“Naynay!” I staring at her, tinitingnan ko siya kung paano siya natuwa na makita niya muli at sa huling sandali ang mama niya. “Naynay! Miss na itaw ni Eve!” ani ng kapatid ko sa babaeng nakahiga sa kama at para bang natutulog lang.
“Eyt... Buladaga!” kunwari pang panggugulat ni Eve kay Max, narinig ko ang pag-iyak ni Ate Jaz na nakaupo sa isa sa mga upuan. “Sasama na itaw samin naynay?” tanong nito at nag-iintay sa sagot ng kaniyang nanay.
“Eve,” tawag ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin na nakangiti. “Tara na rito,” tawag ko sa kaniya dahil nand’yan na ang mga taong magkecremate sa katawan ni Max.
“H-huh? Saan nila dadala naynay?” tanong ni Eve na nagtataka. “N-nii— Naynay! Batit nila bubuhat naynay?” tanong ni Eve na nababasag ang boses.
“Eve,” tawag sa akin ni Jade na tinapik pa ako sa balikat.
“N-naynay...” Huling nasabi ni Eve bago lumabas ang mga hikbi niya sa labi. “N-nii-chan,” tawag niya sa akin at nakita kong nagtutubig na ang mga mata niya hanggang sa tumulo na nga ito. Agad kong pinunasan ’yon at niyakap siya, hinayaan kong mabasa ng luha niya ang balikat ko.
‘Bakit kailangan mong maranasan ’to?’
“Aalis na si naynay,” sabi ko sa kaniya at agad naman siyang tumingin sa akin, basang-basa ang mukha niya. “Aalis na si naynay kasi magpapahinga na siya.” Alam kong napakabata pa ni Eve para maintindihan ang mga sinasabi ko.
“G-gus-t-to t-to sum-sumama!” umiiyak na sabi niya bago sumubsob ulit sa balikat ko at magwala ng iyak. “Naynay!” sigaw niya at nagpupumiglas sa mga bisig ko na nakapalupot sa kaniya.
Halos mamalat na siya kakasigaw at kakaiyak. “N-naynay...” saad ni Eve at tuluyan ng nakatulog dahil sa kakaiyak.
“Cally, ako na d’yan kay Eve.” Lumapit sa akin si Ate Jaz at maingat na kinuha si Eve sa akin.
“10pm ng tumawag sakin si Ul, sinabi niya na wala na si Max,” pagkukwento ni Jade sa nangyari kagabi. “Ang sabi pa niya bago raw mawala si Max may binubulong daw ’to,” sabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya dahil nag-iba bigla ang tono ng pananalita niya. “Callista Everielle Valencia,” sabi niya.
“Pangalan ko?” tanong ko sa kaniya bago maupo sa upuang nasa likod ko.
“Maraming salamat Callista,” aniya na nakapagpatigil sa akin.
‘Masyado pang maaga para magpasalamat ka.’
Bumaba ako sa motor ko at inilagay ang cover noon.
Madami ang mga estudyante ang nakikita ko dahil lunch break na, kumain na rin kami kanina nila Jade pakatapos naming makuha ang abo ni Max na inilagay namin sa memorial.
Inayos ko ang uniform ko bago maglakad papasok sa campus.
May mga iilang bumabati sa akin na tinatanguan ko lang dahil hindi ko naman sila kilala.
“Xhion!” napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa apelyido ko. Isang hindi ko kilalang lalaki ang nakangiti at papalapit sa akin. “Ikaw nga,” sabi niya ng makalapit siya sa akin.
“May kailangan ka?” diretsahang tanong ko dahil una sa lahat hindi ko siya kilala at pangalawa gusto ko ng pumunta sa room ko.
“Lymier, vice captain ng volleyball team,” pakilala niya sa akin at inabot ang kamay, inabot ko naman ang kamay niya. “Pinaabangan ka sa akin ni coach Chan, pumunta ka raw sa gym,” sabi niya kaya naman tumango ako at sumama sa kaniya.
“Vice capatain ako, Lymier Odelle.” Pakilala nya ulit sa akin habang naglalakad kami.
“Ah, position?” tanong ko sa kaniya.
“Pinch server,” sagot niya at napatango ako. “Ikaw? Balita ko ay spiker ka raw?” tanong niya sa akin kaya naman sumagot ako.
“Sabi ni coach Chan,” sagot ko at napansin ko na nasa likod kami ng gym na pinaglaruan namin nung nakaraan. “Saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Sa gym ng volleyball, doon.” Tinuro niya ang isang gym sa di kalayuan, pumasok kami rito at halos mapahinto ang lahat dahil sa pagpasok namin. May isa ring babae rito na nakaupo habang may hawak na notebook.
“Xhion,” tawag sa akin ni coach kaya naman yumuko ako. “Everyone, this is Xhion our new player.” Pakilala sa akin ni coach kaya tiningnan ko ang mga player sa harap ko na nakahilera.
“Eve Xhion,” sabi ko at yumuko naman silang lahat sa akin.
“Welcome to Villa Rose Volleyball Club!” sabay-sabay na sabi nila.
“I’m Kale Mojica the team captain of our team!” sabi ng isang may katangkaran na nalalaki at moreno. Bahagya akong yumuko sa kaniya.
“Hi, Renier Sky, libero is my position.” Nakangiting sabi niya at inabot ang kamay ko. Matangkad din siya at sa palagay ko ay ako na pinakamaliit dito.
“Sup, Clarence Hidalgo, decoy.” Pakilala pa ng isang lalaki na mukhang tahimik.
“Setter, Axe Scarlet.” Napataas ang kilay ko sa lalaking nagpakilalang setter, tumaas lang siya ng bahagya sa akin. Ang hinhin niya at parang... Tss.
Nakapanlaro silang damit dahil nagpapractice sila kaya heto ako at nakaupo sa tabi ni coach at manonood sa laban nilang 3-3.
~PRIIITTTTT~
Narinig kong hinipan na ng babae ang pito kaya naman nagsimula na ang laban.
Nasa grupo nila Kale ang bola at siya ang magseserve.
“Look at her, she’s Harmony our manager.” Turo ni coach sa babaeng may hawak ng pito. Tumango naman ako bago ibalik sa laro ang paningin.
“Got it!” sigaw ni Kale at siya ang nagrecieve ng bola.
Mabilis siyang kumilos at alisto, walang problema sa kaniya dahil mukha namang kaya niyang kontrolin ang bola.
Pumwesto si Axe malapit sa net, magtotoss siya.
Nagkamali ako dahil nang mapunta sa direksyon niya ang bola ay tinapik niya ’yon at nalaglag sa kabilang net.
“Feint,” mahinang bulong ko. Magaling, wala man lang nakahalata na magfe-feint siya.
“Chance ball!” sigaw ni Clarence at? At? Sablay, hindi tama ang kamay niya sa pagrecieve. “Sorry,” sabi niya.
“Okay lang ’yon, bawi tayo,” ani naman ni Kale.
Ngayon palang nakikita ko na ang mga kahinaan nila, mayro’n lang kaming isang buwan para magtraining pero masyadong maikli ’yon.
*Bogsh!*
Napatingin ako nang may malakas na hampas ang tumama sa bola.
~PRIT!~
“Out!” sabi ni Manager Harmony.
Tumingin ako sa humampas noon, isang lalaki na nakatingin din sa akin. Matangkad siya at maganda ang pangangatawan.
Iba ang tingin niya, ’yong tingin na sinasabing ‘Nakita mo ’yon?’
“Wings spiker, Hobi Linkster,” sabi ni Coach bago tumayo at pumalakpak. “Konti pa Hobi,” sabi ni coach at nilapitan ang mga player niya.
‘Sa bawat laban laging may kakumpitensya.’
“Hi, here,” mahinhin na tawag sa akin ni Harmony at may inaabot sa akin na nakatuping bagay.
“Ano ‘to?” tanong ko at kinuha ’yon, binuklat ko ’yon at isang jacket na mint blue at white ang kulay. “Volleball Club,” basa ko sa nakasulat sa likod ng jacket na may sign pang agila..
“Para sa’yo ’yan dahil member ka na rin ng club namin,” aniya at ngumiti kaya nagpasalamat ako.
“Ayos may bago na tayong member!” masayang sabi ni Kale at pinalo ako sa likod.
Nilapitan ko si Axe na nakaupo at umiinom ng tubig, nakakadalawang set palang siya pero pagod na pagod na siya. “Give me a toss,” sabi ko rito at napatingin naman siya sa akin.
“Pagod na ako,” sabi niya at yumuko ulit. “Saka nal ang.”
“Stamina...” mahinang bulong ko bago tumingin kay coach.
Sinuot ko ang jacket na bigay sa akin ni manager Harmony.
“Bagay sa’yo, maganda,” bati sa akin ni Clarence. Tinanguan ko siya bago lumapit kay coach.
“Coach,” tawag ko rito at agad naman siyang tumingin.
Parte na ako ng grupong ’to kaya naman hindi ko hahayang tulayan silang mawalan ng pag-asa. Kailangan namin ng isang matinding pagtatraining.
EZEKIEL’s POV
Agad kong natanaw si Tim na bumaba sa kotse niya, may dala siyang isang brown envelope ng pumasok siya sa resto na napag-usapan namin.
“Sorry, pinag-intay kita,” sabi niya bago maghila ng upuan at umupo.
“It’s ok, kakarating ko lang din,” sabi ko at tumango naman siya.
“Here.” Binaba niya ang isang brown envelope sa harap ko kaya agad kong kinuha ’yon. “Maxy Alejar, 19 years old,” sabi ni Tim habang binabasa ko ang mga papeles.
“The f*ck! She’s too young.” Hindi ako makapaniwala, napakabata niya. “Ito ba ang babae ni papa?” tanong ko kay Tim at tumango naman siya.
Pinagpatuloy ko ang pagtingin at may nabasa ako na nakapagpatigil sakin.
“She have a little angle who named Maxine Eve Alejar,” sabi niya at may dinukot sa bulsa ng jacket niya. “Here.” Inabot niya sa akin ang isang picture kung saan may isang batang nakangiti, hindi pa kompleto ang ngipin niya, maganda siya kahit na madusing ang mukha niya at may kaputian din siya... nahahawig siya kay Kuya Van.
“She’s my little s-sister?” tanong ko at tumingin kay Tim.
“Yes, at nagcelebrate siya ng ikalawa niyang kaarawan noong nakaraang linggo,” Aniya pa at napahilamos ako sa mukha.
‘Hindi mo na talaga ginalang si Mommy at talagang nilusutan mo pa.’
“Nasaan sila ngayon?” tanong ko, gusto kong makita ang kapatid ko.
Nakita ko na nag-iwas ng tingin si Tim. “May kalayuan ang lugar nila mula rito,” sabi niya na hindi pa rin tumitingin sa akin.
“I don’t care!” sagot ko sa kaniya at noon lang siya humarap sa akin. “Pupuntahan natin sila,” sabi ko at tumayo pero agad din niya akong pinigilan.“What’s the problem, ha! Tim!? Ano bang pr—”
“She’s gone,” mahinang sabi niya na nakapagpahinto sa akin. “She’s passed away last night... because of her sick.” Nakatingin lang ako sa kaniya, parang wala akong narinig.
“W-what?” my voice broke, I can’t believe. She’s too young.
“Mayro‘n siyang cancer, brain cancer stage 4,” dugtong niya pa.
“’Y-yong kapatid ko?” tanong ko rito, nabasa ko na wala na siyang ibang kamag-anak dito dahil nasa ibang bansa ang pamilya niya.
“I don’t know,” sagot nuya kaya naman tiningnan ko siya ng masama.
“Give me a goddam answer,” utos ko sa kaniya at umiling siya. “Paanong hindi mo alam!?” galit na tanong ko, hindi p’wedeng makuha ni Papa ang batang ’yon dahil alam ko ang mangyayari, alam na alam ko.
“May kumuha sa anak niya nong araw ng birthday nang anak niya.” Sabi niya kaya napataas ang kilay ko.
“Sino?” hindi sana si Papa.
“Hindi niya masabi sa akin dahil hindi na niya maalala ang pangalan, naapektuhan na ang alaala niya nang sakit niya,” sabi inya pa sa akin at tumingin bago iabot ang isa pang picture. “Ang nasabi niya na lang ay isang lalaki na may kasamang babae.” Napatigil ako ng makita ko ang picture.
That’s dad, nakasandal siya sa kotse niya habang nakatingin sa mag-inang mukhang pulubi dahil sa pananamit ng mga ’to.
“Don’t tell me...” Tumingin ako kay Tim.
“May posibilidad na nakuha siya ng papa mo,” ani Tim at nalukot ko ang picture na hawak ko.
“That’s bullsh*t, right?” Nanggigigil na sabi ko.
Ang bigat ng dibdib ko, ’yong bata.
’Yong kapatid ko.
‘Please, don’t.’