CHAPTER 35 THAT HAIR BAND

4110 Words
DYLAN’S POV Maaga akong nagising dahil sinabihan ako ni Ate na samahan ko raw siya magpacheck-up dahil si Kuya Ryu ay kailanga na kailangan sa company nila. Wala na sila Icom at Marco dahil umalis na silang dalawa kaninang umaga upang umuwi sa bahay nila Marco kaya naman napangiti ako ng mapagatanto ko na kaming dalawa lang ni Eve ang nasa bahay. Lumabas ako sa k’warto ko, tinitigan ko ang katapat kong pinto at nakasarado pa rin ito. Napangiti ako bago kumatok dito. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot o nagbubukas kaya naman inulit ko ang pagkatok. Nilakasan ko na ng bahagya ang pagkatok ko pero wala pa ring magbubukas. Dinikit ko ang tainga ko sa pinto at pinakinggan ang nasa loob, tanging ungong lang naman ng aircon ang naririnig ko ibig sabihin may tao sa loob. Kumatok ulit ako ng dalawang beses at no’ng kakatok na ako sa pangatlong pagkakataon ay may narinig akong nagsalita sa loob. “Dylan you can leave without me!” paos na sigaw nito na hindi man lang ako pinagbubuksan ng pinto. “Sasama ka o sasama ka!?” tanong ko rito at hinawakan ang door knob pero nalock ’yon. “Eve!” tawag ko sa kaniya. Nagbilin na naman kasi si Icom na ’wag na ’wag kong iiwan si Eve na mag-isa. “Dylan! I said you can leave without me!” sigaw pa nito kaya naman bumaba na ako upang kunin ang duplicate na susi ng k’warto ni Eve. Bunalik ako sa taas at binuksan ang pinto ng kwarto ni Eve. Naabutan ko siyang nakadapa habang nakatalukbong kaya naman inalis ko ang kumot niya at nakita kong nakaboxer siya at sando. Napalunok pa ako ng ilang beses ng mapatingin ako sa pang-upo niya. “Eve,” tawag ko rito at matagal pa bago siya gumalaw. Tumingin siya sa akin na pupungay ang mata. “Bumango ka na, mag-aalas onse na,” sabi ko sa kaniya at nakita ko kung paanong nanglaki ang mga mata niya bago hablutin sa akin ang kumot na gamit niya sa pagtulog. “A-anong ginagawa mo rito!?” hulat na tanong niya sa akin habang tinatakpan ang katawan niya. “At saka pa ano ka nakapasok!? Nakalock ang pinto ko ah!?” magkasalubong ang mga kilay nito. Umatras ako para nakaupo sa study table niya. “Ginigising kita at isasama kita,” sabi ko at inayos ang jacket na suot ko. “I said you can leave without me, inaantok pa ako!” singhal nito sa akin at hihiga na sana ulit pero hinatak ko ang kumot na tinatakip niya sa katawan niya. “When I said—” napahinto ako sa pagsasalita dahil sa nakita ko, his body is so.... so.... damn sexy! Nag-iwas ako ng tingin dahil nakita kong pulang-pula ang mukha niya habang nakatingin sa akin. “Ba... BAKARO!” (Stupid) sigaw nito at nakatanggap naman ako ng isang unan na agad na tumama sa aking mukha. Umiwas ako sa mga sumusunod na unan na lumilipad papalapit sa akin. “Baka!” (Stupid) Paulit-ulit na sabi niya na hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin. Naramdaman niyang tinutulak niya ako palabas kaya naman hindi na ako nagmatigas at lumabas. “E-eve? S-sorry hindi ko sinasadya. Sama ka na sa akin,” sabi ko at mukha akong nagmamakaawa sa kaniya dahil sinabihan din ako ni Ate kagabi na isama ko raw si Eve dahil gusto niya itong makita “Stupid! I don’t want go with you! Moron!” sigaw nito sa loob kaya naman dinaga na agad ang dibdib ko ‘Hindi ako makakapagpakita kay Ate na walang dalang Eve.’ “A-ate want to see you,” sabi ko at napaatras ako ng kumalabog ang pinto niya. “I don’t care! Just leave me alone!” sigaw nito kaya naman naglakad na ako nang nalakad paikot sa harap ng pinto ni Eve. ‘Mag-isip ka Dy, mapapatay ka ng Ate mo.’ Hindi ako puwedeng umalis na hindi kasama si Eve dahil siguradong dalawang tao agad ang magagalit sa akin, una si Icom at pangalawa ay si Ateng mukhang si Eve ang pinaglilihian. Napahinto ako ng maisip ang puwedeng maging kalabasan ng anak ni Ate. Kung magiging katulad siya ni Eve ay baka hindi ko malapitan ito dahil mainitin ang ulo. “E-ev—” Napasandal ako sa pinto ko ng bumukas ang pinto ng k’warto ni Eve. “Just leave, hindi ako sasama sa’yo dahil may mahalaga rin akong lakad,” sabi nito na mahinahon pero ang mga kilay niya ay magkasalubong, napansin ko rin na nakasuot na siya ng maayos na damit. “B-but—” “Umalis ka na Dy, ’wag mo na akong kulitin. May mahalaga akong pupuntahan ngayon araw,” aniya p bago pumasok sa loob ng kwarto niya. “Patay ako nito,” mahinang sabi ko bago kabadong nagalakad pababa, tiningnan ko muna ang pinto ng k’warto ni Eve na nakasarado. Mukhang importante nga ang pupuntahan niya. Tuluyan na akong naglakad pababa at saktong pagsakay ko ng kotse siya namang pagtunog ng cellphone ko. “Sh*t....” mahinang mura ko dahil nakita ko ang pangalan ni Ate sa screen ng cellphone ko. “Patay na...” Tinapat ko sa tainga ko ang cellphone ko at inintay ang sasabihin niya. “Hello!? Nasaan na ba kayo!?” Sa boses niya palang ay mababakas na ang pagkainip kaya naman napalunok ako. Pilit akong tumawa bago siya sagutin. “P-paalis na kami.” Kabadong sagot ko sa kaniya. “Kasama mo ba si Eve!?” tanong nito na nakapagpakaba pa lalo sa akin. Anong sasabihin ko? Lumunok ako ng ilang beses bago sumagot sa kaniya. “Kasi... ano... uhmm...” Anong isasagot ko!? “Ate? Ahh... ano kasi... kasi si Eve...” “Hello Abraham!? Hello!? Hindi kita marinig!?” anito sa kabilang linya kaya naman agad kong pinatay ang tawag, bahala na si Batman. Sinimulan kong mag-drive at habang nagda-drive ako ay nag-iisip na ako kung ano ang idadahilan kay Ate. “Ate? May lakad kasi si Eve na mahalaga kaya hindi siya nakasama.” Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa kaba. “Si Eve may lakad kaya hindi siya nakasama.” Habang palapit ako ng palapit sa bakery ni Ate ay pabilis din nang pabilis ang kabog ng dibdib ko. Nang matanaw ko na ang bakery ni Ate ay parang ayaw ko nang tumuloy dahil alam ko na papagalitan niya ako at baka batukan niya ako nang batukan. Pinark ko ang kotse ko sa parking lot ng tindahan ni Ate at bago ako bumaba ay nagdasal na ako. Napatingin ako sa labas ng kotse ko at nakita ko do’n si Ate na kumakatok sa bintana ng kotse ko. Napalunok ako bago dahan-dahang ibaba ‘yon. “Wala ka bang balak na papasukin ako?” mataray na tanong nito kaya naman nagmamadali akong bumaba para pagbukasan siya ng pinto sa passenger seat ng sasakyan ko. “Hindi nga nakasama si Eve,” dismiyadong sabi niya nang makita niya ang loob ng sasakyan ko at wala do’n si Eve. “B-bakit?” tanong ko kay Ate, hindi nga? Alam niyang hindi makakasama si Eve? Paano? “Hindi niya ba sinabi sa’yo?” takang tanong nito sa akin. “Na?” ’di ba parang tanga lang Dy. “Na mamimili siya ng mga kakailanganin niyang mga gamit para raw sa mangyayaring training camp sa monday?” tanong nito sa akin kaya napailing ako. Hindi na ako sumagot at nagsimula nang magdrive. “Abraham, ang pangit ng music mo palitan mo nga!” iritang utos sa akin ni Ate kaya naman pinalitan ko ang music. “Lipat mo pa,” utos nito kaya naman pinindot kong muli ang remote ng player ko, pinalipat niya ulit nang pinalipat nang pinalipat nang pinalipat. “Ikaw na lang kaya mamili.” Mahina kong hinagis sa kaniya ang remote at magkasalubong ang kilay na tumingin sa daan. Nagda-drive ako, mahirap ang mag-drive na wala ang buong atensyon sa daan. “Dylan.” Ginilid ko ang sasakyan ang humaral sa Ate ko na parang may apoy sa mata. Hindi niya ako tinatawag sa pangalan kong Dylan, at sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalan kong ’yon ay kinakabahan ako. “B-bakit?” kabadong tanong ko, ang sabi-sabi ay nakakatakot daw magalit ang mga buntis kaya naman natatakot akong magalit si Ate at mukhang makikita ko ang sinasabi nila. “Bakit walang kanta ni Jollibee rito sa audio mo!?” galit na tanong niya sa akin at kahit gusto kong tumawa ay mas pinili ko nalang na pigilan ’yon. “A-akin na, lalagyan natin.” Inabot niya sa akin ang remote ng player ko at mabilisang nag-download ng tugtog ni Jollibee. Napapalakpak naman sa tuwa si Ate bago itodo ang volume. Gusto ko siyang pigilan pero ’wag na lang, salamat na lang. “May malaking mata. At bibig na laging nakatawa ~” Pagsabay ni Ate sa Kanta habang ginagawang mike ang remote. Imiindak-indak pa siya na ikinatatakot ko dahil baka mahulog ang baby niya sa tiyan niya. Nagulat naman ako ng itapat niya sa akin ang remote at parang hinihintay niyang kumata ako. Hindi ko alam ang kantang ’to kaya naman napalaunok ako. “Ne— La-lakad ay ke— k-kakaiba~ Keken— k-kekembot-kembot pa~” pilit kong kanta at nakahinga ako ng tanggalin na niya sa harap ko ang remote na ginagawa niyang mike. Nag-park ako ng makadating kami sa hospital kung saan magpapacheck-up si Ate. “Ate,” tawag ko kay Ate na umiindak-indak pa rin. “Ate nandito na tayo,” sabi ko at pinatay ang radio ko. “Bakit mo pinatay?” tanong nito sa akin at napabuntong hininga naman ako. “Nandito na tayo, mamaya ka naman magpatugtog.” Pagpapaamo ko kay Ate at buti na lang ay kusa siyang lumbas kaya naman sumunod na ako sa kaniya. Humawak siya sa braso ko habang papasok kami sa hospital, dumiretso kami sa second floor dahil nando’n ang doctor ni Ate. “Pagkatapos natin kain tayo.” Nakangusong sabi ni Ate at bukas ang pinto ng elevator. Naglakad kami papunta kung saan ang OB. “Abraham gusto ko ulit ng carbonara yung may chocolate sauce.” Napatingin ako kay Ate dahil sa sinabi niya. “Carbonara with chocolate sauce? What hell is that? Hindi ko alam kung saan makakabili no’n,” sabi ko sa kaniya at halos magtayuan ang mga balahibo ko ng maiisp ko ang hitsura nang pagkain na sinasabi ni Ate. “Abraham, I want that, can you buy some for me?” tanong nito na parang nagmamakaawa na kaya naman kahit hindi sigurado ay tumango na lang ako. “Goodmorning Mrs. De chavez.” Nakangiting bati sa amin ng doctor ni Ate. “Goodmorning Ms. Jimenez,” sabi ni Ate at umupo sa isa sa mga upuan kaya naman gano’n din ang ginawa ko. “Oh, you’re here too my dear Dylan,” ani sa akin ni Celyn, doctor ni Ate. Classmate ko siya no’ng nag-grade five ako at siya lang naman ang malakas na loob ang manligaw sa akin kahit na babae siya. “Uhm, Yeah,” mahinang sabi ko. “It’s very long time no see,” nakangiting sabi nito sa akin at agad naman na nagdilim ang mukha ko dahil hindi ko siya gusto, lahat ng kung ano siya. “Abraham she’s talking to you,” sabi sa akin ni Ate kaya naman tumingin ako kay Celyn at nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya. “Same,” maikling sagot ko sa kaniya, ngumiti lang siya sa akin bago bumaling kay Ate at kausapin ’to. “Ilang buwan ka nang hindi dinadalaw?” tanong nito kay Ate at pasimpleng sumulyap sa akin. Maganda naman si Celyn ang kaso lang ay masyado siyang maharot. “2 months,” sagot ni Ate rito. May papel na hawak si Cely at habang kinakausap niya si Ate ay nagsusulat siya do’n. “Ok, let’s check.” Tumayo si Celyn kasabay ni Ate kaya naman tumayo rin ako para alalayan si Ate. “D’yan ka lang, bawal pumasok dito ang mga bitter na katulad mo.” Mapang-asar na sabi ni Celyn nang tangkain kong sumunod sa kanila sa loob ng isang k’warto. Sinamaan ko ng tingin si Celyn pero inirapan niya lang ako bago pagsaraduhan ng pinto. Umupo ako sa upuan kung saan kami nakaupo kanina ni Ate. Tahimik ang buong paligid kaya naman nakakabagot, kinuha ko ang cellphone ko pero bubuksan ko palang ito ay nawalan na ako ng gana kaya naman mas pinili ko nalang na ibalik ito sa bulsa ko. Nagcross-arm na lang ako at tumitig sa pader na kaharap ko. Gusto ko nang umalis pero hindi ko naman puwedeng iwan na lang dito si Ate. Nakita ko na lumabas si Celyn kung saan sila pumasok, ang akala ko ay kasama na niya si Ate pero nagkamali ako ng sabihin niya na... “Nagsisimula palang sila, ’wag kang mag-alala isa’t-kalahating oras ka lang maghihintay.” Hindi ko alam kung nang-aasar ba si Celyn o likas na talagang gano’n ang hitsura niya at ang boses niya. “Kumusta ka na?” tanong nito sa akin hindi ako tumingin sa kaniya at mas pinili kong yumuko. “Uhm, okay naman.” Naiilang akong kausap si Celyn lalo na pagnaaalala ko ang nangyari sa amin no’ng elementary palang kami. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung okay lang ba ako? Gan’yan ka na ba ka-bitter Dylan?” natatawang tanong niya sa akin kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay. “Past is past,” sabi nito at mahinang tumawa, napailing na lang ako. “Wala akong pakialam sa past natin,” sabi ko dito at umirap. “H-hindi ko na nga maalala ang nangyari no’n.” Pagkukunwari ko pa. Tinaas ko ang isa kong binti at pinatong ’yon sa hita ko. “Sus, sabihin mo hindi mo pa rin nakakalimutan ang past natin.” Panunukso pa nito sa akin kaya naman nagsalubong ang kilay ko. Feeling close? Hindi nga kami naging magkaibigan kahit no’ng nanligaw siya sa akin. “Wala na akong naaa—” Napahinto ako sa pagsasalita ng bumukas ang pinto ng office nila Celyn at dumungaw do’n ang mahal ko este ang taong kailangang-kailangan ko. “Eve?” tawag ko sa kaniya kaya naman napalingon siya sa akin. “Dy?” parang may kumiliting kung ano sa tiyan ko ng Dy lang ang itawag niya sa akin. “What are you doing here?” tanong ko rito bago tumayo upang lapitan siya. “Magkakilala kayo?” tanong ni Celyn na nawala ang ngiti sa labi habang nag-uusap kami kanina. “Yeah, kaibigan ko,” sagot ko tito at tumingin kay Eve na nakatingin lang sa akin. “Maling k’warto ang napuntahan ko,” sabi ni Eve at akala ko ay lalabas na siya pero natuwa ako ng pumasok siya nang tuluyan sa loob ng office nila Celyn. Kasama ko na si Eve! Kasama ko na si Eve! Kasama ko na, kasama ko na! Pagkanta ko sa isip ko habang nakatingin kay Eve. “Pero sabi no’ng nurse ay nandito eaw si Dra. Jimenez?” tanong ni Eve na tumingin pa kay Celyn na nakataas ang kilay sa kaniya. “Dra. Jimenes is here?” tanong sa kaniya ni Eve at inirapan naman niya ito. Ang pagkakaalala ko ay Jimenez ang apelyido nila Celyn at doctor parehas ang parenys niya ibig sabihin ay Mama ni Celyn ang hinahanap ni Eve. At hindi na rin ako nagulat ng makita ko si Celyn dito dahil nagdo-doctor siya. “Yeah, nasa loob siya,” maarteng sagot nito at tumingin sa akin bago ngumiti ng pagkatamis-tamis. “Dylan ’di ba sabi mo magdadate tayo?” nanlalaki ang mata kong tumingin kay Celyn ng sabihin niya ’yon, wala akong maalalang sinabi ko ’yon. “Huh? I don’t rem—” “Saan ba tayo magdadate?” tanong nito at lumapit bago ako yapusin sa braso. Nakita ko naman si Eve na naupo sa may upuan at nagpandikwatro. “Ano ba Celyn?” pilit kong hinihiwalay ang braso ko sa kaniya dahil tumatama ito sa boobs niya. ‘Pakshet!!!!’ “A-ano bang—” Hindi niya ako hinahayaang makawala sa kaniya. “B-bitawan mo ako,” utos ko sa kaniya pero si Celyn nga pala ’tong kaharap ko kaya naman imbes na bitawan niya ako ay mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. “Dy?” napahinto sa paglinggis sa akin ’tong ulupong este si Celyn ng marinig namin na bumukas ulit ang pinto ng office nila Celyn at pumasok do’n si Kuya Ryu. “Eve you’re here too.” Nakangiting bati niha kay Eve na nakaupo lang sa isang gilid habang nakatulala. “Hi,” maikling bati nito kay Kuya Ryu. “Dy?” tawag ulit sa akin ni Kuya Ryu kaya naman pilit akong kumawala kay Celyn at napapakanot sa ulong tumingin dito. “Si Ate nasa loob pa,” sagot ko sa kaniya kahit wala pa siyang tanong. “Okay naman ang kalusugan mo, basta ay lagi ka lang kakain ng masusustansyang pagkain at sabayan mo na rin ng maayos na tulog.” Bumukas ang pinto ng k’warto kung nasaan sila Ate kanina, kinakausap siya ng Mama ni Celyn. Lalapit na sana ako kay Eve pero naramdaman ko na naman ang pagkayap sa akin ni Celyn. “Magda-date tayo,” madiing sabi nito at sa pagkakataong ito ay hindi na ako makaalis sa pagkakahawak niya. “Hon,” tawag ni Kuya Ryu kay Ate bago ito lapitan. Ngayon ko lang napansin ang dalang paper bag ni Kuya Ryu. “Eve!” imbes na ang asawa niya ang puntahan niya ay hindi, lumapit siya kay Eve at hawakan nito ang pisnge ni Eve at panggigilan na pigain. “A-ate...” tawag ko rito dahil ako ang nasasaktan para kay Eve. “Ang akala ko ay hindi ka na talaga makakapunta,” sabi ni Ate at niyakap si Eve, tapatingin naman ako kay Kuya Ryu nang tumikhim siya pero parang wala lang kay Ate ’yon. “Ma, lalabas po pala kami ni Dylan.” Masayang paalam ni Cely sa Mama niyang nakatingin sa akin habang nakangiti. “Sure.” Nakangiting pagsang-ayos nito. “Huh? Lalabas kayo?” napatingin kaming lahat kay Eve ng magsalita siya. “Akala ko ba Dy, s-samahan mo akong mamili?” tanong ni Eve na mapula na ang mukha dahil kanina pa nilalamutak ni Ate ang pisnge niya. “O-oo nga pala,” sabi ko at pasimpleng tinanggal ang pagkakakapit ni Celyn sa akin. “Celyn may pupuntahan pala kami ni Eve,” sabi ko rito na lamukos ang mukha. “Aalis na kayo?” tanong ni Ate kay Eve na tinanguan siya. “Hon, tara rito dala ko na ’yon request mo,” sabi ni Kuya Ryu at tinaas ang dala niyang paper bag, agad namang nagningning ang mga mata ni Ate bago lunapit sa asawa niya. “Mrs. De Chavez mukhang kakaibang pagkain ang gusto mo,” sabi ni Dra. Jimenez ng makita ang pagkain ni Ate. “Normal lang naman sa mga buntis ang mga ganiyan kaya naman Mr. De Chavez handa mo na ang sarili mo sa mga ganiyang pagkain.” Natatawang bilin sa kaniya ni Dra. Nagkaroon sila ng sariling usapan at kaming tatlo naman ay nagtitigan lang. “Dy, tara na kaya?” tanong ni Eve at tumayo. “S-sige,” sabi ko at tumingin kay Celyn na masama ang tingin kay Eve samantalang ang Eve ay naka+smirk lang sa kaniya. Ang akala ko ba ay hinahanao niya ang mama ni Celyn? ‘Marunong din palang makipag-asaran ’to.’ Lumakad siya palapit sa akin hinawakan ako sa balikat. Parang may mga kuryenteng dumaloy sa katawan ko mg dumikit ang kamay niya sa balikat ko. “Dalian mo, may lakad pa tayong iba,” Sabi nito at naunang lumabas. “Ate alis na kami!” sigaw ko rito at nagmadaling sumunod sa paglabas kay Eve, paglabas ko ay wala na si Eve kaya naman tumingin ako sa hallway at nakita ko na nasa dulo na siya kaya naman tumakbo ako para makahabol sa kaniya. “Ang tagal mo,” reklamo nito habang naglalakad. Sumakay kami sa elevator at kami lang amg tao. “Bakit ka ba nandito?” tanong ko sa kaniya dahil ang alam ko ay may importante siyang lakad. “Sinusundan mo ako ’no?” mapanuksong tanong ko rito at binigyan siya ng nakakalokong ngiti. “Tss, magpapacheck up ako. Stupid,” sabi nito at bahagyang umusad sa akin ng bumukas ang pinto ng elevator at may limang babae ang pumasok. “Bakit may sakit ka ba?” mahinang bulong ko sa kaniya at ngayon ko lang napansin na pataas pala ang elevator namin. No’ng dumating kami sa 6th floor ay lumabas na kami. “Pinayagan na akong sumama ni Icom sa training camp,” sabi nito at lumiko sa isang hallway. “Kaya naman ipapatingin ko ang kamay ko kung okay na ba, bilin na rin ni Icom,” sagot nito sa’kin at walang ano-ano ay pumasok sa isang k’warto. Sumilip muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. “Check mo nga ’yong kamay ko kung okay na ipangsabak sa laruan.” Nagulat ako sa sinabi ni Eve sa lalaking nakaupo sa swivel chair niya at halatang natutulog. Parang boss si Eve kung makautos samantalang ’yong inuutusan niya ay walang kaimik-imik dahil nakadukno lang ito. “Xhion, lumayas ko sa hospital ko,” antok na sabi nitong lalaki habang nakadukmo. Lalapitan ko na sana si Eve upang hilahin na palabas pero ang loko ay lumapit pa sa natutulog at sinipa ang inuupuan nito. “Yeshua— K-kuya.” Napataas na lang ang kilay ko sa sitwasyon namin ngayon. Naupo na lang ako at pinood mambulabog si Eve ng tulog. “Ano bang problema?” sa wakas ay tinaas na ng lalaki ang paningin at tumingin sa kaharap niyang nakasibangot. “Magpapa-check lang ako ng kamay,” sabi ni Eve at tinaas ang kamay niya. “Dalian mo may lakad pa kami—” “Boyfriend mo?” nasamid ako sa sarili kong laway ng itanong niya ’yon habang nakatingin sa akin. Sikreto akong napangisi ng makita kong namula ang pisnge ni Eve. ‘’Wag kang ganiyan Eve, mas lalo akong nahuhulog sa’yo.’ “Are you stupid?” tanong ni Eve sa lalaking nakangisi habang nakatingin sa kaniya. “No, and I told you na kay Dra. Jimenez ka magpa-check?” kunot noong tanong nito kay Eve. “Mukha bang may tumingin ng kamay ko bukod sa’yo?” sarcastic na tanong ni Eve bago hatakin ang isa pang swivel chair at naupo do’n. “Patingin nga.” Inabot ni Eve ang kamay niya at hinawakan naman ’yon ng lalaking hindi ko naman kilala Ano ako rito? Ghost? Hangin? Pinanood ko sila kung ano ang gagawin nila. “Itai!” (It’s hurt!) sigaw ni Eve matapos na pitikin ng malakas ng lalaki ang kaniyang kamay. “Baka!” (Stupid!) malakas ding hinampas ni Eve ang braso nito na ikinatawa niya. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa reaksyon ni Eve. Ngayon ko lang nakita si Eve na kumilos ng ganito, para kasi siyang bata na nagpapagamot sa kuya niya “Puwede na, nakakahampas ka na nga e,” Natatawang sabi nito bago may kunin sa drawer niya. “Dylan si Yeshua pinsan ko,” sabi ni Eve kaya naman tumayo ako para makipagkamay sa lalaking nasa harap ko. “Dylan Abraham Enrique,” sabi ko at inabot ang kamay niya. ‘Your future cousin in law.’ “Yeshua,” Sabi nito at ngumiti. “Ang bilin ko sa’yo Xhion, ’wag na ’wag mo nang ipangsusuntok ’to dahil pagnalaman ko na naman na na-injured ’to puputulin ko na talaga ang kamay mo,” sermon ni Yeshua kay Eve na napapaikot lang ang mata habang nagsesermon si Yeshua. Halos masubsob naman si Eve ng batukan siya ni Yeshua, tinangka ko pang saluhin siya pero na-balance naman niya ang sarili niyang hindi bumagsak sa inuupuan niya. Nakayuko si Eve ay hindi gumagalaw. Nang nag-angat siya ng tingin ay nakangisi siya na nakapagpakilabot sa akin. “Xhion!” sigaw sa kaniya ni Yeshua. “Sumeryoso ka.” “Mukha ba akong hindi seryoso?” tanong ni Eve. Napailing nablang si Yeshua bago hitakin ang drawer niya at may kunin do’n “Here...” May inabot na bagay si Yeshua kay Eve. “That’s your favorite hair band.” Natulala ako sa bagay na inabot ni Yeshua kay Eve. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. ‘That hair band...’ ***** LET’s GO TO TRAINING CAMP!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD