CHAPTER 31 EVE LIIT, EVE LAKI.

5114 Words
“How about... Mikey!?” nagtawanan kami nang batukan ni Dylan si Marco, kanina pa sila nagtatalo kung ano ang magandang ipangalan sa magiging baby ni Ate Dhalia. “Aray ko! Kanina ka pa Dy!” angil naman ni Marco kay Dylan. “P’wede rin ang Rion sa boy and Rhia naman pag girl,” oroud na sabi ni kuya Ryu, asawa ni Ate Dhalia. “Ayaw ko puro R naman, how about Desseth sa girl and Ruiz sa boy?” nakangiting sabi naman ni Ate Dhalia na agad namang tinutulan ni Dylan. “Pangit! Gan’to sa boy ay Dillion at sa babae naman Rein,” sabi niya at mayabang na ngumiti, agad naman siyang binato ni ate Dhalia ng cup na agad naman niyang nailagan. “Bakit ba ikaw nagdedesisyon, ikaw magulang!? Ha!?” inis na tanong ni Ate Dhalia at agad naman siyang nilambing ng asawa niya. Nag-asaran silang magkapatid at natatawa naman kami. “Ikaw Eve? Wala ka bang ibibigay na name?” baling sa akin ni Ate Dhalia kaya naman yumuko ako upang mag-isip. Letter D nagsisimula ang name ni Ate Dhalia at R naman ang kay kuya Ryu. P’wede. “Demetri Reiji kay boy and Riye Demeter naman sa girl,” sabi ko at napatango naman si Ate Dhalia. “Ahh! Ang cute, ’yon na lang ang ipapangalan ko!” kinikilig na sabi ni Ate Dhalia na agad din namang sinang-ayunan ng asawa niya. Sabi nila na ayon na lang daw ang ipapangalan nila sa magiging baby nila dahil ang unique raw, tuwang-tuwa si Ate Dhalia at inilista na niya ’yong sinabi ko dahil baka makalimutan nila. “’Yong sa akin ayaw mo pero ’yong sa kaniya!” napataas ang kilay ko nang umangal si Dylan. “Ang pangit kasi nang sa’yo at saka baka magmana sa’yo ’tong anak namin,” sagot naman sa kaniya ni Ate Dhalia. “Tama lang sa akin magmana ’yan, magmana ng gandang lalaki!” sabi niya at nagpogi sign pa. ‘Abno.’ Tinupi ko ng ilang beses ang manggas ng long sleve uniform ko dahil naiinitan na ako, natuyo na ang pawis sa katawan ko. Yuck. Pasimple kong inamoy ang sarili ko at laking pasasalamat ko naman dahil wala naman akong amoy at mabango pa rin ako. “Mabaho ka na ba.” Nanigas ako nang bigla akong amuyin ni Dylan, ang lapit niya masyado. “Ang bango ha.” Bahagya ko siyang tinulak dahil ang lapit niya masyado, nakakailang. “Arte mo,” rinig ko pang sabi niya bago maglakad papalapit kila Icom at Marco. Napatingin naman ako sa tinapay ko na hindi naubos, gutom na ako kaya naman kinuha ko ’yon at sinimulang kainin. Ang sarap ng tinapay nila, malambot at malasa. Kumuha ulit ako at kinain. Tumingin ako sa grupo nila Dylan at nasamid ako nang bigla akong kindatan ni Dylan. Sinusuntok ko ang dibdib ko dahil bumara ang tinapay sa dibdib ko. ‘Peste ka Dylan!’ Agad kong kinuha ang baso ng juice sa harap ko ng mag-abot sa akin. “Dahan-dahan lang ” ani kuya Ryu, at lumapit na ulit sa asawa niyang kumakain na naman. Nakahinga ako ng maluwag matapos kong uminom. Tumalikod ako sa gawi nila Dylan dahil baka mamatay na ako sa susunod na tumingin ulit ako kay Dylan. Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa inbox ng may makita akong isang messege. Pinindot ko ’yon at agad na nagliwanag ang mukha ko nang makita ko ang pangalan ni Mama. ‘I’m ok don’t worry about me.’ Agad akong nagreply sa text niya, busy si Mama pagganiyan ang text niya. Kaya rin siguro hindi na niya ako masyadong natatawagan dahil busy siya masyado. Naaaliw ako sa pag-sscroll sa f*******: dahil puro tungkol sa nalalapit na Interhigh and nakikita ko. “Training camp is waving....” Tiningnan ko kung sino ang nagpost nito at nakita ko ang pangalan ni Kale. ‘Magkakaron ng Training Camp?’ Nagbasa ako sa comment section. “Woshoooo! Excited!” It’s Sky, tiningnan ko pa ang iba at karamin sa nag-comment ay ang mga volleyball player at mga student ng VRIS. Halos mabalibag ko naman ang cellphone ko nang biglang mag-ring ’to. Napatingin ang lahat sa akin kaya naman naiilang akong ngumiti sa kanila bago magmadaling lumabas para sagutin ang tawag. “Jade?” mahinang tawag ko rito at narinig ko naman agad ang iyak ng kapatid ko sa kabilang linya. “Anong nangyayari?” nag-aalalang tanong ko dahil iba ang iyak ng kapatid ko. “H-hello!? Eve!?” nailayo ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses ni Jade. “Tahan na Eve, Opo pupunta na si Nii-chan.” Rinig kong sabi niya. “Hello!?” hindi kami magkaintindihan ni Jade masyadong maingay sa kabilang linya. Kinakabahan na ako. “Eve, punta ka rito, nilalagnat si Eve ikaw ang hinahanap,” sabi nito na parang naiiyak na. “Ayan na, ayan na, pupunta na si Nii-chan.” Malambing na sabi ni Jade bago maputol ang tawag. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bakery. Dumiretso ako sa lamesa kung na saan ang mga gamit ko. Kinuha ko ang coat ko at sinuot ’yon dahil medyo malamig na sa labas. “Oh? Eve? Saan ka pupunta? Uuwi ka na?” sunod-sunod na tanong ni Icom na may kinakaing yogurt. “Hindi, pupunta ako sa bahay nila Jade,” pagsasabi ko ng totoo at isinukbit ang bag. “Baka hindi rin ako makauwi ngayon,” paalam ko na sa kaniya na agad naman niyang ikinakunot ng noo. “Saan punta Eve?” chismoso. “Sa bahay nila Jade,” sagot ko sa kaniya at inayos ko naman ang pagkakasuot ko ng coat. “Doon ka matutulog?” makahulugang tanong nito sa akin kaya naman nilakihan ko siya ng mata. “Baka pag-uwi mo may ano ka na...” bulong nito kaya naman sinipa ko siya sa paa. “Manahimik ka ha! Manahimik ka,” banta ko sa kanyia at tumawa naman siya nang tumawa. Hindi na makita ng mga mata ko ang mag-asawa, si Marco naman ay nakita kong namamapak ng mga tinapay sa stole ni Ate Dhalia. “Sige, una na ako, pasabi na lang kay Ate Dhalia na umalis na ako,” sabi ko at nang tanguan ako ni Icom ay nagsimula na akong maglakad. “Ingat ka, itatakas pa kita,” sinamaan ko ng tingin ang Dylan na nakangisi sa akin. Dinampot ko ang cup sa lamesa sa tabi ko at saka ko binato sa kaniya. Hindi ko na siya pinansin at lumabas na sa bakery, nagmadali akong sumakay sa motor ko at pinaandar ’yon. Malamig na at tumatagos ang lamig sa coat na suot ko, binilisan ko pa ang takbo para mas mabilis akong makarating sa bahay ni Jade na may kalayuan dito. Wala na masyadong sasakyan sa high way dahil pasado alas nuebe na rin ng gabi. Lumiko ako sa isang kanto na alam kong short-cut papunta sa bahay ni Jade. Nag-drive lang ako hanggang sa makarating ako sa bahay ni Jade. Nag-doorbell ako at nagmamadali namang lumabas si Ate Jaz at pinagbuksan ako. “Asan sila?” tanong ko rito. “Nasa loob, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Eve, kanina pa,” na-aalalang sabi nito kaya naman pumasok na kami sa loob at pagpasok namin ay narinig ko na agad ang iyak ni Eve na nanggagaling sa sala kaya naman pumunta ako roon. Naabutan ko si Jade na pilit na niyayakap si Eve na nakasuot ng overall panda. Nakita ko na hirap na hirap na si Jade na patahanin si Eve kaya naman lumapit ako rito. “Eve,” tawag ko rito at hindi naman ako nito napansin dahil umiiyak ito. “Callista kanina pa ’tong kapatid mo.” Naiiyak na sabi ni Jade kaya kinuha ko na si Eve na nagwawala sa mga bisig ni Jade. “Hey, It’s me,” sabi ko kay Eve at tumingin naman siya sa akin bago ako dambahan ng yakap at umiyak muli. “Ga’no na siya katagal umiiyak?” tanong ko kay Jade na gulo-gulo na ang buhok at namumula ang mukha. “Kalahating oras na ata,” sabi niya at tumayo. “38° ang lagnat niya,” sabi niya sakin na nakatingin kay Eve na nakatahimik na pala. “Pinainom mo na ng gamot?” tanong ko sa kaniya at umaling naman siya. “Hindi namin mapainom ni Ate,” sagot niya at nahiga sa isang sofa. Inayos ko si Eve at inihiga sa mga bisig ko. “Matamlay siya kaninang pag-uwi namin galing sa puntod ni Max,” ani Jade at humarap sa akin. “Matamlay siya at tahimik, hindi rin siya ngumiti simula kanina na araw-araw naman niyang ginagawa,” sabi niya at tiningnan si Eve na nasa braso ko. “Kahit na anong gawin natin, anak pa rin siya ni Max at makarugtong pa rin ang bituka nila,” sabi ko at hinawi ang mga buhok na nasa mukha ni Eve. “Hindi malabong nakakaramdam ng lungkot si Eve dahil sa pagkawala ng nanay niya.” Tumingin ako kay ate Jaz na may dalang tea. “Inumin niyo muna to at malamig,” sabi niya at kinuha ko naman ang isang tasa at inumin. Malamig na nga kahit na malayo pa ang ber months, nilapag ko ang tasa ko at nilapag si Eve sa sofa kung saan ako nakaupo. Inayos ko siya at pinagmasdan. ‘Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may kapatid ako, sobrang saya ko at kahit na anak ka lang ni papa sa labas ay hindi kita ituturing na iba. Kung makikita ka siguro ni Mommy ay baka siya pa ang nagtago sa’yo at ituturing kang tunay na anak. Si Kuya Van, kamukha mo si Kuya. Sigurado akong pag nakita ka ng mga kuya natin ay baka pag-agawan ka nila.’ Napangiti ako ng makita kong bahagyang ngumiti si Eve at nakita ko ang ngipin niyang dalawa sa harap. “Kung sakalimang magkagipitan, ’wag kayong magdadalawang-isip na itago si Eve, huh?” tumingin ako sa magkapatid na nakatingin lang sa akin ng seryoso. “Ano bang pinagsasabi mo!?” inis na tanong ni Jade dahil ayaw niya ng mga gantong usapan. “Jade, lumalaki na ang pabuya ng ama ko para lang mahanap ako.” Tumingin muli ako kay Eve na mahimbing ng natutulog. “Hindi ko alam baka bigla na lang akong ipatumba ni Papa,” sabi ko na nakapagpatahimik sa kanila. “H-hindi naman siguro gagawin ’yon ni Tito Hernan,” sabi ni Ate Jaz na halatang pinapalaks ang loob ko. “Alam ko ang ikot ng bituka at takbo ng isip ni Papa, pag siya ay napuno wala siyang sinasanto,” seryosong sabi ko. “Mapakapatid, kamag-anak o anak pa man niya wala siyang pakialam makuha lang ang gusto niya.” Inilapag kong muli ang tasang hawak ko at tumayo bago buhatin si Eve. “Saan ang kwarto niya?” tanong ko kay Jade. “Sa k’warto ni Ate Jaz pero doon ko muna siya papatulugin sa k’warto ko,” sabi niya at tumango naman ako. “Sige, do’n din ako matut—” “Hindi!” agad niyang sagot. “Itatabi ko si Eve sa akin,” sabi ko rito at umiling siya g ilang ulit. “Kapatid ko ’to, kaya ako ang mag-aalaga sa kaniya, rito ako matutulog,” sabi ko at napangisi. “’Wag kang papasok sa kwarto ko!” sabi niya. ‘Kahit kailan talaga.’ “Cally, do’n na lang muna kayo sa isang k’warto sa katabi nang kay Jade.” Buti na lang talaga may mabait na kapatid tong si Jade. Tumango ako sa kanila bago ako umakyat sa taas at initsa ko kay Jade ang susi ng motor ko at inutusan siyang ipasok muna sagarahenila dahil dito na talaga ako matutulog. Binuksan ko ang k’wartong sinabi ni Ate Jaz, pinindot ko ang ilaw rito dahil madilim. Bumungad sa akin ang isang malaking kama na kulay puti. Inilapag ko doon si Eve bago buksan ang aircon. Sinarado ko ang mga kurtina bago balikan si Eve at kumutan. “Sigurado ako pag nakita ka ni kuya Chase ay hindi ka na bibitawan noon,” sabi ko kay Eve kahit hindi nya ako naririnig. ‘Kailan kaya kami magkikita-kita uli?’ Wala akong balak na bumalik sa mansion, hindi ko kayang makasama ang ama ko sa iisang bahay lalo na at nalaman ko ang tungkol kay Eve. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang picture naming magkakapatid. Lahat sila nakangiti lalo na ako. Nakasuot ako ng isang white dress at dahil doon nagmukha akong prinsesa, prinsesa... ’Yan ang turing sa akin nila Kuya lalo na si Kuya Ezekiel. Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksyon niya pagnakita niya akong ganito lalong-lalo na ang buhok kong gustong-gusto niya. Nanalamin ako sa cellphone ko at napansin kong humahaba na ang buhok ko, wala na akong balak pagupitan ulit ’to. Madami naman ’di bang mga lalaking long hair? Pero baka nagmukha na akong babae noon. Napangisi ako ng makita ko ang isa pang picture namin nila kuya, nakaupo silang lahat at nakahiga naman ako sa mga hita nila, nasa 5 or 6 years old ata ako nito. Nag-swipe pa ako nang nag-swipe hanggang sa matigil ako sa isang picture. “Eh?” napaawang ang labi ko at tinitigang mabuti ang picture ni Dylan na nakangiti at may suot na apron, gulo rin ang buhok nito. “Anong ginagawa nito rito?” tanong ko at buburahin ko na sana ang kaso ayaw gumalaw ng kamay ko. Napatay ko ang cellphone ko nang biglang bumukas ang pinto ng k’warto. “Tara inom,” aya sa akin ni Jade at nakita ko naman na nakasunod sa kaniya si Ate Jaz. Ayaw ko sanang uminom dahil ako ang magbabantay kay Eve pero konti lang naman hindi naman ako magpapakalasing. Hinalikan ko sa noo si Eve bago lumabas, sabi ni Ate Jaz siya muna rwaw ang magbabantay kay Eve hanggang matapos kami ni Jade. Bumaba kami at pumunta naman siya sa kusina kung saan may beer na sa lamesa. Naupo ako sa isa mga upuan at binuksan ang ilang bitones ng long sleve ko. “Jade pahiram ng damit,” sabi ko sa kaniya at tumango naman siya. Naglapag si Jade ng isang mangkok na almonds. Kumuha ako at kinain bago uminom ng beer. Gumuhit sa lalamunan ko ang pait kaya napapikit ako. “Ang pait,” reklamo ko dahil sa totoo lang hindi talaga ako marunong uminom. “Malamang,” sabi ni Jade at umupo sa harap ko. “Sa bagay, hindi ka nga pala marunong uminom!” pang-aasar niya sa akin. “Gaya mo ako sa’yo, lasengga,” sabi ko at natigil naman siya sa pagtawa. “Grabe ka sa lasengga, madalang akong uminom,” sabi nito at tumungga sa bote nkya. “Ilang taon ka natutong uminom?” tanong ko rito at umasta naman siyang nag-iisip. ‘May isip pala siya?’ “15? Parang ganoon, birthday ni Kuya ’yon pinainom niya ako.” sabi niya at kumain ng almonds. “Ikaw?” tanong niya sa akin at inalala ko ang una kong tikim ng alak. “Uhmm, 18?” sabi ko at naalala ang araw na ’yon kung kailan nagalit sa akin si kuya Van. “Sa bar, kasama ko si Sandra. Gusto niya daw maranasan mag-bar kaya naman sinamahan ko siya at parehas kaming nalasing ng mabilis, buti na lang at nakita kami nila kuya!” nagtawanan kami ni Jade. “Hindi ko ata nakikitang magkasama kayo ni Sandra?” ranong niya sa akin kaya naman napahinto ako sa pag nguya ng almonds. Nagkibit balikat ako bago magsalita. “Nagakasagutan kami last time at hanggang ngayon hindi pa kami nagkakausap,” sagot ko sa kaniya. “Ows...” sabi ni Jade bago mamayapa ang katahumikan samin. “Naalala mo pa ba ’yong una nating pagkikita?” tanong sa akin ni Jade kaya naman napatingin ako sa kaniya. ‘Throwback time...’ “Oo naman ’yon ’yong binully mo ako.” Natatawang sabi ko dahil no’ng una kaming magkakilala ni Jade ay inaway nya ako. “Aish, oo na ako na masama,” sabi niya at tumungga na naman. “’Yon ’yong araw kung kailan mo rin nakilala si Sandra ’di ba?” tanong niya sa akin at napahinto na naman ako at inalala ang sinabi niya. “Oo nga, ’yon ’yong nakita ako ni Sandra sa playground na tulala.” Naaalala ko ’yon. ‘Hinding-hindi ko makakalinutan ’yong una naming pagkakakilala ni Sandra dahil ’yon din ang araw kung kailan kinuha sa akin si Mommy.’ “Nakita ko kayo noon, gusto ko sanang lumapit pero nakita ko na nag-uusap kayong dalawa.” Ngumti siya at pinaglaruan ang bunganga ng bote niya. “Dapat lumapit ka para nakilala ka na ni Sandra,” sabi ko sa kaniya at tinungga ang bote ko, kahit kailan ay hindi pa nakikilala ni Sandra si Jade. Minsan na niyang nakita si Jade na kasama ako pero hindi niya ito kilala. Si Sandra at Jade lang ang kaibigan ko dati at akala ko ay hindi na madadagdagan pa ’yon pero tingnan mo ngayon, lumago na silang parang business. Tumingin ako kay Jade ng may maalala akong isang bagay. “Jade matanong ko nga, sino ba ’yong sinabi mo sa akin na, someone stalking to me?” tanong ko dito at agad naman siyang ngumiti ng nakakaloko. “Akalain mo nga naman ang isang Callista Everielle Valencia ay interesado na sa kaniyang mga stalker!” sabi niya at tumawa na parang baliw o baliw talaga. Kumuha ako ng almond at binato iyon kay Jade na tumatawa pa rin. “Aray! Ito na!” sabi niya at ubo pa ng ilang beses bago magsalita. “I saw HIM staring at you,” sabi niya at ngumiti sa akin ng kakaiba. “Him? Lalaki?” tanong ko at tumango naman siya ng sunod-sunod. “Who?” tanong ko ulit. “Secret, wala ng thrill pagsinabi ko,” sabi niya na halatang nakikipaglaro sa akin. “Oh come on Jade, don’t play around me,” sabi ko dito at hindi na siya nakasagot dahil bumaba na si Ate Jaz. “Kayong dalawa, matulog na kayo mag-aalas dose na.” Maawtoridad na sabi niya kaya naman nagligpit na kami dahil nakakatakot magalit si Ate Jaz. Hinaharot pa ako ni Jade habang paakyat kami sa hagdan. “Ikaw ha, baka magulat ako ikakasal ka na.” Mapanuksong sabi niya kaya naman inambahan ko siya ng batok at agad naman siyang tumakbo. “Jade! ’Yong damit!” sigaw ko sa kaniya at nagulat naman ako ng may mga damit na nagliparan papunta sa akin. “Labhan mo ’yan bago mo isauli sa akin!” sigaw nya at sinarado ang pinto niya. Ganito talaga si Jade mabait na walanghiya. Pinulot ko ang mga damit na hinagis sa akin ni Jade. Tiningnan ko ’yon ay pang unisex ang mga ito, isang fitted na short na nagmukhang sickling pero short at isang over-size shirt na may tatak na one piece. Kinuha ko ’yon bago pumasok sa k’warto kung nasan ang kapatid ko, naabutan ko doin si Ate Jaz na nakaupo at nagbabasa ng libro. “Maligo ka na,” sabi niya at tumango naman ako sa kaniya at pumasok sa banyo. Hindi ako nagtagal sa banyo dahil nakakahiya namang paghintayin ko pa si Ate Jaz, baka mapuyat. Nang makalabas ako ay sinabihan ko na si Ate Jaz na matulog na at ako na ang bahala kay Eve, pumayag naman suya kaya naman humiga na ako sa kama at niyakap ang kapatid ko. Naramdaman ko ang pagod ng buong katawan ko dahil ang sarap sa pakiramdam na nakahiga. Oo nga pala nagpagod ako kanina at hindi pa ako nakapagpahinga agad dahil natambay pa ako sa bakery ni Ate Dhalia. Kinuha ko ang kumot at itinakip ’yon sa katawan namin ni Eve. Pinikit ko ang mata ko at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako, hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog basta ang alam ko na lang ay parang naririnig ko ang boses ni Eve na may kausap. Ang akala ko ay nananaginip ako kaya naman nagtalukbong ako ng kumot at yayakapin ko na sana ang kapatid ko pero wala akong makapa sa tabi ko. ‘Wala si Eve.’ Kinapa ko ulit ang tabi ko at napabalikwas ng bangon dahil wala ang kapatid ko sa tabi ko. Tatakbo na sana ako palabas nang makakita ako ng panda este batang nakasuot ng panda overall sa may paanan ko. Nakatalikod ’to sa akin at panay ang salita kaya naman lumapit ako sa kaniya at dinungaw kung ano ang ginagawa niya. Nanalalaki ang mga mata ko ng makitang may kausap siya sa cellphone ko. “Opo, gugutom na po si Eve kaya gusto to po fried chicken.” Rinig ko pang sabi ng kapatid ko kaya naman agad kong siyang binuhat para maiupo sa hita ko. “Okay, I got it.” Rinig kong sabi ng kausap niya kaya naman tiningnan ko ang mukha nito kung sino, nanlaki ang mata ko ng makita kung sino yon. “D-dylan?” paos na tawag ko rito at nakita ko namang tumaas ang mga kilay nyia. “Nii-chan! Tuya Dylan!” sabi ng kapatid kong parang walang sakit. Yinakap ko siya gamit ang isa kong braso bago humarap sa cellphone ko. “P-pasensya na sa abala,” sabi ko rito at umiling naman to. “It’s okay, send me your location dadalhan ko kayo ng pagkain,” sabi nito. “No, no it’s ok. A-ako na lang ang magluluto,” sabi ko at nakita ko naman ang pagngisi niya. “Magluluto ka? Baka masunog yung bahay na yan.” Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya. “Just send me your location, huh? Bye!” hindi na ako nakasagot dahil pinatay na niya ang tawag. Nakita ko na sa messenger siya? Siya ang tumawag? Nagbackread ako at nakita ko na may chat ako na hindi ko maintindihan. To Dylan: Nsjshwbwuswn :Dylan —Huh? :Replied majabqhwushw :Dylan Are you crazy? :Replied Pansyqvwkqbasu :Dylan Eve are you drunk? Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa kagagawan ng kapatid ko. Tiningnan ko ang kapatid ko na tumatalon-talon sa kama. Sinend ko na kay Dylan ang location namin dahil nasa byahe na raw siya, nakakahiya naman kung babalik pa siya ’di ba. Hinawakan ko si Eve at kinarga, ngumiti ako sa kaniya at ngumiti rin siya. Hinalikan ko siya sa pisnge kaya naman lumabas ang tawa niya. “Ikaw ha, bakit mo pinakialam cellphone ko ha?” tanong ko naman sa kaniya. “Gugutom po kasi ato kaya nagising ato. Tapos kita to selpon mo tapos ilaw ’yon,” kwento niya at natawa naman ako dahil bulol-bulol ang pagkukwento niya. Nawala ang ngiti ko ng mapalingon ako sa wall clock. “Alas tres?” tanong ko sa sarili ko bago lumapit sa bintana para tingnan ang labas. Madilim pa at tahimik sa labas kaya naman napailing ako. Hinipo ko si Eve at laking pasasalamat ko naman ng makapa ko siyang hindi na mainit. Buhat-buhat ko siya pababa ng sala dahil balak kong doon na lang hintayin si Dylan, tahimik na ang buong bahay at alam ko na tulog na ang magkapatid kaya naman hindi na ako gumawa ng kahit na anong ingay. “Nii-chan atatatot ato, may mumu,” bulong sa akin ni Eve kaya naman napahinto ako. “Saan?” tanong ko at halos magsitayuan ang balahibo ko sa katawan ng may ituro si Eve sa may pinto ng kusina, dahan-dahan akong tumingin doon at napasigaw ako nang may nakita akong isang babaeng nakatayo doon. “Nyaaaaaaaa!” sigaw rin ni Eve dahil nagulat ata siya sa sigaw ko. “Woi!” napatalon ako sa gulat dahil biglang nagbukas ang ilaw at tumambad sa amin si Ate Jaz na tumatawa. “Saan kayo pupunta?” ranong nito bago soutin ang salamin nuya sa mata. “Ano ’yon!? May magnanakaw!? Saan!?” nakita ko si Jade na nagmamadaling bumaba at gulo-gulo ang buhok. “Nasaan na magnanakaw!?” natatarantang tanong nito sa amin. “Wala! Ito kasing si Ate Jaz nanggugulat,” sabi ko at tinuro si Ate Jaz na tumatawa pa rin. “Ano? Bakit ano bang nangyari? At saka dis oras ng naman ng gabi, ano ba!” inis na sabi ni Jade at nagkakamot sa ulo. Napatingin siya kay Eve na buhat-buhat ko kaya naman ngumiti siya at lumapit sa akin. “Gising ang baby ko, bakit ikaw gising ha?” malambing na tanong nito. “Gugutom si Eve,” sabi ni Eve na humawak pa sa tiyan. Sabay-sabay kaming napahinto ng may magdoorbell. Nagkatinginan kaming tatlo bago magsalita si Ate Jaz. “May bisita kayo?” tanong niya sa amin at tumango naman ako. “Sa ganitong oras?” tanong niya ulit at tumango ulit ko. “Sige papasukin mo,” utos niya sa akin kaya naman nagmamadali akong lumabas. Sinilip ko muna kung si Dylan nga ba ’yon dahil mahirap na. Nakita ko siya sa labas ng gate na nakahood at halatang nilalamig kaya naman pinuntahan ko siya para papasukin. “Dylan,” tawag ko rito at tumingin naman siya sa akin bago ngumiti. “Hey, Ito na ’yong pagkain mo. Nagugutom ka, ’di ba?” sabi niya at agad namang tumaas ang kilay ko. “Hindi ako gutom, ’yong kapatid ko,” sabi ko bago buksan ang gate. “Pasok,” utos ko sa kaniya at pumasok naman siya. “Ang layo pala ng bahay ni Jade,” sabi niya at tiningnan ang buong bahay ni Jade. “Sabi ko naman sa‘yo ’di ba na ’wag na tapos ngayon magrereklamo ka,” ani ko at tinignan naman niya ako. “Kawawa ka naman este ’yong kapatid mo nagugutom,” sabi niya at nauna akong maglakad papasok at naramdaman ko naman siyang pinapasok. Napansin ko na medyo madami ang dala niyang pagkain. Pagbukas ko ng pinto ay nakabukas na lahat ng ilaw at nakita ko naman na nakatalungko si Eve sa may halaman sa gilid at parang may tinitingnan dito. “Yah, may panda sila?” tanong ni Dylan at natawa naman ako bago siya sipain sa paa. “Aray ko bakit ba, ang cute ng panda,” sabi niya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. “Kapatid ko ’yan,” sabi ko at yumuko para tawagin si Eve. “Eve,” tawag ko rito at napahawak naman sa akin bigla si Dylan ng biglang lumitaw ang magkapatid sa gilid ko galing sala. “M-magandang gabi po hehehe.” Halatang kinakabahn si Dylan dahil nagtago pa siya ng bahagya sa may likuran ko. “Nii-chan!” tumakbo papalapit sa akin si Eve kaya naman kinarga ko na ulit siya. “Tara rito sa sala, ’wag kang mag-alala hindi nangangain ng tao ang mga ’yan,” sabi ko at nakita ko naman na pinanlakihan niya ako ng mata. “Goodmorning, ang aga naman ng pagbisita mo,” sabi ni Ate Jaz at nakita ko naman ang pagngisi ni Jade sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Nagdala lang po ako ng pagkain nagugutom daw po kasi si Eve,” sabi niya. “Sino bang Eve? Eve na malaki o Eve na maliit?” tanong ni Jade at nakita ko namang napatango si Ate Jaz. “Dalawang Eve?” takang tanong ni Dylan at tumingin sa amin ng kapatid ko. “Eve liit, ako si Eve laki,” sabi ko at ngumiti naman siya bago tuluyang ilapag sa lamesa ang pagkain na dala niya. “’Yong si Eve liit po,” magalang na sagot nito kay Jade. “Ako nga pala si Jade kaibigan ni Eve at si Ate Jaz kapatid ko,” pakilala ni Jade sa kanilang dalawa at nakipagkamay naman ’tong si Dylan sa kanila. “Dylan po kaibigan ni Eve,” sabi nito bago umupong muli sa tabi ko. Binitawan ko si Eve at hinayaan kong pumunta sa pagkain na dala ni Dylan. “Dylan, Maxine Eve kapatid ko,” sabi ko kay Dylan at tiningnan naman niya si Eve na dumudukot na sa dala niya. “D’yn muna kayo kukuha lang ako ng plato,” oaalam ni Ate Jaz at tumayo upang pumunta sa kusina. Nakita ko naman na lumapit si Jade kay Eve at tinulungan ito sa ginagawa ng kapatid ko. “Ang cute mana sa akin,” sabi niya kaya naman napailing na lang ako. “Siya pala ’yon, ’yong KAIBIGAN mong binilhan mo ng NAPKIN.” Hindi ko alam kung may pagkakadiin ba ang pagkakasabi niya noon o ano. Napatingin naman sa akin ni Jade kaya naman nginitian ko siya at agad naman niyang nakuha ang ibig sabihin noon. “Oo ako ’yon, naubos kasi stock ko kaya nagpasuyo ako,” pagsakay ni Jade sa akin. Nakita ko naman na may dalang mga plato si Ate Jaz at tumayo naman si Dylan para tulunga ito. Tumulong na rin siya sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa. “Ninang! Andami pagkain!” tuwang-tuwang sabi ni Eve at kumuha ng fries na nasa lamesa. Umupo ulit sa tabi ko si Dylan at napansin kong nakatingin lang siya kay Eve na tuwang-tuwa sa pagkain. “Eve say thank you to kuya Dylan,” sabi ni Ate Jaz at nakangiti namang humarap si Eve kay Dylan. “Tenchuuu poooo!” sabi nito at tumalikod para balikan ang pagkain niya. “Iuwi ko na lang kaya sjya?” pasimple kong sinipa sa paa si Dylan. “Kung papayag ako?” sabi ko at bahagya naman siyang lumapit sa akin na parang may ibubulong. “Kasama ka namang iuuwi ko,” bulong nito na mukhang hindi naman narinig ng magkapatid dahil busy sila sa pagpapakain sa kapatid ko. Tinaas ko ang kamay ko at sa unang pagkakataon nabatukan ko si Dylan. “Luh? Anong nangyayari sa inyo?” tanong ni Jade dahil muntik ng masubsob si Dylan dahil sa ginawa ko. “Wala, nagbibiruan lang kami,” sabi ni Dylan habang nakahawak sa batok niya. “Nakakatakot naman kayong magbiruan,” sabi ni Jade at bumalik sa pagkain ang atensyon niya. Ako naman ang lumapit kay Dylan at bumulong. “Gusto mo pigain natin ’yang apdo mo?” tanong ko rito na ikinaatras niya. “Nakakatakot kang maglambing Eve,” sabi niya at aambahan ko na ulit siya ng batok pero mabilis siyang tumayo at lumapit sa lamesa upang kausapin ang kalatid ko. Tumingin naman ako kay Jade at nakita ko ang nanunukso niyang mga tingin kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata pero dinilaan niya lang ako. ‘Bakit ba nagkaro’n ako ng mga kaibigang abno?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD