CHAPTER 30 PREGNANT?

3151 Words
“Hoy! Ches ano ba!?” nabalik ako sa ulirat ng narinig ko ang malakas na boses ni Jacen. “H-ha?” tanong ko dahil nakatingin siya sa akin na parang nagtatanong. “Kanina pa ako tanong nang tanong kung anong nangyari at kanina ka pa tulala,” sabi niya at kinagat ang kinakain niyang corndog. “Nothing,” sabi ko at muling tumingin sa labas ng binata ng room namin. “Kill her.” Nagulat ako sa sinabi ni papa sa tauhan niya, sumilip ako sa awang ng mga karton para makita ang kanilang ginagawa. Nakita ko ang tauhan ni papa na parang may tinitingnan na kung ano. “And her daughter.” Agad na nangunot ang noo ko sa mga pinagsasabi ni papa, wala akong maintindihan. ‘Sino ang pinapapatay niya?’ Nang umalis na ang tauhan ni papa ay sinundan ko ito kung saan pupunta. Dumistansya ako para hindi nila mapansin na sumusunod ako sa kanila, napansin ko na medyo masukal na ang dinadaan namin kaya naman pinatay ko ang ilaw ng sasakyan ko para hindi nila ako makita. Nakita ko na huminto ang sasakyan nila sa isang lumang bahay, nagtago ako sa poste malapit sa kotse nila. Nakita ko na nagbabaan sila at mga nakabonet habang may mga dalang armas. Pinasok nila ang madilim na lumang bahay at hindi nagtagal ay nag-ingay na sa loob. Gusto kong pumasok pero may nagsasabi sa aking ’wag, nakatingin lang ako sa lumang bahay na nag-iingay na sa loob. ‘Pa, how...’ “Tara!” nagulat ako nang magtakbuhan palabas ang mga tauhan ni Papa kaya naman dumapa ako sa damuhan kung saan hindi nila ako makikita. “Ano!? Nadispatsa niyo na!?” rinig kong usapan nila. “Oo! Tara na!” huli kong narinig bago ko marinig ang pag-alis ng sasakyan nila. Sinigurado kong wala na sila bago ako lumabas at nagmadaling pumasok sa lumang bahay. Walang kapit-bahay ang bahay na nandito kaya naman sigurado akong walang nakakaalam nito bukod sa ama ko. Dahan-dahan akong pumasok, nakita ko na nakabukas ang pinto kaya naman maingat akong pumasok at naglakad ng tahimik. Agad na bumungad sa akin ang magulong mga gamit at mga ding-ding na may tama ng baril. Dumeretso ako sa isang k’warto kung saan nakabukas din ang pinto, agad na bumungad sa akin ang isang matandang babae na nakabulagta at duguan. Nilapitan ko siya at tinignan ang pulsuhan pero wala na itong buhay. Sunod ko namang pinasukan ang katabi nitong kwarto kung saan nakita ko naman ang isang babae na nakadapa at kapwa rin naliligo sa sariling dugo. Tulad ng ginawa ko kanina ay nilapitan ko ito at tiningnan ang pulsuhan pero tulad ng sa matandang babae ay wala na rin itong buhay. “M-ma...” Napatayo ako at agad na iginala ang paningin ng may maliit na boses akong marinig. “M-m-ma...” Tumingin ako sa ilalim ng kama at nakita ko don ang isang bata... batang lalaki na may dugo. Agad ko siyang hinitak at tiningnan, may tama siya sa braso. Namumutla na rin ito dahil sa madaming dugo ang nawawala sa kaniya. Tinitigan kong mabuti ang batang hawak-hawak ko at sa tutuusin ay mukhang nasa apat o limang taon na suya. Nangunot ang noo ko nang may maamoy akong kakaiba. ‘Amoy gasolina.’ Nagulat na ako ng biglang magliyab ang isang bahagi ng bahay at nakita ko na bumalik ang mga tauhan ni papa at may dala itong galon, sumakay sila sa sasakyan bago tuluyang umalis. Nagmadali naman akong bumaba dala ang batang lalaki na ’to, tiningnan ko pa ang dalawang taong naiwan sa loob pero mamamatay kami pare-pareho kung hindi ako agad lumabas. Laking pasasalamat ko nang makita ko ang pinto na wala pang masyadong apoy kaya naman mabilis akong tumakbo doon at dumiretso sa kotse kong nakaparada sa tagong lugar. Wala ng malay ang karga-karga ko kaya naman mas binilisan ko pa ang kilos. “Wala kang awa, isa kang halimbawa ng demonyo.” Nangigigil na bulong ko habang pinapaharurot ang sasakyan ko. EVE’s POV Hinagis ko ulit ang bola at pinabanda ’yon sa pader sa harap ko bago hampasin nang hampasin sa tuwing babalik ’yon sa akin. Basang-basa na ng pawis ang uniform ko at hindi ko na nagawang pumasok sa mga klase ko sa hapon. Isang malakas na hampas ang ibinigay ko bago mapaupo dahil sa pagod. ‘Hindi na ako takot kung ikaw lang din..’ Tumayo ulit ako at sinimulang hampasin ulit ng hampasin ang bola. ‘Hindi na ako takot kung ikaw lang din...’ ‘Hindi na ako takot kung ikaw lang din...’ ‘Hindi na ako takot kung ikaw lang din...’ “Bakla ka ba!?” malakas kong hinampas ang bola na naging dahilan para tumilapon iyon sa malayo. ‘Ofcourse not! Eve! Are you stupid!? You’re girl and he’s boy!’ “Easy...” Napatingin ako sa lalaking nag-abot sa akin ng bola, si Kale na nakabihis na at handa nang umalis. Hinagis niya sa akin ang bola at agad kong sinalo ’yon. Hinihingal akong napaupong muli sa damuhan dito sa likod ng volleyball gym. Tumayo sa gilid ko si Kale habang kinakain siyang kung ano. “Wala na ’yong ibang player, bakit nandito ka pa? At saka sa monday pa ang official training natin,” sabi niya at narinig ko naman na pinagpagan niya ang kamay niya. “Naiinip na kasi ako,” sabi ko at narinig ko naman ang pagtawa niya. “Mukhang may ibubuga ka nga, sana,” sabi niya bago ako tapikin sa balikat. “Sige na mauuna na rin ako, ikaw rin umuwi na,” Aaniya at naglakad na palayo sa akin habang kumakaway. Kinuha ko naman ang bola at nagpasyang umuwi na, kinuha ko rin ang bag at coat ko bago malakad papuntang locker kung saan wala ng tao. Tahimik akong naglakad hanggang sa makarating ako sa locker ko, binuksan ko ’yon at inilagay doon ang bolang hiniram ko kay coach. Kinuha ko ang towel ko at pinunasan ang sarili lng pawis. “Oo nga, bali-balita nga.” Hindi ko pinansin ang dalawang estudyanteng babae sa gilid ko na nag-uusap. “’Di ba nga umalis siya ng dahil kay Dylan?” wala sana akong intensyon makinig pero hindi ko maiwasang hindi marinig. “Oo, ’di ba nga nagcheat siya doon sa friend ni Dylan kaya no’ng hiniwalayan siya ni Dylan ay umalis siya dahil sa kahihiyan,” sabi ng isang babae, sino bang Dylan ang pinag-uusapan nila? “Tapos ngayon babalik na naman siya? Para ano? Magmakaawa na naman sya kay Dylan? duh as if naman babalikan pa siya ni Dylan,” rinig kong sabi pa ng isa bago ko marinig ang mga sapatos nilang tumatama sa tiles habang palayo. Sinilip ko sila at mukhang nag-uusap pa rin sila habang papalayo sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang mga narinig ko at naglakad na papuntang park. Madilim na at hindi pa rin nakabukas ang ilaw sa parking lot na nakapagpadilim dito. Wala na akong kasabay at halos wala na ang lahat ng sasakyan dito kaya naman binilisan ko pa ang lakad. Nang malapit na ako sa motor ko ay humarap ako sa likod ko at sinipa ang taong nandito. “Anak ng—” Sinipa ko ulit siya dahilan ng tuluyan niyang pagbagsak sa lupa. ‘Pagod ako, ano na naman bang palabas ’to.’ Tumingin ako sa kasamang lalaki nito na may hawak na balisong. “Kailangan niyo?” walang ganang tanong ko sa mga ’to. “Ikaw,” sabi ng isa sa kanila, ’yong sinipa ko at tumayo bago ako hampasin ng kahoy na dala niya na agad ko namang naiwasan. Nang mahawakan ko ang braso nito ay pinaikot ko siya at ngayon corner ko na siya, hawak ko na siya sa leeg. “Wala akong oras makipaglaro sa inyo, sabihin niyo kay Third kung gusto niya ng away, siya ang humarap sa akin,” sni ko bago siya itulak ng malakas dahilan para pagsubsob siya sa lupa. Tumingin naman ako sa kasama nito na mukhang takot na dahil ng ambahan ko palang siya ay binitawan na niya ang balisong na hawak niya at nagtaas ng kamay. Napailing na lang ako at nagsimulang paandarin ang motor. Walang kwenta. Pinaharurot ko ang motor ko at hindi na muling tingnan ang mga lampang tauhan ni Third. Paano ko nalaman na tauhan ni Third ang mga ’yon? Syempre nakita ko si Third nagtatago doon sa may puno habang nanonood sa ginagawa ko sa mga lampa niyang tauhan. Tss. Napapreno ako bigla nang madaan ako sa bakery shop ng Ate ni Dylan, nagpark ako sa labas at pumasok dito. Bibili ulit ako ng inipit na binigay ng Ate ni Dylan sa akin no’g nakaraan. Pumasok ako dito at tumunog ang bell na nasa taas ng pinto nito. Nakangiti akong sinalubong ng isang babae na mukha ring staff dito, hindi siya ’yong nakita namin last time ni Jade. “Good Evening, Sir!” masiglang sabi nito at bahagya naman akong yumuko bago lumapit sa mga tinapay nila. Sumilip ako don at napaatras ako nang makita ko ang mukha ng Ate ni Dylan doon. “Eve!” masiglang sabi nito at nagmamadaling lumapit sa akin para yumakap. Napaliyad naman ako ng pisilin na naman nya ang pisnge ko. “Ang cute-cute mo talaga.” Nangigigil na sabi nito at natatawang pilit naman ako kahit na nasasaktan na ako. ‘Ang weird talaga ng ate ni Dylan.’ “Good eve,” sabi ko at pasimple ko siyang inilayo sa akin dahil masakit na ang pisnge ko. “Bibili ka ulit ng tinapay? ’Yong inipit? Sige sandali lang!” tulad ng nakaraan ay hindi na niya ako hinintay makasagot at nagmadali na siyang pumunta sa stole ng mga tinapay niya. Tumingin naman ako sa staff nila na nakatingin din sa akin at nang makita niya akong nakatingin sa kaniya at kinindatan niya ako. Nakakatakot ’tong bakery ng ate ni Dylan. “Eto, ’wag mo ng bayaran.” Inabot na niya sa akin ang supot ng tinapay, wala akong balak tanggapin ’to ng libre. Nagulat naman ako ng amuyin ako ng ate ni Dylan kaya naman lumayo ako dahil amoy pawis ako. ‘Ayaw ko na, gusto ko ng umuwi.’ Dinukot ko ang wallet ko at kumuha do’n ng five hundred. Inabot ko ’yon sa ate ni Dylan na nagtataka. “Wa—” “Hindi na ako babalik dito pag hindi mo ’to tinggap,” sabi ko at agad naman niya ’yong kinuha ng marinig ang sinabi ko. Lalapit sana siya ulit pero umatras na ako na nakapagpatigil sa kaniya. “A-aalis na ako,” sabi ko at tumalikod, hinawakan ko na ang pinto ng bumaling ulit ako rito na nakatingin din sa akin habang malungkot ang kabiyang mukha. Binitawan ko ang pinto at lumapit sa kaniya, may mali talaga. “Come here,” tawag ko sa kaniya at agad naman siyang lumapit sa akin at pinisil ang pisnge ko. Nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya at bumulong. “Are you pregnant?” tanong ko na nakapagpatigil sa kaniya. Hindi normal ang kinikilos niya at ang katawan niya ay namimilog din. “Ha?” mahinang tanong niya sa akin. “Do you have a boyfriend or husband?” tanong ko rito at tumango naman siya bago itaas ang kamay niya na may singsing. Tumingin ako sa staff niya at sinenyasang lumapit. “Can you buy me a PT?” tanong ko rito at nagtatakha naman siya. “Ella, just follow him,” sabi ng Ate ni Dylan. Nag-abot ako ng pambili sa kaniya at agad naman siyang umalis. Inalalayan ko naman siyang maupo sa isa sa mga table and chair nila rito sa loob, inilapag ko ang bag at ang tinapay na binili ko sa lamesa sa harap namin bago ako maupo sa tabi ng Ate ni Dylan. “What do you like to eat?” tanong ko dito at agad naman siyang nag-isip. “I want, carbonara with chocolate syrup,” sabi niya at napatango naman ako. “Bilhan mo ako.” Nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya, tinatanong ko lang siya wala akong balak na bilhan siya. “Please?” dugtong niya pa kaya naman napailing na lang ako bago kunin ang cellphone ko bago tawagan ang isang taong alam kong kayang magluto ng mga kakaibang pagkain tulad nito. Nakailang ring pa ang lumipas bago niya sagutin ang tawag ko. “Ul?” tawag ko rito at narinig ko naman ang paghikab niya. “Oi, Cally!?” sabi niya at sumagot naman ako. “Yes, Ul p’wede mo ba akong ipagluto ng carbonara pero may twist, lagyan mo sanang chocolate syrup,” sabi ko at para na akong nasusuka sa isipin palang kung anong lasa noon. “Cally? Ano? Buntis ka—” “Stupid, that’s for my friend. Ipagluto mo na lang ako ibibigay ko na lang ang address sa’yo,” sabi ko at narinig ko naman ang pagsagot niya kaya naman pinatay ko na ang tawag. “Ilang buwan ka ng hindi dinadatnan?” tanong ko sa kaniya at agad naman siyang nagbilang. “Dalawang buwan, ang akala ko ay delayed lang,” sabi niya at nag-pout. Napansin ko na nanginginig ang mga kamay kaya hinawakan ko ’yon. “Just relax...” sabi ko naman at huminga naman siya ng malalim. “It’s just a PT,” sabi ko at tumango naman siya bago namin marinig ang staff niyang inutusan ko. Inabot ko sa kaniya ’yon at agad naman niyang kinuha at pumunta sa CR. “Sir?” tawag sa akin ng staff at tumingin naman ako sa kaniya. “Yes?” tanong ko rito. “Kaibigan po ba kayo ni Maam?” tanong niya sa akin. “No, pero ’yong kapatid niya kaibigan ko,” sagot ko rito at tumango naman siya. Kinuha ko ang tinapay sa harap ko at sinimulang kainin dahil nagugutom na ako. Nasa gitna ako ng pagkain ko ng tinapay nang makita ko ang Ate ni Dylan na nagmamadaling lumapit sa akin habang umiiyak. Nagtaka naman ako ng bigla siyang humagulgol ng iyak ng makalapit siya sa akin kaya naman pinaupo ko siya sa upuan at inutusan ang staff na kumuha ng tubig. Kinuha ko ang PT na hawak niya na may dalawang guhit na pula. ‘Oh, I knew it.’ Pinainom ko siya ng tubig at pinakalma. “Magiging mommy ka na,” sabi ko at ngumiti sa kaniya. “I’m so happy!” umiiyak na sabi niya. “Sino kasama mo rito?” tanong ko at inilibot ang paningin. “Ako lang, may sasakyan ako,” sagot niya kaya napatango ako. “Just call you—” “A-abraham?” napahinto ako sa pagsasalita nang makita kong nasa tainga na niya ang cellphone niya. “U-uhmm.” Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil sa pag-iyak niya. “P-punta ka r-rito,” sabi niya bago ibaba ang cellphone. Sakto namang dumating si Ul dala ang pinaluto ko, hindi ko na siya hinintay pang makalapit samin at sinalubong ko na siya, sinabi ko naman sa staff niya na bantayan muna ang amo niya. “Cal—” “Eve,” sabi ko at inabot ang dala niyang paper bag. “Okay Eve, 1,500.” Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera doon dahil nakalahad na ’tong nasa harap ko. “Sige na umuwi ka na.” Inabot ko sa kaniya ang pera. “Tch, salamat ha!?” napailing na alang ako dahil sa katarayan ni Ul, nakita ko na sumakay siya sa Ferrari niya at nagpaharurot. Pumasok naman ako ulit sa loob at nakita ko na umaiiyak pa rin siya, tears of joy ofcourse. Inilapag ko ang inorder ko kay Ul at binuksan, agad naman nagningning ang mata niya at kinuha ’yon bago kainin. Pinagmasdan ko siyang kumain, tiningnan ko ang pagkain niya chocolate carbonara, nagtayuan lahat ng balahibo ko sa itsura ng pagkain niya. “Hmm.” Mukhang sarap na sarap siya sa kinakain niya at napapapikit pa, kung kanina ay umiiyak siya ngayon ay nakangiti na siya. ‘Mood swing.’ Sabay naman kaming napatingin sa may pinto ng bigla itong bumukas ng malakas. “Ate!?” nag-aalala ang mukha ni Dylan habang nakatingin sa ate niya bago sa akin. Nakita ko naman na nakasunod din sa likod niya ang dalawa pang lalaki. “Ate? What the hell is that?” tanong njya rito nang makita ang kinakain ng Ate niya. “Anong nangyari? Ha?” tanong niya habang sinusuri ang ate niyang hindi siya pinapansin at panay lang ang kain. ‘Hindi na ako takot kung ikaw lang din...’ Agad na nag-init ang mukha ko ng maalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Dylan, nag-iwas ako ng tingin para walang makapansin ng pamumula ko. Naramdaman ko naman na parang may nakatingin sa akin kaya tumingin ako kila Icom at nagulat ako ng bigyan ako ng isang mapanuksong ngiti ni Icom. “Ate!? Ano bang nangyari sa’yo at umiiyak ka kanina!?” tanong ni Dylan na nakatabi na sa ate niya na hindi pa rin siya pinapansin. “Eve?” parang nagmamakaawa na ang boses niya kaya naman lakas loob akong tumingin sa kaniya at nginuso ang PT sa may harap niya, kinuha niya ’yon at tinitigan ng matagal bago magreact. “A-ano ’to?” Kandabulol na tanong ni Dylan. “PT ’yan Dy,” nakangiting sabi ni Icom at nagulat naman ako nang tumakbo si Marco papalapit kay Dylan at sumilip din sa hawak ni Dylan. “Ang sabi nila pag may dalawang linyang pula ang ibig sabihin ay positive...” Sabay nilang sinilip ’yon at nagkatinginan sila bago magtatatalon si Marco. “Congrats Dy! Daddy kana!” agad siyang binatukan ni Dylan. “Stupid! This is not mine!” sigaw ni Dylan kay Marco bago tumingin sa Ate niya. “Buntis ka ate?” seryosong tanong ni Dylan at tumango naman ang ate niyang tapos ng kumain. Tumalikod si Dylan samin at nagulat kami ng marinig namin ang mga hikbi niya. “W-why are you crying?” naiiyak na tanong ng Ate niya. Moody. “I-i’m so happy,” mahinang sabi ni Dylan. “Congrats Ate Dhalia,” nakangiting sabi ni Icom, Dhalia? Dhalia pala pangalan ng Ate ni Dylan? “Dhalia!?” halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng may isang lalaki ang nagmamadaling pumasok sa bakery ni A-ate Dhalia. “What happened hon? Huh?” nag-aalalang tanong nito namg makitang umiiyak si Ate Dhalia. ‘Sa tingin ko ay asawa siya ni ate Dhalia.’ “Hon, Positive.” Umiiyak na sabi niya sa asawa niya bago yumakap. “You’re a father now.” Nakita ko naman na tinutukso nila Icom si Dylan dahil umiiyak ito. Pinagmasdan ko sila kung paano sila mag-asaran, pinagmasdan ko kung paano sila magtawanang tatlo, napangiti ako sabay ng pagtatanong sa sarili. ‘Kaya ko bang mawala sila?’ ***** Kaya mo ba Eve?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD