CHAPTER 33 PARKING LOT

4220 Words
EVE’s POV Pinatay ko ang alarm ko ng tumunog ito, antok na antok pa ako pero kailangan kong pumasok dahil ang alam ko ay kakausapin kami ngayon ni Coach. Bumangon ako habang nakapikit at nagkakamot ng ulo. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilaplnos para kahit papaano ay matanggal ang antok ko. Lumapit ako sa tub at pinuno ’yon ng tibig at nilubog do’n ang ulo. Paghahon ng ulo ko ay tumingin ako sa salamin at napangiwi ng may maalala akong nangyari kanina. Nararamdaman ko na parang may tumatamang mainit na hangin sa’kin kaya naman kahit na inaantok ay dinilat ko ang mata ko at nagulat ako ng makita kong sobrang lapit ng mukha ni Dylan sa’kin. “Anong ginagawa mo?” tanong ko kay Dylan ng makita ko siya na nakap’westo at handa na akong buhatin. Nakita ko na namula ang mukha niya at nanlalaki ang mga mata. “B-bubuhatin s-sana kita, ililipat na k-kita sa loob.” Kanda bulol na sagot nito sa’kin kaya bahagya ko siyang tinulak para magkaron ng espasyo sa pagitan namin. “Hindi ba p’wedeng gisingin mo ako?” tanong ko rito at kinuha ang bag, tumayo naman siya ng deretso at nakamot sa ulo. “A-ayaw ko kasing magising ka,” sabi nito na hindi makatingin sa’kin ng diretso. Bumaba ako sa kotse niya kaya naman umatras siya para may madaanan ako. “Dapat ginising mo nalang ako, tss,” sabi ko bago siya lagpasan at dumeretso sa bahay. Pagbukas ko ay agad na bumungad sa’kin si Icom na nakaapron. “Goodmorning,” nakangiting sabi niya kaya naman binati ko rin siya bago umakyat sa kwarto ko, gusto kong ituloy ang pagtulog ko. Hinagod ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko bago kunin ang bag, kukunin ko na sana ang susi ng motor ko kung saan ko madalas ilagay ’yon pero wala ako akong nakapa. Napapikit ako nang maalalang iniwan ko nga pala ’yon kila Jade kaya naman nag-text agad ako kay Jade na dalhin niya ang motor na agad naman siyang sumagot. Bumaba ako sa kusina dahil gusto kong kumain ng ramen. “Ano!?” malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang boses ni Marco na may kausap sa kusina. “Ang ingay mo! Sinabi ng oo!” narinig ko naman ang boses ng chismoso kaya naman pumasok na ako sa kusina at bigla silang naghiwalay. Si Marco ay kumuha ng dyaryo pero baliktad naman si Dylan naman ay kunwaring nagluluto pero nasa lababo na ang kawali. Gusto kong matawa sa kanila pero tinatamad akong tumawa kaya naman dumiretso nalang ako sa cabinet at kumuha ng ramen bago lagyan ’yon ng tubig. Nakita ko na nagpapalitan ng makahulugang tingin sila Marco at Dylan kaya naman nagsalita ako. “Sige sa labas na lang ako kakain, pagpatuloy niyo na pagchichismisan niyo,” ani ko at tumayo, hindi ko na hinintay ang sagot nila at naglakad papuntang likod ng bahay kung saan may lamesa naman. Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa journal ng VRIS. “The Queen is back?” basa ko sa isang post na dumaan sa screen ko. “Queen? Reyna? Tss.” Mas pinili ko na lang na ibulsa ang cellphone ko at kainin ang ramen. Mahangin dito kaya hindi ko na kailangan ng electric fan, may puno at mga ibon, ang sarap sa pakiramdam. Masaya akong kumakain hanggang sa maramdaman kong may nakatingin sa’kin kaya naman tumingin ako sa taas kung saan ang bintana ng k’warto ni Dylan ay kita dito. Nakita ko siyang nakasilip do’n at nakatingin sa akin, ngumiti siya ng malapad sa’kin kaya naman napailing na lang ako bago binaling sa iba ang paningin ko. ‘Abno.’ Nang matapos akong kumain ay pumasok na ulit ako sa loob ng bahay at naabutan ko naman si Marco na naghuhugas ng mga plato. “G-goodmorning Eve,” bati sa’kin ni Marco habang nagsasabon ng mga plato. “Goodmorning, ah Marco?” tawag ko sa kaniya dahil may naalala akong sasabihin ko dapat sa kaniya. “Yes?” tanong niya sa akin at nagpunas ng kamay para humarap sa’kin. Napansin kong hindi pa siya nakabihis ng uniform kaya naman nagdadalawang isip pa ako kung magtatanong pa sa kaniya o ’wag na. “Uhmm, puwede ba ako makisabay sa’yo? Naiwan ko kasi motor ko.,” sabi ko at napakamot naman ng ulo si Marco. “Pasensya na Eve, mamayang hapon pa kasi ang pasok namin pero puwede naman kitang ihatid kung gusto mo.” Umiling agad ako, nakakahiya baka may gagawin pa siya. “Sa’kin ka na sumabay, aalis na ako.” Napalingon naman kami sa may pintuan ng kusina ng may magsalita doon. “Tara?” tanong nito sa’kin. No choice ako, wala na akong pera sa wallet ko para ipamasahe sa taxi, mamaya pa ako magwi-withdraw. Sumunod ako sa kaniya palabas ng bahay, nakita ko na huminto siya sa tapat ng kotse niya bago bumagsak ang balikat niya na agad ko namang ipinagtaka. “Bakit?” tanong ko dahil hindi talaga siya gumagalaw, tumingin siya sa’kin at nakita ko na nakasibangot siya. “Eve...” Tawag niya sa’kin kaya naman tumaas na naman ang kilay ko. “Bakit ba?” tanong ko at nagulat naman ako ng iabot niya sa’kin ang susi ng sasakyan niya. “Anong gagawin ko dito?” tanong ko at itinaas ang susi. “Ikaw mag-drive, masama pakiramdam ko,” sabi niya at umarte na parang nilalamig. ‘Arte, pwede naman niyang sabihin na tinatamad siya.’ Hinawi ko siya para makapasok ako sa drivers seat. “Nice.” Rinig kong bulong nito bago magmadaling pumasok sa passenger seat. Ini-start ko ang makina at agad na inatras ’yon, nakita ko na napahawak si Dylan dahil sa ginawa ko kaya naman lihim akong napangisi. ‘Pagkakataon ko na para makaganti.’ Nakangising sabi ko. Nang nailabas ko na ang kotse ay sakto lang ang pagpapatakbo ko dahil subdivision ’to at medyo maliit ang daanan. Napapansin ko na hindi kumikibo ang katabi ko at nakatingin lang sa daanan namin. Nang makalabas kami ng subdivison ay doon na ako tuluyang napangiti. Huminto muna ako at saka tinapakan ang gasolina para painitin ang makina, napasipol ako nang marinig ko ang tunog nito. “Dahan-dahan— woi!” napakapit bigla si Dylan ng paharurutin ko ang kotse niya. Nakangiti ako habang nagdadrive na parang nangangarera, nag-oover take rin ako at itong katabi ko ay halos tawagin na lahat ng santo. “EVE XHION! SLOW DOWN!” sigaw nito kaya naman nagmabagal na ako dahil liliko na kami papasok sa campus. Nagpipigil ako ng tawa dahil sa sunod-sunod na pagmumura nitong katabi ko. Nagpark ako at unang bumaba. Nag-inat ako bago tingnan ang kasama ko. “Hindi na kita paghahawakin ng manibela sa susunod!” singhal sa’kin nito na ikinatawa ko. Naglakad siya kaya sumabay ako sa kaniya. “Hinding-hindi na ako sasakay sa‘yo— s**t!” napatingin ako kay Dylan dahil panay ang mura niya. “Sige na, wag ka nag sasakay ulit sa’kin,” sabi ko sa kaniya para matigil na siya, tumingin ako rito at nakita kong pulang-pula ang mukha niya. ‘’Di ba, sabi sa inyo abno ‘yan.’ “Nga pala hindi ako sasabay sa inyo maglunch mamaya kaya wag niyo na akong intayin.” Kay Jade ako mamaya sasabay dahil may pag-uusapan kaming mahalaga. At saka kung iniisip niyong iniiwasan ko si Sandra ay nagkakamali kayo. “Hmm...” Tanging sagot niya. “At saka baka malate ako ng uwi mamaya dahil dadaan ako ulit sa kapatid ko.” Bilin ko ulit dito. “Hmm...” Sagot niya na naman kaya naman tinnignan ko siya. “Sumagot ka nga ng maayos,” inis na sabi ko dahil parang ewan ang sagot niya. “Hmm...” ’Di ba, sinipa ko siya sa paa kaya naman napatingin na siya sakin. “Ano ba!? Kanina ka pa ungol ng ungol d’yan!” Singhal ko sa kaniya at pinanlalakihan niya naman ako ng mata. “Abno!” sabi ko sa kaniya kaya naman sinamaan niya na ako ng tingin. “A-ano sabi mo!? Abno!? Sino abno!?” tanong nito sa’kin kaya naman humito ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. “Ikaw abno, hindi ka makausap ng matino,” sabi ko at iniwan na siya, walang patutunguhan ang sagutan namin. Hindi ko naman na siya pinansin at hindi na rin siya sumunod kaya naman tumuloy na ako sa department namin. “EVE!” Pagpasok ko sa room namin ay si Ruby agad ang sumalubong sa’kin. “Bakit absent ka kahapon?” tanong nito sa’kin at sinabayan akong maglakad papunta sa p’westo namin. “Nasa club ako maghapon kahapon,” sagot ko sa kaniya bago maupo sa upuan ko. “Club?” tanong niya at naupo rin sa tabi ko. “Oo volleyball club.” Wala pa ang prof namin kaya naman nag-iingay ang mga ka-block ko. “Ano ’yon, nagcutting ka?” tumingin ako sa kaniya at nagkibit-balikat. P’wedeng matawag na cutting ’yon dahil hindi ako pumasok sa mga klase ko pero nandito naman ako eskwelahan. Nang dumating na ang prof ay natahimik na ang lahat, wala naman ibang binanggit ang mga prof namin kung hindi ang tungkol sa training camp na gaganapin na pala sa monday kaya naman tong katabi ko ay halos gawin na akong punching bag dahil sa asar. Nabanggit kasi na ang volleyball player at runner lang ang kasali sa gaganaping training camp kaya naman asar na asar siya dahil badminton siya kasali. “Ahhh! Gusto ko ng tarining camp!” pagmamaktol ng katabi ko habang hinahampas ang braso ko. Oo kanina pa ako lamog dito pasalamat siya at hindi ako pikunin. “Gusto ko! Gusto ko!” napailing nablang ako dahil siguradong may pasa na ako sa braso mamaya. “Wala akong magagaw,” sabi ko at napangiti dahil excited na ulit akong makapunta sa training camp at ang sabi pa ay isang buwan daw ’yon. “Tingnan mo! Tingnan mo! Kasama si Emerald tapos ako hindi!” ipinagdukdukan niya sa kin ang cellphone niya ng makita ang post ng kambal niya. “Wala akong magagawa,” sabi ko rito at nagpapapadyak naman siya dahil sa inis. Isang buwan? “Ikaw pupuntang training camp?” tanong sa’kin ni Jade, sumubo naman ako bago tumango. “Nag-iisip ka ba?” tanong sa’kin nito habang nakataas ang kilay. “Oo nga nag-iisip ka ba?” napatingin ako kay Ul na kumakain din, hindi ko alam kung bakit siya nandito dahil ang alam ko ay si Jade lang ang kasama ko. “Ano bang problema?” tanong ko, wala naman akong nakikitang problema bukod sa isa. “Babae ka, lahat ng kasama mo ay lalaki anong malay mo ay bigla ka nilang ma-rape o ano.” Alam ko kung bakit nagkakaganito si Jade dahil nag-aalala siya sa’kin pero wala akong magagawa, alam kong hindi mag-aadjust si Coach ng dahil lang sa’kin. Mahirap din na lumaban na walang pinaghirapan o pinag-aralan. “Kaya ko naman ang sarili ko, naalala mo ba nang pumunta ako sa Japan?” tanong ko rito at tumango naman siya pati na rin si Ul. “Hindi lang ako namasyal doon, nagtraining ako kasama ni Mama.” Paliwanag ko sa kanila pero ang mga mukha nila ay tutol pa rin. “Hindi niyo kailangang mag-alala dahil hindi naman ako susugal sa alam kong wala ’kong panalo,” sabi ko sa kanila para mapanatag ang loob nila. “Alam ko namang hindi kita mapipigilan pero hindi ko talaga maiwasang hindi mag-aalala sa tuwing maiisip ko na puro lalaki ang kasama mo.” ’Yan si Jade, kahit na abno madalas ’yan ay hindi mo maaalis sa kaniya ang pagiging maaalalahanin. “Waiter! Isang special halo-halo po yung large size po.” Napatingin ako kay Ul dahil ang dami na niyang nakain tapos humirit pa ng dessert. “’Wag kang mag-alala, may kasama naman akong babae doon,” sabi ko kay Jade pero walang epekto ’yon. “Babalik ako ng ligtas.” Wala akong magagawa kung hindi ang mangako. “Oo nga Jade, alam ko na kayang-kaya ni Cally ’yan.” Hindi ko talaga maintindihan ’tong Ul na’to kung kanino kumakampi. “Ikaw naman...” Napahinto si Ul sa pagkain at tumingin sa’kin. “’Wag mo akong tinatawag na Cally pag may kasama tayong ibang tao, naiintindihan mo?” sabi ko at tumango naman siya. “Noted.” Tamad na sabi niya at kumain na ulit. “Pero Eve, paano si Eve kung sakaling hanapin ka niya? Anong gagawin ko?” napabuntong hininga ako sa tanong ni Jade. “Video call, mayroon namang video call.” Minsan talaga may pakinabang talaga ’tong si Ul. “Hindi ko alam kung kailan kami uuwi pero kailangan sa pag-uwi ko ligtas at maayos lahat ng taong nasa paligid ko.” Seryosong sabi ko na nakapagpatigil sa kanilang dalawa, naging seryoso na rin sila dahil alam nila na magbibilin ako. “Uma Liteille, sa’yo ko ibibilin si Sandra dahil parehas kayo ng department. Bantayan mo siya habang wala ako,” sabi ko rito at tumango naman siya. “Nasa paligid lang si Third at kailangan ay nasa paligid ka rin ni Sandra kung kinakailangan na magsama ka ng ibang tao, gawin mo.” Sa mga ganitong bagay ay si Ul ang napapakinabangan ko dahil dati ata ’tong basag ulo, biro lang. “Jade....” Tumingin ako sa kaniya at agad naman siyang tumango. “Ako ng bahala kay Eve pati na rin sa iba mo pang kaibigan lalo na kay Dy—” Binato ko sa kaniya ang tissue na ikinatawa niya. “Hindi ako nakikipagbiruan Jade,” sabi ko at ramdam ko ang init ng mukha ko. “Kanino? Sino?” curious na tanong ni Ul kaya naman tiningnan ko siya. “Wala.” Natatawang sabi ni Jade kaya naman tinignan ko siya ulit. “Oo na ako na bahala, hindi ko hahayaang may lumapit na iba doon.” Mas lalong dumilim ang mukha ko dahil sa sinabi niya na ikinatawa nilang parehas, si Ul ay halatang nakikitawa lang at walang alam sa sinasabi ni Jade. Sarap pag-untugin ng dalawang to, parehas abno. “Sige na, mauna na ako sa inyo.” Tumayo ako at nalapag ng pera. “Kayo na bahala d’yan.” Bilin ko sa kanila. “Bye! Bye! Cally!” sabi pa ni Ul sa’kin kaya kumaway na lang ako sa knila bago sumakay sa motor ko. Hindi naman malayo ang resto na kinainan namin ni Jade dito sa campus kaya naman nakadating agad ako dito, nagpark ako at inayos ’yon. Sobrang init dahil tirik na tirik ang araw kaya naman nagmamadaling akong naglakad pero sa paglalakad ko na ’yon may bumunggo sa’kin dahil upang mapatingin ako rito. “Hell!” sigaw nito at nagpagpag ng kamay, naramdaman ko na nabasa ang coat ko kaya naman pinagpagan ko ’yon. “Bulag ka ba!?” galit na tanong sa’kin ng babaeng nakabangga ko. Tinaasan ko siya ng kilay at umiling bago kunin ang panyo ko hindi para ibigay sa kaniya kung hindi para punasan ang sarili ko. “Kinakausap kita, bulag ka ba kako!?” tanong nito kaya naman hinarap ko siya, magkasing tangkad lang kami pero kung huhubarin niya ang sapatos nya na may taas sigurong 5 inches ay mas matangkad ako sa kaniya. “Nakikita kita,” sabi ko sa kaniya at natawa naman siya na parang naasar sa sinabi ko. “Tingnan mo ang ginawa mo!” tiningnan ko siya at nakita ko na basa ang uniform niya hanggang palda niya dahil sa hawak niyang juice kanina na natapon. “Okay?” sabi ko matapos ko siyang suriin. Tumaaas naman ang kilay niya na kasing tulis ata ng lapis. “Are you stupid!?” ano ba ’to? Q and A? Hindi ba siya na naiinitan? Nasa gitna kaya kami ng initan. Napailing na lang ako at magsisimula na sana akong maglakad ang kaso ay pinigilan niya ako. “I’m not done talking to you.” ‘Ano bang problema nito? Kung ako ngang nabasa rin ay hindi naman nagreklamo pero siya na ngang may kasalanan... aish!’ “What do you want?” malamig na tanong ko rito dahil nag-iinit na ang ulo. “Hindi mo ba ako kilala?” tanong nito sa’kin at nakikipagtagisan ng tingin. “Hindi, at wala akong akong balak na kilalanin ka,” sagot ko rito at nakita ko kung paano namula ang maputi niyang mukha dahil sa inis. “I don’t have any time to play with you, so you better shut up. Back off.” Sobrang init na rito at nanlalagkit na ako. Bakit ba paborito akong matapunan ng mga inumin? Nang una kape ngayon juice ano sunod? Tea? “What did you just say!?” hindi talaga marunong magpatalo ’to. “Nabasa rin ako pero nagreklamo ba ako? Ikaw ’tong may kasalanan sa ’ting dalawa pero sinisi ba kita? Kung gusto mong humingi ako ng sorry, sorry kasi binangga mo ako,” sarkastikong sabi ko rito at nakita ko naman na nagtiim ang bagang nito. “I’m the Queen!” sigaw niya sakin kaya naman napatigil ako. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, maganda siya at mukhang mayaman pero isa lang ang masasabi ko.... “Ohh, I don’t care,” sagot ko sa kaniya at tumalikod. Masyado na akong nagsasayang ng oras sa walang kwentang bagay. “AARRRRGGGG!” rinig ko pang sigaw niya pero hindi ko na siya sinagot. Wala namang nakakita sa’min dahil nasa parking lot kami at walang estudyante. Naglakad ako papasok sa campus pero hinarang agad ako ni Kale nang tangkain kong lumiko sa hallway kung na saan ang department namin. “Hey?” bati ko sa kaniya at ngumiti naman siya. “Nagpatawag si Coach ng meeting about sa mangyayaring training camp,” sabi niya sa’kin kaya naman napatango ako bago sumunod sa kaniya papunta sa volleyball gym. Ang daming tanong ni Kale buti na lang at nasa hulog akong sumagot ng sumagot ngayon. “Pero ang alam ko kailangan ng guardian do’n kasi may ibibigay na permit si Coach at papapirmahan mo ’yon sa guardian mo,” zabi kaya naman nag-isip ako. Kung kay Jade ko papapirmhan ’yon ay okay lang pero kailangan din namang malaman ng mga kasama ko sa bahay ang mangyayaring training camp at kailangan ko rin ang permission nila. Kay Icom nalang kaya ako magpapirma? Sigurado naman akong pipirmhan niya ’yon. Napapitik ako dahil wala na akong problema, solved na. Pagpasok namin sa gym ay naabutan namin si Sky at Clarence na naglalaro ng bola samantalang si Axe naman ay nasa isang gilid habang nagce-cellphone nilapitan ko siya at tinabihan, siya ang kailangan kong mas lalong makasundo dahil siya ang mas madaming ambag sa magiging laro namin. “Hey...” Hindi ako sanay na ako ang nauunang makipag-usap. Huminto siya saglit sa paglalaro sa cellphone at tumingin sa akin. “Hmm...” aniya at tumango at saka bumalik sa ginagawa niya. “Hindi na kita napa-gtoss last time, bawi na lang ako next time.” Nagulat ako ng sabihin niya iyon, hindi ko alam na marunong pala siyang makipag-usap? Mukhang wala nang problema talagang katawan at stamina na lang niya ang problema, magkasing katawan lang siguro kami ni Axe at mukhang mabilis din siyang mapagod. Napailing na lang ako dahil mukhang hindi mahilig sa gulay si Axe dahil sa hitsura ng pangangatawan niya. “Umiinom ka ba ng gatas?” tanong ko rito at umaling naman siya na hindi tumitingin sa akin. “Gulay o prutas kumakain ka?” 0arang kumakausap ako ng bata. “Hindi rin, wala akong hilig sa mga ganiyang pagkain,” sagot nito kaya naman napatango ako, pasensya na hindi uobra sa’kin ang mga ganiyan. “Magkakahilig ka niyan kapag nagsimula na ang training camp.” Siguradong sabi ko sa kaniya at tumingin naman siya bago pumikit ng ilang ulit at magkibit balikat tsaka bumalik sa pagce-cellphone. “Attention!” napatingin kami sa isang babaeng pumasok sa gym, para siyang nerd na ewan. “Good day!” napatingin ako ng sabay-sabay na nag-bow ang mga player puwera lang sa aming dalawa ni Axe na nakaupo dito sa sulok. Hindi ko kilala ang babaeng ’to at ngayon ko lang din siya nakita dito. “Ma’am sha.” Napatingin ako sa katabi ko mg may tawagin siyang pangalan, pagtingin ko sa harap ko ay nakita ko na ang babaeng kakapasok lang na nasa harap namin. “Axe! Nagce-cellphone ka na naman!” saway nito kay Axe bago kunin ang cellphone sa katabi ko. “Isang game na lang,” sabi nito at kukunin sana ang phone niya sa babae pero binulsa na niya iyon. “Hello, I think you are Eve. Eve Xhion?” Tnong nito sa akin na ikinatango ko. “I see,” sabi nito at bumalik sa iba pang mga player. “Ma’am Sha.” Mahinang tawag nito, sobrang hinhin ni Axe daig pa ang babae. “Sino ’yon?” tanong ko at tumingi naman siya sa akin. “Sharlyn Cayabyab, ang may hawak sa volleyball club.” Paliwanag niya bago tumayo at lumapit sa tinatawag niyang ma’am Sha. Pinanood ko siya kung paano siyang lumapit at tiningnan ang bulsa ng babae kung nasaan ang cellphone niya. “Xhion! Tara dito!” sigaw sa akin ni Kale kaya naman tumayo ako at lumapit sa kanila. Habang naglalakad ako ay nagtama ang paningin namin ni Hobi, ang mga mata niya kung paano siya tumingin ay ayaw na ayaw ko dahil para bang ang tingin niya sa tinitingnan niya ay parang isang mababang uri ng tao. Nangmamaliit ang mga tingin niya. ‘Hobi, napakalayo ng agwat na’tin pagdating sa paglalaro ng volleyball.’ Ngumisi ako ng magsalubong ang mga kilay niya. “Excited na ako, nando’n kaya si Steve!?” humarap si Lymier kay Kale at inuga-uga pa ito. “Si Ian kaya nando’n din!?” isang malutong na kutos ang binigay sa kaniya ni Clarence. “Malabo Lymier dahil senior na natin sila at sigurado akong na sa ibang lugar na sila magta-training camp dahil hinfi na sila p’wede makisali sa ating mga junior,” sabi ni Clarence kaya naman agad na bumagsak ang mga balikat ni Lymier bago mapakamot sa ulo. Tumabi ako kay Axe na nakatingin lang kay ma’am Sha. “Ito na ang hinihintay niyo ang permit, kailangan ay pagbalik niyo sa monday ay may pirma na ito ng guardian niyo na ang ibig sa abihin ay pinapayagan nila kayo na sumama sa training camp.” Mahabang lintaya ni ma’am Sha habang nag-aabot ng mga papel. Binasa ko ’yon at tungkol nga iyon sa magaganap na training camp. “Kung walang pirma ’yan, ay pasensyahan tayo.” Parang nanigas sa kinatatayuan ang mga iba kong kasama. “Ako, papayagan ako!” mayabang na sabi ni Clarence at humagalpak ng tawa. “Suportado ako kaya sigudong papayagan ako!” si Sky na may ngiting tagumpay. “Ako rin.” Napatingin ako sa nagsalitang Axe. Ang hinhin niya talaga parang pagsinipa ko siya ay titilapon na siya agad. “Basta ang usapan ay usapan, sige bumalik na kayo sa room niyo sa monday na lang.” Binulsa ko ang permit na binigay niya sa amin at naghiwa-hiwalay na kami dahil magkakaiba ang department namin. Nakapamulsa akong naglalakad pabalik sa department namin. Wala na ang mga estudyante dahil sa palagay ko ay nagsimula na ulit ang klase. Liliko na sana ako papunta sa department namin pero naisip kong pumunta muna sa department nila Sandra, ilang araw na rin kaming hindi nagkakausap kaya naman kahit makita ko na lang siya. Kahit na may kalayuan ay pinagtyagaan kong lakarin ’yon. Alam ko ay nasa 4th floor sila kaya naman katakot-takot na hagdanan ang inakyatan ko. Pagdating ko sa floor kung saan ko makikita si Sandra ay nagsimula na akong maglakad. Nakapamulsa lang ako habang pasipol-sipol. Pasimple rin akong sumisilip-silip sa mga room na madadaanan ko at sa bawat pagsilip ko ay silang pag-iingay ng ilang kababaihan pagnakikita ako. Sumilip ako sa isa pang room pero wala si Sandra, isa na lang ang room na hindi ko napupuntahan ang dulo at sigurado na akong nando’n siya. Inayos ko ang sarili ko at deretso lang ang tingin, ng tumapat ako sa huling room ay mabilis kong tiningnan ang loob ng room at nahagip ng mata ko si Sandra na nakaupo sa may dulo habang kinakausap ang ka-block niya. Napangiti ako bago bilisan ang paglalakad. Okay na sa akin ’yon, nakita ko na siya at alam kong ok siya. “Excuse me?” napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa likod ko, nakita ko dito ang isang professor na nakatingin sa akin. “Yes?” tanong ko rito, mukha siya ang prof nila Sandra ngayong oras. “Bakit ka nandito? Hindi ba’t sa Engineering Department ka?” tanong nito at tiningnan ang tag sa damit ko na sumisimbolo na sa Engineering Department ako nabibilang. “Namamasyal lang ho,” sabi ko rito at agad na tumaas ang kilay niya. “Sa oras ng klase!? Aba’y kaigaling mo pala! Sige, bumalik ka na sa department niyo!” pagtataboy nito sa akin kaya naman napakibit balikta na lang ako at sinimulang maglakad pababa sa building na ’yon. ***** Ano ba kasing sakay ang nasa isip mo Dylan? Last Two Chapters before the Training Camp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD