, sinisigurado lang namin na ligtas siya,” sabi ni Icom.
“Kape tayo?” aya ko sa kanila at pumayag naman sila, sumabay na rin sa amin si Sandra dahil nag-commute lang siya papunta rito at natagalan pa raw siyang makahanap ng taxi kaya naman ay hindi na siya nakaabot kay Eve.
“Bakit ikaw lang ang mag-isang pumunta rito? Delikado pa dahil madilim pa.” Sermon ni Icom kay Sandra na nakaupo habang nakayuko sa likod namin.
“H-hindi ko na kasi nagising si Baron dahil sa sobrang pagmamadali ko,” sabi niya bago buksan ang cellphone niya at parang may binasa.
“Late ko na kasi nakita ’yong text sa akin ni Eve,” sabi nito.
Ang lungkot tingnan ni Sandra, hindi ba nagpaalam sa kaniya si Eve? O ayaw niyang umalis si Eve?
Inihinto ko ang kotse ko sa isang cafe malapit dito sa campus.
“Goodmorning sir, ma’am,” bati sa amin ng isang staff at humanap naman kami ng table na puwede naming p’westuhan.
“What’s your order sir, ma’am?” tanong sa amin ng waiter kaya naman tumingin ako sa dalawang.magkatabi.
“Black coffee lang, walang milk,” sabi ni Sandra at nilista naman ’yon ng waiter.
“Ikaw Icom?” tanong ko rito.
“Espresso,” maikling sagot nito.
“Two espresso and three cheese cake,” sabi ko sa waiter at agad namang nag-react ang dalawa kong kasama.
“Ayaw ko ng cheess cake.” Halos sabay na sagot ng dalawa kaya naman pinagtaas ko ng kilay ang mga ito.
“Hindi naman para sa inyo ’yon, para sa akin ’yon,” sabi ko sa kanila at bahagya pang natawa si Sandra.
“Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Eve?” tanong ni Icom na nakapagpatigil kay Sandra. “Sorry,” sabi ni Icom ng mapansin niyang nawala ang mga ngiti ni Sandra sa labi.
“Okay lang,” sabi ni Sandra bago kuhanin ang kape niya na kakarating lang.
Humigop siya do’n bago mapangiwi.
“Hindi pa nga kami nagkakausap tapos umalis agad siya,” sabi ni Sandra at natawa bago mapayuko. “Hindi ko kasi masyadong nakikita si Eve nitong mga nakaraang araw.”
‘Huh? Si Eve? Magkagalit sila ni Eve? Bakit? Kailan pa?’
Agad na napuno ng tanong ang isip ko.
Nakayuko pa rin si Sandra, malakas ang pakiramdam ko na mag-oopen siya sa amin kaya naman hindi na ako nagtanong pa sa kaniya kung ano ang nangyari.
“Isang buwan ko siyang hindi makikita ibig sabihin lang no’n wala pang pag-asa na magkaayos kami,” sabi niya at tumingin sa akin na may maliit na ngiti sa mga labi. “Ako lang ’tong matigas, dapat pala kinausap ko na siya bago siya umalis.” Yumuko siyang muli at pinaglaruan ang mga daliri niya.
“Hindi ko kayang mawala si Eve, hindi ko alam kung anong magiging buhay ko ’pag nawala sa akin si Eve.” Napatigil ako sa pagkagat ko sa cheese cake na in-order ko, parang nagwawala ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.
“Hindi ko kayang mawala si Eve...”
Parang umulit sa pandinig ko ang sinabi ni Sandra kanina.
Bahagyang hinagod ni Icom amg likod ni Sandra upang icomfort.
‘S-si Sandra? May g-gusto rin kay Eve?’
EVE’s POV
“Sky!” Palundag-lundag pa habang palapit si Sky kay Coach, sumaludo ito bago mainang pumasok sa loob ng bus.
“Scarlet!” Naglalakad si Axe habang may hawak na cellphone, tutok na tutok ito sa kaniyang cellphone kaya naman hindi na niya napansin ang hagdanan na nasa harap niya paakyat sa bus.
“Akin na muna ang cellphone mo.” Milapitan siya ni Harmony at kinuha ang cellphone niya, walamg nagawa si Axe kung hindi ang pumasok sa bus na bagsak ang mga balikat.
Tumingin ako sa likod ng marinig ko ang boses ni Dylan na panay ang reklamo habang tinutulungang magbuhat si Icom ng mga gamit kong dadalhin sa training camp.
Gusto ko din sananng tumulong ang kaso ay hindi na ako pinayagan ni Icom dahil mabibigat daw ang mga bag.
“Dapat kasi pinagbuhat mo na din si Eve ang bigat-bigat nito!” Binaba ni Dylan ang bag sa harap ko habang magkasalubong ang mga kilay.
“Ang reklamador mo Dylan ayaw mo nalang buhatin.” Sabi sa kaniya ni Icom bago din ibaba ang bag sa harap ko.
Wala si Marco dahil naiwan daw ito sa bahay nila dahil birthday ngayon ng lola niya at baka umabsent din ’to.
“Hidalgo!” Nakita kong ngiting-ngiti si Clarence habang paakyat sa bus.
Happy...
“Mojica!” Kalmado at seryoso namang maglakad paakyat si Kale paakyat sa bus.
“Take care of yourself, ’wag magpupuyat, dapat lagi kang kakain mg gulay prutas tapos naglagay na din ako ng gatas d’yan inumin mo ’yon sa paggising at bago ka matulog.” Tumango ako kay Icom nang magbilin na naman siya.
Pasimple akong tumingin kay Dylan na walang kibo, halatang nakikinig lang siya sa pinag-uusapan namin ni Icom.
“Don’t worry...” Bulong ko, napakaalaga ni Icom. Nang nalaman niyang babae ako ay naging maalalaga na siya. Maya’t-maya din amg pagcheck nito sa akin.
Tss, kuya Chase.
Naaala ko sa kaniya si kuya Chase dahil katulad na katulad ni Icom si kuya Chase.
“Iuupdate mo ako araw-araw.” Tumango ako bilang sagot, wala akong magagawa kung hindi amg iupdate sila, ayaw ko naman na mag-alala din sila sa akin.
“Xhion!” Tinanaw ko si Coach na nasa pinto ng bus, bahagya niya akonh tinanguan kaya naman binuhat ko ng walang kahirap-hirap ang mga baga na dala kanina nila Dylan.
Sobrang reklamo hindi naman pala mabigat.
“It’s my turn.” Tumingin ako sa kanila bago magsimulang maglakad.
Bahagya pa akong sumilip sa likuran nila nagbabakasakalaing pumunta siya.
‘Aalis na ako...’
Nang maitapak ko na ang paa ko sa bus ay muli kong nilingon amg dalawang lalaki, bahagyang kumaway sa akin si Icom kaya naman ngumiti ako. Bumaling naman ako kay Dylan at nakita ko namang nakasimangot siya kaya naman mas lalo pa akong nangiti dahil sa hitsura niya.
Tinaas niya ang kamay niya kaya naman nagpatuloy na ako sa pagpasok.
Nakita ko sa dulo si Axe na mag-isa at nakayuko, mukha siyang nalugi ng sampung beses.
“Xhion!” Sabay na tawag sa akin ni Sky at Clarence kaya naman tinanguan ko sila.
Tuambi ako kay Axe at hindi naman niya ako tinapunan ng tingin.
“Goodmorning.” Bati ko sa kaniya at do’n palang siya tumingin sa akin.
“Ipagtotoss kita.” Ngumiti ako sankaniya bago tuluyang ngumiti.
Tumingin ako sa bintana at nakita ko pa na parang may sinisigaw si Icom pero hindi ko na madinig dito sa loob mg bus kaya naman bahagya nalang akong ngumiti sa kanila.
“Natulog ka ba ng maaga?” Tanong ko kay Axe.
“Ayos na siguro amg tatlong oras.” Gusto ko siyang batukan pero wag nalang dahol baka mawlaan kami ng setter.
Umiling nalang ako bago tumingin sa labas.
Aksidente naman akong napatingin sa side mirror ng bus at napangiti.
“GANBATTEEEEEEE!” Sa sobrang lakas ng boses niya ay narinig naming lahat ang sigaw niya dito sa loob ng bus.
‘Hindi mo talaga ako matitiis.’
Nakangiti ako habang tinitingnan ko siya sa side mirror.
Hinihingal siya habang nakahawak sa magkabilang tuhod niya.
Hihintayin kita sa interhigh.
“Oi sino ’yon?” Tanong ni Sky at bahagya pang sumilip sa bintana.
“Ang chismoso mo, manahimik ka na nga lang d’yan matutulog ako.” Saway sa kaniya ni Clarenece na nagsuot ng head phone.
“Ayos ba ang lahat?” Tanong sa amin ni Harmony at nagsisagutan naman ang lahat pwera lang sa amin ni Harmony.
“Kayo d’yan Axe?” Tanong sa amin ni Harmony kaya naman tumango ako.
“Oo, ayos lang kami.” Sabi ko sa kaniya kaya naman ngumiti siya bago bumalik sa upuan niya sa harap.
Nabanggit ni Coach na may ibang grupo din kaming makakasama sa training camp na makakalaban at makaktulong sa amin sa pagtetraining.
Kinuha ko ang isang paper bag na pinabaaon sa akin ni Icom at nakita ko ang laman no’n.
“Prutas?” Bulong sa akin ni Axe at nakita ko na nakatingin din siya sa tinitingnan ko.
Binigay ko sa kaniya ’yon na ikinagulat niya.
“H-hindi ako kumakain niyan.” Sbai niya at tinangka niyang ibalik s aamin ang paper bag pero inabot ko sa kaniya ulit ’yon.
“Kakain ka niyan.” Matigas na sabi ko at kumuha ng isang ubas bago ipilit na isubo sa kaniya ’yan. “Sasabay ka lagi sa pagkain ko, sa pagjogging ko at sa pagwawarm-up ko.”
“Ayaw ko.” Pagtanggi niya kaya naman tiningnan ko siya ng masama at agad naman siyang namutla ng makita ng mata ko.
“Sasabay ka sa akin.” Sabi ko at sunod-sunod naman siyang tumango, hinawakan ko amg ulo niya bago guluhin angg buhok niya.
1st year palang si Axe at siya ang pinakabata kaya naman para din siyang bata minsan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako basta nagising nalang ako ng may kumakalabit sa braso ko.
“Eve, nandito na tayo.” Unti-unti kong binuksan ang mata ko at mukha ni ma’am Sha ang bumungad sa akin.
Lumingat-lingat ako at napansin kong wala na sa tabi ko si Axe.
Hindi man lang ako ginising.
“Nasa baba na silang lahat, bilisan mo at iniintay tayo ng mga makakasama natin sa tarining.” Tumango ako bago uniling dahil bahagya akong nahilo kanina.
Kinuha ko ang mga bag kobat sinukbit ’yon sa balikat at ang isa naman ay binitbit ko na.
“Tulungan na kita.” Tatanggi pa sana ako kay Lymier pero nakuha na niya ang bag sa kamay ko.
Magkasunod kaming bumaba, pupungas-pungas pa ako dahil inaatok pa din ako hanggang ngayon.
Hindi kasi ako nakatulog kagabi ng maayos dahil namili kami ni Dylan.
“Apat na grupo ng volleyball player din ang nandito pero hindi natin sila makakaharap sa Interhigh dahil ibang lugar sila.” Tumango ako sa sinabi ni Lymier.
Pagbaba namin ay nakahilera na ang mga iba pa naming kasama kaya naman tumabi kami sa kanila.
Napansin ko na tutok na naman si Axe sa cellphone kaya naman napailing nalang ako.
“MAGANDANG ARAW!” Tumingin ako sa haral namin ng may mga kalalakihan ang nakaharao sa amin habang naka yuko ng bahagya.
Yumuko ang lahat ng kasama ko at kaming dalawa lang ni Axe ang natirang nakatayo.
Nakatinginan pa kaming dalawa bago sabay na yumuko.
“SALAMAT SA PAGTANGGAP!” Sigaw nila, hindi ako nakasabay dahil hindi ko naman alam ang sasabihin.
“Kale Mojica the captain of Villa Rose volleyball boys club!” Sabi ni Kale at yumuko siyang muli.
“Lymier Odelle the vice captain of Villa Rose volleyball boys club.” Kumaway si Lymier at agad ding nagkawayan ang mga nasa harao namin.
“Clarence Hidalgo the decoy of Villa Rose volleyball boys club!” Sabi ni Clarence habang magkasalubong ang mga kilay niya.
Palaban.
“Renier Sky the libero of Villa Rose volleyball boys club!” Seryoso ding sigaw ni Sky kaya naman nag-iba na din amg aura sa paligid, halatang nagkakainitan na ang lahat. Excited maglaban ’yan?
“Hobi Linkster, wing spiker.” Seryoso at malamig na pakilala ni Hobi na hindi man lang yumuko kundi nakipagtagisan pa siya ng tingin sa mga kaharap namin.
Tumingin ang lahat sa akin kaya naman napabuntong hininga bago magpakilala.
“Eve Xhion, spiker and middle blocker.” Sabi ko at hindi nakawala sa piningin ko ang mga mapanuya nilang mga tingin, pinagmamasdan nila ang taas ko. Masyado ata akong minamaliit.
“Axeee Scarrrrlet, setta.” Latamg pakilala ni Axe na hindi man.lang tinatapunam ng tingin ang mga nasa harap niya dahil nakatutok na naman siya sa cellphone niya.
“Boys! This is Villa Rose volleyball boys team, sila ang pang lima niyong makakasama at makakaharap sa training.” Mah isang lalaking medyo may edad ang biglang sumulpot.
Nagyukuan sa kaniya ang lahat pwera na naman sa amin ni Axe kaya naman nagkatinginan ulit kani bago sabay na yumuko.
“Good day Chairman!” Sigaw ulit nila at hindi na naman ako nakasabay dahil hindi ko na naman alam ang sasabihin.
Nagpractice ba sila habang tulog ako? Tsaka ano ’yon narinig ko? Chairman?
“Siya ang tinatawag naming Chairman dahil siya ang may ari ng covered court na lalaruan natin.” Bulong sa akin ni Lymier at napatango naman ako.
Nakita ko si Coach Chan sa likod ng Chairman.
“Mukhang mga palaban ang mga player natin ngayon, Coach Chan.” Sabi ng Chairman at pilit namang ngumiti si Coach.
Hindi siya natutuwa?
“Yes Chairman.” Sabi ni Coach at tumingin sa akin.
“Siya naman ang sinasabi mong babago sa kapalaran ng Villa Rose? Coach Chan?” Napataas ang kilay ko ng makita ko silang lahat ay nakatingin sa akin.
“Babago!? Tss! Kalokohan!” Mas lalong tumaas ang mga kilay ko dahil sa isang boses at dilang hindi ko gusto ang tabas. “Kahit na anong mangyari kayo pa din ang wingless eagle.”
Isang lalaki na may kayabangan ang pumunta sa harap namin, may ngiti ito sa labi na gusto kong burahin, pati ang mukha niya isasama ko na.
“Franky!” Tawag sa kaniya ng kauniporme niya. “Manahimik ka nga.” Ani nito bago ito hatakin pabalik.
Tumingin naman ako sa mga kagrupo ko na nakayuko pwera lang kay Clarence at Sky na masamang nakatingin sa lalaking tinawag na Franky kanina. Pati si Axe na nagcecellphone ay napahinto at napayuko.
Tumingin ako kay Coach Chan na nakayuko lang din.
‘Ang hihina ng mga looob niyo.’
Gusto kong sabihin sa kanila ’yon pero mas pinili ko nalang na manahimik.
Dumating si Harmony kasama si ma’am Sha.
“Tara na, pupunta na tayo sa cube niyo.” Si Ma’am Sha na nakapamaywang pa, daig pa nito ang isang mataray na teacher kahit na may salamin itong makapal.
“Boys! Move!” Sigaw ni Kale at lahat sila ay naggalawan kaya naman nakisabay na ako sa kanila.
Muli akong tumingin kay Coach Chan na kinakausap ang Chairman.
Tuminhin naman ako sa mga likod ng iba pang mga player.
‘Hindi ko hahayaang mawalan mg pag-asa ang mga kagrupo ko.’
Tumaas ang gilid ng labi ko bago bilisan ang lakad dahil nahuhuli ako.