SANDRA’s POV
“Hindi ba sasabay sa atin si Eve?” tanong ni Ruby na nagsisimula ng kumain.
“Hindi raw, may pupuntahan ata,” sagot ni Dylan na kumakain na rin.
Kumuha na rin ako ng pagkain dahil mukhang hindi nga sa amin sasabay si Eve kumain.
“Napapadalas ata ang hindi pagsabay sa atin ni Eve?” tanong ni Marco kaya naman naptatigil ako.
‘Dahil kaya sa akin?’
“Sigurado akong makikipagkita na naman siya kay Jade,” sabi ni Dylan na halatang walang ganang kumain.
Napayuko ako ng makaramadam ako ng sakit— hindi, selos ’tong nararamdaman ko. Mas gusto niya ba si Jade kaysa sa akin? Mas better ba siya? Mas matured?
“Girlfriend niya ba ’yon?” pang-uusisa pa ni Emerald.
“Hindi, kaibigan lang daw niya,” si Dylan ang sumasagot sa mga tanong ng iba pa naming kaibigan.
Napapansin ko rin ang pagiging malapit ni Marco at Emerald sa isa’t-isa na para bang may namamagitan sa kanilang dalawa.
Tumingin ako kay Icom at nginitian niya ako na parang sinasabi na ‘Don’t blame your self.’
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa hindi pagsabay sa amin ni Eve kumain. Nagi-guilty ako.
Tumayo ako at lahat naman sila ay napatingin sa akin.
“Saan ka pupunta Sandra?” tanong agad ni Icom kaya naman nagpilit ako ng ngiti.
“M-may kukunin lang ako sa locker ko, at saka ’wag niyo na akong hintayin baka kasi hindi na rin ako makabalik.” Pagsisinungaling ko sa kanila na mukha namang pinaniwalaan nila bukod kay Icom.
Umalis ako at dumiretso sa parking lot, hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa maalala ko ang resto na lagi naming pinupuntahan ng mga kaibigan ko sa tuwing maglalunch kami dati.
Sumakay lang ako ng taxi at nagpahatid sa resto na tinutukoy ko.
Pagbaba ko ay agad akong natigilan ng makita kung sino ang nasa loob no’n.
Nakita ko si Eve na nakikipagtawanan sa dalawang babae. Nakita ko ang ngiti niya na akala ko ay sa akin niya lang pinapakita.
Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Talaga bang... pinagpalit mo na ako?’
Sumilong ako at pinanood ang kaibigan ko na masayang nakikipagkwentuhan sa ibang tao.
Selfish na kung selfish pero gusto ko na sa akin lang si Eve. Agad kong pinusan ang luhang pumatak sa pisnge ko.
“Napaka-immatured mo pa rin Sandra,” sabi ko sa sarili ko bago mapagpasyahang bumalik na lang sa campus.
Nawalan ako ng ganang kumain.
Nakatulala lang ako habang naka-upo rito sa upuan ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung lalayo na ba ako kay Eve o ano.
‘Nagseselos ka lang Sandra! Hindi pa tapos ang pagkakaibigan niyo!’
Napapikit ako kasabay ng paglukot ko sa papel na nasa lamesa ko.
“Hello Sandra, puwede magtanong?” napadilat ako at tumingin kay Charm na kaklse ko. Pilit akong ngumiti sa kaniya at tumango.
“O-oo naman ano ba ’yon?” tanong ko rito at naupo naman siya sa tabi ko bago ipakita ang notebook niya.
“Nahihirapan kasi ako sa part na ’to.” Tiningnan ko ang tinuturo niya sa akin at nakita ko ang problem.
Tinuro ko sa kaniya ang mechanics at hindi ang sagot, ayaw kong namimigay ng sagot. Ang gusto ko ay ’yon natututunan din nila kung paano nakuha ang sagot na ’yon.
Pinaliwanag ko sa kaniya kung paano ko at saan ko nakuha ang sagot na ’yon at agad naman niyang nakuha.
“Ah gano’n lang pala ’yon, nalito kasi ako kung ano ang ilalagay rito.” Natatawang sabi niya bago magpasalamat ang umalis.
Napansin ko naman na wala na si Mrs. Fhara sa table sa harap kaya naman inilibot ko ang mata ko at agad kong napansin ang iilang mga ka-block ko na nakasilip sa bintana habang kinikilig.
Kaya naman mas lalong humaba ang leeg ko para makita kung sino ang nando’n sa labas.
Nanlalaki ang mata ko ng makita ko si Eve do’n na kinakausap si Mrs. Fhara.
‘Anong ginagawa niya dito?’
Lalapit sana ako ang kaso lang ay umalis na siya.
Bagsak ang balikat ko na bumalik sa upuan ko.
“Namamasyal sa oras nang klase!? Hay!” napatingin ako kay Mrs. Fhara ng pumasok siya sa room namin at nagpapaypay. “Ano ang akala niya sa eskwelahan na’to!? Pasyalan?” nagtawanan ang mga kaklase ko at hindi ko din napigilan ang matawa.
‘Loko talaga si Eve, namamasyal?’
Napayuko ako habang tumatawa, ayaw ko naman mag-assume pero pakiramdam ko ay nandito siya para sa akin.
Tumingin ako sa bintana ng may maalala akong sinabi ni Eve sa akin no’ng bata pa kami.
“Lagi mong tandaan na lagi kitang hahanapin, lagi kitang susunduan kahit saan ka mapunta.”
“Hindi lang ikaw ang kaibigan ko pero ikaw lang ang best friend ko.”
Ang tanga ko, sobrang tanga ko na isiping tinalikuran na ako ni Eve.
Napangiti ako dahil gumaan ang pakiramdam ko. Immatured lang talaga ako pero yung immatured na ’yon, ’yon ang minahal ni Eve.
EVE’s POV
“Saan ka na naman galing!? Alam mo ba na hinahanap ka na ng prof natin dahil ilang araw ka na raw niyang hindi nakikita!” isang malakas na hampas sa braso ang natanggap ko kay Ruby kaya naman tiningnan ko siya ng masama pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
“Namasyal lang ako,” sabi ko at umayos ng upo.
“Namasyal!? Sa oras ng klase!?” daig pa Nanay ni Ruby dahil sa kakasermon niya sa akin. “Pag hindi ka pa daw niya nakita sa susunod ay ida-drop out ka na raw niya!” sabi pa nito kaya naman hindi ko maiwasang mapangisi.
“Pa’no ‘yon? Isang buwan akong mawawala... ibig sabihin isang buwan niya rin akong hindi makikita.” Natatawang sabi kona at natawa rin siya bago ako paulanan ng hampas sa braso kaya naman umilag na ako.
“Problema mo na ’yon!” Sasabi nito at tumawa ng malakas, minsan talaga nakakatakot ’tong si Ruby, daig pa may sapi.
Tumingin ako sa bintana at napangiti dahil sa nakita ko kanina.
Nakita ko lang naman si Sandra na nakatingin sa akin at ang mukha niya ay sobrang maaliwalas.
Ang akala niya rin ba ay hindi ko siya nakita sa labas ng resto kanina? Nagtataka nga ako kung bakit siya umiiyak kanina pero may isang bagay akong napagtanto. Nakita ko siyang nakatingin sa amin at ’yong mata niya, kahit na malayo ay kitang-kita ko ang mata niya na punong-puno ng selos kaya naman no’ng makita ko siyang umalis ay sinundan ko na siya.
Napailing na lang ako at naalala ang babae sa parking lot kaya naman tumingin ako kay Ruby na halos mabasag na ang screen ng cellphone sa pagtatype.
“Ruby?” tawag ko sa kaniya at bahagya naman ako napaatras ng makita kong nanlilisik ang mga mata niya.
“Bakit?” tanong nito kaya umiling na lang ako, nakakatakot magtanong baka mapatay ako ’di oras.
Kinuha ko na lang ang phone ko dahil ang sabi ng iba ay wala raw ang sunod namin prof kaya naman ang iba ay lumabas upang pumunta sa cafeteria.
Tahimik lang akong pags-scroll, wala namang bago dahil halos karamihan sa post ay about sa training camp.
“Hoy! Sino ’yan!?”
“Tanga ka ba!? Si Dylan ’yan!”
“Hala! Si Dylan!”
Biglang nag-ingay ang mga ka-block ko kaya naman sabay kaming napatingin ni Ruby sa pintuan ng may isang lalaki ang pumasok dito.
Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko lang siya bago umiling.
‘Ano na naman kaya problema nito?’
“Dylan!” tawag sa kaniya ni Ruby at kumaway. Tumayo si Ruby at lumapit kay Dylan para kausapin ito. “Bakit ka nandito?” tanong sa kaniya ni Ruby.
“Si Eve?” tumingin ako sa kaniya dahil binanggit niya ang pangalan ko.
“Eve! Ikaw raw!” daig pa nasa kabilang baryo ang kausap ni Ruby dahil sa lakas ng boses niya.
Tumayo naman ako at lumapit sa kaniya.
“Bakit?” tanong ko rito ng makalapit na ako.
“Uwi na raw tayo sabi ni Icom,” sabi nito na agad na ikinataas ng kilay ko.
May isa pa kaming subject bago mag-uwian.
“May klase—”
“Wala na ang huli niyong prof,” sabi ni Marco na nasa likod ni Dylan. “Hello Eve, Ruby!” ngumiti siya at kumaway sa amin kaya naman tinanguan ko siya.
“Mamaya pa ako uuwi, dadaan pa ako—” Hindi halatang bastos si Dylan, kanina niya pa ako hindi pinapatapos sa pagsasalita.
“Sasama kami ni Marco.” Anak ng? Ano bang problema ng mga ito?
Umiling ako sa kanila bago magsalita.
“’Wag na, kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ko at tatalikod na sana ang kaso ay talagang sadyang matitigas ang bungo ng mga ’to.
“Marco, alam ko naman kung saan ’yon kaya mauna na tayo,” sabi nito bago umalis. Nasipa ko ang isang upuan na ikinagulat naman ng lahat kaya naman inayos ko ’yon bago marahas na kunin ang bag ko.
‘Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ni Dylan.’
“Uuwi ka na talaga?” tanong ni Ruby na nakasunod na sa akin at dala na din ang kaniyang bag.
“Oo,” sagot ko rito, humiwalay naman siya sa akin dahil ang sabi niya ay dadaanan niya pa raw si Emerald kaya naman nauna na ako sa parking lot.
Wala akong balak na dumiretso sa bahay nila Jade dahil naaasar ako kay Dylan.
Nag-drive ako pauwi sa sa bahay namin dahil balak kong makausap si Icom tungkol sa mangyayaring training camp sa lunes.
Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko ngang wala ang mga sasakyan nila Dylan kaya naman, napabuga ako ng hangin bago pumasok sa loob kung saan naabutan ko si Icom na nasa sala at nagbabasa.
“Eve?” tawag nito sa akin kaya naman lumapit ako sa kaniya.
“Hey, what’s the matter?” yanong ko sa kaniya dahil nabanggit ni Dylan na si Icom ang nagpapauwi sa amin.
“Nasaan sila Dylan?” tanong nito at sinilip pa ang likod ko.
Umupo ako sa single sofa bagi sumagot.
“Wala sila, na kila Jade sila,” sagot ko sa kaniya.
Hindi ko malaman kung bakit gano’n kumilos si Dylan, bakit kung makaasta siya ay parang pagmamay-ari niya ako.
Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa ni Dylan masyado na siyang nanghihimasok sa buhay ko.
“Nga pala Eve, kumusta ’yong sa training camp niyo?” tanong sa akin ni Icom kaya naman tumingin ako sa kaniya bago kunin sa bulsa ko ang kapirasong papel sa bulsa ko.
“Icom, pwede mo bang pirmahan ’to?” inabot ko sa kaniya ang papel na ’yon na agad naman niyang binasa.
“Bakit sa akin?” natatawang tanong niya sa akin. “Hindi ba p‘wedeng daddy mo or kahit na mga tita mo?” tanong nito sa akin at umaling naman ako.
“Wala, hindi ako uuwi sa bahay namin ng dahil lang d’yan, kung sa mga tita ko naman ay wala akong ka-close,” sagot ko rito at nakita ko naman na agad na nagseryoso ang mukha ni Icom bago iabot sa akin ulit ang papel.
“Kung ako ang papapirmahin mo ay hindi ko pipirmahan ’yan, hindi ako papayag.” Natawa ako ng bahagya dahil ang akala ko ay nagbibiro lang si Icom pero natahimik ako ng makita kong seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
Sobrang seryoso ng mukha niya at hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o hindi. Nakikita ko kasi na parang madilim ang mukha niya.
Hindi ko pa nakikitang ganito si Icom simula ng makilala ko siya.
Napalunok ako at pilit na tumawa bago dahan-dahang abutin ang papel
“P-pasensya na sa abala, kay Jade ko na lang papapirmahan ’to—” Nang nahawakan ko na ang papel ay siya namang pagbawi niya nito. “H-huh?” napakurap-kurap ako sa kaniya.
“Puntahan mo na sila Dylan, mamay nalang tayo mag-usap,” sabi niya bago ako iwan mag-isa dito habang nakataas ang kamay.
Tiningnan ko si Icom na likod na lang ang nakikita ko dahil paakyat na siya sa taas.
‘May problema ba si Icom?’
Nakatulala lang ako sa hagdanan na inakyatan ni Icom, kung wala lang siguro akong narinig na ingau ay hindi pa ako mababalik sa ulirat.
Umakyat ako at huminto bago tingnan ang kabilang dulo kung nasaan ang kwarto nila Icom at Marco.
Kinakabahan ko sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ko ay may mali kay Icom.
Umiling na lang ako hindi na inisip ang nangyari kanina. Mas minabuti ko na lang na magbihis at bumababa upang pumunta sa garahe namin. Sumakay ako sa motor ko bago magsimulang magpatakbo.
Binuksan ko ang ikaw ng motor ko dahik medyo may kadiliman na ang dinadaanan ko, mahirap na.
Napapikit ako ng mapansin kong wala akong suot na helmet, malayo na ang natakbo ko at nakakatamad bumalik. Inayos ko nalang ang pagdadrive ko.
Nagshort-cut nalang ako sa looban dahil sa tingin ko ay mas safe ang daan dito.
Hindi pa din mawala sa isip ko ang mukha ni Icom, kung paano siya magsalita ay ibang-ibang sa nakasanayan ko.
Hindi ko pa kilalang masyado si Icom kahit na ang iba ko pang kasama sa bahay.
Madami pa akong hindi alam sa kanila pero ako? Kilala na ba nila ako?
Nagpreno ako ng makadating ako sa bahay nila Jade. Binuksan ko ang gate nilang hindi nakalock at pinasok ang motor ko do’n. Balak kong dito ito iwan pagpupunta na ako sa tra..ning..camp.
Napayuko ako dahil hindi pa sigurado kung makakasama ba ako o hindi. Na kay Icom ang papel ko at hindi ko ’yon mapapapirmahan kung na sa kaniya ’yon.
Narinig ko na parang nagkakasaya sila sa loob kaya naman umikot akosa likod ng bahay ni Jade kung saan may pinto papasok sa bahay.
Ayaw kong dumaan sa harap.
Dahan-dahan akong sumilip sa pinto at nakita ko namang walang tao sa kusina kaya naman pumasok na akong tuluyan.
Wala ako sa wisyo makipagbiruan o makipagharutan.
Bakit pakiramdam ko ay sobramg lungkot ko kahit hindi naman?
Bakit pakiramdam ko ay may mawawala sa akin?
Hindi ko malaman kung dahil lang ba ’to kay Icom.
Pero isa lang ang sigurado ako, parang gusto kong umiyak. Pakiramdam ko ay pagod na ako, pakiramdam ko may kulang sa akin. Nagpaikot-ikot ako dahil hindi na ako mapakali.
Bakit ako nagkakaganito?
Wala pa ding kamalay-malay ang mga tao dito na nandito na ako.
Napatingin ako sa taong pumasok sa kusina, hindi na siya nagulat ng makita ako dito.
“Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin kaya naman umiling ako. “Anong gusto mong kainin?” tanong uliti nito sa akin kaya naman umiling ulit ako.
“Salamat nalang Ate Jaz, busog pa kasi ako,” sagot ko sa kaniya.
Lumapit siya sa may ref at tumingin do’n.
“Bakit ayaw mong magpakita sa kanila?” umupo ako sa upuan at dumukmo.
Dapat pala ay hindi na muna ako pumunta dito, dapat ay sa bahay nalang ako nagmukmok. Gusto kong mapag-isa.
“May problema ba?” tanong sa akin ni Ate Jaz at naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko.
‘May problema ba? Cally?’
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala akong nararamdaman na iba bukod sa lungkot.
Tumingin ako kay Ate Jaz at nagpilit ng ngiti, hindi dapat ako nagkakaganito. Ayos lang naman ako, walang problema.
“Nasa’n si Eve?” tanong ko rito, gusto kong makita ang kapatid ko baka sakaling gumaang ang loob ko.
Sinabi ni Ate Jaz na nasa sala raw sila at naglalaro kaya naman pumunta ako do’n.
Naabutan ko sila Dylan, Marco at Jade kasama na din si Eve na nasa sala tulad ng sabi ni Ate Jaz.
Nang mapansin nila ako ay agad na ngumiti si Dylan pero hindi ko siya pinansin at itinuon buong atensyon ko sa kapatid ko na tumatakbo palapit sa akin.
“Nii-chan!” masayang tawag nito sa akin at kahit na hirap ay pinilit kong ngumiti, sinikap kong hindi magmukhang piliy ’yon.
“How are you, Eve?” tanong ko sa kaniya. Nangunot naman ang noo nito dahil mukhang hindi naman niya naintindihan ang sinabi ko.
Binuhat ko siya at dinala sa kusina kung nasaan si Ate Jaz na nagluluto.
“Kumusta na?” pag-uulit ko sa tanong ko kay Eve kanina.
“Otey po ato. Si Nii-chan po? May may tatit ikaw Nii-chan?” tanong nito at hininipo pa ang noo ko kaya naman napangiti ako.
“Wala, ok lang ako.” Nilapag ko siya sa lamesa at kumuha ng mansanas sa ref.
Hinugasan ko ’yon bago hiwain.
“Bakit kayo nandito?” takang tanong ni Ate Jaz ng mapansin niya kami ni Eve na kumakain ng mansanas.
“Wala naman, gusto ko lang ditong tumambay.” Hindi naman na nagtanong si Ate Jaz dahil pakiramdam ko ay napansin niyang wala ako sa wisyo makipag-usap.
Inayos ko ang buhok ni Eve na humaharang sa mukha niya. Isang buwan— hindi ko sure. Napailing na lang ako bago pagmasdan ang kapatid ko.
“Pag-umalis ba si Nii-chan, mami-miss mo ako?” tanong ko kay Eve at inosente naman siyang tumango.
“Opo,blulungkot din si Eve,” sagot nito at kinain ang apple na binalatan ko para sa kaniya.
Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge. Hindi na ako makapaghintay na ipakilala ka sa mga kapatid natin.
Nagpababa si Eve kaya naman binaba ko siya at hinayaang bumalik kila Jade.
Ang alam ko ay may garden sila Jade kaya naman nagpaalam ako kay Ate Jaz na lalabas muna ako para magpahangin. Medyo malayo ang garden nila Jade sa bahay nila kaya naman kahit na magsisisigaw ako rito ay hindi nila ako maririnig.
Umupo ako sa swing na nandito at nagsalita.
“Bakit ka nandito?” tanong ko kay Dylan na nasa likod ko. Tiningnan ko siya, tiningnan ko siya na parang ngayon ko lang siya nakita.
“Mainit kasi sa loob kaya lumabas ako.” Dahilan niya at napailing naman ako, magsisinungaling na lang ay ’yong nahuhuli pa.
Nakaaircon ang buong bahay nila Jade kaya paanong mainit sa loob?
Tss.
Sumipa ako dahilan ng pagalaw ng inuupuan ko.
“Ang ganda talaga ng buwan.” Rinig kong sabi ng kasama ko kaya naman tiningnan ko siya at nakita ko na nakangiti siya habang nakatingin sa buwan.
Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.
Hindi pa rin nawawala ang lungkot na nararamdaman ko, bakit kaya ako nagkakaganito? Nalulungkot na lang ako bigla.
Wala naman akong anxiety, alam ko sa sarili ko ’yon.
“Eve?” tawag sa akin ni Dylan kaya naman tumingin ako sa kaniya.
“Oh?” Tanong ko rito.
“Diba Engineering ang kinkuha mo? Civil Engineering?” tanong niya sa akin kaya naman tumango ako. “Pag ba nagpaggawa ako ng bahay sa’yo, igagawa mo ako?” tanong nito kaya naman napalabi ako.
“Depende ’yon, kung makakapas ako sa board exam ay puwede akong kumuha ng mga ganiyang project,” sabi ko sa kaniya.
Sumipa ulit ako para dumuyang muli ang inuupuan ko, malamig dito dahil may maliit na lawa ang nasa harap namin. Ang galing ni Jade, nagpagawa talaga siya ng bahay na may lawa sa loob ng bakuran. Sobrang laki ng bakuran nila Jade at hindi sa pagmamayabang pero pera ni Jade, sariling pera niya ang ginamit niya dito para lang maipagawa ang gusto niyang maging bahay.
“Papasa ka no’n.” Tumingin ako kay Dylan dahil siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya, sana nga. “Pagdating ng panahon sa’yo ako magpapagawa ng bahay.” Tumango ako, mag-iiba pa ang isip n’yan baka bukas lang ay makalimutan na niya ang sinasabi niya ngayon.
“Sige, anong bahay ba ang gusto mo?” tanong ko sa kaniya, papatulan ko na para malibang din ako.
“Gusto kong bahay ay hanggang 3rd floor pero mayroon lang ’tong 4 to 5 steps lang dapat para hindi masyaddong mataas,” sabi niya at naintindihan ko naman ang gusto niyang mangyari. “May limang kwarto, dalawa sa 2nd floor at tatlong naman pagdating sa 3nd floor.” Nagpatuloy lang siya sa pagde-describe sa gusto niyang maging bahay kaya naman nagpatuloy lang ako sa pakikinig.
Habang ini-imagine ko ang sinasabi niya ay napapangiti ako dahil parang parehas kami ng style ng bahay na gusto.
“Dapat pagpasok mo ng bahay ay hindi agad sala ang madadatnan mo,” sabi ko kaya naman napatigil siya sa pagsasalita.
“Oo, tapos sa sala ay dapat katamtaman lang ang laki dahil ayaw ko nang masyadong malaking bahay, ” aniya na minumwestra pa ang kamay sa akin na parang naguguhit niya doon ang sinasabi niya.
“Dapat may mini bar sa bahay,” sabay na sabi namin kaya naman natawa kami parehas.
“Ikaw!? Maglalagay ng bar sa bahay!? Malabo atang mangyari ’yon!” 0ang-aarsar niya sa akin kaya naman lumulot ako ng maliit na bato at binato ’yon sa kaniya.
Tumawa lang siya bago tumingin sa taas.
“Nakahiwalay dapat ang kusina at kainan.” Si Dylan na nakatingin sa buwan at mga bituwin kaya naman tumingin din ako rito.
“’Yong k’warto ay dapat magkakatabi hindi magkakatapat.” Para lang kaming nagsasabi ng mga gusto namin.
“’Yong dalawa naman sa baba ’yon ang guest room kung sakaling may mga bisita.” Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakakausap ko si Dylan.
“At dapat lahat ’yon sound proof.” Nagkatinginan kami at saby na natawa. Kung may makakakita lang sa amin ay siguro pag-iisipan kaming nababaliw na.
“’Yong balcony ay dapat medyo maluwang.” Ang sarap sa pakiramdam, pakiramdam ko ay biglang nawala ang lungkot na nararamdaman ko kanina.
“Pagdating naman sa bakuran ay dapat may mga puno sa paligid para malamig at presko ang simoy nng hangin.” Para lang kaming magkasintahan na sabay na nangangarap sa bahay na gusto namin pagdating nang araw.
“At gusto ko tatlo ang magiging anak ko.” Nagkatinginan kami ni Dylan ng sabay na naman kaming magsalita, hindi kami natawa pero napangiti kaming pareho.
“Dalawang lalaki at isang babae.” Hindi ko alam kung iisa lang ba ang takbo ng isip namin ni Dylan dahil kanina pa kami nagsasabay sa pagsasalita.
“Saan mo gustong magpakasal?” tanong sa akin ni Dylan kaya naman nakaramdam ako ng excitement dahil gustong-gusto ko talagang pinag-uusapan ang mga ganitong bagay.
“Gusto ko ay sa simbahan.” Binaba ko ang paa ko para huminto ang upuan ko. “Sa simbahan, sabay kaming mangangako sa harap ng altar.” Napapangiti ako sa tuwing maiisip ko ang bagay na ’yon.
Gusto kong sa simbahan ikasal dahil ’yon ang gusto ni mommy para sa akin, gusto ko rin ang maikasal sa simbahan. Kinuwento sa akin ni mommy no’n na hindi niya daw naranasan ang maikasal sa simbahan kaya naman kahit ako na lang daw ay makita niyang ikasal sa simbahan.
“Sa akin ay gusto ko sa malaki, malaking simbahan.” Tumingin ako kay Dylan, pinagmasdan ko ang mukha niya habang nagsasalita. “Gusto ko do’n ko ihahatid ang mapapangasawa ko, sa harap ng altar. Mangangako sa harap ng maraming tao at sa harap ng nasaitaas.” Masaya akong sabay kaming nangangarap ni Dylan at sana...
Napailing na lang ako bago mag-iwas ng tingin sa kaniya.
Napakas’werte ng babaeng mamahalin mo Dylan, kahit na may pagkaabno ka ay sobrang mapagmahal mo naman.
“Ano ba kayong dalawa!? Kanina ko pa kayo tinatawag at kakain na!” nagulat kami sa sigaw ni Jade, magkasalubong ng mga kilay nito at masama ang tingin sa amin.
Nagkatinginan pa kami ni Dylan bago sabay na mapangisi.
“Ahh!” pagpasok namin ay naabutan namin si Marco na pinapakain si Eve. Nakaupo ito sa kandungan niya. “One more say Ahh!” binuka ni Eve ang bibig niya kaya naman sinubuan siya ng gulay ni Marco.
“Yah! ’Di ba sabi ko ako ang magpapakain kay Eve liit!” singhal ni Dylan bago magmadaling lumapit kay Marco, aagawin niya sana si Eve pero agad itong niyakap ni Marco.
‘Ano tingin nila sa kapatid ko? Laruan?’
Pinag-aagawan nila si Eve kaya naman humakabang ako.
“Ano ba Dy! Si Eve laki nalang ang pakainin mo!” napahinto kaming lahat pati si Dylan na nakikipag-agawan sa kapatid ko ay napahinto. “Joke lang!” sabi ni Marco at nag-peace sign sa amin.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng magkapatid at si Dylan naman ay daig pa ang kamatis dahil sa sobrang pula ng mukha nito.
Humakbang ako papalapitkayMarco para kunin si Eve sa kaniya.
“Kumain ka ng maayos d’yan Marco,” sabi ko sa kaniya na may halong pang-babanta.
Kinarga ko si Eve at umupo sa katabing upuan ni Dylan.
“Ano gusto mong kainin?” tanong ko kay Eve at tinuro naman niya ang gulay na chapsuy. Naglagay ako no’n sa plato ko at kanin, kumuha rin ako ng fried chicken at adobong baboy.
Sinubuan ko si Eve bago ako sumubo ng sa akin.
“Jade bakit hindi ka sumasabay sa amin tuwing tanghali sa pagkain?” tanong ni Marco kay Jade na kumakain ng apple. Oo inuulan niya ’yong apple.
“A-ahh nakakqhiya naman ha ha ha.” Alam kong nahihiya lang si Jade na sumabay sa amin pero pag-umalis ako ay masasanay siyang sumabay kumain kila Marco.
“Ha!? ‘Wag kang mahiya, tsaka nando’n naman si Sandra na kaibigan ni Eve tsaka may kaibigan din kaming kambal at alam kong makakasundo mo sila.” Ngumiti ng pilit si Jade at tumango.
“S-sige subukan ko,” mahinang sabi niya kaya naman nagsalita ako.
“‘Wag mong subukan, gawin mo,” sabi ko at nakita ko naman ang matatalim na tingin ni Jade sa akin.
“Manahimik ka,” banta nito sa akin bago bumalik sa pagkain.
“Ikaw naman Eve? ’Di ba sa lunes ay magsisimula na ang training camp niyo?” baling naman sa akin ni Marco kaya naman tumango ako bago subuan si Eve. “Ilang araw raw kayo do’n?” tanong nito kaya sumagot ako.
“I’m not sure, but I think less or more than one month?” hindi ako sigurado sa sagot ko dahil hindi rin naman ako sigurado kung makakasama ba ako.
“Ang tagal, ibig sabihin isang buwan ka rin naming hindi makikita?” tanong Ate Jaz kaya naman tumango ako.
“’Di ba ay may permit kayo?” tanong ni Dylan kaya naman ay sa kaniya naman ako tumingin.
“Oo, pinapirmahan ko Kay Icom,” sagot ko dito.
Binalingan ko si Eve na hinihitak na ang damit ko dahil nagpapasubo na ulit. Sinubuan ko siya at nakinig sa pinag-uusapan nila.
Kandong-kandong ko si Eve at no’ng susubuan ko na siya ay nakita kong nkaapikit na siya at nakayuko.
“Eve?” mahinang tawag ko rito pero hindi na siya sumagot, nakatulog na siya habang hawak-hawak ang fried chicken.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinikturan si Eve.
“Ang bait mong kapatid Eve, imbes na ilagay mo na sa k’warto ’yon kapatid mo hindi at pinikturan mo pa!” singhal sa akin ni Jade bago lumapit at kunin ang kapatid ko.
Nakita ko na tumatawa si Marco at Dylan habang nakatingin sa akin kaya naman pinanglakihan ko sila ng mata.
Napatingin ako sa oras ng cellphone ko at biglang akong napangiwi.
Tumingin ako sa dalawa bago ipakita ang oras, at agad na nawala ang mga ngiti nila sa labi.
“11:25?” tanong ni Dylan.
“Yes, it’s 11:25,” sagot ni Marco bago sila mag-unahan tumayo. Tatakbo na sana sila pero parehas kong dinakma ang likuran ng damit nila.
“Walang uuwi hanggang hindi malinis ang bahay nila Jade,” sabi ko sa kanilang dalawa, agad naman silang bumalik.
Halos mapunit na ang mga labi ng dalawang ’to sa harap ni Icom.
“Magandang gabi Icom.” Nakangiting sabi ni Marco at tatangkain sanang pumasok pero humarang sa gate si Icom.
“Ang usapan ay usapan, kung aabutin kayo ng alas onse ng gabi sa labas ay hindi ka na makakapasok,” maawtoridad na sabi ni Icom bago tumingin sa akin.
Napailing na lang ako bago sumandal sa kotse ni Dylan na sinakyan naming tatlo. Iniwan ko na ang motor ko kila Jade dahil kung sakali mang matuloy akong umalis ay kampante akong nasa maayos na kalagayan ang motor ko.
“Naglinis pa kasi kami sa bahay nila Jade dahil nakakahiya naman na iwan namin ’yon na madumi,” pagdadahilan ni Marco at umiling naman si Icom.
Mukhang hindi oobra ang mga gano’ng dahilan kay Icom.
“Bigyan niyo ako ng isang magandang rason kung bakit ko kaya kailangan papasukin,” sabi ni Icom at nangungunang sumagot si Dylan.
“Ako deserve kong makapasok dahil bukas ang sasamahan kong magpacheck-up si Ate,” mayabang na sagot nito at nagulat naman ako nang buksan ni Icom ang gate at nagmamadaling pinasok ni Dylan ang sasakyan niya. Nagba-bye siya kay Marco bago tumingin sa akin at kindatan ako pero isang blangkong tingin lang binigay ko sa kaniya.
Sarap tusukin ng mata ni Dylan para lagi nalang siyang nakapikit at hindi na makakindat.
“Ako! Ako! Uuwi ako bukas sa amin at kasama kita kaya kailangan ko ng makapasok ngayon dahil mag-aayos pa ako ng mga gamit ko,” sabi ni Marco at napangiti naman siya ng malapad dahil binuksan ni Icom ang gate kaya naman dali-dali niyang pinasok ang sasakyan niya.
Lumapit ako sa gate at tumingin kay Icom.
“Wala akong valid reason, kaya baka kila Jade na lang ako matulog,” sabi ko at handa na sanang umalis pero pinigilan niya ako.
“Kakausapin kita kaya bawal kang umalis ngayon, pasok,” utos nito sa akin kaya naman pumasok na ako.
Hindi ko naman na nakita ang dalawa dahil sa palagay ko ay pumasok na sila sa loob ng bahay.
“Sumunod ka sa akin,” utos sa akin ni Icom kaya naman tahimik akong sumunod sa kaniya.
Nadaanan namin ang dalawa na nag-aagawan sa remote.
Umakyat siya sa taas kaya naman sumunod din ako sa kaniya, napansin ko na papunta siya sa kwarto niya kaya naman nagtakha ako.
Don’t tell me na d’yan kami mag-uusap?
“Pasok,” Sabi niya kaya naman pumasok ako. Namangha ako sa loob ng k’warto ni Icom.
Malinis ang tiles nito na kulay itim, ang pader nito na kulay gray at ang dami niyang collection na paramg mga pang-doctor?
Maluwang at malaki ang kwarto ni Icom hindi tulad nang sa akin.
“Maupo ka,” utos niya kaya naman umupo ako sa sofa na nasa tabi ko.
Inabot niya sa akin ang permit ko at nakita kong may pirma na niya iyon.
“S-salamat,” sambit ko at tatayo na sana ang kaso ay tinulak niya ako paupo ulit.
“Mag-usap tayo,” seryosong sabi nito kaya naman bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko. Tumango lang ako bilang sagot.
“Pinag-isipan ko ’yang mabuti.” Nginuso niya ang permit ko. “Hindi ako nagpadalosdalos.” Tumango ulit ako, wala akong masabi, hindi ko alam ang sasabihin.
“Eve, nag-iisang babae ka lang do’n kaya ingatan mo ang sarili mo.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
‘Icom...’
“Simula palang napansin ko na. ’Yong kilos mo. At ’yong mga undies mo na nakita ko. At mas lalo kong napatunayan ’yon dahil sa isang ensidente na nangyari sa VRIS, 4 years ago...” k’wento niya sa akin at dinaga naman ang dibdib ko.
‘Si kuya Ezekiel...’
“Hindi mo na ba ako naaalala Callista?” tumingin ako sa kaniya bago mapalunok ng tawagin niya ang totoo kong pangalan.
“L-let me explain,” kabadong sabi ko sa kaniya pero umiling na siya.
“I don’t need your explanation,” sabi nito bago tumayo.
Si Icom? Siya ba ’yong lalaki na nando’n sa hospital nang pumunta ako do’n? Bakit hindi ko siya nakilala o naalala? Ibang-iba ang hitsura niya sa Icom na nakita ko sa hospital 4 years ago.
“Kapatid ka ni Chester, nakakabatang kapatid. Ikaw si Callista Everielle Valencia,” sabi nito.
Nanginginig amg mga kamay ko at hindi makatingin ng diretso kay Icom.
“’Wag kang mag-alala dahil hindi naman ako madaldal at hindi din ako galit sa’yo,” nalambing na sabi nito.
Tumayo siya at lumapit sa akin.
“’Yong permit na ’yan, hindi ko pinirmahan ng basta-basta.” Humito siya bago ako yakapin. “Hindi ko kasi hahayaan na mapabayaan ko ang kapatid ng kaibigan ko, ang nakakabatang kapatid ni Chester.” Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at tumingin sa akin bago siya ngumiti. “Ang prinsesa ng magkakapatid na Valencia.”
****
Sabay na nangarap, sabay rin kayang matutupad?
Dylan or Icom?