Inaantok na ako pero hindi ko magawang matulog dahil nandito pa si Dylan na nakikipagharutan sa kapatid ko.
Kanina pa ’yan, ayaw niya na atang bitawan.
“It Bulaga!” dabi ni Dylan at tuwang-tuwa naman si Eve.
Tumingin ako kay Jade na hindi na nakaakyat sa taas at sa sofa na lang natulog, alas kwatro na ng madaling araw at pare-pareho kaming bangag dahil wala pa kaming maayos na tulog.
“Hindi ka pa ba hinahanap nila Icom?” tanong ko kay Dylan dahil ang alam ko ay ganitong oras palang ay gising na si Icom.
“Hindi, alam nila ay nasa mansion ako ngayon dahil sumama ako kila Ate umuwi,” sabi niya na nakapagpataas ng kilay ko.
“’Di ba—”
“Wala naman si Dad nasa business trip sila ni Mom,” sagot na niya sa sasabihin ko dapat.
“Dylan ilang taon ka na?” napatingin naman ako kay ate Jaz na nagbabasa ulit mg libro.
Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at tumingin sa kanila.
“21 po,” magalang na sagot ni Dylan.
Ang galang parang hindi abno kapag kami lang tao.
Pinilig ko ang ulo ko dahil sobrang antok na ako, feeling ko nga umiikot na paningin ko.
“Nii-chan!” tawag sabakin ni Eve kaya naman tumingin ako rito.
“Yes?” tanong ko sa kaniya at lumapit naman siya sa akin para magpakarga.
“Gusto ni Eve ng dede,” bulong nito sa akin kaya naman tumango ako. May alam ako sa pagtitimpla ng gatas dahil minsan ko na ring naalagaan ang pamangkin ko sa pinsan.
Tumayo ako at binitbit siya.
“Kayo muna d‘yan, magtitimpla lang ako ng gatas ni Eve,” sabi ko at pumunta sa kusina habang karga-karga si Eve.
“Nelon, nelon sinta buto ng papaya~” kanta ni Eve habang naglalakad kami papunta sa kusina.
Inilapag ko siya sa ibabaw ng lamesa at kinuha ang gatas nya at dede.
Hindi naman malikot si Eve at malaki naman ’tong lamesa nila Jade kaya naman kampante akong hindi siya mahuhulog.
“Dalay-dalay buslo sisidla bunga~” Naririnig kong kumakanta pa rin si Eve.
Inalog ko ang gatas niya bago siya ulit kargahin, binigay ko sa kaniya ang dede niya at naglakad pabalik ng sala.
“Wala po pero may nagugustuhan po ako.” Rinig kong sabi ni Dylan bago ako maupo sa sofa habang karga si Eve. Sigurado kong matutulog na ’to.
“Ah, gano’n ba? Umamin ka na ba?” tanong ni Ate Jaz na hindi ko alam kung ano ang sinasabi.
“Hindi po, manhid po kasi siya,” sagot naman ni Dylan kaya tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin.
“Ano tinitingin-tingin mo? Gusto mo ring dumede?” tanong ko rito at inirapan naman niya ako.
“Opo, manhid siya wala po siyang kasing manhid,” sarcastic na sabi ni Dylan.
“Maganda ba ’yon?” tanong ni Ate Jaz at hindi naman mapigilan ni Dylan ang mapangiti na parang nakikita niya ang babaeng sinasabi niya.
‘Akalain mo nga naman, may nagugustuhan din pala ’tong abno na ’to.’
“Opo, sobrang ganda niya,” sabi nya at napangiti habang nakatingala.
Parang may tumusok na kung ano sa dibdib ko ng makita ko ang ngiti ni Dylan.
Umiling ako ng ilang beses dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Dala lang ’to ng antok ko.
Tiningnan ko si Eve at tama nga ako ng hinala. Tulog na ang kapatid ko.
“A-ah, sige aakyat ko na si Eve nakatulog na,” sabi ko at tumayo pero hindi pa man ako nakakahakbang ay nagsalita si Dylan.
“Bilisan mo ha? Sumabay ka na sa akin umuwi.” Tinaasan ko siya ng kilay, ang galing naman, hindi niya ba alam na kaya ako nandito dahil sa kapatid ko tapos ngayon papauwiin niya ako? Tatay ko ba siya? “Stupid. May pasok tayo mamaya,” sabi niya at napapikit ako ng maalalang biyernes palang pala ngayon.
Napailing na lang ako bago lumapit kay Jade na natutulog.
“Jade,” tawag ko rito pero tulog mantika nga pala ang isang ’to. “Jade.” Sinipa ko siya at gumalaw naman siya. “Jade.” Sa pangatlong tawag ko ay nilakasan ko na ang sipa ko sa kaniya.
“Ano ba!?” inis na tanong nito bago maupo. “Natutulog ako eh,” maktol niya.
“Uuwi na ako, itabi mo na s’ayo si Eve,” sabi ko rito at tumayo naman siya bago kunin ang kapatid ko sa akin.
Umakyat kami sa taas dahil kukunin ko na rin ang cellphone at bag ko para makauwi na rin.
“Ako nang bahala dito, tatawag na lang ako sa’yo pag nagkaproblema ulit,” sabi ni Jade at sasagot na sana ako pero sinarado na niya ang kwarto niyang mahiwaga.
“Tss.” Bumaba ako dala ang mga gamit ko, hindi ko kayang magdrive nahihilo talaga ako.
“Sige po mauna na po kami, pasensya na po at naabala ko ang pagtulog niyo,” sabi ni Dylan bago tumayo.
“Sige mag-ingat kayo,” sabi ni Ate Jaz at hinatid pa kami sa labas ng gate nila.
“Ate Jaz, uwi muna ako, kayo muna bahala kay Eve, babalik na lang ako bukas,” sabi ko bago humarap sa sasakyan ni Dylan.
Umiikot na nga ang paningin ko kaya naman napapikit ako at umiling, nang marinig kong bumukas na ang makina ng sasakyan ni Dylan ay pumunta na ako rito at sumakay.
Nakita ko pa na kumakaway si Ate Jaz sa amin kaya naman binusinahan siya ni Dylan bago tuluyang umalis.
“’Yon pala ’yong kapatid mo, nasaan ’yong iba?” tanong sa akin ni Dylan, pumikit naman ako bago sumagot.
“Nasa bahay namin, baka gusto mong makita pumunta ka na lang doon,” sagot ko sa kaniya.
Hindi ko masyadong naintindihan ang sunod na sinabi ni Dylan dahil mahina ’yon at sa sobrang antok ko na rin.
Naramdaman ko na unti-unti akong dinadalaw ng antok at hindi ko na iyon mapigilan kaya naman nakatulog ako.
DYLAN’s POV
“Magandang gabi po young master.” Magalang na bati sa akin ng mga butler namin dito sa mansion at Oo sinama ako ni Ate umuwi rito dahil wala naman daw sila Dad kaya samahan ko muna sila at dahil mabait at g’wapo ako ay pumayag na ako.
“Kumain ka d’yan kung gusto mo, lagod ako hindi kita maipapagluto,” sabi sa akin ni Ate at lumapit para humalik sa pisnge ko na nakasanayan na niyang gawin bago sila pumunta sa kwarto nila ni Kuya Ryu.
Tahimik na ang buong bahay, wala na rin katulong na gising kaya naman napagpasyahan kong pumunta na sa k’warto ko dito.
Binuksan ko ’to at halos walang nagbago simula no’ng huling punta ko rito nang nakaraang taon.
Kumuha ako ng towel sa closet ko bago pumasok sa cr, sumampa ako sa bath tub bago ’yon punuin ng tubig. Alas onse na ng gabi pero hindi pa ako nakakaramdam ng antok.
Sinandal ko ang ulo ko sa tub at pumikit.
‘She’s coming back.’
Napadilat ako ng maalala ang sinabi ni Icom sa akin kaninang umaga.
“For what?” tanong ko sa sarili ko, para saan at babalik pa siya? Akala niya ba ay babalikan ko siya? Hell no!
Nagbanlaw na ako dahil parang gusto ko ng mahiga, nagbihis lang ako ng boxer at sumampa sa kama ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang social media pero wala akong ganang mag-cellphone kaya naman inilagay ko nalang sa side table ko ang ang cellphone ko at binuksan ang T.V.
Manonood na lang ako ng anime.
Pinindot ko ang isang anime na paborito at ilang beses ko ng pinanood, ang Fairy Tail.
‘She’s coming back.’
“E ano bang pakialam ko!?” inis kong tanong dahil nagpapaulit-ulit ang sinabi sa akin ni Icom. “Bumalik siya kung gusto niya at wala na akong pakialam!” para na akong baliw rito dahil nagsasalita ako ng mag-isa.
Nagtalukbong na lang ako at nagbabalak ng matulog pero halos dalawang oras na ata akong nagpapaikot-ikot dito pero hindi ako makatulog, namamahay ako sa sarili kong bahay.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang oras 2:30am
Binuksan ko ang messenger ko at nakita kong active si Eve. Papatayin ko na sana ang cellphone ko pero biglang may isang chat na dumating sabl akin.
: Eve
—Nsjshwbwuswn
Napataas ang kilay ko dahil sa uri ng chat ni Eve.
:Replied
—Huh?
:Eve
majabqhwushw
Adik na ata tong si Eve, nakakatakot.
:Replied
Are you crazy?
:Eve
Pansyqvwkqbasu
:Replied
Eve are you drunk?
Pinindot ko ang video call dahil baka lasing si Eve at kung nasaan. Napataas ang kilay ko ng mukha ng isang bata ang bumungad sa akin, ngumiti ito at kita ang dalawa niyang ngipin sa harap.
“Hey...” tawag ko rito.
“Hello poooo,” sagot niya sa akin kaya naman natawa ako dahil ang cute nyia pero sino ba ’to? Sino may hawak ng cellphone ni Eve.
“Hi, nasaan si Eve?” tanong ko rito.
“Eto po.” Tinuro inya ang sarili niya kaya naman natawa ako.
“I mean si Kuya Eve,” sabi ko rito.
Umupo ako sa swivel chair ko at tumingin sa cellphone.
“Tuya Eve? Wala tuya si Eve.” Napataas ang kilay ko at matawa, jinojoke time ata ako ng batang ’to.
‘Nasaan na ba ang lalaking ’yon!?’
“Bakit mo hawak ’yong cellphone ni Eve?” tanong ko at nakita ko naman na bumahing siya at ngumiti, ang cute ang sarap iuwi.
“Gugutom po si Eve,” sagot niya sa akin at napatango naman ako.
“Nagugutom si Eve?” tanong ko at tumango naman siya. “Ano gusto ni Eve?” tanong ko pa.
“Opo, gugutom po si Eve kaya po gusto to po prayd chiten.” Pinilit kong intindihin ang sinabi niya dahil fried chicken lang ang naintindihan ko.
“Ok, I got it,” sagot ko na lang.
“D-dylan?” nakita ko ang mukha ni Eve na parang bagong gising lang at gulat na gulat. “Nii-chan! Tuya Dylan!” rinig kong sigaw ng bata ng marinig niya ang pangalan ko.
Napapakamot naman sa ulo si Eve bago magsalita. “P-pasensya na sa abala,” sabi niya kaya naman umiling ako.
“It’s ok, send me your location,” utos ko rito at agad naman tumutol ang mukha niya.
“No, no it’s ok, A-ako nalang ang magluluto,” sabi niya kaya naman napangisi ako ng malala ko nangyari sa stove ni Icom.
“Magluluto ka? Baka masunog ’yong bahay na ’yan.” Nakita ko na sumama ang mukha niya ng sabihin ko y’on kaya naman natawa ako. “Just send me your location, huh? Bye!” Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil alam kong tututol pa siya.
Tumayo ako at kumuha ng damit at jogger pants. Kumuha rin ako ng hoodie na jacket bago kunin ang susi ng kotse ko.
Bumaba ako sa garahe at inutusan ang butler namin na buksan ang gate na agad naman niyang ginawa.
Nagdrive ako papunta sa isang resto na alam kong 24 hours na bukas, um-order ako ng mga pagkain dahil baka sobra ang gutom ni Eve.
Sakto namang pagkakuha ko ng order ko ay siya namang pagsend ng location ni Eve sa akin.
Malayo ang lugar na binigay niya sa akin kaya naman binilisan ko ang pagda-drive, madaling araw na kaya naman wala na masyadong dumadaan na sasakyan na ikinatuwa ko.
Nag-drive ako ng mabilis hanggang sa makarating ako sa isang malaking bahay na gulay black and white ang kulay.
Nagdadalawang isip pa ako kung magd-odoorbell ba ako o ano dahil baka tulog na ang mga tao rito at mabulabog ko.
Nakarinig ako ng ingay sa loob na parang nagsisigawan kaya naman aksidente kong napindot ang doorbell. Isang beses ko lang ’yon pinindot at wala ng balak ulitin dahil tatawagan ko na lang sana si Eve pero nakita ko siya na nakadungaw sa may pinto.
Lumabas siya at gulo-gulo ang buhok niya, nakasuot sya ng over size shirt at isang fitted na short and damn! He look so sexy.
Naglakad sjya papalapit sa akin. Nag-iwas ako ng tingin bago mapalunok.
“Dylan,” tawag niya sa akin kaya naman agad akong lumingon sa kanya.
“Hey, Ito na ’yong pagkain mo. Nagugutom ka, ’di ba?” tanong ko at nakita ko naman na tumaas ang kilay niya. Napansin ko na parang puyat na ewan si Eve.
“Hindi ako gutom, ’yong kapatid ko,” sabi nito bago buksan ang gate, wala sana akong balak na magtagal dito at balak ko lang talagang ibigay sa kaniya ang pagkain pero “Pasok,” utos niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumasok at sumunod sa kaniya.
Masyadong tahimik nakakailang at nakakatakot dahil malalayo ang ibang bahay mula rito.
“Ang layo pala ng bahay nila Jade,” sabi ko at nilibot ang paningin sa kung saan dahil wrong move ako pakshet!
“Sabi ko naman sa’yo ’di ba ’wag na tapos ngayon magrereklamo ka.”
’Di ba? ’Di ba!?
Ang tanga mo Dylan.
Kumamot ako sa ulo ko at napangiwi.
“Kawawa ka naman este ’yong kapatid mo nagugutom,” palusot ko na lang para hindi tuluyang mag-init ang ulo ni Eve.
Hindi na siya nagsalita at naglakad na kaya naman sumunod na ako sa kaniya, binuksan niya ang pinto at maliwanag sa loob na parang gising ang lahat ng tao. Ilan kaya sila rito? Kasya na kaya ’yong pagkain na dala ko? O mag-oorder pa ako?
Hindi ako mapakali kaya naman sumunod ako kay Eve nang pumasok siya sa loob.
Nanlalaki ang mata ko pagpasok sa loob dahil may panda na maliit na nakaupo malapit sa halaman.
“Yah, may panda sila?” manghang tanong ko kay Eve at narinig ko naman ang tawa niya hindi ’yong tawa na natutuwa kung hindi ’yong tawa na naaasar. M-may nasabi na akong mali? Nagulat ako nang sipain niya ako sa paa hindi naman malakas ’yon pero nagulat ako kaya naman nag-react ako.
“Aray ko bakit ba, ang cute ng panda,” sabi ko ng makita kong gumalaw ito. Nakita ko naman na nanlalaki ang mga mata ni Eve habang nakatingin sa akin.
“Kapatid ko ’yan,” sabi niya kaya naman taka akong tumingin dito, may kapatid na panda si Eve? Yumuko siya at nagsalita.“Eve.” Napatingin naman ako sa kaniya ng tawagin niya ang pangalan niya.
Napaigtag naman ako nang makakita ako ng dalawang babae na sumilip sa may pader kaya naman napahawak akong bigla kay Eve.
“M-magandang gabi po.” Ang tanga mo talaga Dylan, umaga na.
Napatingin naman ako ng makita ko ang panda este ’yong kapatid ni Eve na tumatakbo papalapit kay Eve habang sumisigaw ng “Nii-chan!” Nii-chan? Nagtago ako sa likod ni Eve ng makita kong nakatingin pa rin sa akin ang dalawang babae. Nakakatakot.
“Tara rito sa sala, ’wag kang mag-alala hindi nangangain ng tao ang mga ’yan,” sabi ni Eve kaya naman bumuntot ako sa kaniya ng maglakad siya papunta sa sala. Umupo siya kaya naman umupo rin ako sa tabi niya.
“Goodmorning, ang aga naman ng pagbisita mo?” tanong sa akin ng babaeng may salamin kaya naman pilit akong ngumiti.
“Ah, nagdala lang po ako ng pagakin nagugutom daw po kasi si Eve,” sabi ko at tumango naman ’to, napansin ko ang isang babae na palihim na tumatawa.
‘Pinagtatawanan niya ba ako?’
“Sino bang Eve? Eve na malaki o Eve na maliit?” tanong nito sa akin kaya naman nagulat ako.
“Dalawang Eve?” takang tanong ko at ngumiti naman siya.
“Eve liit, ako si Eve laki.” Ang corny naman joke lang, tumingin ako sa maliit na panda este bata na nakatingin sa dala ko na hindi ko papala naibaba.
“’Yong si Eve liit po,” sabi ko at binaba ang mga dala kong pagkain sa lamesa sa harap ko.
“Ako nga pala si Jade kaibigan ni Eve at si Ate Jaz kapatid ko.” Tumayo ako para makipagpakay sa kanila.
‘Siya pala yung Jade?’
Ngumiti ako sa kanila bago magsalita. “Dylan po kaibigan ni Eve.”
‘And future boyfriend niya.’
Nakita ko na dumudukot na si Eve liit sa plastic na dala ko.
“Dylan, Maxine Eve kapatid ko,” sabi ni Eve sa akin at naupo naman ulit ako sa tabi niya.
“D’yan muna kayo kukuha lang ako ng mga plato,” sabi ni Ate Jaz kaya naman tumango ako dito at ngumiti.
“Ang cute mana sa akin,” sabi ko at nakita ko naman na napailing naman ’tong katabi ko, “Siya pala ’yon, ’yong KAIBIGAN mong binilhan mi ng NAPKIN?” linagdiinan ko talaga ang pagsasalita ko para dama HAHAHA, nakita ko naman na tumingin sa amin si Jade na sa wakas ay nakikilala ko na.
“Oo, ako ’yon naubos kasi stock ko kaya nagpasuyo ako,” Sabi nkya at ngumiti naman ako sa kaniya.
‘Maganda nga siya kaya naman hindi ko maiwasang isiping baka girlfriend ’to ni Eve per mukhang magkaibigan lang naman sila.’
Nakita ko na palabas na si Ate Jax kaya naman tumayo ako at tinulungan siyang maglagay ng mga plato sa lamesa at tinulungan ko na rin siyang ilagay sa plato ang mga pagkaing nabili ko.
Bumalik ako sa upuan ko kanina sa tabi ni Eve ng matapos ako.
“Ninang! Andami pagkain!” masayang sabi ni Eve liit at napapapalakpak pa.
“Eve say thank you to kuya Dylan.” Ngumiti ako kay Eve ng tumingin sa akin ito.
“Tenchuuu poooo!” amito at bumalik sa pagkain ang paningin.
Pagnalingat talaga si Eve iuuwi ko ’tong kapatid niya, de biro lang.
Tumingin ako rito sa katabi ko na nanonood din sa kapatid niya.
“Iuwi ko nalang kaya siya?” tanong ko at nakatanggap naman ako ng mahinang sipa mula sa kaniya.
“Kung papayag ako,” sabi nito kaya naman lumapit ako sa kaniya para bumulong.
“Kasama naman kitang iuuwi ko,” bulong ko rito at halos masubsob ako sa sahig ng bigla akong batukan ni Eve. Parang umikot saglit ang paligid ko dahil sa lakas ng batok ni Eve.
“Luh? Anong nayayari sa inyo?” tanong ni Jade na kumakain ng burger. Pilit akong ngumiti rito at hinawakan ang batok.
“Wala, nagbibiruan lang kami,” sabi ko at tumingin naman siya sa amin ni Eve bago umiling.
“Nakakatakot kayong magbiruan,” sabi nito at muling tumingin sa pagkain.
Naramdaman kong lumapit sa akin si Eve. “Gusto mo pigain natin yang apdo mo?” bulong sa akin nito kaya napalayo ako ng bahagya bago siya tingnan.
“Nakakatakot kang maglambing Eve,” sabi ko sa kaniya at agad naman niya akong inambahan ng batok kaya naman tumayo na ako at lumapit sa pagkain upang kausapin si Eve liit.
“Masarap ba?” tanong ko kay Eve at tumango naman ’to at sinubuan ako ng fries. Ang sweet naman pero kung ang kuya mo ang gagawa niyan ay sobrang sweet na noon.
Pasimple kong tiningnan si Eve at nahuli ko siyang nakatingin sa akin at ng makita niya ako ay umirap lang siya.
Kumain lang ako ng konti at inalok si Eve pero ayaw niya raw kumain dahil busog daw siya.
‘Baka iba ang gustong kainin...’
Tumingin ako kay Eve liit ng hatakin nito ang pants ko.
“Nii-chan, dede,” bulong nito sa akin at ramdam ko kung paano nag-init ang mukha ko.
“A-ano?” tanong ko sa kaniya.
“Dede Nii-chan,” bulong ulit nito kaya naman napapikit ako ng ilang ulit.
“Ahhh.” Nabaling ang atensyon ni Eve liit kay Jade ng subuan siya nito ng spaghetti.
Tahimik lang kami at ako naman ay pasimpleng kumukuha ng mga pagkain sa lamesa, napatigil ako ng lumapit ulit sa akin si Eve liit at magpabuhat.
“It budalaga!” sabi niya matapos magtakip ng mukha.
“It bulaga!” sabi ko rin at napagtuloy kami sa paghaharutan ni Eve liit.
“Hindi ka pa ba hinahanap nila Icom?” tanong sa akin ni Eve na para bang gusto na niya akong pauwiin.
“Hindi, alam nila ay nasa mansion ako ngayon dahil sumama ako kila Ate umuwi,” sabi ko rito at alam ko na agad ang sasabihin niya dahil sa mukha palang niya.
“’Di ba—”
“Wala naman si Dad nasa business trip sila ni Mom,” sagot ko rito.
“Dylan ilang taon ka na?” biglang tanong sa akin ni Ate Jaz na nagbabasa ng libro kaya naman tumingin ako sa kaniya.
“21 po,” magalang na sagot ko at nakita ko naman ang pagtango niya, kami na lang ang gising dahil ng matapos magligpit ni Jade ay natulog siya sa isang sofa.
Nagpababa naman Eve liit at lumapit siya kay Eve, may binulong siya pero hindi ko na rinig dahil masyadong mahina ang boses ni Eve liit.
Nakita ko na kinarga siya ni Eve at tumayo.
“Kayo muna d’yan, magtitimpla lang ako ng gatas ni Eve,” sabi niya at nalakad kung saan man siya pupunta.
“Psst!” napatingin ako kay Ate Jaz ng bigla siyang nag-psst. “May girlfriend ka na ba?” tanong nito sakin kaya naman ay umiling ako. “Sa pogi mong ’yan wala pa?” tanong niya at napangiti naman ako.
‘Akalain mo nga naman may nabighani na naman sa kagwapuhan ko pero pasensya na Ate Jaz mayro’n ng nagmamay-ari nito.’
Nakangiti akong humarap sa kaniya.
“Wala pa po pero may nagugustuhan po ako,” sabi ko at saktong pagdating nila Eve, kagra nkya si Eve liit na dumedede. Umupo siya sa tabi ko at inayos ng higa sa braso niya si Eve liit.
“Ahh, gano’n ba? Umamin ka na ba?” tanong sa akin ni Ate Jaz at umiling naman ako ng ilang beses.
Nakakahiya parang hinuhuli ako ni Ate Jaz.
“Hindi po hehe manhid po kasi siya,” sabi ko at pasimple kong tininngnan si Eve pero nagulat ako ng sabay kaming magkatinginan.
“Anong tinitingin-tingin mo? Gusto mo rin dumede?” tanong nito kaya naman napataas ang kilay ko.
‘Kung papadedehin mo ako sa’yo, why not ‘di ba?’
“Opo, manhid po siya wala po siyang kasing manhid,” sagot ko at nag-iwas ng tingin kay Eve.
“Maganda ba ’yon?” curious ni Ate Jaz at napangiti na naman ako ng may maalala akong ginawa sa picture ni Eve.
“Opo,sobrang ganda niya.” Pag naging babae...
Natahimik kami at parang nagpapakiramdaman.
‘May nasabi ba akong mali?’
“A-ah, sige aakyat ko na si Eve nakatulog na,” sabi ni Eve at pilit niyang iniiwas sa akin ang paningin niya.
“Bilisan mo, ha? Sumabay ka na sa akin umuwi,” ani ko at tumaas naman ang kilay niya bago mawalan ng ekspresyon ang mukha niya kaya alam ko na ang iniisip niya. “Stupid may pasok tayo mamaya,” sabi ko at nakita ko naman na napapikit siya bago sipain si Jade na natutulog.
“Jade.”
“Jade.”
Hindi gumagalaw si Jade habang tinatawag ni Eve kaya naman malakas na siyang sinipa ni Eve.
“Jade.” Huling tawag ni Eve bago tumayo si Jade at nakabusangot ang mukhang tumingin kay Eve.
“Ano ba!?” parang inis na tanong ni Jade habang kumakamot sa ulo. “Natutulog ako e,” Ani pa nito at ngumuso.
“Uuwi na ako, itabi mo na sa’yo si Eve,” utos ni Eve at tumayo naman si Jade para kunin si Eve liit sa bisig ni Eve.
Nakita ko na umakyat silang pareho sa hagdanan.
“Dylan,” Seryosong tawag sa akin ni Ate Jaz.
Tumingin ako sa kaniya at napalunok ng ilang beses dahil parang biglang nag-iba ang aura sa paligid.
“Ingatan mo si Eve, ha?” sabi niya na ipinagtataka ko.
“Po?” tanong ko rito dahil hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya.
“Ingatan mo si Eve, ’wag mo siyang hahayaan na malayo pa sa’yo,” pagkasabi niya no’n ay narinig na naman ang mga yabag ni Eve kaya naman tumayo na ako.
Humarap ako kay Ate Jaz at binigyan niya naman ako ng isang makahulugang tingin. “Sige po mauna na po kami, pasensya na po at naabala ko pa ang pagtulog niyo.,” sabi ko dito pero umiling lang siya.
“Sige, mag-ingat kayos,” aniya at hinatid pa kami sa labas ng gate.
Pumunta ako sa sasakyan ko at pinaandar ’yon, nakita ko na parang nag-uusap si Ate Jaz at Eve pero hindi ko sila marinig. Nakita ko na lang na papunta na sa kotse ko si Eve at pumasok sa passenger seat.
Nagmaniobra lang ako at binusinahan ko si Ate Jaz ng makita ko siyang kumakaway sa amin.
“’Yon pala y’ong kapatid mo, nasaan ’yong iba?” pagsisimula ko sa usapan sana ni Eve pero mukhang bangag ’tong kasama ko.
“Nasa bahay namin baka gusto mong makita pumunta ka na lang doon,” sabi niya at nakita ko na pumikit siya kaya hindi na ako nagsalita.
“At saka na pagsinagot mo na ako,” mahinang sabi ko na mukhang hindi niya narinig.
‘Manhid talaga.’
Nakita ko na nalaglag ang bag ni Eve at narinig ko ang mahina niyang paghilik kaya naman napailing na lang ako bago bilisan ang pagpapatakbo.
Tahimik lang ako at pasimpleng sinisilip ’tong katabi ko dahil baka sa masubsob siya sa kambyo.
Lumiko ako sa kanto kung saan matatagpuan ang bahay namin pero hindi pa man kami nakakalapit sa bahay ni Icom ay may nakita akong isang hindi kaaya-ayang tao.
Hininto ko ang kotse ko at bumaba ng kotse, tiningnan ko siya at agad naman niyang naramdaman ang presensya ko at lumingin sa akin habang nakangiti.
“Abr—” Yayakap sana siya sa akin pero umatras ako.
“What are you doing here?” malamig na tanong ko rito at agad naman nawala ang ngiti niya sa labi.
“I-i’m here to see you,” sabi nito at ngumiti. “For you,” dugtong pa nito at napangisi naman ako bago siya tingnan.
“I don’t need you, umalis ka na, hindi kita kailangan at hindi na kita kakailanganin kahit kailan,” sabi ko rito at nakita ko naman ang mapang-asar niyang ngiti.
“Huh? Bakit may iba ka na ba ha? Kinalimutan mo na ba akong—”
“Oo may mahal ako at hindi ikaw ’yon at oo simula ng umalis ka ay inalis ko na rin sa isip ko ang kung ano man ang nakaraan natin,” diretsong sabi ko at tumawa naman siya.
“’Wag magsasalita ng tapos Abrah—”
“’Wag mo akong tatawagin sa pangalan kong ’yan, dahil una sa lahat hindi tayo magkaano-ano at pangalawa sino ka ba para tawagin ako sa pangalan kong ’yan?” tanong ko rito.
Humakbang siya papalapit sa akin.
“Sino ako? Ako lang naman ang kinabaliwan mong babae noon.” Mapang-akit na sabi nito kaya naman tinulak ko siya ng mahina sa balikat dahil matapang ang pabango niya, ang baho.
“Noon ’yon pero iba na ngayon.” Tinalikura ko siya at handa na sanang pumasok sa kotse pero nagsalita ulit siya.
“Dylan, hindi ako bumalik para sa wala lang, tandaan mo babalik ka rin sa akin,” siguradong sabi niya pero hindi ko na siya pinansin at pumaok na sa loob.
Tiningnan ko si Eve at laking pasasalamat ko ng makita kong tulog pa rin siya at humihilik.
“Hindi na kita papakawalan...” Mahinang sabi ko at pinasok na sa garahe ang sasakyan ko.
******
Ohohohoho! May nagbabalik!
Sino kaya ’yong nakausap ni Dylan? Siya na kaya ang sinasabi ni Icom na babalik?
Malapit na ang training camp at interhigh kaya naman abang-abang na!
Just follow me on f*******: for more update.
Name: Eve Dreame